Junior Semi-Finals

4208 Words
Unang Sunday ng disyembre nakatambay si Raffy at Abbey sa bahay ng dalaga. Sa salas sila nakaupo at nakaharap sa telebisyon. “Congressman Santiago is such a mabait person no?” tanong ng dalaga. “Oo nga e, tignan mo billionaire siya and di daw niya tinatanggap sweldo niya. He just wanted to serve the people daw” sabi ni binata. “Tignan mo namimigay ulit ng mga houses sa mga poor. Grabe sarap siguro maging mayaman tulad niya no?” tanong ni Abbey. “Kayong dalawa sa lahat ng pwede niyo panoorin news pa. Alam ko both of you are scared” sabi ni Peter na biglang sumulpot sa likuran nila. “Daddy naman di naman po ganon” banat ni Raffy at biglang natawa si Abbey. “Raphael ilang beses ko sasabihin sa iyo na wag mo ako tatawaging daddy?” tanong ni Peter at pacute naman ang binata. “Papa?” landi niya at napahalakhak ang dalaga. “At ikaw gustong gusto mo naman ata” sabi ni Peter. “Dad! Oo kinakabahan kami. Sabi namin magplano kami pero hindi namin magawa. What if we fail? What if we lose?” sabi ni Abbey. Naupo si Peter sa gitna nung dalawa at huminga ng malalim. “Alam niyo atin atin lang ha, all the professors are rooting for you. Pati na ata karamihan ng mga students gusto kayo manalo” sabi niya. “Daddy naman e! Lalo mo lang kami pinapahirapan e. Now too much pressure for us to win pag ganyan” sabi ni Abbey. “Anak bakit ka sumali?” tanong ni Peter. “Kasi I wanted to win” sabi ng dalaga. “Ikaw Raffy bakit ka pumayag na sumali?” tanong naman ng ama ng dalaga. “Kasi pinilit niya ako” sagot niya at nagtawanan yung tatlo. “You both want to win for your own reasons. Alam niyo bilib ang lahat sa inyo, you showed everyone what partner dueling is all about. Do you want to know why mga professors masaya sa inyo? Kasi sa buong history ng school kayo lang nagpakita ng kakaibang partnership. Nung nagstart yung event kayong dalawa were just normal duelists but nung November you two became really great” “Ano tawag niyo don? Dragon Flight? Dragon Flame? Honestly, that was one of the greatest duels ever na napanood ko. Oo sisiw yung nakalaban niyo pero what you two did that day changed everything. Napahanga niyo kami ng husto, lahat kami nagduel din at sinasabi namin, bakit di natin nagawa yon noon? How come you two are so focused and serious to be even able to execute those kind of plans and attacks” “Isa lang naisip namin na sagot, you two really wanted to win. And if ever you do win the grand championship, masasabi ko sa inyo kayo lang ang deserving na manalo sa buong history ng school. Yes maaring the past champions were great and powerful pero kayong dalawa, you gave the real meaning to partnership duels. I am sure the founders of this school or even the whole magic community will be very proud of you two” “Sila ang dapat matakot sa inyo kasi magpartner kayo. Sila? They are just a team. Yes they think they have partners but sa totoo all they have is a team. You two are partners. Think about that” sabi ni Peter at umalis na at iniwan yung dalawa sa salas. Nagkatitigan yung dalawa sa couch at nagngitian. “Okay sino na nga ulit yung mga makakalaban natin?” tanong ni Abbey at kinuha ni Raffy notes niya at sabay nila tinignan. “Henry and Chad, Rayver and Emil, all golden boys. Then Felicia and Cessa, our friends” sabi ng binata. “Ei hindi ka takot sa golden boys ano?” tanong ng dalaga. “Oo, takot ako para kina Felicia at Cessa. They barely survived their last duel kasi e” bulong ng binata. “Pareho pala tayo iniisip. In as much as being friends is concerned ayaw ko sana sila makaharap, pero better us than those four golden eggs. Sana tayo magharap sa semis then kahit sino na makaharap natin sa finals” bulong ni Abbey. Sa may kusina sumandal si Abigail sa kanyang asawa. “Kaya naman pala sila worried. For their friends pala” bulong niya. “Oo nga e, nag speech pa ako akala ko takot sila. Ibang iba sila, kami ni Felipe kahit sino kalaban, kaibigan o hindi gugulpihin talaga namin. Wala kami takot kasi bilib kami sa kaya namin” sabi ni Peter. “Bilib din sila sa kaya nila kaya lang iniisip din nila yung iba. We are looking at the two greatest future wizards, at very proud ako anak ko yung isa” lambing ni Abigail at yumakap sa asawa niya. “Now I know why sila yung napili at hindi kami ni Felipe. Kami ni Felipe we were really powerful…pero we were becoming monsters. We lacked the heart and mind…hindi pala, Felipe had it, I didn’t. Now I know why they were chosen and not us” Lunes ng umaga maaga pumasok sina Abbey at Raffy. Itong araw na ito ay para lang sa semi finals matches ng mga juniors. Puno na yung grounds, lahat nakatingala sa battle screen at inaantay ang mga magiging pairings. Sina Felicia at Cessa dumating kasama si Yvonne at all smiles sila. “Hello mga sis, sorry ha I have to ask agad. Sino gusto niyo makaharap?” tanong ni Abbey. “Kahit sino sa inyo” banat ni Felicia at bungisngis sila ni Cessa. “Seryoso kasi” hirit ni Abbey at napasimangot yung dalawa. “Kagabi pa natatakot si Felicia. We fear that pag makaharap namin sina Henry ay pag initan niya kami ng husto” sumbong ni Cessa. “Sigurado din ako ganon din gagawin ng kapwa golden boys…” bulong ni Felicia. “So you were praying it was us?” tanong ni Abbey. “We were praying kayo din makaharap namin agad” sabi ni Raffy at sinensyasan nalang partner niya na manahimik. Lumabas na ang mga pangalan ng mga maglalaban sa screen. Sobrang natuwa ang magbabarkada pagkat sila ang magtatapat. “Wish granted” bigkas ni Raphael. “So pano ba to, wala munang friendship friendship” banat ni Cessa at nagtawanan yung apat. “No hard feelings ha, sasaktan namin talaga kayo” landi ni Felicia. “Uy ano ba kayo, seryoso ba kayo?” tanong ni Abbey. “Ano gusto mo lagyan ng pusta para magseryoso ka din?” banat ni Yvonne. “Sira, don’t worry we will hold back” pasikat ni Abbey. “Nakakainsulto ka naman” drama ni Felicia at nagkatitigan yung dalawa. “What Abbey is trying to say she does not want to hurt any of you” sabi ni Raffy. “Hay naku, this is a duel. Ready kami at mas masaya pa kami masaktan from you two knowing that you think its also a duel only. Kesa naman sa masaktan kami from the golden boys knowing may hidden anger and revenge involved no” paliwanag ni Cessa. “So you two fight as you two, yung normal at kami din lalaban ng patas. Tapos para lalaban ka talaga lagyan natin ng pusta. If you win you keep Raphael, if we win akin siya” landi ni Felicia at napanganga ang binata. “Ah ganon, as if you would win” sabat ni Abbey at nagtarayan yung dalawa. “See you later Ra-pha-ellll” landi ni Felicia at nagbungisngisan sila ni Cessa. “Oy ano ba kayo? Lets do this just for fun” sabi ng binata. “Shut up! Tara na at gulpihin natin yang dalawang bruhang yan” sabi ni Abbey at hinila ang partner niya papunta sa gitna. Medyo hati ang crowd pagkat madaming male fans si Felicia dahil sa ganda niya. Nagmeet yung apat sa gitna at nagformal bow. “Hello Raffy” pacute ni Felicia. “Prepare to die b***h” bulong ni Abbey at nagbow yung apat. Naglakad palayo na yung apat, si Raffy medyo nalilito pagkat nakikitang galit talaga partner niya. “Abbey are you role playing? Acting lang yan no?” tanong niya. Pagharap nila huminga si Abbey ng malalim at nanlilisik talaga mga mata niya. “As if naman makukuha ka nila sa akin” bulong ng dalaga at sobrang napangiti ang binata at pumapalakpak ang kanyang tenga. “Ano nginingiti mo diyan? Pag ikaw lalambot lambot ka dahil babae sila kawawa ka sa akin mamaya tandaan mo yan” banta ni Abbey. “As if naman gusto ko mapunta sa kanya” bulong niya at final bow at yung apat mabilis na nag spread out. “Huh they changed tactics” bigkas ni Abbey. “Hoy bruha! Genius tong kasama ko no. And yes I am serious about Raffy” sigaw ni Felicia. “Kakalbuhin kita bruha ka!” sigaw ni Abbey at sabay sila sumugod ni Raphael. Nagulat ang lahat nang sumugod din sina Cessa at Felicia, nung malapit na sila magsalpukan mabilis nagslide yung dalawa at tinira ang mga paa nung magpartner. Nadapa paharap sina Raffy at Abbey, sina Felicia at Cessa ang bilis gumalaw, sa isang iglap nakaupo si Felicia sa likod ni Abbey, si Cessa naman sa likod ni Raphael. Nahawakan ang mga ulo ng magpartner at sinubsob mukha nila sa lupa. “Ice lock!” sigaw nina Felica at Cessa ng sabay at biglang may yelong lumabas sa lupa at sumakal sa mga leeg, mga paa, at mga kamay nina Abbey at Raffy. Tumayo sina Felicia at Cessa at tumakbong palayo. Tulala ang lahat pagkat hindi makapiglas yung magpartner habang yung team beauty and brains sabay talaga galaw nila at tila planado ang lahat. “I told you we were serious, so eto sa inyo!” sigaw ni Felicia at nagtabi sila ni Cessa at naghulma ng mga huge power balls. Sigawan at palakpakan ang mga admirers ni Felicia, karamihan ng crowd tulala lang pagkat nakikita nila sina Abbey at Raffy na hirap talaga kumalas sa ice locks. Hinagis nung dalawa yung power balls nila, sumigaw na si Abbey at pinikit ang kanyang mga mata. Tumindi ang hiyawan sa crowd, tumama yung power balls at napakalakas yung pagsabog. Paghupa ng liwanag nadismaya ang mga boys habang hiyawan na ulit yung karamihan pagkat kita ni Raphael nakatayo sa harapan, mga wrists niya duguan pati na ang leeg. Nagulat si Cessa at napakamot, “Whoa how did he escape the locks?” bulong niya at bigla nakaramdam ang lahat ng kakaibang mainit na hangin. Pintik ni Raffy mga daliri niya at nabasag yung mga ice locks sa katawan ng kanyang partner. “Youre bleeding, are you okay?” tanong agad ni Abbey. “Are you okay?” sagot ng binata. “Yes” sabi ng dalaga. “Then I am okay, come on lets go” sigaw ni Raphael at muling sumugod yung dalawa. From frontal attach biglang nag ekis yung takbo nila para mag exchange ng kalaban, di natinag sina Felicia at Cessa, muli sila nag slide pero yung mag partner tumalon sa ere. Bad move pagkat yun pala inaasahan ng kalaban, kay bilis tumayo nina Felicia at Cessa, mablis nila nahawakan sa likod ng leeg yung dalawang magpartner sa ere at madiin sinubsob mukha nila sa lupa. Tumayo sina Cessa at Felicia sa likod nung dalawa sabay tumalon at pinaglanding ang mga tuhod nila sa likod ng magpartner. Sumigaw sa sakit si Abbey, in shock ang buong crowd sa mga kakaibang galaw nina Cessa at Felicia. “Ice lock!” sigaw ni Felicia, muling nabalot ng yelo ang mga leeg, kamay at paa nung mag partner pero ngayon yung team beauty and brain paspas lumayo at paspas din naghulma ng powerballs. Dahan dahan lang tumayo si Raffy na kinagulat ng lahat. Tulala sina Felicia pagkat wala yung mga ice lock. Pinitik ulit ni Raff yang mga daliri niya at nakawala ang kanyang partner. Tinapon nina Felicia at Cessa yung power balls at sinalo lang ito ng likod ng binata. “Pinapamigay mo ba ako sa kanila?” tanong ni Raffy. “Hindi! E ikaw gusto mo ata mapunta sa kanila e” sabat ni Abbey. “Hindi rin, so ano gagawin natin?” tanong ng binata at nagtawanan yung dalawa. “Hoy tama na yung daldal niyo!” sigaw ni Cessa at pagalit na lumingon si Raphael at tinuro yung dalawa. “Ice lock!” sigaw niya at napahiga bigla sina Felica at Cessa sa lupa at sila naman ang nagapusan ng yelo sa leeg, kamay at mga paa. Nagulat si Abbey lalo na yung mga guro. Si Hilda talagang napalapit konti, “He absorbed the ice lock…ibig sabihin nagamit na niya yung Phoenix flame?” bulong niya. Naglakad palayo yung magpartner at pinagpag ang dumi sa katawan nila. “Ei…kanina may sugat ka…nasan na?” tanong ni Abbey. “Malay ko ba, irerelase ko na sila. I don’t want to go with them” sabi ng binata. “And I don’t want that too” sagot ni Abbey at pinitik ni Raphael daliri niya at nakawala na sina Cessa at Felicia. Sumugod agad yung dalawa, sumugod team yung kanilang kalaban. “Game” bigkas ni Abbey at nung paslide na ulit sina Cessa at Felicia ay nagdive yung magpartner. Mabilis sila nakahawak sa mga balikat ng kalaban at sila naman ngayon ang nag umpog ng ulo nila sa lupa. Nahilo konti yung team beauty and brain, si Raffy tumayo sa malayo at sumugod sa kanya si Abbey. Tulala ang lahat nang mag body walk si Abbey tulad ng wall walk na ginawa ni Raffy noon. Two steps sa dibdib ng binata at sumerko siya sa ere at naglanding ng flaming elbows sa dibdib nina Cessa at Felicia. Super hiwayan ang lahat sa mala wrestling move ni Abbey. Dahil sa awa lumayo yung magpartner at pinagbigyan makarecover ang kanilang kalaban. Wala naman nagrereklamo sa crowd pagkat naaliw sila sa magandang laban. Tumayo si Felicia at tumawa, dahan dahan siya nagsasayaw at nag strip tease. Ito ang inaantay ng lahat, ang kanyang killer move. “Ice Tease” bigkas ng dalaga at si Raffy agad nanigas at napangiti. Tinanggal talaga ni Felica ang polo niya, bra ang natira, biglang naglaway si Raffy at nagpanic si Abbey at pilit tinakpan mga mata ng partner niya. “Too late ka na sis, I have him under my control already” landi ni Felicia. “Raphael come to me…” hirit niya at naglakad si Raffy papunta sa dalawa at tatlo sila humarap kay Abbey. “Three against one” bigkas ni Cessa at naghanda si Abbey dahil sumugod yung tatlo papunta sa kanya. Tulala ang buong crowd pagkat ngayon lang ginawa to ni Felicia, dati ay pinapatigas niya lang yung kalaban pero ngayon nag level up siya. Di alam ng lahat eto ang combined powers ng team beauty and brain, si Felicia ang aakit at si Cessa ang sasakot sa isipan ng kalaban. “Abbey don’t move just prepare flaming fists” narinig bigla ni Abbey pero di niya alam saan galing. “Its me Raphael” hirit ng boses sa isipan niya kaya agad naghanda yung dalawa at ngumiti. Pasugod talaga sina Felicia at Cessa at may hulma silang power balls, si Raffy one step behind nung dalawa. Nung malapit na sila kay Abbey, biglang hinawakan ni Raphael yung likod ng leeg ng dalawang dalaga at pinag umpog ang kanilang mga ulo. Si Abbey naman sinuntok ang flaming fists niya sa tiyan ng mga kaibigan at tumapis sila ng malayo. Di makapaniwala sina Cessa at Felicia sa nangyari, pagtayo nila susugod sana si Abbey pero pinatigil siya ni Raphael. Humarap yung binata at biglang sumayaw ng sexy dance at nag strip tease. Tilian yung mga babae sa crowd habang yung mga lalake nasusuka at nagtatawanan. Sina Cessa at Felicia biglang nanigas ng tuluyan sa hypnotizing ice tease ni Raphael sa kanila. Nung una tawa ng tawa si Abbey pero siya biglang nanigas kasama yung paninigas ng lahat ng babaeng manonood. Tumigil si Raffy at nilapitan ang mga kalaban, tinulak niya ang mga noo nung dalawa at natumba ang mga ito. “Abbey we won!” sigaw niya at paglingon niya nagpanic siya pagkat nakita niyang frozen ang kanyang partner. “This is bad madam” bigkas ni Peter at nagulat ang mga guro pagkat pati si Hilda nanigas. “Diyos ko po…maliit lang yung clinic” bigkas ni Erwin at hinaplos niya noo niya. “Raffy what have you done?” tanong ni Peter pabulong. Tanghali na nung nagamot ni Erwin ang lahat ng babaeng mag aaral. Back to normal na ang lahat pero si Raffy tahimik na nakaupo sa opisina ni Hilda. “Grandmama di ko naman sinasadya yon e” bulong ng binata. “How did you even do that? Ice lock tapos yung ice tease. Tinuruan ka ni Felicia ano?” tanong ni Abbey. “Calm down iha, you see Raphael has this ability to absorb magic and then reflect it” paliwanag ni Hilda. “Why didn’t you tell me?” tanong ng dalaga. “I thought you knew already nung nilabanan ko si Henry” sagot ng binata. “Hindi ko alam, akala ko galit ka lang talaga noon kaya naglabas ka ng super magic. You know parang sa movies kung gipit yung bida then pag nagalit maglalabas siya super powers” pacute ng dalaga at nagtawanan ang lahat. “Well my secret is out, pero di ko po sadya talaga” sabi ni Raffy. “The problem is iho when you reflect the magic parang dumodoble o lumalakas masyado. The power you reflect is amplified kaya imbes na sina Felicia at Cessa lang tatamaan ay lahat ng girls natamaan” sabi ni Prudencio. “So are you saying di ko na pwede gamitin ang reflect?” tanong ng binata. “Of course not, just use it wisely…lalo na yung isang tinatago mo pa…you know what I mean” sabi ni Hilda at nagkatitigan yung dalawa. “I only could store one before…pero nagulat ako when I tried to absorb Felicia’s ice lock. Gumana siya so I was happy and confident. Don’t worry grandmama, yung sinasabi niyo tinatago ko yon…just in case magharap ulit kami non. Ibabalik ko lang sa kanya” bulong ng binata. “Well then you two may go, congratulations for reaching the finals. I am sure maganda ang magiging championship battle ng mga juniors. I do hope wag kayo magtanim ng galit kina Felicia at Cessa” sabi ni Hilda. “Opo lola, actually magpapasalamat po kami sa kanila” sabi ni Abbey. “Oh? Why?” tanong ng matanda. “Basta po, amin nalang yon” sabi ng dalaga at umalis na sila ni Raffy. Naiwan ang mga guro sa opisina at humarap sa principal. “So Raffy can now absorb two powers and reflect them. Pero natatakot talaga ako sa pag gamit niya nung Phoenix flame. Look what happened a while ago, pati ako naapektuhan ng simple teasing spell” sabi ng matanda. “Bantayan niyo maigi galaw ni Raffy outside the school. He does not know the full power of the Phoenix flame. Baka pag nagamit niya yon mabibigla siya sa epekto” “He does not know that flame is meant to kill. He might think its just intended to hurt” sabi ni Prudencio. “Kaya nga e, yun ang kinakatakot ko. Even if he uses it on Froilan, baka magugulo isip niya after. Once nakapatay siya hindi na siya babalik sa dati, it might destroy his mind so iwasan niyo magharap yung dalawa. Sigurado ako Raffy will use it whenever he gets the chance” sabi ni Hilda. Sa may lawa nagsama sama sina Abbey, Raffy, Cessa, Felicia at Yvonne. “Ei galit kayo?” tanong ni Abbey. “Sira hindi no, syempre nagnais din kami manalo but hanggang don lang talaga kami” sabi ni Felicia. “Sorry about the name calling and swearing pala” pacute ni Cessa at nagyakapan ang magbabarkada. “We would like to thank you” biglang sabi ni Raffy. “For what? Taking of my polo?” landi ni Felicia at kinurot siya ni Abbey at nagtawanan sila. “Hindi, seryoso ako, salamat talaga. You taught us something very valuable. Sorry at minaliit namin kayo, yes naghanda kami para sa inyo din pero binigla niyo kami” “Maraming salamat sa pagpakita sa amin ni Abbey that even if nakaplano kami, lots of things can go wrong still. You showed us our weakness, we never prepared for events kung saan nagugulpi kami. Lahat ng pinaghandaan namin yung kami manggugulat” sabi ng binata. “Alam niyo medyo predictable narin kayo e. Kung nagawa namin what more sina Henry diba? O kaya si Teddy na lagi din nanonood sa laban niyo. Kami naman ni Felicia we also wanted to win talaga. Sad kami dahil talo pero dahil sa sinabi mo happy narin kasi nakatulong pala kami sa inyo. Mahina nga kami siguro ni Felicia pero we tried to use tactics din like you two” kwento ni Cessa. “Actually we copied your notes” bulong ni Felicia at muli sila nagtawanan. “Ah Cessa, alam ko matalino ka. So can you teach me naman mga findings mo about me and Abbey, pati na kina Henry sana” bulong ni Raphael. “Oo naman! Sus yun lang pala e. Pero nagugutom kami e” banat ni Cessa. “Oo tara sa mall after class treat ko” sabi ng binata. Pagsapit ng dismissal palabas yung magbabarkada kahit na may laban pa sa grounds. “Hoy Raphael bakit ka aalis? Manood ka para alam mo ano mangyayari sa inyo sa finals!” sigaw ni Henry. “E di boring na at walang thrill. Surpise mo nalang kami sa finals” sagot ni Raffy sabay ngumisi. “Abbey pangako ko sa iyo magluluksa ka sa finals. Pangako ko sa iyo yon” banta ni Henry at lahat napatingin sa kanya. “Abbey don’t listen to him” narinig ng dalaga sa isipan niya kaya agad niya tinignan si Raffy. “How did you do that?” tanong niya. “Ewan ko, try mo din kasi” sagot nanaman ng binata sa isipan ng dalaga. On the way sa mall parang natatae si Abbey sa kasusubok sa pag usap gamit isip niya. Sa loob ng isang fast food restaurant nagtabi sila ni Felicia at Yvonne habang katapat nila si Cessa at Raffy. “Sorry kanina pala” bulong ni Abbey sabay hinaplos kamay ni Felicia. “Me too, parang ang bigat sa dibdib no?” sagot ng kaibigan niya at nagtawanan yung dalawa. “Uy pero about Raffy…were you serious?” bulong ni Abbey at nagkatitigan yung dalawa. “Who wouldn’t ba? Pero siyempre youre my friend so don’t worry Abs” bulong ni Felicia at nagngitian yung dalawa. “Kakalbuhin talaga kita bruha ka” bigkas ni Abbey sa isipan niya at biglang natawa si Raffy. Tinignan siya ni Abbey, “Hoy naririnig mo na ako?” tanong niya gamit isipan niya. “Oo kaya, Felicia is very pretty you know and very sexy” landi ng binata sa isipan niya sabay ngumisi. Nagsimangot ang dalaga at kumapit sa lamesa. “Ah ganon? So you like her pala” sumbat ng dalaga at nagtataka na yung mga kaibigan nila sa kanilang stare down. “Hoy ano ba ginagawa niyong dalawa?” tanong ni Yvonne. “Para kayong natatae pareho” banat ni Cessa at nagtawanan yung tatlo. “Look, Felicia is really pretty. Just being honest. She is prettier than you, just being honest” sabi ni Raffy at nag init na talaga ulo ni Abbey at nanlisik ang mga mata. “Pero Abbey the greatest truth is still the same. Alam mo na yon, I told you before. You told me to wait until you trust me so nag aantay parin ako. Wala nagbago mula noon but it seems you have forgotten” “So let me remind you. I liked you before…I like you more even now. Just being honest” sagot ni Raffy sa isipan niya at biglang napangiti si Abbey at tumingin sa malayo na nagbubungisngis. “Hala Abbey para kang sira, mag isa tumatawa” sabi ni Felicia. “Hmmm youre prettier than me” bigkas ni Abbey sabay ngiti. “Parang sira talaga to, hoy” sabi ni Yvonne. “But he likes me…and me alone” bulong ni Abbey sa napakahinang boses at pasimpleng tinitigan ang kanyang partner. “And i…” bigkas niya sa isipan kaya napatingin sa kanya si Raffy. “And i…just being honest” landi niya. “Ano?” tanong ni Raffy. “Walaaaaa…” pacute ng dalaga at muling tumawa ng mag isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD