Pag Ahon

4922 Words
Apat na araw bago ang grand school event, nagtipon ang art committee ng school sa kanilang office. Wala sa kanila ang nagtratrabaho, lahat nakarelax at nasa binatana at pinapanood si Raffy na nakaupo sa isang silya sa gitna ng school grounds. Ang binata nagbabasa ng isang magic book habang inaatake siya ng isang golden boy. Ilang araw nang ganito ang kaganapan kaya nasanay na ang lahat ng estudyante. Pagbibigyan ni Raffy umatake ng umatake ang mga golden boy at paglipas ng ilang minuto ay susuko na siya. Pagkalipas ng limang minuto sumuko si Raffy na kinainis ng kanyang kalaban. Dumating si Giovani at ibang girls para lagyan ng malaking umbrella shade si Raffy at iced tea. “Will that be all my friend?” tanong ni Giovanni. “Yes thank you my friend. A splendid taste of tea you gave me. Do I have more opponents?” sagot ni Raffy. “Oh my there are still lots of them” banat ng binata at nagtawanan yung dalawa. Tawang tawa si Abbey nang kawayan siya ng binata. “Uy Abbey hindi ba siya bothered na ang dami na niyang talo?” tanong ni Yvonne. “E ano kung madami siyang talo e siya parin naman si Raphael” sagot ng dalaga at nagtilian ang lahat ng kanilang group mates. “Look if he fights back he might become violent, e di magbabago na siya. Baka mamaya magpower trip pa siya. Hindi ba mas maganda ang ganyan siya? At least alam ko he didn’t change” sabi ni Abbey at lahat nalito sa kanyang sinasabi. “Wait why aren’t we doing anything?” tanong ng dalaga. “Raffy said siya na daw bahala sa opening at closing e. All we have to do is fix the decorations which we already have ready” sagot ni Cessa. “Ano ba daw kasi binabalak niyang opening?” tanong ni Abbey. “Aba malay, ikaw nga dapat nakakaalam e. diba?” landi Felicia at nagtilian ulit ang kanilang groupmates. Samantala sa principal’s office nakatayo malapit sa bintana sina Peter, Prudencio, Ernie at Hilda at pinapanood nila si Raffy. “Good job in teaching him defense Ernie” sabi ni Prudencio. “One lesson lang siya nakuha niya na agad pero si Abbey medyo mabagal matuto ng depensa. Talagang pang offense lang siya” sabi ni Ernie. “One lesson? Pero how can he manage to put up a defense when he has no magic power?” tanong ni Peter. “How can you say wala e nakita mo ngang he can produce a mean illumina magic and he can defend? He has magic powers pero maybe we just cannot detect it” sabi ni Hilda. “I agree, yun din iniisip ko nung tinuturuan ko sila e. I said pano magdedepensa itong bata kung wala siyang magic. Pero look at him, inoorasan ko defense time niya umaabot na ng isang oras” sabi ni Ernie. “His body is adapating to his powers already. Pero look at him may sinusulat siya e. Tignan niyo maigi may maliit siyang notebook” bulong ni Prudencio. “Mana sa ama” sabi ni Hilda. “Ano ibig mo sabihin?” tanong ni Peter. “Ah wala naman, hayaan niyo lang siya. Teka I heard he has a surprise for us sa grand event” sabi ng matanda. “Hay naku sigurado kalokohan nanaman yan. Itong bata promising nga pero may pagkaloko loko e” sabi ni Ernie. “Alam niyo we are too uptight in the past years. Lets loosen up and have fun naman for a change. Lately I have been feeling good” sabi ni Hilda. “Oo nga and look there are more duels happening lately. Yung mga dating ayaw maki duel they are already joining. They don’t care pag matalo sila. They are just having fun” sabi ni Ernie. “Tama ka, dati e pasiklaban lang ng malalakas pero now everyone is dueling for the sake of improvement. Raffy showed them that its okay to lose. Ang maganda pa no grudges, pag may natalo makikita mo okay lang at nakikipagkamayan pa sa nanalo. Dati pag may natalo, revenge agad iniisip. So now look at the golden boys, wala na sila pinagmamalaki. They cant bully around so much because no one is afraid to lose anymore” sabi ni Prudencio. After elementary magic class bumalik si Raffy sa highschool campus at nakitang may estudyanteng dinadala sa clinic. Sumilip siya at nakita niya ang duguan na Giovani. Pagpasok sa clinic ay nakisingit si Raffy at naawa sa kanyang kaibigan. “Pare what happened?” tanong niya. “Relax pare, okay lang ako. Kaya ako gamutin ni sir Erwin” sagot ni Giovani. “Oo pero ano nangyari?” tanong ni Raffy. “Pinagtripan siya ni Henry” bulong ng isang dalaga at agad tumakbo palabas ang binata at hinanap ang salarin. Nagkita ang dalawa sa dulo ng grounds, “Bakit mo pinagtripan si Giovani?” tanong ni Raffy. “Kasi ayaw mo kami labanan” sagot ni Henry sabay ngumisi. “E bakit kayo nandadamay ng iba? Di pa ba sapat nanalo kayo sa akin ilang beses? Why do you have to involve others?” tanong ni Raffy sag alit. “And we wont stop until you fight us. Yung totoong duelo at hindi yung dedepensa ka lang at uupo tapos susuko” sabi ni Henry. “Oh yeah? You want to fight me now?” tanong ni Raffy at tumawa lang ang kanyang kaharap. Principal’s office magkasama si Hilda at Abbey pagkat tinuturuan ng matanda ang dalaga ng control magic. Napatigil si Hilda at biglang kinilabutan. “Lola bakit po?” tanong ng dalaga. “This is bad…may nararamdaman akong…oh no nasan si Raphael?” tanong ng matanda. Sumilip yung dalawa sa binatana, nakita nila si Raffy at Henry nagbabangayan sa grounds. “Lola they are just talking. Ganyan yang dalawang yan lagi nag aaway” sabi ni Abbey. “No iha…I feel that something bad is going to happen…ramdam ko ang halo halong kapangyarihan” sabi ng matanda at biglang sumulpot si Prudencio. “You felt it?” tanong ng principal. “Oo kaya ako napasugod dito akala ko galing dito e” sabi ni Prudencio at dumating din si Peter at Ernie. “Abbey its not you right?” tanong ni Peter. “No dad, lola was just teaching me” sabi ng dalaga. “Ayun! Look five students scattered! They are going to attack Raffy from the back!” sigaw ni Hilda at agad nagteleport ang mga guro habang si Abbey napasigaw ng malakas. “Raffy sa likod mo!!!” sigaw ng dalaga. Narinig ni Raffy ang boses ng dalaga, lumingon lang siya pero wala siyang nakita. Hinarap niya ulit si Henry na nakangisi sa kanya. Naglitawan na ang limang golden boys, lahat may hawak na magical balls sa kanilang mga kamay. “Goodbye Raffy” bulong ni Henry at mabilis din siya naghulma ang magic ball at sabay sabay yung anim na binaon ito sa katawan ng binata. “Raffy!!!” sigaw ni Abbey pero huli na ang lahat. Di na umabot ang pagdating ng mga guro pagkat narinig ng lahat ang malakas na sigaw ng binata. Malakas na pagsabog ang naganap, si Peter nagpanic pagkat ramdam niya ang kapangyarihan ng kanyang anak mula sa principal’s office. “Prudencio, Ernie, samahan niyo si Peter dali!” sigaw ni Hilda. Nagtatawanan ang mga golden boys pero bigla sila lumutang sa ere dahil sag alit ni Hilda. Si Abbey nag aapoy na ang kanyang mga mata, magteteleport na sana sa grounds pero napalibutan siya ng sealing sphere na hinulma nina Peter, Ernie at Prudencio. “Abbey calm down!” sigaw ng ama niya. “How can you tell me to calm down when they did that to Raffy!?” sigaw ng dalaga at nahirapan ang tatlong guro pagkat nag aapoy na ang buong katawan ng dalaga. “Abbey!! Listen to me! Huminahon ka iha!” sigaw ni Peter pero ang dalaga pinipilit sirain ang sealing sphere at gusto makalabas. Sa grounds natakot ang lahat ng estudyante pagkat nagliliyab narin ang