Gustavo

3997 Words
Isang Sabado sa mall magkasama sina Diego at Henry. “Saan ba tayo pupunta? Sigurado ka makakatulong sila?” tanong ni Henry. “Oo wag ka mag alala pero walang makakaalam dapat. Tara sa loob” sabi ni Diego at pumasok yung dalawa sa game center. Sa isang dance station game sila tumayo at napakamot si Henry. “Niloloko mo ba ako?” tanong ni Henry. “Basta makisama ka nga. Kailangan natin gawin ito” sabi ni Diego kaya naglaro yung dalawa. Pagkatapos sa dance station sumakay pa sila sa bump car. Nananghalian yung dalawa sa isang fastfood at pagkatapos pumasok sila sa sinehan. “Walanghiya ka parang date ito ha. Kadiri ka” sabi ni Henry. “Are you sure he can be trusted?” tanong ng isang mababang boses sa dilim. “Yes he can be trusted” sagot ni Diego. “Sino kausap mo?” tanong ni Henry at napalingon sa paligid at wala naman ibang tao sa sinehan kundi silang dalawa lang. “Shhh…relax kapit ka lang sa seat mo and close your eyes. Do it quick” sabi ni Diego kaya kumapit yung dalawa sa upuan nila at pinikit ang kanilang mga mata. Naramdaman ni Henry ang malamig na hanging na dumampi sa mukha niya pero agad napaubo. Pagmulat niya ng mata niya may isang matandang lalake sa harapan niya at binubugaan siya ng usok ng sigarilyo. Wala na sila sa sinehan, nasa isang maliit na kwarto na sila na may isang bintanang malaki, maliit na kama sa isang tabi. “Are we in a motel? At sino ka?” tanong ng binata. Tumayo si Diego at naupo sa may kama habang si Gustavo lalo nilapit ang upuan niya kay Henry at muling binugaan ito. “His name is Henry Costales at siya yung latest victim ni Raffy. Oh I brought another video of the happenings sa grand event at yung duel nila ni Henry” sabi ni Diego at naglabas siya ng isang maliit na memory card at pinakita ito sa matanda. “At aanhin ko yan? Isasaksak ko sa pwet niya at mapapanood ko na?” tanong ni Gustavo. “Duh! Tito you need a laptop with a card reader. Di ko na dinala yung bagong camera ko baka sirain mo ulit” sabi ni Diego. “Bakit ako naman nagbigay sa iyo non ha? Bakit hindi ka nagdala ng laptop?” sagot ni Gustavo. “So that you can buy me a new one” sabi ng binata at natawa ang matanda at muling binuguan ng usok si Henry. Naglabas ng pera si Gustavo at inabot ito kay Diego, “Ten minutes, if youre not back in ten minutes with a laptop alam mo na mangyayari sa iyo” sabi niya at agad nawala si Diego. Si Henry kinikilabutan na at lalong napakapit sa kanyang upuan. “Gumagamit ka ng magic outside of school, you will be caught for illegal use and k********g me” sabi ng binata at tinawanan lang siya ng matanda. “At sa tingin mo ganon ako katanga? I can kill you using magic and get away with it. Would you like to test it? Oh oo nga you will never know when youre dead. So how about torture? I can torture you for one hour and lets see if the Institute will arrive to save you. Ano game ka ba?” tanong ni Gustavo at napalunok ang binata sa takot. “Sino ka ba? Ano ba kailangan mo sa akin?” tanong ni Henry. “Well kapag tama si Diego ay baka ikaw may kailangan sa akin. So make yourself comfortable habang wala pa siya. Don’t try escaping kasi its no use” sabi ng matanda at nagtungo ito sa binata at nagsindi ulit ng yosi. Tumakbo si Henry papunta sa pintuan, kahit anong gawin niya di niya mabuksan ang pinto. Nagsisigaw siya pero unti unti humihina ang boses niya hanggang nawala ito ng tuluyan. Lumipas ang limang minuto sumuko na siya at nahiga sa kama at pinagmasdan ang matanda sa may bintana. “Relax I wont kill you. Kailangan mo ako iho maniwala ka sa akin. Antayin lang natin makabalik si Diego. I am your friend” sabi ni Gustavo sabay ngumiti. Nagdududa parin si Henry kaya nahiga nalang siya at inantay ang pagdating ni Diego. Sampung minuto ang lumipas at sumulpot bigla ang binata at may dalang bagong biling laptop. “Show me the video” sabi ni Gustavo. “Duh! Wait we have to set it up first. Palibhasa mga old people wala alam sa new technology” sagot ng binata. “Ano sinabi mo?” tanong ng matanda at napangiti yung bata at kinuha yung memory card. “Sandali lang po malapit na po” sabi ni Diego. Pinanood ni Gustavo ang video ng grand event at napahaplos siya sa kanyang baba. “Impressive. Tapos sabi ni Cardo normal ang bata? Siguro nga, so now show me the fight” sabi niya at napailing si Henry at humarap sa malayo. “He really got beat up kaya ganyan yan. Wala siyang mukhang maihaharap pagkat halos mamatay siya pagkatapos” sabi ni Diego. Nanood ang matanda at napangiti nang makitang nagbagong anyo si Raffy mula babae sa lalake. “Yan ba ang normal? Oooh what is this? A supercharged ball…six different abilities combined?” bulong niya at napatingin siya kay Henry. “Buti buhay ka pa” hirit niya sabay nagtawanan sila ni Diego. Pinpapatay na ni Gustavo ang video at tumayo sa harapan ni Henry. “What did you feel?” tanong niya. “Hindi pa ba obvious? Takot na takot ako kasi ang sakit ng buong katawan ko. Parang lalabas na lahat ng laman loob ko. I was bleeding all over tapos itatanong mo pa what did I feel?” sagot ng binata. “Naramdaman mo ba mamatay ka na?” tanong ni Gustavo?” at tumayo si Henry at tinulak ang matanda.”Natural!!! Kung ikaw kaya yon?” sumbat niya at tumawa ang matanda. “Natatakot ka sa kanya?” tanong ng matanda at hindi sumagot ang binata. “What if I tell you there is a way for you to get stronger? What if I tell you I can make you stronger? Will you fight him again?” tanong ni Gustavo at napatingin sa kanya si Henry. “Di na pwede mag individual duels, suspended na dahil sa grand duels” sabi ng binata. “Exactly my point. If I can make you stronger will you get rid of him for me during that duel? Hmmm youre the same year level. I can assure you will reach the finals at kayo maghaharap. If I make you stronger will you promise to get rid of him for me?” tanong ng matanda at napaisip ang binata. “What do you mean get rid?” tanong niya. “Forever” sabi ni Gustavo at nabigla ang dalawang binata. “Hindi na po ata tama yon” sabi ni Henry at naglakad ang matanda palayo. “Who is that girl again? Abbey? Diego told me you like her. Pero she chooses Raffy. E ako di ko gusto yung batang yan, as long as he is alive di ako mapapakali. So what do you say? Lets get rid of him?” tanong niya at napaisip si Henry. “Di ko po ata magagawa yang gusto niyo” sabi ni Henry. “Okay then, Diego ikaw nalang tapos pag naligpit mo si Raffy didiretso kayo sa battle of champions at sigurado ko matatalo mo yung Teddy na yon. Sisikat ka iho tapos madami mapapahanga sa iyo. Don’t worry about Raffy dying, its part of the duel system. Lets say I am going to teach you a kill curse which will take effect days later? Ano Diego payag ka ba?” tanong ni Gurstavo. “Teka! Are you sure he wont die during the duel?” tanong ni Henry. “Aba hindi na kita kausap iho, I gave you a chance a while ago now I am offering it to Diego” sabi ng matanda. “Sandali lang kasi! Tell me that curse will take effect after the duel right?” tanong ng binata. “Well yes, after the duel magmumukha lang siyang nabugbog. Then they will try to heal him pero yun na yung counter curse. The moment they apply healing spells that will activate the killing curse” sabi ni Gustavo. “Then I will do it!” sabi ni Henry at napangiti yung matanda. “Oh akala ko ba ayaw mo?” tanong ni Gustavo. “I changed my mind. Ako na, pero how sure are you na mapapalakas mo ako?” tanong ng binata at nilapit ng matanda ang mukha niya. “Do you really doubt me?” bulong niya. “Henry magtiwala ka kay tito, he is strong. At whatever promise sinabi niya talagang ginagawa niya” sabi ni Diego. “Okay, so when do we start?” tanong ni Henry. “First you must pick a partner, make sure malakas din siya. He will serve as the distraction. And when I say distraction kailangan magugulo niya ang lahat at siguraduhin mo lahat mapapatingin talaga sa kanya” sabi ni Gustavo. “Oo may naisip na ako pero ewan ko lang pag papayag siya maging partner ko kasi ilang beses ko na siya tinalo sa campus” sabi ng binata. “Good! So we start tomorrow. Same process, same seat sa sinehan. If there is someone seated there make sure you get it. Bahala ka na. That is the only way we can meet, that is the safest way for you to meet me” sabi ni Gustavo. “Teka po aabot ba talaga pagtuturo niyo sa akin magsisimula na yung event sa Lunes” sabi ni Henry. “Oh atat ka ata. Don’t be iho, kailangan wag mo ipakita agad natutunan mo or else pwede ka niya paghandaan. Magpapakitang gilas ka pag umabot ka na sa semi finals. Then todo buhos sa year level finals. From there sisiw nalang ang mga makakalaban mo sa battle of champions. Kaya wag ka masyado atat at magtiwala ka lang sa akin. For now puntahan mo na yung sinasabi mong kasama mo. If you need anything else just tell Diego here” sabi ng matanda. “Anything else?” tanong ni Henry at kinabit siya ni Diego at pinagtuturo at laptop at sumenyas ng pera. “Don’t tell me mahilig ka din sa toys tulad niya?” tanong ni Gustavo at natawa ang binata. “Wala pa naman ako maisip pero pag meron sasabihin ko kay Diego” sagot niya. “Well then you two may go, leave the way you entered” sabi ng matanda at naupo muli ang dalawang binata sa mga silya at naibalik sila sa sinehan. Mula sa dingding lumabas si Ignacio at at naupo sa kama. “Sinusuway mo nanaman si Santiago, pag nalaman niya ito delikado ka” sabi niya. “Alam mo wala akong tiwala sa kanya. Ramdam ko may iba siyang binabalak. Kaya etong ginagawa ko back up plan lang ito” sabi ni Gustavo. “Back up plan? Papatayin mo ang bata? At ano naman ang mapapala mo?” tanong ni Ignacio. “Tulad ng dati ano pa nga ba?” sagot ni Gustavo. “Tulad ng dati e nagkamali ka noon! You tried to kill the wrong student!” sigaw ni Ignacio. “Yes I know! But this time sigurado na tayo! We are going to kill him, once nalibing siya we are going to bring him back to life at gagawin natin siyang kampon!” sabi ni Gustavo. “Alam mo pag binuhay mo siya sa tingin mo ba sasanib siya sa atin? Tandaan mo apo ni Franco yan at anak ni Felipe. You tried to recruit Felipe pero hindi siya pumayag. Ano naman sa tingin mo ang success rate mo? Oo siguro mabubuhay mo siya pero sure ka bang maniniwala sa atin yan?” tanong ni Ignacio at natawa ang kanyang kasama. “Ignacio, nakakahiya ka. Di ko alam kung pano ka tinawag na elder. Once you bring back someone from the dead they will lose their memories. They wont know who they are and so we shall be there for him and teach him our ways. At wag ka na magtanong kung pano ko alam kasi I already did it before” paliwanag ni Gustavo. Dahan dahan tumayo si Ignacio at humarap sa kanyang kasama. “What do you mean you have done it before? Sino?” tanong niya. “Hindi mo na kailangan malaman yan. Henry is a weak boy, after he wins over Raphael I am sure lalabanan niya si Teddy. Doon ko susubukan yang Teddy na yan. Loyalista pala sa school yan kasi siya nagbuking sa espiya natin. If he wins against Henry sa finals then we kill them both” sabi ni Gustavo. “Then revive them?” tanong ni Ignacio. “Yes but Teddy only. Mahina yang si Henry. Mani lang siya kay Raffy pero itong Teddy na ito madami nang accomplishments at matagal ko na naririnig ang kanyang pangalan. And then there is this Adolph also, malakas din daw siya pero bigyan natin muna panahon si Diego para kausapin siya. Baka mapasaatin din yan sa pangungusap lamang. If not we watch him duel, if we like what we see then we kill him too and revive him” sabi ni Gustavo. “Ano ba ginagawa mo? Bakit ka nag iipon ng mga alagad? Why cant you just wait for Santiago’s plan to come to completion at tiyak ko lahat naman tayo mabibiyayaan” sabi ni Ignacio. “Alam ko mabibiyayaan tayo pero panigurado lang mga to. Wala ako tiwala sa kanya hanggang ngayon. Susulpot nalang siya bigla tapos maghari harian sa atin? And I don’t know why takot na takot kayo sa kanya” sabi ni Gustavo. Natawa si Ignacio at dinuro ang dibdib ng kaibigan niya. “Nagsalita ang hindi takot. Wala tayo magagawa because he is that powerful. Alam mo naman ang batas, di porke matanda ka rerespetuhin ka. It is he who has more power will lead…oh I see yun ang plano mo” sabi ng matanda at naintindihan na niya. Napangisi si Gustavo at inakbayan niya kaibigan niya. “That is why I will collect and collect powerful wizards” “Yes sa ngayon papayag ako sa kanyang plano. Ako nga ang ilalagay niya bilang presidente ng Pilipinas pero alam ko magiging puppet niya lang ako. Pero pagbibigyan ko siya at pagdating ng araw na kampante na siya doon natin siya tutuklawin. Pag nailigpit na siya we are going to take down the Institute at ikaw mamumuno doon. Total control!” “Sa ngayon sumakay muna tayo sa plano ni Santiago. Maganda din naman plano niya na dahan dahan ipaalam sa Pilipinas na we exist. At pag natanggap na tayo, we get rid of him and take full control of the country” paliwanag ni Gustavo. “Pero di mo pa alam sino talaga ang mga kasama ni Santiago. Maaring mabulaga tayo kaya mas maganda ilabas muna niya lahat ng baraha niya” sabi ni Ignacio. “Oh wag kang mag alala kaibigan ko. I promise you an army of powerful fighters” sabi ni Gus. “Bata pa sina Raphael at Teddy, kahit magsama pa tayo apat we cannot beat Santiago. What if may mga kasama pa siya?” hirit ni Ignacio at natawa ang kanyang kaibigan. “Bingi ka ba? I said an army! Masyado makitid utak mo, did you think when I tried to get Felipe and failed I already stopped? At sa tingin mo siya ang nauna? Oh no my friend, you will be surprised. Trust me we do have an army” sabi ni Gus. Kinagabihan sa Mactan International Airpot dumating si Gustavo. Sinalubong siya ng isang matipunong binata na naka all black. “Good evening head master” bati ng binata. “Froilan what did I tell you? Never call me that in public” sabi ni Gus. “Oh sorry sir, you look good with your new haircut and shave. I am sure the students will barely recognize you because you look younger” sabi ni Froilan at natawa ang matanda. May itim na SUV ang sumundo sa kanila at sa loob nag inat si Gustavo at minasahe ang kanyang leeg. “So tell me how are the new recruits doing?” tanong niya. “So far so good headmaster kaya lang yung isa namatay. Di nakayanan yung trial duel. The rest they survived and are now doing well with their lessons” sabi ni Froilan. “Wala bang problema?” tanong ng matanda. “Of course sir meron pero nothing I cant handle. Kanino niyo ho ba ipinagkatiwala ang school kundi sa the best” pasikat ni Froilan at nagtawanan yung dalawa. Sa liblib at mapunong lugar nagtungo ang sasakyan. Sa gitna ng dalawang malalaking puno pumarada ang SUV at nagbabaan ang mga sakay nito. “This is our new entrance, this leads directly to your office” sabi ni Froilan at ginabayan ang matanda papasok sa gubat. Tumayo ang binata sa tapat ng isang lumang puno at humaplos ng isang kamay. Nagbago bigla ang itsura ng gubat at naging opisina. “Impressive!” bigkas ni Gustavo at hinaplos niya ang lamesa niyang gawa sa nara at naupo sa kanyang executive swivel chair. “Its good to be back. Sorry wala ako dalang recruits but soon I promise two strong ones” sabi ng matanda. “Stronger than me?” tanong ni Froilan sabay taas ng dalawang kilay kaya natawa si Gustavo. “Of course not. Pero I am sure you will be challenged because they came from your school” sabi ng matanda. “I cant wait for them to arrive to test them. Anyway sir would you like to say a few words to the students? They are all waiting outside” sabi ni Froilan. “Ano? Gabi na ha. Bakit sila nag aantay?” tanong ni Gustavo. “You told me to prepare them so they do training even at night. Pero today I gave them the day off para masalubong ka nila. They are gathered sa grounds” sabi ng binata kaya napatayo si Gustavo at lumabas ng kanyang opisina. Ang kaniyang paaralan ay isang malaking lumang palasyo pero mas kamukha nito ang isang high security na preso ng ibang bansa. Ang school grounds ay matatagpuan sa loob at napapalibutan ito ng matataas na dingding. Nasa tuktok ng tore ang opisina ng matanda kaya paglabas niya nagsayahan ang lahat ng mga estudyante. “All four hundred strong students are awake to greet you sir” bulong ni Froilan kaya napapalakpak si Gustavo at pinakalma ang lahat. “Magandang gabi sa inyong lahat mahal kong mga estudyante. Ipagpaumanhin niyo ang matagal kong pagbakasyon. Sobrang saya ko pagkat ibinalita sa akin ni Froilan na lalo daw kayo lumalakas at talagang desididong mag aral. Kaya bilang headmaster binibigyan ko kayo ng tatlong araw na bakasyon. Makakalabas kayo ng campus at pwede kayong gumala!” sigaw ng matanda at dumagundong ang ingay sa loob ng campus. “But remember students, I expect you to behave and if you don’t you know what happens. Pagbalik niyo pagkatapos ng tatlong araw may malaking sorpresa ako sa inyo. Mas magandang kwarto! Mas masarap na pagkain! Mas mataas na allowances kaya sige lang don’t be afraid to spend your money!!!” dagdag ni Gustavo at lalong nagwala ang mga estudyante. “And when you come back you will all have uniforms already! And yes it will be color dark red as you all agreed upon. Alam ko ano nasa isip niyo, gusto niyo magpakitang gilas ng kapangyarihan niyo pero please don’t use magic outside the school campus. Hindi pa sila handa para sa mga tulad natin. Pero malapit na yung araw kung saan matatanggap na tayo ng lipunan! Hindi na natin kailangan magtago pa! Kaya pakiusap sa inyo, please wag niyo muna gamitin kapangyarihan niyo” “Apply the lessons on grooming and charms that we taught you. Konting tiis nalang naman na e. Oh and yes you will be graded, how? There will be faculty members all around watching you. If no student commits a violation then I have another surprise…gusto niyo na ba malaman?” landi ni Gustavo. “Sabi ko pagbalik niyo better rooms and better food with higher allowances. If no one commits a violation…one room per student fully furnished will every appliance that you need. Superb food and times three your allowances!” sigaw ng matanda at sobrang natuwa ang mga estudyante at todo behave naman sila at tumayo sa atensyon kaya natawa at napapalakpak si Gustavo. Nagpaalam na yung matanda at bumalik sa kanyang opisina at naupo. “Sir can you really give them what you promised?” tanong ni Froilan. “Of course but don’t ask how” sagot ni Gustavo. “And you think no one will commit a violation? E wala naman talaga magbabantay sa kanila sir e” hirit ng binata. “I know, alam mo iho you should master the art of deception and manipulation better. Di lagi dinadaan sa force yan” “To make them love you, kailangan mo din makibagay. Be good to them kasi you want something in return. I know wala magbabantay sa kanila, but the rewards too good diba? Sila na magbabantayan sigurado ko. Kilala na nila sino yung mga pilyo at makulit kaya sila sila narin lang ang magsisiguro na di sila lalabag sa batas. Its what you call brotherhood iho” “I wouldn’t be surprised if kulang ang bumalik at sasabihin ng iba tumakas na sila or naaksidente at namatay” sabi ni Gustavo at tumawa siya ng malakas. “At maniniwala kayo sir sa mga palusot nila?” tanong ni Froilan. “Siyempre hindi pero matutuwa ako. You see iho I need them to be close to each other. They must be as one to achieve one goal. This is a test for them to work as one. Kung nakita nila manganganib ang goal nila dahil sa iba then let them do something about it” “I don’t care how they achieve that goal, ang importante maabot nila as one. If there are a few masasaktan or mamatay so be it. Lets call it cleansing. In the end ang matitira dito makakasiguro tayo na we have a tight group. Mahirap ang may mga pasaway pagkat sila ang makakasira ng mga plano natin. Remember hindi tayo pwede magkamali kahit konti kaya as early as now kailangan natin gawin ito or suffer later” paliwanag ng matanda. “Tutal nakakasawa na yung lahat babagsak dahil sa iilan. Tapos plastikan at sasabihin na fault of one fault of all. Lesson learned they say pero mas maganda na ayusin ang mali habang maaga to get the job done rather than fail and start learning. I get it sir” sabi ni Froilan. “Of course pinalaki kita ng maayos. So iho go ahead and enjoy your vacation” sabi ni Gustavo. “Pati ba ako sir? I can stay to help you out” sabi ng binata. “Oh no need iho, I will be getting all the help later. Go ahead and have a good time. You did well in my behalf” sabi ni Gustavo. “I see, they will be coming. Bakit hindi ko pa sila nakikilala sir?” tanong ni Froilan at ngumiti ang matanda at nagsindi ng sigarilyo. “Soon you will, you will not only meet them but I will ordain you to be one of us” “The order of Karura”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD