bc

Be My Wife Again

book_age16+
5
FOLLOW
1K
READ
billionaire
contract marriage
HE
powerful
heir/heiress
bxb
like
intro-logo
Blurb

BABAENG PINAPIRMA NI HUSBAND NG ANNULMENT PAPERS SA ARAW NG ANNIVERSARY NILANG DALAWA.

chap-preview
Free preview
PART 1
“Let’s get divorce.” sambit ni Drake sa kanyang asawang si Eliza. “What? Hindi mo man lang pinagpabukas bago mo ako alukin ng hiwalayan? Alam mo ba kung anong araw ngayon?” “Bakit? Ano bang meron ngayon?” kunot ang noo na tanong nito sa kanya. “Nagbake ako ng cake dahil 1st year anniversary natin ngayon, Drake. But instead na batiin mo ako. Ngayon mo gustong tapusin ang pagsasama nating dalawa?” Hindi makapaniwala at nangingilid ang luhang tanong ni Eliza sa kanya. Napabuntong hininga ito at nilapitan siya. “Eliza, we both know na arrange marriage lang ang nangyari sa pagitan nating dalawa. Hindi naman natin mahal ang isa’t-isa kaya mas mainam na maghiwalay na lamang tayo. Gawin mo ang lahat ng gusto mo same as mine. Besides, Ikaw na rin naman ang nagsabi noon bago tayo ikasal na hindi mo ako mamahalin kaya tama na ang pagpapangap. Pirmahan mo na ang annulment natin at puwede ka nang lumipat after 1 month. Ihahanap kita ng malilipatan mong condo.” Lumakad si Drake patungo sa kabinet at siya na mismo ang kumuha ng papers. “Here, pirmahan mo na.” Ani nito sabay abot ng ballpen kay Eliza. Napatingin siya sa mukha ni Drake at mapait na ngumiti. “Is this because of Nadia? I heard na bumalik na ito mula Japan. Kaya ba inalok mo agad ako para magbalikan na kayo ng ex mo?” Ipinatong ni Drake ang ballpen sa ibabaw ng table at tumalikod. “Walang kinalaman–” “Lair! Kaya mo ako hinihiwalayan ay dahil umaasa ka pa rin na babalik siya sayo hindi ba? Dahil kung mali ako dapat sinubukan mo man lang na mahalin ako. I’m your wife Drake. Inilaan ko ang isang taon ng buhay ko para pagsilbihan ka–” “Alam kong napipilitan ka lang Nadia. Pareho nating hindi gusto ang isa’t-isa kaya wala nang rason to stay in this marriage.” Giit ni Drake sa kanya. Kinuha nito ang wallet at ipinatong sa ibabaw ng table ang isang black card. “Gamitin mo, walang limit yan. Gawin mo ang lahat ng gusto mo. Bumili ka ng mga bagong damit bag sapatos at make-up nang sa ganun kahit nasa bahay ka hindi mukhang katulong ang tingin ko sa’yo.” Pagkatapos niyang Sabihin yun Kay Eliza ay tinalikuran na siya nito at humakbang papunta sa pinto. Yumuko si Eliza at kaagad na pinirmahan ang annulment papers nilang dalawa. Nang gabi ding yun ay ibinuhos niya ang kanyang luha. Naalala niya ang unang gabi nila bilang mag-asawa. Narinig niya mismo mula Kay Drake habang kausap nito ang kaibigan nito na hindi siya ang tipo nitong babae at hinihintay niya ang pagbabalik ni Nadia. Nasaktan siya kaya pinamukha niya Kay Drake na kahit kailan ay hindi niya ito mamahalin. Ngunit habang magkasama sila sa iisang bubong ang pagiging serious, nochalant and cold husband nito ang nagpagising sa kanyang natutulog na puso. Kaya ginawa niya ang lahat upang maging mabuting asawa hanga't dumating ang araw na mahalin din siya nito. Ngunit hindi akalain ni Eliza na mukhang katulong pala ang tingin nito sa kanya dahil lang sa simple niyang ayos kapag nasa bahay at siya din ang gumagawa ng lahat upang pagsilbihan ito. Magdamag na hindi umuwi si Drake at nakitulog sa kaibigan pagkatapos ay tumuloy na agad sa kompanya upang doon na magbihis at maligo. Kasalukuyan siyang nasa meeting nang panay ang tunog ng kanyang phone. Sa tuwing bubuksan niya ito ay puro notification sa banko ang bumubungad sa kanya. Tinawagan niya si Eliza na busy sa pagpapagupit, pedicure, manicure at massage niya. “Hindi mo naman siguro binili ang buong department store ano?” Akusa nito sa kanya. “Akala ko ba walang limit ang card mo bakit nagrereklamo ka?” Nakangusong tanong ni Eliza habang tinitignan ang bagong nail polish niyang kuko. “Namamaga ang mata mo, don't tell me–” “Nakagat lang ako ng ipis, huwag Kang assuming Mr. Almonte.” nakairap na Ani nito sa kanya. Ito ang unang beses na sinagot siya nito kaya nagtataka siya pinatayan pa siya nito ng phone. Napatingin si Eliza sa kanyang mga pinamili na ipinatong pa niya sa ibabaw ng kama Kulang na lamang magtayo siya ng sarili niyang boutique sa dami ng designers bags, shoes, clothes na binili niya. Bumili din siya ng make-up,cream at iba pang gamit ng babae. Satisfy naman siya sa kanyang pagshoshoping ng buong araw ngunit nang mapatingin siya sa picture nilang mag-asawa na nasa wall. Masakit pa rin sa kanya ang ginawa nitong desisyon ngunit kung yun wala talaga siyang puwang sa puso nito ay kailangan niyang tangapin yun. “After one month, kailangan ko nang umalis sa buhay mo Drake. Nakakatuwa lang dahil binago ko ang nakasanayan kong para lamang bumagay ako sayo. Ngayon na hiniwalayan mo na ako. I can be myself again…” may ngiti sa labi niyang bulong sa sarili habang iniikot ang kanyang mga mata sa loob ng kuwarto nila. Pagkatapos ay inilipat niya ang kanyang mga gamit sa guest room dahil Wala nang rason pa para magtabi sila sa pagtulog. “Balita ko last day ngayon ni Ms. Sheena, nakahanap na ba ang HR department ng kapalit niya?” tanong ni Drake sa kanyang secretary na si Mike. “Ang balita ko sir is ngayong araw pa lamang magsisimula ang kapalit ni Ms. Sheena.” “Ah ganun ba? Okay, magset ka ng meeting mamayang 2pm. I need to talk to them about the upcoming project ng mga bago nating artist at online marketing strategy.” “Yes, Sir.” Nang sumapit ang 2 pm ay nagtipon-tipon na Ang lahat ng kasali sa meeting sa isang malaking conference room. Maya-maya pa ay pumasok na si Drake. “Sit down.” Ani niya at naupo ang mga tauhan niya. Ngunit bumukas ang pinto at bumungad si Ms. Sheena. “Sorry we're late.” Ani nito sabay pasok. Ngunit awang ang labi ni Drake nang makita ang kasama nitong pumasok. His wife is here… Looking gorgeous wearing casual office attire paired with high heels and red shoes. “What are you doing here?” Kunot ang noo na tanong ni Drake sa asawa. Lumingon ang lahat ng mata kay Eliza. “Sir, let me introduce you to our new marketing manager. Ms. Eliza Dizon.” Ani ni Ms. Sheena. “What? Marketing manager?” hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. “Nice meeting you Sir Drake Almonte.” Nakangiting bati ni Eliza sa kanya. Kahit nagtataka ay ipinagpatuloy nila ang meeting ngunit panaka-naka ang pagtitig niya kay Eliza dahil mukhang hindi ito naglalaro at seryoso sa kanyang trabaho. Wala naman siyang alam sa educational background nito at higit sa lahat hindi man lang nito pinakilala ang sarili na asawa niya dahil hindi pa naman sila annulled. “That’s it for today. Go back to your office except Ms. Eliza Dizon.” Napatigil sa pag-aayos si Eliza ng mga folders niya nang marinig ang sinabi ni Drake. Pagkalabas nila ay sinara ni Mike ang pinto. “Still what are you doing here?” Seryosong tanong nito.” Bumaling sa kanya si Eliza at ngumiti. “Mr. Almonte, dumaan ako sa proseso ng pag-aaply sa kompanya mo. Hindi ko ginamit Ang pangalan mo. Huwag kang mag-alala trabaho ang pinunta ko dito—” “Trabaho or gusto mo lang ipamukha sa akin what are your capable of? Gusto mo bang manghinayang ako dahil hiniwalayan kita kaya pati ang pananamit at ayos mo binago mo na rin?” Hindi makapaniwala si Eliza sa sinabi nito sa kanya. “Tama ako hindi ba?” Dagdag pa ni Drake sa kanya. “Mr. Almonte–” “Call me Drake, asawa mo pa rin ako at hindi pa tayo hiwalay di mo kailangan maging pormal kapag tayong dalawa lang.” Napasinghap si Eliza upang pigilan ang sarili. “Mr. Almonte, Ikaw Ang nagsabi na gawin ko ang gusto ko hindi ba? Kaya kaysa masayang ang skills ko sa ibang kompany dito na lamang ako nag-apply dahil mas maganda ang kompany mo. Wala naman masama dahil maghihiwalay na rin naman tayo. Kunwari na lang hindi natin kilala ang isa’t-isa. Tumayo si Eliza at humakbang palapit sa kanyang swivel chair at yumuko. “Are you bothered because I'm still your wife? Don't worry husband. Wala akong interest na makipagbalikan pa sayo. One year of losing myself is enough reason to let go.” Inirapan niya ito at pagkatapos ay lumabas na din sa conference room. “Walang interest? I knew it. Kaya pala madali lang para sa kanya ang pirmahan ang annulment namin. Dahil pinagtitiisan lang namin ang isa’t-isa.” Bulong ni Drake sa sarili. Hangang pagbalik ni Drake sa opisina ay hindi siya mapakali. Iniisip pa lamang niya na nandito ang kanyang asawa imbis na nasa bahay ay gusto na niyang pauwiin ito. Ngunit kung talagang nakapasok siya sa kompanya sa tamang proseso baka nga kaya niyang i-handle ang marketing department. “Sayang may asawa na pala si Ms. Dizon.” Narinig niyang bulong ni Mike sa tabi niya habang naghihintay ng paglabas ng kotse nila pauwi. “Paano mo nalaman?” kunot noo na tanong ni Drake sa kanya. “Ha? Si Ms. Dizon po?” Tumango ito kaya inginuso ni Mike si Eliza na nakangiti sa tabi ng mamahaling sasakyan. At pinagbuksan pa ito ng lalaking naka-business attire. Dumaan pa ito sa harapan nila at Nakita siya nito ngunit bumaling din ito sa lalaking nagmamaneho ng sasakyan. “Hindi niya asawa yun, huwag Kang magkalat ng chismiss.” Seryosong Sabi ni Drake sabay sakay din sa kanyang kotse at kamot Ang ulo na nagpaalam si Mike sa kanya. Pagdating niya sa bahay ay agad niyang hinanap si Eliza ngunit Wala pa ito. Nagugutom na siya at hindi niya alam kung anong oras ito uuwi kaya tinawagan niya ito. “Kanina ka pa umuwi hindi ba? Bakit wala ka pa dito sa bahay? Bumalik ka na, nagugutom na ako.” Reklamo ni Drake sa kanya. “Magluto ka na lang para sayo. Marami naman diyan stock sa ref. Dito na ako sa restaurant magdidinner.” “What? Hindi ka pa uuwi? At Anong oras mo balak? Hindi pa tayo hiwalay ng bahay nakikipagdate ka na sa ibang lalaki. Hindi ka ba makapaghintay?” salubong ang kilay nitong tanong sa kanya. “Look drake, diba maghihiwalay na tayo? Kung hindi mo kayang magluto kumuha ka ng magluluto at maglilinis sa bahay natin. Hindi mo na ako katulong ngayon. At wala ka ding paki-alam kung makipagdate ako sa kung sinong lalaki. I’m now single–” “Really? So you're fired.” “What? Drake Almonte. Kung Akala mo ay kaya mo akong diktahan sa kung ano ang Hindi at dapat kung gawin. Hindi ako natatakot sayo. Hiwalay na tayo kaya Wala na akong obligasyon pa sa’yo. Kung ayaw mong kumain eh di magutom ka! Bye!” inis na Sabi ni Eliza sa kabilang linya at agad na ini-off ang phone niya. “May problema ba?” Tanong ni Luther na kasama ni Eliza sa restaurant. “Wala kuya, yung asawa ko kasi pinapauwi na ako at nagugutom na daw siya.” Sumbong ni Eliza sa kapatid niya. “Bukas ka na umuwi, sa bahay muna tayo tutuloy sigurado akong matutuwa si Mom at dad kapag nakita tayong dalawa.” “Sabagay ilang taon ka ba naman Hindi umuwi sa atin eh. Busy ka masyado, kaya lang hindi kasi kumakain lutong restaurant si Drake.” “Are you worried? Akala ko ba hiwalay na kayo? Huwag mo na siyang isipin lets eat.” Ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin dumarating si Eliza kaya mas lalong nagdugtong ang kilay ni Drake sa paghihintay. Mabuti na lamang at may garlic bread sa ref kaya ininit na lamang niya sa oven para kainin. “Bakit ngayon ka lang? Uwi ba yan ng matinong babae?” bungad sa kanya ni Drake nang buksan niya ang pinto ng condo. “Wala akong ginagawang—aray! Ano ba?” inis na hila niya sa braso niya ngunit mahigpit ang pagkakahawak ni Drake sa kanya. “Wala kang ginagawang masama? Sinong matinong babaeng may asawa na uuwi ng madaling araw kasama ang lalaking sumundo sa kanya? Do you think I'm stupid?!” “Bakit ka ba nagagalit? Diba hiwalay na tayo–” “You're still my wife! Maghintay ka ng isang buwan bago mo ako palitan!” Singhal nito sa kanya. “Kuya ko ang kasama ko! Kakabalik lang niya mula US for vacation at umuwi kami kina mommy kagabi kaya hindi ako nakauwi!” Singhal din ni Eliza sa kanya. Napatda si Drake at niluwagan niya ang pagkakahawak niya sa braso ni Eliza. “Make sure you're not lying to me or else–” “Or else what? What will you do Drake?” Paghahamon ni Eliza sa kanya. Nagulat si Eliza nang ipinid siya sa likod ng pinto. “You will wait for another year to finally annul our marriage. You're still Mrs. Almonte. Don't forget that hon.” bulong nito sa kanya habang halos isang dangkal na lamang ang layo ng mukha nilang dalawa. Pagkatapos ay binitawan na siya nito. Napahawak si Eliza sa kanyang dibdib. Akala niya ang hahalikan na siya nito ngunit mabuti na lamang at umalis na ito at pumasok sa kanyang kuwarto. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Drake. Pero hangang ngayon ay malaki pa rin ang epekto ng pagtitig nito sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
316.3K
bc

Too Late for Regret

read
334.8K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
146.3K
bc

The Lost Pack

read
449.5K
bc

Revenge, served in a black dress

read
155.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook