Apprentices

4205 Words
Sumapit ang araw ng grand event, walang pasok ang mga estudyante at nabuwag ang magic barriers kaya tanaw ang three campuses ng magic school. Naglakad lakad si Hilda sa grounds at masayang sinasalubong ang mga nagdadatingang mga alumni. Gabi pa ang grand opening at wala pang alam ang mga propesor tungkol sa binabalak ni Raffy. “Does Abbey have an idea what Raffy is planning?” tanong ni Hilda. “Sorry I scanned her brain at wala talaga siyang alam. Maski yung mga taga arts committee walang alam. By the way Felipe is coming” sabi ni Peter. “Makikita siya ni Raffy at baka maghinala nanaman ang Institute” sabi ni Hilda. “Relax si Ernesto na daw ang bahala at magtatago daw siya” sabi ni Peter at napangiti si Hilda. “Wala pa siya naiiyak na ako, di ko alam ano sasabihin ko sa kanya” bulong niya. “He has not changed. Just say thank you” bulong ni Peter. Sumapit ang gabi, may nakatayong mini stage sa sentro ng high school grounds kung saan nakatayo sina Hilda, Ricardo at Lani. Nagkalat sa buong campus ang mga estudyante suot ang royal blue official robe ng school. Sa paligid nagkalat naman ang mga alumni na nakasuot ng royal blue robes with golden linings. Lahat nagtataka bakit madilim ang paligid kaya tumayo si Ricardo as podium. “Ladies and gentlemen. Students, faculty and alumni, good evening. Alam ko nagtataka kayo kung bakit madilim ang paligid pero this year we decided to make things different. We are gearing towards change, and with that change we decided to give the opening remarks first before the grand visual opening” “Wag na kayo mag aalala alam namin sanay na kayo o nagsasawa sa mukha naming tatlo kaya makinig nalang kayo lahat” sabi ni Ricardo. Sa pinakadulo ng grounds nagtipon ang highschool teachers, may isang alumni ang sumingit at bigla sila nag ingay. “Felipe!” sigaw ni Prudencio. “Shhhh ano ka ba wag obvious baka mabuking ako ng anak ko” sabi ng lalake at dinumog siya talaga ng kanyang mga kakilala. “Bakit ba ang dilim?” tanong ni Felipe. “May binabalak ang anak mo” bulong ni Peter. “Masama ba? Kasama anak mo?” landi ng bestfriend niya at muling nagsakalan yung dalawa. Tuwang tuwa ang mga highschool professors pagkat hindi parin nagbago ang mag bestfriend. “Ang anak mo daw ang bahala sa opening” sabi ni Peter. “Sabihin mo kasi ng maayos para hindi iba isipin ko” banat ni Felipe. “Tumigil nga kayong dalawa” sermon ni Abigail at tumabi agad sa kanya si Violeta. “Ah peeps, di niyo pa ata kilala, ito yung asawa kong si Abigail” sabi ni Felipe at sinakal ulit siya ni Peter. “Walanghiya ka asawa ko yan e” sabi niya. “Ogag alam nila ano, natural e di yung isang babae ang asawa ko. Peeps si Violeta pala, loves meet my former teachers and classmates” sabi ni Felipe at nagtawanan ang lahat. Lumipas ang sampung minuto natapos narin ang speech ni Ricardo kaya lahat tumigil. “This year will be special, one Junior student decided to take care of the opening show. So with that said I formally announce the opening of our grand celebration!!! Raffy iho amaze us” sigaw ni Ricardo at lahat ng tao napalingon lingon at nag aantay sa ipapakita ng binata. May mga kids na nagsimulang magdistribute ng small ice cylinders. Si Kimmy umakyat pa sa stage at binigyan ang tatlong punong guro ng magic school. “Whats this iho?” tanong ni Lani. “Teacher sabi ni kuya ibigay daw naming para sa lahat” sabi ng bata at agad siya tumakbo sa baba para magkalat pa. Lahat ng tao nagtataka sa iced cylinder na kanilang hawak. Muling umakyat si Kimmy sa stage at kinuha yung mic. “Hoy wag niyo kainin yan! Basta hold niyo lang daw sabi ni kuya. Wait lang kayo para lahat meron bago magstart” sabi ng bata at lahat nagtawanan. May sumulpot sa stage na isang matandang lalake nakasuot din ng royal blue robe with gold lining. “Elder Franco?” bulong ni Hilda. “Of course, my wife came too nasa crowd kasama amiga niya. Nabalitaan ko magpapakitang gilas daw apo ko so we came to watch” sabi ng matanda. “Nasan na siya?” tanong ni Lani at natahimik ang lahat ng tao sa campus at mahigpit nila hinawakan ang kanilang iced cylinders. “Good evening everyone” narinig ng lahat mula sa speakers. Lahat napalingon at hinahanap si Raffy. “I read the history of this school lately. Magic was taught in order to keep the tradition alive. Years ago grandmama, also known as Principal Hilda, told me that magic was used differently. It was used for amusement purposes. Everyone back then tried to improve their magic to amaze many” “A lot did variations, a lot were creative, and that was this school was all about. Then came the dark ages where magic was used to hurt, used by the greedy to take advantage. Thus the school was forced to teach magic differently so that there would be people to stand up against this greedy and evil magic users” “Can we really appreciate magic that way? Should we be happy seeing others hurt because of our powers? Yes we are forced to swallow that truth, a sad truth that has to be done nowadays. One day we will be successful, that day the evil has perished, that day this school will be teaching magic in the right and proper way again just as it was when this school started” “Tonight let me show you what that day would look like…and if you like what you see then let us all aim for that day…nandito ako sa lawa” sabi ni Raffy. L Lahat ng tao nagsiksikan at napatingin sa madlim na lawa. Sa gitna ng dilim may naaninag silang taong nakatayo sa gitna ng lawa at may hawak itong wand. Pinailaw ni Raffy ang dulo ng kanyang wand at naaninag na ng lahat ang kanyang mukha. Sumingit si Abbey sa harapan at nang makita ang binata nagngitian yung dalawa. Dahil hindi magkasaya ang lahat sa harapan ng lawa pumalakpak si Eric at biglang may mga malalaking screen sa bawat sulok ng campus at pinapakita ang mga kaganapan sa lawa. Naglakad si Raffy sa tubig at sinawsaw ang wand sa tubig at lahat namangha nang may iced roses na umilaw sa loob ng tubig. Nangilabot ang lahat sa ganda, matinding palakpakan ang naganap nang sinawsaw pa ni Raffy ang wand niya sa tubig at isa isa sinindihan ang mga iced roses sa ilalim. “Raffy di nila ako binigyan ng ice” sabi ni Abbey pero ngumiti lang ang binata at tinuloy ang pagsisindi sa mga ice roses sa ilalim ng tubog. Ilang saglit lang nagliwanag ang buong lawa sa tulong ng mga umiilaw na iced roses sa ilalim. Naglakad si Raffy papunta kay Abbey sabay lumuhod at pumitas ng isang iced rose na umiilaw sabay binigay ito sa dalaga. “Sadya yon kasi ito ang para sa iyo” sabi ng binata at nagtilian ang mga babae sa paligid. Todo ngiti si Abbey na hinawakan ang ice rose gamit dalawang kamay. “Now share the light to others. Let your rose touch their iced cylinders” bulong ng binata at pinagdikit konti ni Abbey ang rose niya sa cylinder ng kanyang katabi at umilaw narin yung iced cylinder. Lalong namangha ang lahat, madaming nang naluluha nang magpasahan na ng ilaw ang lahat ng tao. Mula lawa unti unti lumiwanag ang buong campus dahil sa pagsindi ng mga iced cylinders. Si Franco sa stage di mapigilan ang mga luha pagkat pati sina Hilda, Lani at Ricardo nag iiyakan na. Si Felipe napayakap sa kanyang asawa, si Peter sa kanyang asawa habang ang mga propesor napaluha narin. Umilaw na ang buong campus at