Maliwanag na nung nagising si Raffy, pagmulat niya nakita mukha ni Abbey malapit sa kanyang mukha. “You have soft lips” bulong ng dalaga. “How do you know?” tanong ng binata. “Kanina pa kita hinahalikan e” sabi ng dalaga at nanlaki ang mga mata ni Raffy at agad siya napabangon. Humalakhak si Abbey pagkat parang in shock ang kanyang partner na humahaplos sa kanyang labi. “Sira I was just kidding you, kanina pa ako gising at wala makausap e ikaw ang himbing ng tulog mo. Kanina pa kita ginigising kaya. Ang how will I kiss you pag naka thumb suck ka?” sabi ng dalaga. Hiyang hiya ang binata at di maiharap ang kanyang mukha. “O yan breakfast in bed, no choice banana ulit. Pero Raffy malapit na maubos laman ng mga tumbler natin. Wala na tayong water soon” lambing ng dalaga. “Don’t worry maghahan

