Kakaiba yung tahimik sa buong coliseum kahit punong puno ito talaga ng mga tao. Pinakilala na sina Stanley at Teddy, yung dalawang binata simple lang na pumasok at tumayo sa gitna. Pansin ng lahat ang kakaibang angas sa mukha ni Teddy, tiningnan niya ang lahat ng tao, walang pumapalakpak sa kanila kaya lalo kumukulo ang dugo niya. Nang magsalita ulit si Ricardo ay halos hindi na siya marinig pagkat nag ingay na ang mga manonood. Hindi na nila tuloy narinig yung pagpapakilala kina Raffy at Abbey, nagtayuan ang lahat at napatingin sa entrance ng team dragon at inabangan ang kanilang entrance. May pagsabog na malakas na apoy mula sa entrance, lalong nagwild ang mga tao. Humupa ang apoy at may itim na usok na gumagapang sa lupa ang kumalat sa buong battle ground. Tumayo ang balahibo ng lahat