sina Raffy at Abbey naglakad papunta sa gitna ng grounds. Tinaas ng binata ang kanyang wand sabay sumigaw. “Illumina!” Ang ilaw mula sa lawa gumapang papunta sa mga puno. Lahat namangha nang umilaw narin ang mga puno at nagtuloy tuloy pa ang liwanag at umilaw ang lahat ng puno sa bundok. Ngayon lang nila nakita ang ganda ng bundok sa gabi dahil sa pailaw ni Raffy pero hindi pa tapos ang binata. Tinaas ng binata ang wand niya at tinutok sa langit, “Illumina balls” sigaw niya at mula sa kanyang wand naglabasan ang mga maliliit na bolang liwanag at nagtungo sa langit. Palakpakan ang lahat pagkat lumiwanag ang kalangitian pero ngumiti si Raffy at humirit pa. “Amaze!” sigaw niya. Ang mga bolang liwanag isa isang sumabog at nagmistulang mga fireworks na ibat ibang kulay. Lalong umingay sa campus, hiyawan, palakpakan, iyakan at matinding pagsasaya dahil sa ganda ng mga pasabog na fireworks ni Raffy. “Mwihihihihi kita mo yan, anak ko may gawa niyan” pasikat ni Felipe sabay siniko siko si Pedro. “Ahem, di naman niya gagawin yan pag di dahil sa anak ko” sagot ng bestfriend niya. “So aminado ka na magkakatuluyan sila?” landi ni Felipe at sumabog sa tawa ang mga propesor. “Ang ganda ng fireworks…magandang timing ito para sa first kiss nila” hirit ni Felipe at muling nagsakalan ang magbestfriend. Sa may stage nagpunas ng luha si Franco at tumingala sa langit. “Okay lang ba na pinailaw niya yung bundok? Baka magalit siya” bulong ni Lani. “Kung magagalit yon sana naramdaman na natin. Hush baka lumabas nga yon sa lungga niya at nanonood din e” sabi ni Franco at napangiti sina Hilda at Ricardo. Sa gitna ng grounds nakatingala si Abbey sa langit at nakangiti hawak parin ang kanyang lighted iced rose. Di niya alam si Raffy titig na titig sa kanyang mukha. “Ang galing mo Raffy” bulong ng dalaga. “Wala pa yan no, I reserved something special for the finale” pasikat ng binata. “Kimmy boy come here” sabi niya at lumapit ang bata may dalang iced ball. Lahat napatingin kay Raffy nang hawakan niya ang iced ball. Mula sa wand niya naglabas siya ng maliit na apoy at nabilib ang lahat nang ipasok niya ito sa loob ng iced ball. “Wag kayong kukurap” sabi niya sabay lumutang ang iced ball sa ere at nagpataas sa langit. “Wag kayong kukurap” ulit niya nang nagpataas lalo ang iced ball. “Abbey this one is for you” bulong niya sabay tinaas ang wand niya at sumigaw. “Burn!” at yung iced ball biglang sumabog at nagkalat ang apoy sa langit at humulma sa isang malaking dragon. Napatalon sa tuwa si Abbey at lahat ng estudyante. Ang ganda ng hugis ng fire dragon sa ere at nanatili lang ito nag aapoy para makita ng lahat. Sa stage napakapit si Hilda kay Franco na nagtatalon sa tuwa. “I think its time you brought back the symbol of our school. The dragon” sabi ng matanda. Napaluha na muli ang mga matatandang propesor at alumni nang makita ang kanilang simbolo sa langit. Habang pinagmamasdan ang dragon ay bumabalik sa kanilang alaala ang mga nakaraan nila bilang estudyante. Si Felipe at Pedro nanahimik at nakatitig lang sa fire dragon sa langit. “Ano yan tribute para sa atin?” bulong ni Pedro. “No, nagpapakilala na sila” sabi ni Felipe at nagngitian yung dalawa sabay nag akbayan. Ang dragon unti unti nalusaw pero may natirang pangalan na nag aapoy sa langit. “Abbey” bigkas ni Abbey at halos malusaw na ang puso niya sa tuwa pero bigla sila pinagtutukso ng kanilang schoolmate. Lahat napatitig sa langit at napansin ang pagyeyelo nito. Si Raffy kinabahan pagkat hindi na siya ang gumagawa non. Parang may iced roofing na nabuo sa langit at mula sa bundok may malakas na apoy na nagtungo sa langit para basagin ang yelo. Sigawan ang lahat pero ang yelo nalusaw at umambom bigla ng kakaibang iced crystals na may maliit na apoy sa loob. “Oh my God Raffy…grabe ka na” sabi ni Abbey. “Ah hindi..” sagot ng binata pero di na niya natapos ang sasabihin niya pagkat bigla siya niyakap ng dalaga. Yumakap din si Raffy pero di nagtagal pagkat pinagtutukso ulit sila kaya agad sila nagbitawa sa isat isa at nagngitian nalang. Sobrang tuwa ng lahat ng tao sa campus, pero sa stage nagtatawanan ang apat. “Nabilib ata sa apo kaya ayaw magpatalo at nagpasiklab din ang loko” sabi ni Franco. “Akalain mo napalabas siya ni Raphael, sa tingin niyo magpapakita siya dito?” tanong ni Lani. “He almost came out nung sinugod school natin, maybe he was going to help pero he saw we had it under control” sabi ni Ricardo. “Thanks to my son” sabi ni Franco. “Oo nga, oh come on lets join the celebration” sabi ni Hilda. “Teka, duet duels ulit diba? Isnt it that ang mga champions ay required to climb to the top of the mountain before the start of the championsip battles?” tanong ni Franco. “Oo nga no, the champions of all year levels are required to camp and hike up to the top if they can” sabi ni Ricardo. “Only Felipe and Pedro have reached the top. Do you think pinayagan niya sila umakyat?” tanong ni Hilda. “Ahem…I reached the top too pero hindi siya nagpakita sa amin ng asawa ko” sabi ni Franco. “Do you think may papayagan siyang umabot sa tuktok this time?” tanong ni Lani. “Alam niyo hindi naman niya control ang sino gusto umabot sa tuktok e. Nasa magpartner na yan kung gusto nila umabot talaga doon. Ang tanong kung may umabot ba doon magpapakita na siya?” nilinaw ni Franco at lahat sila napatingin sa tuktok ng bundok. Naglakad sina Abbey at Raffy sa tabi ng lawa at ang dalaga namamangha parin sa mga umiilaw na rosas sa loob ng tubig. Sa tabi ng isang puno may nakita silang matandang lalake, nakasuot ng royal blue robe, gold lining pero may mga dark red flame design. “Uy grandpa don’t stand too close baka malaglag kayo sa tubig” sabi ni Raffy at natawa ang matanda. “Ikaw yung nagpailaw sa mga ito ano?” tanong ng matanda at very proud si Abbey na tumabi sa binata. “Maganda po ba?” tanong ni Raffy. “Sobrang galing iho. Can you teach me how did you do it?” tanong ng matanda at naupo si Raffy sa tabi ng lawa at nilabas ang kanyang wand. “Oh so youre using a wand, alam mo ba bawal sa students yan?” tanong ng matanda at napayuko si Raffy. “E gramps using the wand I can control my magic” sabi ng binata at naupo ang mantada sa tabi niya pati narin si Abbey. “Don’t worry iho I wont tell, sige teach me” sabi ng matanda. “Kasi po nagpractice ako pano magform ng roses sa ice. Kaya kinulit ko talaga sila pero ayaw nila ako turuan kaya nagbasa ako. Ayun I need water to make ice, so one day dito sinawsaw ko wand ko tapos ayon nakaform ako ng rose gamit imagination ko like this o” sabi ni Raffy at humulma siya ng isang iced rose sa ilalim ng tubig. “So pano mo siya pinapaailaw?” tanong ng matanda. “Ah nagtry po ako one time kasi yung finorm kong rose di kita masyado details niya pag walang ilaw. Ayun nagtry din ako ipasok yung light, di ko alam pano pero nung nagtry ako di naman siya nalulusaw kaya ayan o ganyan lang” sabi ng binata at pinailaw ang bagong gawang rosas. “Galing ah, tapos pano yung pasahan ng ilaw?” hirit ng matanda at natawa ang binata. “Eto po yung secret don, yung pinailaw ko lang naman po yung rose ni Abbey e. Tapos yung pasahan, ang di nila alam sila na mismo gumagawa non” bulong ng binata at nagulat yung mantada ang at si Abbey. “Opo di nila alam sila sila na mismo. Di ba ganon po yung magic? You can do magic if you think hard and want it to happen. Di naman kailangan talaga ng magic power to do something magical. Even the simplest act will become something magical in the eyes of those who can appreciate it. In this case nag rely ako sa hope that lahat ng tao dito will want to have their ice cylinders lit. All I did was use the power of suggestion. That is why I told Abbey to pass the light, I made sure narinig ng iba yon” “So yung pinasahan niya, he was expecting umilaw cylinder niya, he wanted it to be lit so umilaw siya. Once nagstart chain reaction na po nangyari, and everyone’s cylinder lit up naman diba? So at that moment everyone believed, everyone wanted it to happen, and so it happened…ang di nila alam they made it happen and not me. But its cool to think they thought ako may gawa non. They told me I have no magic, pati ako alam ko yon. Pero naniwala ako meron ako, naniwala ako kaya ko ang so it happened” paliwanag ng binata. “And the fireworks?” tanong ng matanda. “Ah kasi po nung mag isa ako I really practiced forming a little ball of light. Then I noticed I can control it and make it fly where I wanted it to. Tapos napahatsing po ako sumabog yung little ball ng malakas. Mwihihihihi ayun naisip ko siya” kwento ng binata at sumabog sa tawa si Abbey dahil sa kakaibang tawa ng binata. “Relax iha hindi lang siya ang tumatawa ng ganon” sabi ng matanda. “Actually gramps nagamit ko nga sa duel e. Anyway minaster ko siya talaga pero sabi ko boring pag yellow lang. Then naisip ko pag yung light nagreflect or refract sa glass mag iiba color. So I tried to make iced spheres, kasi po delikado pag glass spheres e. At least pag ice pwede siya matunaw. So sabi ko gabi naman di mahahalata pag haluan ko ng konting color yung water para maganda yung sabog ng ilaw. Then I asked help from my elementary classmates” paliwanag ni Raffy. “And why did you have to give her a lighted rose? Sana pinasan mo din sa kanya yung ilaw. O binigyan mo ng rose tapos pinasa mo ilaw sa rose niya?” tanong ng matanda at napailing si Raffy at napangiti. “Ah…kasi…I like her. I already told her before but ayan gramps pinilit mo nanaman ako sabihin” sabi ng binata at natawa ng malakas ang matanda habang si Abbey napatingin sa malayo at kinilig. “Hay, Raphael Gonzales and Abbey Hizon, you two are very interesting students. We shall see each other soon again” sabi ng matanda at tumayo. “What do you mean gramps? Are you a priest?” landi ni Raffy at bigla siya piningot sa tenga ng dalaga kaya napahalakhak nanaman ang matanda. “I like you two, oh teka bakit hindi ka nakasuot ng school robe? Sus grand event pa naman ngayon dapat makiisa ka” sabi ng matanda. “Ay oo gramps sorry kasi di ko na alam saan ko nilagay robe ko e. Kasi I was busy” sabi ng binata. “Oh eto isuot mo robe ko, wag ka na umangal ayos lang yan kasi alumni naman ako. Ikaw student ka at you have to abide by tradition. Pauwi narin naman ako” sabi ng matanda at sinuot ang kakaibang robe sa binata. “Wow gramps salamat ha, akin na ba ito?” tanong ni Raffy. “Ano ka ba Raffy pinahiram lang niya sa iyo yan” sabi ni Abbey. “Oh no you can have it, meron pa ako ganyan sa bahay. At eto pa iho, try my wand. Yang gamit mo katawa tawa may star pa. Here you can have this” sabi ng matanda. Pinagmasdan ni Raffy ang wooden wand may dragon design sa grip. “Abbey o! Look dragon o” sabi ng binata at inggit na inggit ang dalaga at napatingin sa matanda. “Oh look she is sad, iha you don’t need a wand, youre powerful I can sense it. But of course I am going to give you this bracelets” sabi ng matanda at