Unang araw ng pasukan pagkatapos ng mahabang bakasyon napuno agad ang school grounds pagkat inaasahan ng lahat magsisimula na ang grand championships. Sa gitna ng grounds pinatayo ang lahat ng champions ng bawat year level. Ang crowd di na mapakali at lahat nakatingin sa mga battle screens para malaman sino ang unang maghaharap. Tumayo sa isang podium si Ricardo at nagsimulang nagsalita. “Everyone may I have your attention. I am sad to announce that there will be no duels for today” sabi niya at halos magwala ang lahat ng estudyante habang yung sampung finalists tila nakahinga ng maluwag. Pinakalma ang lahat ng mag aaral at nagsimula magkwento si Ricardo tungkol sa tradisyon ng paaralan. Take turns ang tatlong pinuno ng paaralan na magkwento at naaliw naman ang mga estudyante pagkat hina

