Pinaghahandaan na ng buong school ang grand finals. Dito narin magtatapos ang grand celebration kaya pagkatapos ng grand duel event ay magkakaroon pa ng konting selebrasyon. Gamit ang mahika may mas malaking coliseum ang pinatayo, pansamantala naitago yung mga school buildings at madaming food stalls sa buong paligid. Isang araw pa bago yung grand finals pero madami nang tao sa campus. Mahigpit ang seguridad sa lahat ng mga entrance at yung mga guwardya at empleyado ng institute ang mga namamahala dito. Kapansin pansin din yung mga tao na nakasuot ng itim na robe at maskara sa bawat entrance, sila yung mga mandirigma at handa kung sakaling may masamang mangyari ang magaganap. Sina Abbey at Raffy naglilibot at ineenjoy yung mga pagkain na binebenta. Napatigil yung dalaga at tinitigan yung