mga mata ni Hilda. “How dare you attack a fellow student! You can only use your magic in duels!” sigaw ng matanda at ang anim na golden boys nangingilabot na sa takot sa ere. Humupa yung pagsabog at nakita ng lahat nakatayo parin si Raffy. “Its okay grandmama I am fine” sabi ng binata. Sa loob ng principal’s office tumigil si Abbey at naupo. “He is okay…I am going to calm down now” bulong niya kaya napalingon si Peter sa bintana at nakita ang nakatayong si Raphael. “Oo nga…pero how did you know iha?” tanong niya. “I can feel him…you can stop now. I promise to calm down” sagot ni Abbey. “Grandmama ibaba mo sila” sabi ni Raffy. “No iho, I am going to suspend them. They attacked you illegally” sabi ni Hilda. “Grandmama! Ayaw ko magtaas ng boses pero nakikiusap ako ibaba mo sila lahat!” sigaw ng binata. “No! Go to my office now! I will suspend them. Raphael wag mo papairalin ang galit mo iho. You are better than them, you know that your anger will do no good” sabi ng matanda. “Grandmama…I promise not to harm them. Ibaba mo lang sila at kakausapin ko sila” sabi ng binata. “I said no! Raphael go to my office now!” sigaw ni Hilda at tumingala si Raffy at isa isa minukhaan ang mga salarin. Huminga ng malalim si Raffy at niyuko ang kanyang ulo. “Raphael please understand” bulong ni Hilda. “Yes grandmama I do” sagot ng binata at naglakad na palayo. Sa opisina ng principal pumasok si Raffy at nagulat nang makita si Abbey na halos mahubaran na dahil sa sunog sunog na damit. “Ano nangyari sa iyo?!” sigaw ng binata at mabilis niyang inalis ang punit punit niyang polo at sinuot sa dalaga. “Wala no, I am okay di ko lang nakontrol powers ko” pacute ng dalaga. “Bakit ka kasi gagamit ng powers? O tignan mo mukha mo mauling pa, tsk ano ba kasi ginagawa mo Abbey?” sabi ng binata at nilabas niya panyo niya at pinunasan ang mukha ng dalaga. Dahan dahan napalingon si Raffy sa at nakita ang nakahandusay na tatlong guro. “O ano nangyari sa kanila?” tanong niya. “Wala lang, they tried to control me” sabi ng dalaga. “Oh scary much” sabi ni Raffy at nagtawanan yung dalawa. “Ikaw you seem okay” sabi ni Abbey. “Why shouldn’t I be okay? Yung kanina wala yon” sagot ng binata at biglang pumasok si Hilda. “Are you mad at me Raphael?” tanong niya agad. “No grandmama” sabi ni Raffy. “Iho sana maintindihan mo naman. They attacked you illegally. If I let you fight them back…” sabi ni Hilda at nagkatitigan ang lahat. “Yeah I know I would lose” bulong ng binata. “Hindi sa ganon iho, pero makikita ng ibang students. We have rules naman so I showed them that we apply the rules. I couldn’t just let you fight it out” sabi ni Hilda. “Relax grandmama wala na yon. Look at me I am okay” sabi ni Raffy. “Buti nalang Ernie tinuruan mo ng defense magic” sabi ni Prudencio. “Di ko nga din alam na pwede pala mag automatic yon e. Surprise attack yon pero I am okay. Tara Abbey uwi na tayo pero…you should…grandmama clothes please” sabi ni Raffy. Sa isang iglap bago na ang damit ng dalawa, “Oh by the way bisitahin pala muna natin si Giovani sa clinic before we go home” sabi ng binata habang naglalakad sila palabas ng opsina. Pagkaalis nila ay tumayo si Ernie at napakamot. “How did he survive that attack? He didn’t use defense magic” sabi niya at nagulat yung tatlo. “Anong ibig mo sabihin he didn’t use defense magic?” tanong ni Hilda. “Look if he did use defense magic sana hindi napunit punit damit niya. Lets say just in time yung gamit niya, still hindi sana napunit damit niya. Okay isipin niyo talagang sumakto, if napunit damit niya that means naramdaman din niya sana yung six attacks. Napunit damit niya that means nakalusot yung mga atake, nakita niyo naman siya parang walang nangyari. I cant explain what happened pero trust me that is not defense magic” paliwanag ni Ernie. “E ano nangyari? Pano niya nakayanan yung anim na atake na yon? Take note sabay sabay pa from all angles” sabi ni Peter. “Kaya nga sabi ko sa inyo punit damit niya, the mere fact napunit means natamaan talaga siya at hindi nakadepensa. How he is able to smile and seem unaffected that I don’t know” sabi ni Ernie. “Araw araw nalang may bago siyang pinapakita sa atin. The problem is we cant explain it” sabi ni Hilda. “Oh come on, kailan ba tayo nagkaroon ng cursed dragon wing magic user kasi? Never diba? So we can learn” sabi ni Prudencio at nagngitian nalang yung apat. Sa clubhouse ng golden boys nagsasayahan ang mga miyembro. “Why are you happy e suspended kayo?” tanong ni Teddy. “Sabi ni principal after the grand event pa mag effect. Para naman daw makadalo pa kami sa grand event. Oh she is so mabait parin” sabi ni Adolph at nagtawanan ang lahat. “And why are you still happy?” hirit ni Teddy. “Kasi may chance pa kami labanan si Raffy. We attacked one of his friends and it made him mad. May apat na araw pa bago grand event so we can still challenge him” sabi ni Armina. “Yes, we have to hurry kasi I heard pag nagstart na yung grand duels ay suspended na ang normal duels. We have to beat him up para naman hindi niya maenjoy ang grand event. Kawawa naman siya” landi ni Henry at napangiti si Teddy. “I will challenge the nerd later. Im gonna beat her up and force Raffy to fight then bahala na kayo” sabi ni Armina. “And how sure are you lalaban siya?” tanong ni Teddy. “Ikaw pag ayaw mo plano namin stay out of it. Baka naman pag napalaban namin siya ikaw nanaman una sasabak” sabi ni Adolph at nagkatitigan yung dalawa. “If he does not want to fight then we challenge Abbey…the closest to his heart” sabi ni Henry. “Oh the Abbey you have been courting for a long time? And the one who called you peste?” tanong ni Teddy at napatayo si Henry. “Shut up! Ako mismo lalaban kay Abbey and I am going to make her pay. At the same time mapipilitan na si Raffy lumaban I am sure after he sees what happens to her” sabi ng binata at natawa si Teddy. “Goodluck sa inyo, baka mabulaga lang kayo in the end” sabi niya. “You promise to stay away?” tanong ni Adolph at napangiti ang pinuno nila. “Lets see, kung lumaban siya tignan nalang natin sino ang unang susulpot don para hamunin siya. Remember I am faster than all of you” banta ni Teddy sabay ngisi. Kinabukasan hindi maganda ang pagdating sa school nina Abbey at Raffy. Nadatnan nila si Cessa duguan sa grounds at tinatawanan pa ni Armina. Nandon si professor Erwin para gamutin ang dalaga pero si Raffy nakatayo lang at nanggagalaiti sa galit. “Im going to fight them Abbey” bulong niya. “Raffy…wag na…okay lang ako. Willing kami lahat to take one for you. Its okay…at leat I got to fight after a long time” bulong ni Cessa. “No, this should stop right now” sabi ng binata at hinawakan ni Abbey ang braso niya. “Raphael please don’t. Wag ka mag stoop down sa level nila. Sige ka hindi umaabot don ang elevator. Ikaw din mahirap na bumalik sa taas” sabi ni Abbey. “Pero they are playing dirty already Abbey” sabi ng binata. “At ano bibigay ka? You heard what Cessa said diba? Pati yung sinabi ni Giovani kahapon diba? Lahat ng schoolmates natin kakampi mo. Handa kami lahat to lose and get beat up for you” sabi ng dalaga. “Raffy magsasawa din naman sila e” bulong ni Abbey. “Kailan? Pag lahat ng students nagulpi na nila? When that happens hindi ko na kaya pumasok dito. Mas maganda nalang matalo ako ng normal sa kanila. Di ko makakaya titigan kayong lahat sa mata when they beat you all up because of me. Maybe its time for the truth to come out” bulong ng binata. “You should respect the wants of others. You may be a hero to them so let them be a hero for you naman” “Tignan mo si Cessa, she is weak. Pero look at her, narinig mo ba umiiyak or nagrereklamo sa mga sugat niya? Ayan o nakangiti pa nga, look at the others, naawa sila pero lahat sila proud sa kanya. She stood up for you, Giovani did yesterday and I am sure lahat sila willing to do the same. Lalo na ako” bulong ni Abbey. Lumuhod si Raffy at hinaplos ang noo ni Cessa. “Salamat ha” bulong niya at nginitian siya ng dalaga. “Next time I know how to beat her already, I need to practice pa” sabi ni Cessa. Umalis sina Abbey at Raffy, “See I told you. Happy pa ata sila at nagulpi sila. Its going to make everyone stronger” sabi ng dalaga. “Oo nga e pero Abbey ayos lang siguro…basta wag lang ikaw” sabi ng binata at nauna nang naglakad papunta sa classroom nila. “Wag ka naman biased, sige ka di na kita papansinin” banta ng dalaga pero di na siya pinansin ni Raffy. Bago recess nagtungo si Raphael sa comfort room. Doon nakasalubong niya si Jerome na may inabot sa kanyang papel sabay nagmadaling umalis. Binasa ni Raffy ang nakasulat sa papel sabay tumakbo papunta sa principal’s office. Sumapit ang recess at naglalakad lakad si Abbey sa school grounds. Bigla siya hinarang ni Henry at Adolph kaya nagpanic ang mga ibang estudyanteng nakakita. “Adolph balato ko na sa iyo si Raffy” sabi ni Henry sabay hinamon agad ang dalaga sa isang duelo. Sa gitna ng grounds naglakad lakad si Abbey at parang sumasayaw ng kundiman. Si Henry agad nagpasabog ng malalakas na pasabog pero mabilis ito naiiwasan ng dalaga. “Dahil sa nakaraan natin I am going easy on you” sabi ng binata. “Sabi mo e” landi ng dalaga at tinuloy lang ang kanyang pagsasayaw. Napasugod si Peter sa grounds pero agad siya nahila ni Hilda at Prudencio. “Saan ka pupunta?” tanong ng matanda. “Anak ko yang lumalaban bitawan mo ako” bulong ni Peter. “Tumigil ka nga at manood ka lang” sabi ni Prudencio sabay sinikmuraan ang kapwa guro. Tumalon sa ere si Henry at naghulma ng malaking bolang apoy sabay hinagis sa dalaga. Sumigaw ng malakas si Abbey nang siya ay tamaan pero paghupa ng apoy ay dumilat siya at nagpacute. Naglakad lakad ulit siya kaya lalong nagalit si Henry at sumugod, gamit ang nagbabagang kamao niya pinag gugulpi niya si Abbey na napahiga sa lupa. Sa canteen pumasok si Cessa, hingal na hingal at tinignan ang kanyang mga kaibigan. “Si Henry ginugulpi si Abbey” bigkas niya. “Ginugulpi ako ni Henry?” tanong ni Abbey at natulala ang kanilang kaibigan. “Ha? I just came from the clinic…I saw Henry beating you up just now” sabi ni Cessa at nagtawanan ang kanyang mga kaibigan. “It’s the drugs talking” sabi ni Felicia. “Si Henry kinakawawa si Abbey!” may sumigaw na binata kaya napatayo ang lahat sa canteen at napatingin sa lamesa nina Abbey. “Hoy! Nandito ako no!” sigaw ng dalaga. “Kawawa si Abbey, dalian niyo!” may sumigaw ulit kaya naintriga na ang lahat at naglabasan ng canteen. Tulala si Abbey pagkat nakikita niya sarili niya na ginugulpi ni Henry. Si Peter nasa malayo at natulala pagkat dalawang Abbey ang nakikita niya. Si Henry napatigil at tumayo, di niya maintindihan ang nangyayari, tinignan niya yung nakahigang Abbey sabay yung nakatayo sa malayo at napakamot. Nagsigawan ang lahat ng estudyante at nagpalakan, pagharap ni Henry ay nakatayo na ang kaharap niyang Abbey pero nagpapalit ng anyo. “Nyahahahaha surprise!!!” sigaw ng binata at mabilis humawak sa mukha ni Henry. “Everyone! You know what to do diba?” sigaw ni Raffy at lahat nagtakip ng mata saglit, “Illumina!!!” sigaw ng binata at humiyaw si Henry at napaluhod sa lupa hinihimas ang kanyang mga mata. Si Henry lang ang nabulag pero si Raffy nanatiling nakatayo at inaantay makakita ang lahat ng maigi. “I want everyone to see. Plano niyo hamunin si Abbey para pilitin ako lumaban? After you beat her up si Adolph hahamon sa akin? Sayang oras! Eto ako, tumayo ka diyan Henry Peste!” sigaw ni Raffy at humawak sa buhok ng kalaban sabay pinagtutuhod ang mukha. “Sawang sawa na ako sa kayabangan niyong golden boys!!!” hiyaw niya at lumipad siya sa ere at double twisting kick tumama sa ulo ni Henry. “Oo yan lang naman kaya ni Raffy e, illumina at kungfu punch and kicks!” sigaw ni Raffy kaya tumakbo siya ng malayo at pumorma. Dalawang kamay niya nagpaikot ikot at may hinuhulmang kakaibang kulay na bola. Nanlaki mga mata ni Hilda, Prudencio at Peter, “I helped him change form…pero I didn’t teach him that” sabi ng matanda. “Ano yan? Anim na kulay?” tanong ni Prudencio. Ang hinuhulma ni Raffy sa kanyang mga kamay anim na halo halong kulay. “Wala naman magic si Raffy e. Sisiw lang yan talunin. Dinadaan niya lang sa diskarte yan” sigaw niya mismo. “Ano bang hindi niyo maintindihan sa nagpipigil? Gusto niyo makita kapangyarihan ko? Fine!” hirit niya at tumakbo siya pasugod kay Henry at binaon ang magic ball niya sa tiyan ng kalaban. “Sino ang walang kwenta ngayon?!!!” sigaw ni Raffy at nagliyab ng dilaw ang kanyang mga mata at buhok niya hinahanging palikod. Napaatras sa takot si Adolph nang marinig ang kaawa awang sigaw ni Henry. Kita ng lahat ang pagpasok ng kakaibang powerball ni Raffy sa dibdib ni Henry. Napanood ng lahat ang pagluhod niya at pangingisaw, ang dugo naglabasan sa mga mata at kuko habang tuloy ang matinding pag iyak niya sa sobrang sakit. “Do you surrender?” tanong ni Raffy. “Yes” bulong ni Henry. “Haaaa? I cant hear you?” landi ni Raffy kaya nagtawanan ang lahat at nagpalakpakan. “Yes!” sigaw ni Henry. “Haaaaaa? Ano yon? Do it properly! Alam mo pano sumuko ng maayos!” sigaw ni Raffy at niyuko ni Henry ulo niya tapos tinaas ang isang duguan na kamay. “I surrender!” sigaw niya. Humarap si Raffy sa crowd na pumapalakpak at pinakalma niya sila. “Ei guys and gals. I am really sorry. Eto mangyayari pag pinairal niyo galit niyo. Something bad like that. Naintindihan niyo naman ako diba? Sana sa duels wag ganyan pero they deserve it. Pinagbigyan ko na nga sila para talunin ako pero gusto daw nila lumaban ako e. Sorry talaga ayaw ko naman talaga umabot sa ganito pero pati kayo dinadamay na e” “Nagpapasalamat ako sa inyo kasi willing kayo magpagulpi para sa akin. Pero di naman masarap ang magulpi e. Giovani at Cessa, sorry talaga ha. At di ko rin matiis kasi e si Abbey yung sasaktan na nila. Naintindihan niyo naman ako diba?” sabi ni Raffy at nagtilian ang lahat at kinantyawan siya. Si Abbey namula ang mukha at nagtago sa likod ni Yvonne at kumapit kaya nagtawanan lalo ang lahat. “Pero teka gusto pa ata ni Adolph lumaban kaya excuse me ha” sabi ni Raffy at tinignan si Adolph. Ang golden boy tumalikod at naglakad nalang palayo kaya lalong nagsaya ang mga estudyante. “Ay ayaw na. So pag ayaw wag na pilitin. Okay? Ayan people can you help carry Henry to the clinic? Kasi ew! There is blood and its so kadiri I don’t want to ruin my uniform” banat ni Raffy at lahat naglakad palayo at iniwan ang sugatan na si Henry sa gitna ng grounds. Lumapit si Erwin at naglagay lang ng isang band-aid sa noo ni Henry. “O ayan yung ibang sakit tiisin mo you deserve it naman” sabi niya. “Erwin!” sigaw ni Hilda kaya nagsimangot ang propesor at binuhat ang sugatang estudyante. Habang buhat ni Erwin si Henry papunta sa clinic sumunod si Raffy at kumakanta. “Hindi kita malilimutan, hindi kita pababayaan” birit niya at ang daming sumunod sa kanya at nagmistulang prosisyon ng ililibing. Bumirit din si Erwin kaya super tawanan ang lahat lalo na nung nakisama pa ang ibang propesor sa biruan. Hinaplos ni Peter ang dibdib niya at pasimpleng hinila si Abbey. “Oh my God akala ko ikaw yon” bulong niya at yayakap na sana pero lumayo ang dalaga. “Daddy not in school diba?” bulong niya. “So Hilda you knew about this?” tanong ni Prudencio. “Hay naku sabi ko sa inyo kanina before recess lumapit si Raffy asking me to make him look like Abbey. Kasi may nagtip daw sa kanya na that Henry is going to attack Abbey and after that Adolph will attack him” paliwanag ng matanda. “And you let him? I mean hinayaan mo siya lumaban kay Henry? So you knew he had something?” tanong ni Prudencio. “Tinanong ko siya, sabi niya may nararamdaman daw siyang kakaiba. E ang kulit niya so hinayaan ko na. Honestly di ko alam meron siya non. Ano ba yung ginawa niya?” tanong ni Hilda. “Remember last time inatake siya ng anim na students? Yung nangyari kay Henry kanina ganon din sana nangyari sa kanya that time nung natamaan siya” paliwanag ni Ernie. “Are you saying he absorbed the six attacks? Tapos binuhos niya kay Henry today?” tanong ni Peter. “Well it seems that way” sabi ni Ernie at nagliwanag ang mukha ni Prudencio pero nakita na nandon si Abbey. “I will explain sa meeting…Abbey puntahan mo na si Raffy o mukhang mapapaaway ulit kay Teddy o” sabi niya. Lumapit si Abbey kay Raffy na nakikipag usap kay Teddy. “Yan ang gusto ko, nagpakita ka ng totoong kulay. Don’t worry I wont challenge you now. I can see mas gusto mo lumaban pag may kasama kang nasasaktan. So you better be sure to join the grand duels. Magkita tayo sa battle of champions” sabi ni Teddy. “Sino naman kasi nagsabi sa iyo na sasali ako sa grand duels?” tanong ni Raffy at yumakap si Abbey sa isang braso niya at nginitian si Teddy. “Ako, yes maghaharap kayo sa champions battle” sabi ng dalaga. “That’s more like it. After a long time nachallenge ako. See you soon Raffy” paalam ni Teddy at umalis na. “Who said I was joining?” tanong ni Raffy. “Ako nga bingi ka ba?” sumbat ni Abbey. “At bakit ikaw nagdedecide para sa akin?” sagot ng binata. “Kasi ikaw ang pinili kong partner, sasali kasi ako e. Ano may angal ka ba?” tanong ng dalaga at huminga ng malalim si Raffy at napakamot. “Sure ka?” tanong niya. “Yup!” sagot ng dalaga. “Hoy did you peek under my dress kanina?” hirit niya with angry eyes. “Ay oo nga ano? Nakalimutan ko” banat ni Raffy at bigla siya binuntal ng dalaga sa tiyan. “Ouch I was just kidding…of course I didn’t” bulong ng binata at kunwari humahawak sa tiyan niya sa sakit. “Alam ko, tinetesting lang kita. At wag kang maarte diyan alam ko magaling ka sa defense magic” sabi ng dalaga at natwa si Raffy at ngumiti. “Abbey did you choose me as your partner because of what I did kanina?” tanong ng binata. “Hindi, matagal ko na binabalak sumali. Di ko lang sinasabi sa iyo para hindi ka magpanic” landi ng dalaga. “Alam mo naman malaki chance natin matalo diba?” tanong ng binata. “Yup, malulungkot talaga ako pag natalo tayo, tapos sa sobrang lungkot di na kita papansinin…” “So you better make sure we win always”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD