Part 20

2004 Words
PINUNO niya ng hangin ang dibdib. Kung ilang beses nang ginawa iyon ni Geraldine ay hindi na niya natatandaan. Ang alam lang niya, ang nerbiyos na gumapang sa dibdib niya mula kanina ay parang naging permanente na roon. She checked herself. Tiniyak na maayos ang damit niya at nasa bag ang dala niya. Inayos din niya ang ribbon ng kahon na hawak niya. Then she inhaled again. At saka niya pinindot ang buzzer. Nang marinig ang tunog niyon, tila lalo siyang ninerbyos. Banayad niyang ipinadyak ang paa upang hindi makadagdag sa tensyong nararamdaman niya kanina pa ang tila pangangalog ng tuhod. She waited. At ilang sandali pagkatapos na walang magbukas sa kanya ay pinindot niya uli ang button. Alam niyang nasa condo si Matthew. Ang guwardiya sa ibaba ang nagsabi sa kanya na naroroon ang sasakyan nito sa parking. Naghintay uli siya subalit hindi pa rin ito nagbukas ng pinto. Gusto na niyang sumuko. Pero naisip niya, kapag sumuko siya ngayon ay wala na siyang magagawa pa. Ngayon lang niya na-realized na hindi naman niya talaga kilala si Matthew. So what kung anak ito ng may-ari ng isang malaking kumpanya? Hindi niya tiyak kung kaya niyang puntahan ito roon. Hindi rin niya alam kung magagawa niyang sundan ito sa teatro upang habulin. Ang alam niya, nagagawa niya ito ngayon dahil bukod sa tulak nina Eve at Lorelle, ang malaking factor ay wala silang audience sa condo nito. Kung mabigo man siya kay Matthew, walang ibang taong makakaalam pa na lalong ikapapahiya niya. At sa pagdaan ng sandali ay gumuguho na ang lakas ng loob niya. she made another breath at pinindot ang buzzer. Huling beses na niyang gagawin iyon. kapag wala pang nagbukas sa kanya, aalis na siya at susuko na. Nakatingin siya sa kanyang relo. Parang nasa galaw ng segundo niyon ang buhay at pag-asa niya. Nang matapos ang tunog ng buzzer na parang tunog ng ring tone, pumihit na siya at nagsimula nang mamasa ang mga mata. “Dindin?” Bigla ang ginawa niyang paglingon. Nakatingin lang siya sa nagbukas ng pinto na ngayon naman na tila hirap na maniwalang nakatayo roon ang pakay niya. God, she missed him. Why did he need to look so handsome gayong tuwalya na nakatapis lang sa bewang ang suot nito? Ni wala itong sapin sa paa. His hair was tousled, ang mga mata ay namumungay pa. “Halika, pumasok ka,” narinig na lang niyang wika nito at inakay siya papasok sa loob. She collected her wits. Diniktahan niyang maging kalmante at huwag magpadala sa emosyon. Walang kibo na nagpadala siya sa akay ni Matthew hanggang sa makapasok sila sa loob. “Kumusta ka na?” kaswal na tanong niya dito. “I’m fine,” kaswal ding sagot nito. Oh, God! lihim na panic niya. Matthew looked so calm. Ni wala siyang makitang palatandaan dito na ininda nito ang mga araw na hindi sila nagkita. Nagsisimula na siyang mawalan ng pag-asa. At lalo na siyang hindi mapakali nang maging mahaba ang sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nila. “Have a seat,” ani Matthew. “Kumain ka na ba?” “Thanks.” Naupo siya dahil pakiramdam niya ay bigla na lang siyang mauupos doon. “K-kumain na ako.” She groaned inwardly. Maging ang pagtatanong nito ng bagay na iyon ay parang sa isang karaniwang bisita lang ang tono. Oh, God! she groaned again. Hindi niya kaya. Hindi niya kaya kahit ulit-ulitin pa niya sa isip ang mga suhestyon sa kanya nina Eve at Lorelle. Paano niya iyon magagawa kung ganito ka-civil ang trato nito sa kanya. Mabilis siyang tumayo. “M-mukhang naabala kita. Sorry. I… I better leave.” “HOW about that?” ani Matthew. Tumingin ito sa kahong dala niya. “This? Hindi ito para sa iyo. May pagbibigyan ako nito. Actually, napadaan lang ako dito. S-sige.” Tumalikod na siya. Pero mas mabilis si Matthew na narating ang pintuan at iniharang nito ang sarili doon. “I believe this is mine.” Kinuha nito ang kahon sa kamay niya. Mabilis na kinalas ang ribbon at binuksan iyon. “Sugar flowers—reject sugar flowers,” he said simple at tiningnan siya. “May iba pa bang mahilig dito?” Bago ito sa kanya. Hindi siya sanay sa ganitong sitwasyon. Ang anumang isasagot niya kay Matthew ay nauwi sa iyak. “Dindin?” gulat na pinagmasdan siya ni Matthew. “P-paraanin mo ako. Uuwi na ako.” Pero sa halip ay dinala siya nito sa sofa. Hindi siya nito niyakap pero sa pagkakasiksik naman niya doon ay hindi niya rin magagawang basta umalis doon dahil tila siya ginipit ni Matthew. His attention was on the sugar flowers. Kumuha ito ng isa at isinubo. “Hmm, masarap pa rin,” wika nito at sinulyapan lang siya. “Tahan na.” Napatda siya. His coolness made her angry. “Damn you, Matt! Why are you treating me like this?” Pinagbabayo niya ang balikat nito. He remained detached. Parang wala siya roon at hindi ininda ang mga paghampas niya. Ibinaba nito ang kahon ng sugar flowers at saka humarap sa kanya. “Ganyan nga, magalit ka.” Nanlaki ang mga mata niya. “Hindi ako nakikipaglokohan sa iyo!” Ubod-lakas niyang itinulak ito at saka pabalyang tumindig. Mabilis naman siyang hinila ni Matthew. She sank again on the sofa. “Now, let’s get serious,” he said. “What happened?” “Anong what happened?” ulit niya, litong-lito. “To us. One minute, we are madly in love with each other, one minute everything’s gone.” She said nothing. Lalo siyang nalilito. “Ikaw ang umiwan sa akin.” Marahan itong umiling. “Iniwan kita dahil mas pinili mo pa ang ibang bagay kaysa mag-usap tayo.” “Matt, I didn’t know how to deal with that quarrel!” “Pero hindi solusyon na ibaling mo sa iba ang atensyon mo. Hindi ganu’n.” “Hindi pala ganu’n, so bakit mo ko iniwan?”  Tinitigan siya nito. “I want to give you an dose of your own medicine.” “What do you mean by that?” “What exactly happened, that what I mean by that.” “Sinadya mong huwag magpakita sa akin?” “Yes.” “Bakit?” A smile formed at the corner of his lips subalit tila pinigil nitong mabuo iyo. “Gusto kong malaman kung hanggang saan ka makakatiis. God, Dindin. Three weeks! Ang tagal-tagal nu’n! Muntik na akong mainip sa kahihintay.” Kumunot ang noo niya. “At kung nainip ka? Hahanap ka ng ibang babae?” Noon nabuo ang ngiti nito. “No. Ako na ang unang lalapit sa iyo.” Dumukwang ito sa kanya at hinalikan ang sulok ng kanyang mga labi. “I missed you, babe. I love you.” Gulat na gulat siya. His kiss made her shiver to her bones. Pero hindi niya iyon pinansin. Bigla niya itong itinulak at padabog na tumayo. “Nakakainis ka, Matt! Do you know what you did to me?” Nakapamaywang na hinarap niya ito. Then she pointed her one finger at him na tila guro na nagsesermon. “Alam mo ba kung ano ang hirap ng kalooban na ibinigay mo sa akin? Gabi-gabi, nag-iisip ako. At nasasaktan. Na baka hindi mo naman ako totoong mahal. Na niloko mo lang ako. My, God, Matt! Muntik na akong masiraan ng bait! Alam mo ba kung gaano kahirap ang torture na iyon?” “Eh, iyong torture na ganito, alam mo kung gaano kahirap?” sagot nito sa kanya. Ang kamay niya ay hinila at dinala sa harapan nito. “Matt…” Her throat suddenly went dry. There was nothing beneath the towel but the hard, hot throbbing part of him. “Three weeks, Dindin. Three weeks of painful arousal, that’s what you did to me. I miss you so damn much. Don’t you know that every time I think of you I became this hard? And just imagine thinking of you every minute, and how this arousal made me ache I barely walk!” “Matt…” she whispered. She didn’t know how that shouting would make her feel feverish. He seemed angry but his words seduced her. Ibinuhos niya ang atensyon sa bahaging nasa kamay niya. Her hand moved to caressed it subalit mabilis iyong tinabig ni Matthew. “And do you think a simple touch from you would ease that?” he scoffed. Umangat ang tingin niya dito. His face almost contorted with anger. Pero sa halip na makadama ng takot ay iba ang naramdaman niya. She burst out laughing. “Geraldine!” he hissed. Hinablot niya ang tuwalyang nakatabing dito. “Tumigil ka na nga, Matt. Nagagalit ka pala sa akin, di hayaan mong amuin kita. Come to think of it, dinalhan na kita ng sugar flowers. Kumain ka na nga, di ba?” She settled herself between his knees. “Now, tell me, ano ang gusto mong gawin ko dito?” Tumaas ang kamay niya upang abutin iyon subalit nabitin iyon at mga daliri ni Matthew ang mariing bumaon sa balikat niya. Inupo siya nito sa tabi nito at tinakpan ng tuwalya ang sarili. “Let’s make things clear first,” seryosong wika nito. “That argument was so petty.” “Hmm, petty,” nangingiting tango niya. Naalala ang komento ni Lorelle. “Listen,” utos nito. “Kababawan kung sa kababawan lang ang nangyari. But I want to teach you a lesson, Dindin. Ang argumento, hindi iniiwasan. Hindi tayo magkakasundo kung hindi magiging malinaw sa atin ang isang bagay. Hindi kasi maganda na maliit na bagay pa lang, tinatakasan mo nang pag-usapan. Paano pa kung mas malala ang problema? We will compromise kung kinakailangan pero hindi iyong kagaya ng ginawa mo na ibabaling sa iba ang atensyon. Got it?” Tila batang masunurin na tumango siya. “I’m sorry, Matt. Sige, next time, kahit na parehong sumasabog na ang temper natin, I won’t turn my back on you.” “Good.” At pagkuwa ay napakunot ang noo nito. “Where’s your ring?” Napangiwi siya dito. “H-hinubad ko.” Mabilis niyang binuksan ang bag. “Don’t worry, eto na, isusuot ko na.” Noon niya napansin ang isa pang cajeta sa bag niya. Matapos isuot ang singsing ay ipinakita niya iyon kay Matt. “What can you say?” “Wedding ring.” “Oo nga, wedding ring nga. Ibig kong sabihin, maganda ba? Pinahiram sa akin iyan ni Lorelle—” “Masyadong galante ang kaibigan mong iyon. Kayamanan ang ipinapahiram.” “Baka daw kasi kailangan natin. Matt, we’re going to get married, aren’t we?” “Of course. Katatawag ko lang sa mamang mo. Sabi ko malapit na kaming mamanhikan.” “You called them?” “Yes.” Kinuha nito sa kanya ang cajeta. “Isukat natin.” The wedding rings fit to them. “Gusto mo ba? Bagay sa iyo. Saka sa akin, parang bagay din.” “Ito na ang wedding ring natin? Bibilhin na natin kay Lorelle?” He nodded. “Kung gusto mo. Kung magpapagawa ka ng iba, okay lang din sa akin. Basta ang importante sa akin, malinaw na sa iyo ang gusto kong mangyari. You now what I mean?” Tumango siya. “Opo.” He kissed her. At bago pa lang nagsisimulang mag-alab ang halik na iyon ay dumako na ang mga labi nito sa kanyang tenga. “Babe, ano na nga iyong tinatanong mo kanina?” bulong nito. “A-alin doon?” Bahagya siya nitong itinulak. His eyes went down to his middle. Napasinghap siya. Ang bahaging tinakpan ng tuwalya ay nakahantad na ngayon. Kinuha nito ang kamay niya at muling dinala doon. “You were asking me what to do with this.” “Uh-huh.” She closed her hand around him. “Do you want a touch like this?” She moved tentatively. “How about a kiss, Dindin?” His voice suddenly became husky. She gasped. Then she blushed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD