- Emiliana - Mabilis kong tinakbo ang pagitan namin ni Ocean at nang makalapit ako sa kanya ay ginulo niya ang buhok ko. "Why are you running?" he asked, laughing. Papunta na sana kasi kami ni Primrose sa canteen ng may tumawag sa akin. Nauna na si Primrose sa loob at saka napagpasyahan kong lapitan si Ocean. "I'm about to go upstairs, good thing I saw you here," aniya. Hindi muna ako nagsalita. Hinabol ko muna ang hininga ko kaya natawa siya. Nakita kong may kasama siyang lalaki na naka-uniform at mukhang security niya ito, pwera pa sa security ng building na andito na nakapalibot sa amin. "Bakit? Gusto mo akong makausap? May kailangan ka?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. "Wala pa rin ba si Creed?" Napatuwid ako ng tayo sa tanong niya. Nailing ako bilang sagot. Dalawang a

