Nangilabot sina Gustavo at Froilan sa rebelasyon ni Raphael, inakala nila biro ito pero kita nila yung nag iikot na anino ng dragon paikot sa dalawa. “I lied” sabi ng matanda at pipitik na ang mga daliri niya. “I know!” sigaw ni Raphael at kay bilis tinuro ng binata ang kamay ng matanda at yung itim na anino ng dragon kay bilis lumipad patungo sa mga kalaban. Napapikit sina Gustavo at Froilan sa lakas ng mainit na hangin, napasigaw ng matindi yung matanda pagkat pagmulat niya putol na ang kanyang kamay at hawak na ito ni Raffy at tinapon sa ere. Si Abbey tinaas ang isang kamay niya at pinaabo agad yung putol na kamay gamit ang kakaibang pulang apoy. “Oh my God…sila ba yan?” tanong ni Felicia. Napalunok si Adolph at kinilabutan konti. “At akala ko pinagbigyan ko sila konti…sila pala yung