inalis ang golden bracelets na may dragon na engraving kaya nanlaki talaga ang mga mata ni Abbey. “Panay dragon, kasi school symbol natin dragon diba gramps? I saw the old yearbook and it had dragon design so yung last pasabog ko yung fire dragon. Actually accident ulit yon, I could control my fire to any shape. Halos duguin nga ako kanina ipakita yung dragon sa sky e. Tribute to the school and Abbey kasi favorite niya dragon. And then…mwihihihi syempre name niya sa huli” kwento ng binata at natawa yung matanda pero si Abbey titig na titig parin sa golden bracelet ng matanda na inaabot sa kanya. “Is there something wrong iha?” tanong ng matanda. “Hala lolo mukhang expensive ata yan” sabi ng dalaga at sinuot ng matanda sa mga kamay ng dalaga ang bracelets. “Oh don’t worry malaki kamay ko pero we can fix that” sabi ng matanda at lumiit ang bracelets at sumakto sa kamay ng dalaga. “Wag mo isasanla yan iha” bulong ng matanda sabay tumawa. “Just kidding, ah Raffy mas maganda pag wag mo ipapakita yang wand muna sa mga teachers mo baka mapagalitan ako. Okay? So Abbey and Raphael, I will see you two soon…yes iho the school symbol is the dragon” paalam ng matanda at bigla nalang ito nawala. Masayang bumalik sa campus yung dalawa, si Abbey di parin binibitawan ang rose niya pero di rin maalis ang titig sa kanyang bagong bracelets. “Alam mo Raffy ang bastos natin. We didn’t ask his name” sabi ng dalaga. “Oo nga no, e kasi naman walang chance tapos tanong sya ng tanong. Lets just call him gramps” sabi ng binata. “Mayaman siguro si gramps no? Ang ganda ng bracelets ko tapos maganda din yung dragon wand mo. Ang bait niya no?” sabi ng dalaga. Sa may stage natulala ang apat na matatanda pagkat nakita nila ang suot ni Raffy na robe. “Oh my God…Oh my God…that is his robe” bigkas ni Hilda. “Oo nga no exactly the same as seen sa old books. And look at the bracelets on Abbey’s hands. That is his bracelet” sabi ni Lani. “Don’t tell me nagpakita siya sa kanila?” tanong ni Ricardo. “Dali itanong niyo nga, magtatago muna ako” sabi ni Franco. Hinarang ng tatlong pinuno sina Abbey at Raffy, “Wow iho nice robe where did you get that?” tanong ni Hilda. “Grandmama we met this old man, ay si gramps pala. Tapos pinagalitan niya ako bakit daw wala ako robe e tradition daw dapat meron so binigay niya tong robe niya sa akin. Sabi niya meron pa daw siyang ganito” paliwanag ng binata. “And look lola o he gave me his bracelets. It has a dragon design o” pacute ni Abbey at nanlaki ng todo mga mata ng pinuno. “Ah yes alumni, we know him. So how is he? How did you meet?” tanong ni Lani. “What does he look like? I mean what does he look like now?” tanong ni Ricardo. “Doon sa lawa grandmama. Nagpaturo nga siya pano yung ice rose e. Tinuro ko at aliw na aliw siya. He looks old pero not really. Pero white hair siya pero maayos naman gupit at white din balbas niya” sabi ni Raffy. “And he looks strong, I mean healthy lola” sabi ng dalaga. “Sige po at kakain muna kami ni Abbey” paalam ng binata at umalis na sila ng dalaga. Sumulpot si Franco at nakibalita, “He actually showed himself to them” bigkas ni Ricardo sa tuwa. “Wow, he even gave Raffy his royal dragon robe, then his dragon bracelet to Abbey” sabi ni Lani. “After three hundred years nagpakita ulit siya…do you know what this means?” tanong ni Hilda. “Of course, the dragon master Ysmael has chosen his apprentices…and one of them if my grandson” sabi ni Franco at tumawa siya ng malakas sa sobrang tuwa. “Mwihihihihihihi” tawa ng matanda at nahawa tuloy yung tatlo at nagtawanan narin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD