Humulma si Ivy ng isang iced circular platform, doon pinatayo sina Raffy at Abbey. Sa tulong ng ibang propesor lumutang yung platform at nagpaikot dahan dahan sa buong coliseum. Todo kayaw at ngiti ang magpartner habang dinadaanan nila ang lahat ng mga nanood. Sina Romina at yung mga grade one kids ang sumagot ng fireworks na lalong kinatuwa ng magpartner. Samantala sa school grounds halos mapaupo na si Diego sa pagod. Napalabas nila yung portal at dahan dahan lumabas sina Gustavo at Froilan. “Nasa clinic na ba sila?” tanong ng matanda. “Sir…sina Teddy at Stanley yung nasa clinic” sabi ni Diego at nagulat yung dalawa. Dumating narin sina Henry at Adolph at natakot sila lumapit pagkat hindi maganda yung itsura ni Gustavo. “Change of plans then” bulong ng matanda sabay nagtitigan sila ni F

