Linggo ng umaga nagtipon ang mga propesor ng buong paaralan sa auditorium. Pinaghahandaan nila ang magaganap na grand duel events kaya lahat sila masyadong excited. “We have a problem. Nasanay na tayo na kokonti lang ang sumasali sa grand duel events. This year almost everyone registered” sabi ni Hilda.
“Kahit yung mga juniors?” tanong ni Lani. “Actually sila nga yung may pinakamarami e” sabi ng highschool principal. “Usually kung anong year level ni Teddy doon napakakonti ang sumasali, this year ang daming college students ang sumali. We expected konti din sasali sa Seniors because of Adolph pero look this is outrageous. It seems the students are not afraid anymore” sabi ni Hilda.
“There is no shame in losing and they all want to test their abilities against stronger opponents. This is really healthy for everyone” sabi ni Ricardo. “Pero sa dami ng participants the event might extend for months. Dati two weeks lang tapos na pero this time ilang buwan ang aabutin natin. So our problem is the regular classes. We could suspend for two weeks dati no sweat. Sigurado ko lahat gusto manood” sabi ni Prudencio.
“We have no problems in the elementary division, since di sila pwede manood and regular classes will go on. So we the elementary teachers can help out after our classes” sabi ni Lani. “If we are going to schedule duels we must have schedule them in such a way hindi maapektuhan ang mga klase ng mga bata” sabi ni Ernie. “I agree, perhaps we can have one before classes in the morning, then one at lunch and one more after classes. Then Saturday the whole day we can have duels but leave Sunday for family time” sabi ni Ivy.
“So parang magiging normal daily routine na. Good suggestion and sang ayon ako. It’s the only way at kahit ilang buwan pa tumagal ito. Tutal the combatants are given the chance to rest din if they are scheduled that way saka na tayo magsuspend ng classes pagdating natin sa battle of champions. What do you think?” tanong ni Hilda.
“Tama ka, instead of the usual suspension at the start of the event, gawin natin sa end. Para mas maenjoy ng lahat yung battle of champions. But you have to remember, we are bringing back the partnership duels kaya kailangan natin ibalik ito ng buo” paalala ni Ricardo. “Anong ibig mong sabihin na buo?” tanong ng highschool principal.
“The champions of all year levels have to try to camp and hike to the top of the sacred mountain” sabi ni Peter at biglang nangilabot ang lahat. “He is correct that is the tradition, we have to abide and let them try to reach the top” sabi ni Ricardo. “So the champions will be excused from their classes on that event. Okay then Eric ikaw na gumawa ng program. Make sure the contestants are seeded well. Let the computer select and you post the schedule sa main lobby” utos ni Hilda.
“Wait! Mas maganda ata pag mamili yung computer on the spot five minutes before the duel time. Mas enjoy ata yon kasi take note if we are preparing them for battle anytime pwede mangyari ang laban. At least we give them five minutes to prepare” sabi ni Ernie at sumangayon ang lahat sa kanya. “Okay Eric ikaw na bahala diyan. Mas maganda nga din ito para maturuan din sila ng disiplina at a good lesson to be prepared always. Kasi their names can pop up anytime and they should be ready to fight. Good then so with that our meeting has ended” sabi ni Hilda.
Nakarelax na ang lahat nang dumating ang kanilang meryenda. “Hoy Pedro hindi ka ba kinakabahan at sumali anak mo?” tanong ni Erwin. “Bakit siya kakabahan e ang pinili naman niyang partner ay si Raphael?” sagot ni Romina. “Yun na nga e, si Raphael pinili niya dapat matakot si Pedro kasi alam natin lahat na dinadaan niya lang sa sindak at diskarte. E pano kung maubusan na siya?” tanong ni Alfredo, isang college professor.
Tahimik lang si Pedro kaya tuloy ang pagtatanong ng iba sa kanya. “Malakas nga si Abbey but we all know di niya kaya kontrolin kapangyarihan niya. Pano na kung makaharap nila yung malalakas talaga?” tanong ni Ernie at ngumiti lang si Peter. “Alam niyo wala ako problema sa pagsali ni Abbey. The past years natatakot ako baka gusto niya sumali sa grand duels pero thankfully ayaw niya”
“Takot na takot din ako dati. This year she told me that sasali daw siya at si Raphael ang partner niya. Hindi ako kumontra kasi I know my daughter chose correctly. Kung ibang student na pipili kay Raffy maiintindihan natin bakit kasi alam nila malakas siya. Abbey knows Raffy is weak so magtataka ka bakit niya pinili yon pero naiintindihan ko siya. I didn’t choose Felipe as my partner before because mahina siya para makapagbida ako, alam ko protektado ako sa kanya at…bilang kaibigan kailangan ko din siya protektahan sa laban. Mas challenging pag ganon. My daughter chose him kasi she knows she will be safe and protected”
“I agree with her. Comportable ako sa desisyon niya kasi alam ko wala nang ibang estudyante diyan na makakaprotekta sa anak ko. Alam ko di ako bibiguin ni Raphael” paliwanag ni Peter at napangiti nalang ang lahat sa kanya. “Speaking of Raffy and Abbey, they are here in school right now” sabi ni Hilda.
“And what are they doing here on a Sunday?” tanong ni Ricardo. “Well Raphael was scared at siya ang pinili ni Abbey. Takot na takot siya na mabibigo siya kaya nagpapaturo siya special basic lessons. So I said I will teach him pero may kapalit. Pinalinis ko yung bodega” sabi ni Hilda at nagtawanan ang lahat. “Kawawa naman siya, ang laki nung bodega” sabi ni Prudencio.
“Oh he didn’t come alone. Abbey came too at magpapaturo din daw” sabi ni Hilda sabay ngumisi kay Peter. “Pero Hilda tandaan mo madami silang makikita sa bodega” reklamo ni Lani. “Oh really? They will only see the tradition of this school. Old pictures, old robes, mostly memorabilias and trophies” sabi ng matandang principal. “The pictures of his father? Grandfather?” tanong ni Ricardo.
“Kung mamukhaan niya sila” sabi ni Hida at nagtawanan ang lahat. “So don’t worry at wala sila makikita doon I am sure of it. Gusto ko lang makita nila yung nakaraan natin lahat and hopefully they will fully understand what their responsibilities as apprentices to Master Ysmael is all about even if they don’t know they have been chosen already” hirit ni Hilda.
Sa illalim ng administration building matatagpuan ang malaking bodega. Imbes na naglilinis ay laughing trip sina Abbey at Raffy pagkat ang binata matapos linisan ang isang tungkod ay nag todo acting na matanda na may back pains. “Iha nakita mo tong wand ko? Dual purpose to, tungkod at wand. Ipapamana ko to sa apo kong si Hilda kasi malapit narin siyang uugod ugod” bigkas ni Raffy sa matandang uugod ugod na boses.
Tinabi ni Raffy yung tungkod at nakita yung isang tribal wooden staff at kinuha ito. “Ah eto iha, super giant wand ito kasi akala ko pag mas malaki yung wand mas malaki yung magic. Mali pala ako pero sayang din trinabaho ko dito kaya tinago ko nalang” banat niya at halos maiyak na si Abbey sa katatawa.
“Tama na masakit na tiyan ko. Wala na tayo nalilinis dito o” sabi ni Abbey. “Okay, uy look o ito yung box na pinagkunan nitong nameplate ko” sabi ng binata kaya lumapit ang dalaga at nakisilip. “Bakit ang daming boxes ng nameplates dito?” tanong ng binata at pinunasan niya yung alikabok sa lamesa. “Alumni Nameplates” basa niya at kinabahan si Abbey at tumahimik nalang.
Nagbukas si Raffy ng mga box at biglang kinalbit ang dalaga. “Look o Hizon tapos diamond rank din” sabi niya at hahawak na sana ng binata ang nameplate pero pinigilan siya ni Abbey. “You are not supposed to touch the nameplates of others! Sige ka magkakaroon ng reaksyon” banta niya. “Ano naman mangyayari?” tanong ni Raffy.
“Kung hindi sa iyo ang nameplate it will repel you. Isang security measure yan para walang impostor makapasok dito sa school. Kasi they may copy the appearance and uniform ng student pero di nila maisusuot ang nameplate. At di nila to pwede gayain o pekehin kasi may kakaibang glow siya when you use the Identify spell” paliwanag ng dalaga.
“Ows? I don’t believe you” landi ng binata at lalong nilapit ang kamay niya sa nameplate kaya hinawakan agad ni Abbey yon. “Aha! Liar! You see nahawakan mo naman e. That means peke mga yan” sabi ng binata. Nakapikit mga mata ni Abbey pero dahan dahan niya minulat at tinignan ang hawak niyang nameplate. “No reaction?” tanong niya. “Duh kasi peke mga to no. Dali isuot mo na yan para kunwari pareho tayong diamond rank” sabi ni Raffy.
Inalis ni Abbey ang nameplate niya sabay sinuot yung diamond rank na nahanap nila. Humarap sila sa isang lumang salamin at inabot niya original nameplate niya sa binata. “Abbey wag!” sigaw ni Raffy at huli na pagkat nabitawan na ni Abbey nameplate niya at pabagsak na ito sa kamay ng binata. Sabay pumikit yung dalawa pero wala naman nangyari kaya pareho sila nagtaka.
“No reaction” sabi ni Raffy. “That’s weird, dapat meron…wait I never tried e pero try natin. Ilapag mo yan sa table” sabi ng dalaga. “Identify” bulong niya at hindi man lang kuminang ang kanyang original nameplate. “Huh? Bakit peke nameplate mo?” tanong ng binata. “Hindi peke no, yan na yung suot ko since I started and it even changed ranks many times na ano” sabi ng dalaga.
“Identify” bulong ni Raffy at nagliwanag ang nameplate na suot ng dalaga. “Abbey bakit ganyan? Original yang suot mo and its yours? Kasi no reaction?” bigkas ng binata at humarap siya sa mga boxes ng nameplates. “Identify” bigkas niya at lahat nagliwanag. “Identify” sabi ni Abbey at nagliwanag din yung suot na nameplate ng binata. Tulala sila pareho at nagkatitigan, “Ah im wearing a real one? And its mine?” tanong ni Raffy.
“Naniniwala ka bang diamond rank ka?” tanong ni Abbey. “E ikaw ba naniniwala ka din diamond ka din?” sumbat ng binata at pareho sila hindi makasagot. “I know I am not pero ikaw may malaking chance na oo kasi you say di makontrol powers mo” bulong ng binata. “Di naman siguro kasi I don’t do duels much so imposible…pero nakakatuwa magsuot ng ganito” pacute ng dalaga at nagtawanan yung dalawa.
“Dali ilagay mo yung peke sa box tapos yan nalang kunin mo” sabi ni Raffy at ganon nga ginawa nila at nagbungisngisan. “Wait ano sasagot mo pag may nagtanong?” tanong ni Raffy. “E di sasabihin ko ginulpi kita ilang beses” sagot ng dalaga sabay pacute na ngumisi at lalo sila nagtawanan. “Tara tignan pa natin ano makukuha natin dito” sabi ni Raffy kaya kunwari naglilinis sila pero sa totoo naghahanap ng mga pwedeng makuha.
“Hey Raffy look at this o, the trophy of the winners of the last duet duels” sabi ng dalaga at lumapit ang binata ang pinagmasdan ang gintong tropero kung saan may dalawang figure ng lalake sa tuktok. “Wow, magkano kaya pag sinanla natin yan?” tanong ni Raffy at muli sila nagtawanan. “Hey look, they were the grand champion for four straight years o, mula grade nine up to senior highschool. Bakit kaya wala na sa college?” tanong ng dalaga at pinagmasdan nila yung apat na grand champion tropohies.
“At tignan mo two boys sila at long hair yung isa. Baka tatay mo yung isa” sabi ni Raffy. “Duh nagpahaba nalang buhok dad ko daw after college e and that long hair boy does not even look like him. Pero medyo hawig niya yung short hair konti pero imposible” sabi ni Abbey. “Oo nga tapos kahawig ng dad ko tong long hair pero super imposible kasi my dad has no magic at hindi siya long hair” sabi ng binata at nagtawanan ulit sila.
“Alam mo I wish we win the grand championship. Pero tignan mo tong mga trophy nakakapanghinayang kasi all winners are boys ata. Maganda yung trophy, no need to place their names kasi faces nila yung nasa trophy mismo. Hay” sabi ni Abbey. “Anong all boys? Look at this, dalawang long hair pero look closely may boobs o” sabi ng binata at natawa yung dalaga ng ituro talaga ng binata ang mga dede ng babae sa trophy.
“There is hope Abbey” bulong ni Raffy at napangiti yung dalaga. “Pero ew this looks like my lolo and lola. I touched the boobs of my lola” banat ni Raffy at naghalakhakan muli yung dalawa. “Ahem! Akala ko ba pinaglilinis kayo dito?” tanong ni Ernie kaya nagulat yung dalawa at humarap. “Oh hello sir Ernie, what are you doing here?” tanong ni Raffy.
“Pinapatawag kayo ni madam Hilda” sagot ng guro. “Ay sir before we go gusto ko itanong itong big staff. Diba ito yung magic wand ni Godzilla, diba sir?” banat ni Raffy at nagtawanan yung tatlo. Binuhat ng binata yung staff pero nagalit yung guro. “That is a wizard’s staff iho not a wand. Similar to a wand pero more powerful” sabi ni Ernie.
Hinawakan ni Raff yang staff sabay ngumisi pero si Ernie agad nagsuot ng shades at ngumisi din. “Akala mo hindi ako handa para sa iyo ha” sabi ng guro pero pinukpok ni Raffy dulo ng staff sa ulo ni Ernie. “Aray ko!” sigaw ng guro at sumabog sa tawa si Abbey. “Hindi handa para sa akin ha” landi ng binata at inagaw ni Ernie yung staff pero huminga siya ng malalim at kumalma.
“As expected manang mana ka ka talaga sa kakilala ko. Anyway you two should go already to madam Hilda” sabi ni Ernie. “Sir teka meron pa isa, catch” sabi ni Raffy at nakita ni Abbey na pinasa ng binata ang kanyang nameplate sa guro. Nasalo ito ni Ernie at may biglang sumabog at napatapon yung guro sa malayo. Nanlaki ang mga mata ng dalawa, dahan dahan lumapit si Raffy at kinuha muli ang kanyang nameplate at pinagmasdan ang hilong hilo na si Ernie.
“Abbey try mo nga din” bulong ni Raffy. “Try ang alin?” tanong ng guro na dahan dahan tumatayo. “Catch” bulong ng dalaga at nasalo naman ng guro ang kanyang nameplate. May pagsabog ulit ang naganap at tuluyan nang nakatulog si Ernie. Tulala yung dalawa at nagkatitigan. “Hindi peke mga to?” tanong ni Raffy. “And atin sila talaga?” dagdag ng dalaga.
Sa principal’s office nagtungo ang dalawa at nagbubungisngisan. Pagdating nila doon agad sila pinagmasdan nina Hilda, Peter at Prudencio kaya lalo pinasikat nung dalawa ang kanilang mga nameplate. “Pinatawag niyo po kami grandmama?” tanong ni Raffy at pinapaharap niya talaga ang kanyang dibdib. “Abbey where did you get that?” tanong ni Peter sabay turo sa nameplate ng dalaga.
“Sa bodega dad, same surname so sinuot ko. Wala naman epekto at di maganda nagsusuot ng peke” sabi ni Abbey at nagkatinginan yung tatlong guro. “Hayaan niyo na” bulong ni Hilda sabay tumayo at binuksan ang kanyang drawer. Naglabas ang guro ng isang wooden black wand na may flower design sa grip. “Wow ibibigay mo ba kay Abbey yan?” tanong ni Raffy.
“Since very proud kayo sa diamond ranks niyo then show me that you deserve them” sabi ng matanda. “How will we do that grandmama?” tanong ni Raffy at tumabi yung principal kay Prudencio at sabay sila ngumisi. “You two against us two in a duel. On the grounds right now” sabi ni Hilda at napanganga yung dalawang estudyante.
“Daddy o!” sigaw ni Abbey pero si Peter nauna nang lumabas ng opisina. “Di namin kayo papauwiin unless you fight us. Mauna na kami ha” landi ni Prudencio at napaupo yung dalawang estudyante sa sahig. “Sabi ko kasi sa iyo maglinis tayo e” reklamo ni Abbey. “They are going to kill us” bulong ni Raffy at labis siyang nanginig. “Oh come on, maybe they just want to punish us. Tara na para makauwi na tayo” sabi ng dalaga.
Nagtungo yung dalawa sa school grounds, nagulat sila pagkat lahat ng mga guro at propesor nandon para manood. Sina Hilda at Prudencio nag iinat na sa gitna kaya dahan dahan lumapit yung dalawa. “Grandmama I didn’t bring my wand!” sigaw ni Raffy. “Really? Nakita ko kanina sa back pocket mo” sigaw ni Peter. “Daddy naman e” reklamo ni Abbey pero ngumiti lang ang ama ng dalaga.
“Sandali!!! Ako ang lalaban sa mga yan! Prudencio please nakarami na yang binata sa akin e” sigaw ni Ernie na kalalabas ng building at dala yung wooden staff. Tawanan ang kapwa guro niya pagkat kitang kita ang bukol niya sa makintab niyang ulo. Nagtabi si Ernie at Hilda kaya pumagitna narin si Raffy at Abbey. “First the formal bow” sabi ni Hilda at nagbow silang apat sa isat isa.
“Then the step backwards. About thirty thirty feet away will do then bow again” sabi ni Ernie at naglayuan ang magpartner at nilabas na ni Raffy ang kanyang dragon wand. “Sir Ernie is defense arts so wag natin siya itarget” bulong ng binata. “Pero si lola ay offense” sagot ni Abbey. “I know. Di ko pa nakita powers mo but you know what I can do so ikaw muna makibagay sa akin” sabi ni Raffy.
“Natatakot ako” bulong ng dalaga. “Me too pero we cant back out now. Grandmama!! Don’t hold back! If you want to teach us something ibuhos niyo lahat!” biglang sigaw ng binata at nagulat ang lahat. Pumorma sina Raffy at Abbey at tumayo ang balahibo ng lahat pagkat may malakas na hanging silang naramdaman na unti unting umiinit.
“Seryoso ata sila Ernie” bulong ni Hilda. “No choice madam, lets go!”sigaw ni Ernie at pinaikot niya ang mahabang staff at sumugod. Sumugod din si Raffy, si Abbey tumakbo sa likod ng binata habang si Hilda hinumpay ang wand niya. “Abbey ngayon na!!!” sigaw ni Raffy at napatayo ang lahat, sina Ernie at Hilda napatigil pagkat tumalon sa ere si Raffy kaya lahat sila napatingin kay Abbey na may hinuhulma sa mga kamay niya.
“Ernie! Fire protection!” sigaw ni Hilda. “Wrong!!!” sigaw ni Raffy at mula sa ere naglanding siya ng isang drop kick sa dibdib ng lalakeng guro. Pagtama ng paa ni Raffy ay nginitian lang siya ni Ernie. “I came prepared” sabi niya at tinamaan ni Hilda ang binata ng isang lightning bolt sa dibdib.
Bagsak si Raffy sa lupa pero agad siya tumayo pero natamaan siya ng staff sa likod. Si Abbey nanatiling nakatayo at palaki ng palaki ang bolang apoy na hinuhulma sa kanyang mga kamay. “Ernie you better prepare for that” sigaw ni Hilda na tinamaan nanaman si Raffy para hindi ito makabangon.
“Relax madam ako bahala diyan” sabi ni Ernie na pinaghahampas ulit ang binata ng staff. “Raffy move away” sigaw ni Abbey at sinubukan ng binata tumayo pero nakidlatan nanaman siya ni Hilda pero pagkatapos sumugod papunta sa dalaga. Naiwan si Raffy pagkat pati si Ernie sumugod papunta kay Abbey. Yung dalawang matanda hindi natatakot, si Ernie nasa harapan at tinatago si Hilda sa likod niya na humuhulma ng ice ball.
Pinaikot ni Ernie yung staff, tinira ni Abbey yung bolang apoy niya at nagulat nang susupin ng staff yung apoy. “Defense magic iha, youre stronger than that I know. Bakit mahina ang pinang aatake mo?” pasikat ng guro na nag side step para si Hilda naman ang aatake gamit ang kanyang ice ball. Tumayo lang si Abbey at ngumiti at nagpacute pero si Hilda tinuloy ang pagbaon ng iceball sa dibdib ng dalaga.
Napatalon si Peter sa takot pero nakita na hindi tinablan ang kanyang anak. “Defense magic plus…form change” sigaw ng dalaga pero sa boses ni Raffy. Paglingon ni Hilda nakita niya si Raffy may malaking bolang apoy na tinaman ito kay Ernie na hindi handa. Napasigaw ang matandang guro sa sakit, pagharap ng principal ay nakahawak si Abbey sa mukha niya. “Illumina!” sigaw niya.
Napasigaw ng malakas si Hilda at pansamantalang nabulag. “Now Abbey!” sigaw ni Abbey at si Raffy naghulma muli ng isang malaking fireball at tinama naman ito kay Hilda. Bagsak ang dalawang guro sa lupa at napapalakpak ang lahat ng guro. Nagbalik na sa tamang anyo sina Raffy at Abbey sabay kumaway kaway sa crowd.
“Wag kayong magpapakasiguro!” sigaw ng isang malakas na boses ng babae. Nakalutang sa ere si Hilda, nagliliyab ng apoy ang mga mata niya at may hinuhulmang berdeng ilaw gamit ang kanyang wand. “Apocalypta!” sigaw niya at tinuro ang wand sa nakatalikod na Abbey. “Wag!!!” sigaw ni Peter pero ang bilis ng pangyayari, tatama na yung kapangyarihan sa dalaga, sa isang iglap bigla ito nawala at tumama ang spell sa lupa.
Nagkaroon ng biyak sa lupa at lumindol ng malakas. Wala na si Abbey pero nawala narin si Raffy. Bumaba sa lupa si Hilda, dahan dahan tumayo si Ernie at lahat hinahanap yung dalawang estudyante. “Did you hit her?” tanong ni Peter sa galit. “I don’t know, nakita niyo ba?” sagot ni Hilda.
“Ayun!” sigaw ng isang guro at tinuro ang bubong ng building. Lahat napatingala at nakita si Raffy nakasquat, mga mata niya nagbabaga ng dila habang si Abbey nakatayo sa likod niya at nag aapoy ang kanyang mga mata, dalawang kamay nakahawak sa balikat ng binata. Sa isang iglap nawala ulit yung dalawa kaya napalingon ang lahat sa paligid.
Dinig ng lahat ang kakaibang malakas na ungol ng dragon na dala ng mainit na hanging na umiihip. Sumulpot ang dalawa bigla sa likod nina Ernie at Hilda, sobrang nanlilisik ang mga mata nila sa galit at si Abbey may napakalaking bolang apoy na hawak. Sumugod na ang lahat ng mga propesor, lahat sila gumawa ng malaking defense sphere at pinalibutan si Hilda at Ernie.
Tinira ni Abbey ang apoy sa sphere, sigawan ang lahat ng guro pagkat masyado malakas yung apoy pero napanatili nilang buo ang depensa. Si Raffy pinagsisipa ang sphere at pinagsusuntok. Sina Ernie at Hilda sigawan sa loob kaya nagtataka ang mga guro pagkat di naman lumulusot mga paa at kamay ng binata pero parang nasisipa at nasusuntok niya ng diretso sa loob.
Si Peter sumulpot sa likod ng anak niya at agad ito niyakap. “Tama na Abbey. Come iha hinahon na” bulong niya at sinusubukan pa ng dalaga kumalakas pero dahan dahan ito kumakalma. Si Raffy napapatigil narin sa pagsuntok at pagsipa nang makita si Abbey na nakarelax na.
Bagsak yung dalawa sa lupa, agad lumapit si Erwin at pinabuhat yung dalawa papunta sa clinic. Nakalabas sa sphere si Ernie at Hilda, duguan pareho at di makapaniwala sa nangyari. “Are you okay?” tanong ni Prudencio na umalalay sa principal.
Nanginginig sa takot ang dalawang guro at si Hilda hiyang hiya sa mga kapwa guro niya. “I wasn’t ready for that” bulong niya. “Bakit sugatan kayo? We were able to protect you on time” tanong ni Ricardo.
“Di ko alam…basta umaabot suntok at sipa niya…si Ernie unahin niyo. He protected me from the flames and most of the hits of Raffy” bulong ng matanda at lahat napatingin kay Ernie na mistulang nakipagsuntukan sa isang dosenang lalake.
“Pati ako di ako handa…I was not able to defend properly…nabigla kami at nabalot ng takot” sabi ng guro. “We should ban those two from the duels” sabi ni Lani. “No! Remember something like this happened, si Felipe at Pedro. Do you all remember that? After that incident they were able to be aware of what they were capable off…pero di sila unconscious like the two just now” tanong ni Ricardo.
“Hindi man ganito katindi pero it did happen. At si Hilda nanaman ang may pakana” tuloy niya at kahit sugatan tumawa ng malakas ang matandang principal. “It had to be done…”
“I had to awaken them…I had to awaken their dragon magic within them”