Last day of classes bago mag Christmas break ang mga estudyante, araw din ng mga championship matches ng duel event. Gamit ang mahika nagkaroon ng napakalaking outdoor coliseum kung saan magaganap ang mga duelo, dahil isa tong grand event kaya madaming bisita din ang nagpunta para manood. Sa may bodega nagtago sina Abbey at Raffy, kinakabahan yung dalawa at lakad ng lakad. “Did you wear shorts underneath?” tanong ng binata. “Opo, pero do I have to wear this chest protector? Tignan mo sira figure ko o, parang tumaba ako at naging flat chested” sabi ng dalaga. “Tsk Abbey naman e, for your protection yan. Alam mo naman bastos si Henry e. Pumapatol sa babae, alam mo naman I will protect you but what if lang naman” paliwanag ni Raffy. “Okay, pero sana pati ikaw nagsuot din” sabi ni Abbey. “Sa

