-Emiliana-
Sa ilang taon na pagkukwento ni Tatay s***h Mr. Forester about sa anak niyang lalaki dahil ayaw nito tanggapin ang posisyon sa Avanteso ay nasanay na ako. When every morning comes and I'll saw his frowning face, alam kong about personal life ang problema niya.
Hindi ko na nga mabilang sa daliri kung ilang beses na niyang nababanggit iyon. Nakikinig na lang ako sa kanya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Wala rin naman kasi ako sa posisyon ng anak niya pero sana pumayag na ang anak niya.
Pumasok si Primrose sa office namin at naglapag ng cup of coffee sa mesa ko. Nag-angat ako ng tingin at nginitian ko siya. Sinundan ko siya ng tingin at nilapagan din niya si tatay ng coffee.
"Thank you, Ms. Alcantara." Mr. Forester said to her.
Nakita ko ang bahagyang pagyuko ni Primrose at tumalikod na. Tumingin siya sa akin, kumindat at tuluyan nang lumabas. Nailing na lang ako at binalik ang tingin sa tablet kung saan inaayos ko ang schedule ni tatay para sa linggong ito.
Hindi naman puno ng meetings ang buong linggo namin. Siguro sa isang araw ay dalawa o tatlo lang. Hindi rin naman ganoon katagal ang oras.
"Tay, gusto niyo po bang pumunta sa hospital for your monthly check-up or Dr. Alvarez will just go to your place?"
Napatigil sa ginagawa si Mr. Forester at bahagyang napaisip. "I'll just go to their hospital. Wala naman siguro akong meeting that day?"
Tumingin ulit ako sa tablet para i-check. "Wala naman po. Tamang tama lang din para makapagpahinga kayo after the check up."
"Okay, that's better. Marami ka bang ginagawa? Is it okay if I play some music?" he asked.
Mabilis akong tumango at binaling na lang ang tingin sa tablet. Ganyan lagi si tatay kapag office hours. Hihingi siya ng permiso kung ayos lang ba sa akin kung magpapatugtog siya. Hindi naman ako umaangal, ayos na rin naman kasi para hindi ako antukin.
"You're my only light, my light to my night."
Napansin ko rin na kada magpapatugtog si tatay ay paulit-ulti ang mga kanta na para bang paborito niya ang singer no'n. Sa ilang beses na nagpapatugtog siya ay halos makabisado ko na nga iyon. Ang ganda kasi ng boses. Para akong hinehele kada maririnig ko iyon. Hindi nakakasawang pakinggan.
"Just keep me and I will love you until eternity."
Napatigil ako sa pagtipa sa tablet at marahan na pumikit para damhin ang kanta. It's an acapella song. Ilang sandali ang lumipas ay narinig ko ang pagsabay ni tatay sa kanta kaya napangiti ako. He looks so happy, today. Kung kahapon ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa anak niya. Ngayon, ay maaliwalas ang aura niya. Parang may magandang nangyari.
Mukhang kabisadong kabisado niya ang kanta at ganadong-ganado siya sabayan iyon. Hindi ako gaanong mahilig sa music, bihira nga lang ako makinig. Usually, si tatay ang pasimuno para lang makapakinig ako ng kanta. Good thing that he has a good taste in music. Mukhang bata pa ang boses nung singer.
"It's a good song. Am I right, Emiliana?"
Ngumiti ako sa tanong ni tatay at marahang tumango. "Opo, hindi nakakasawa kahit na lagi niyo pong pinapatugtog." Nakangiti kong sambit.
"Alam mo ba anak ko ang vocalist ng bandang iyan?"
"Talaga p— what?!" bulalas ko.
Nakangiting tumango si tatay at hininaan ang kanta. Ano raw? Anak niya ang vocalist? Singer ang anak niya? K-Kailan pa?!
He laugh. "Matagal ko nang nababanggit sa iyo ang anak ko. Halos alam mo lahat ng hinanaing ko sa kanya. Hindi mo alam na isa siyang singer?"
Napakurap ako at marahang umiling. Hindi talaga! Ang alam ko lang wala ito sa business world. Singer huh, that's sounds so interesting.
Hanggang sa umabot ang lunch time ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang anak ni Tatay. Naiwan ang kutsara sa bibig ko at kinuha ko ang phone na nasa tabi.
I search the name 'Cey Forester' dahil iyon ang tawag ni Tatay sa anak niya. Minsan ko na ring narinig na 'Cey' ang tawag niya. Imbis na sa 'all' ako maghanap ay 'Images' ang pinindot ko at tumambad ang iba't ibang larawan ng lalaking may hawak na gray microphone.
Naialis ko ang kutsara sa bibig ko nang i-click ko ang isang picture at walang sabi na zinoom. I swallowed the lump in my throat when I saw how gorgeous this man is.
"Goodness gracious." I mumbled and scrolled again some photos then clicked it to have a better full view of it.
Maraming lumabas na photos at halos lahat ay nasa stage siya. Meron pang may hawak na gitara. Merong naka-spread ang kamay niyang may hawak na mic at nakatutok sa audience. Halos isupalpal ko na sa mukha ko ang phone ko dahil sa pagtitig doon.
Nahinto lang ako sa isang picture na halatang kuha pa ng fan pero sobrang HD nito! Nasa stage siya, hawak-hawak niya ang isang gitara at nasa tapat niya ang mic. Nakaside view ang mukha niya at nakangiti. Mukha siyang anghel na hulog ng langit dito! Alam niyo 'yon ang soft ng features niya! Parang hindi siya makabasag pinggan!
Nagpunta naman akong pinterest app ko at doon naghanap ng HD photos niya! I chuckled when I saw many fancam shots! I also saved photos of him. Eto pala ang panganay ni Mr. Forester! May nakita akong photo na may edit na name 'Creed Forester'.
"Creed? Is that his real name? And Cey is his stage name?" I murmured.
Bumalik muli ako sa google at nag-search pa tungkol sa kanya. So, he's 27 years old, Vocalist of a band called Oblivion. Oblivion has four members— Creed as the lead vocalist, August as the drummer, Tobias as the bassist, and lastly Ocean as the guitarist and vocalist at the same time.
I also search for their group photos at mas namangha ako sa kanila. How would come that I didn't hear about their band?! Ganito na ba ako sobrang focus sa trabaho ko?! They had the looks! Mukhang galing sa magagandang pamilya ang mga ito.
Ang sunod na nakaagaw sa pansin ko ay 'yong member na si Ocean. Pati nga rin si Creed. He looks familiar, hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita, o baka namamalik-mata lang ako. Pakiramdam ko ay nakita ko na siya. Baka may kamukha lang?
Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa. Nabuo ang Oblivion five years ago. Nakilala na sila sa buong mundo. Nagkaroon na sila ng worldwide concert tours. Lima na full album sa loob ng limang taon at halos sold-out lahat ng copies!
Isa lang ang masasabi ko— Wow. Pagkatapos magbasa ng tungkol sa kanila ay nakapanuod pa ako ng ibang fancams nila— mga seconds lang ang video na pinanuod ko tapos lipat na naman sa iba.
Isa-isa ko ring dinalaw ang i********: account nila. Wala lang, sobra lang talaga akong na-curious sa kani—
"Primrose naman!" Sigaw ko nang mawala sa kamay ko ang cellphone ko at makita ko na hawak na ito ni Primrose.
I forgot! Kasama ko nga pala siya!
Nakangisi si Primrose na tiningnan ako at iwinagayway pa ang phone ko. Maya-maya ay tiningnan niya iyon at nanlaki ang mata niya. Siguro dahil nakita niyang binibisita ko 'yong i********: account ni Creed.
"Woy! Ano ito ha? Bakit nasa i********: ka ni Creed? At kailan ka pa nagkaroon ng interes sa kanya? Hindi naman mukhang fangirl ng Oblivion." Pinaningkitan niya pa ako ng mata.
Bumagsak ang balikat ko at ngumuso. "Hindi nga! Tinitingnan ko lang naman kasi! Akin na nga iyan, Primrose! Huwag kang malisyosya diyan. Na-curious lang talaga ako kung sino 'yan." Mahabang litanya ko sa kanya.
Nagmake face lang siya at sinipat muli ang phone ko. "Huli ka pero hindi kulong! Ang history search mo oh! Puro Oblivion at Creed!" aniya.
Nailing na lang ako at muling kinain ang pagkain ko. "Hindi ko naman kasi akalain na singer pala ang anak ni Tatay. Malay ko ba! Nagulat lang talaga ako sa narinig kanina sa kanya."
Binato pa ako ni Primrose ng tissue nang may tumalsik na kanin mula sa akin. Nagpeace sign na lang ako sa kanya.
"What? You're working for Mr. Forester for years. You become his ranting buddy when it comes to her son. He even tend to play some Oblivion songs in the office... tapos wala ka palang alam tungkol sa anak niya?" she blurted.
Dahan-dahan naman akong tumango sa kanya. Napangiwi siya at nailing. Ibinalik niya ang phone ko. Nilapag ko na lang iyon sa gilid.
"Iba ka talaga." Natatawa niyang sambit.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Sakto namang nakarinig kami ng tilian sa cafeteria at itinuturo nila ang LED TV na andoon. It's a commercial ad for softdrinks. Base pa lang sa tilian nila ay alam na kung sino ang mga andoon sa commercial.
Oblivion.
"They're also an endorser?" I asked Primrose.
Tumango naman siya. "Yep! Bukod diyan, August and Tobias are also a drama artists. Si Ocean and Creed naman— they're both models for some clothing lines."
Namangha pa ako sa narinig mula sa kanya. Mukhang kilalang-kilala niya rin ang Oblivion. Mukhang outdated na talaga ako sa nangyayari sa mundo. Kaya minsan inaasar ako ni Primrose. Masyado rin kasi akong babad sa trabaho. Tattoo shop ni Keegan. Office at apartment lang ako.
Muli akong napatingin sa TV nang may lumabas na namang advertisement ng isang clothing line. Creed is in the commercial ad.
Natitigan ko ang itsura niya at napakunot ang noo ko nang may maalala sa mukha niya.
"He looks like..."
Hindi ko na natuloy ang sasabihin. Dali-dali kong kinuha ang phone ko at binuksan para i-search ulit ang pagmumukha ni Creed. Napapikit pa ako dahil pilit kong inaalala kung saan ko siya nakita.
Events from the bar kung nasaan ako nung isang gabi flashed on my mind. Hanggang sa makaalis ako doon. Hanggang sa nakasagi ako ng kotse. Nakasagi nga pala ako— Holy s**t! Nag-flash na naman sa utak ko ang itsura nung may-ari nung kotse. Napamulat ako nang maalala kung saan ko nakita ang vocalist ng Oblivion. Napasapo pa ako sa aking noo.
Kapag minamalas ka nga naman!
****
Bagsak balikat akong naglalakad sa parking lot. Simula nang matapos ang lunch break namin at hanggang makabalik ako sa working area ay wala ako sa sarili. Nakakainis naman! Si Creed Forester na anak ni Tatay, na isang vocalist ng bandang Oblivion, at ang may-ari nung kotseng nabangga ko ay iisa lang!
Napapadyak pa ako habang naglalakad dahil sa mga napagtanto ko. Bakit naman ganito?! Halos sabunutan ko na ang sarili dahil sa naiisip. Kung anak ni Tatay iyon, pwede ko kayang kausapin si Creed Forester? Nasa kanya pa iyong drivers license ko!
Sa shortcut at tagong daan na nga ako dumaan kanina nung ginamit ko ang kotse ni Keegan dahil lang sa wala akong lisensya na dala eh! Nasa kanya pa! Pinahiram kasi ako ni Keegan ng kotse niyang extra na hyundai. Wala naman daw kasing gumagamit.
Napahinto ako at lukot ang mukha kong kinuha ang car key sa bag. Pinindot ko ang button doon para sa pagbukas ng car door.
Akmang maglalakad na ako papunta sa kabilang pwesto nang may humigit sa akin at dali-dali kaming pumasok sa may passenger seat. Napatili pa ako nang mauntog ang ulo ko. Halos magtayuan ang balahibo ko sa katawan dahil sa ginawa niya.
"Darn it!"
"Oh my god! Sino ka—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang takpan niya ang bibig ko. Hahampasin ko na sana siya nang akapin niya ako gamit ang isa niyang kamay. Napapikit pa ako sa higpit no'n.
Halos maglikot ako sa pwesto pero natahimik ako nang magsalita siya.
"Don't you dare move or else hahalikan kita."
Nanlaki ang mata ko sa sobrang lalim ng boses niya. Amoy na amoy ko pa ang pabango niya at ramdam na ramdam ko rin ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Para akong natuod. Bumaba ang tingin ko sa pwesto namin. Nakaupo siya sa passenger seat at patagilid akong nakaupo sa mga hita niya! Halos sumayad na ang ulo ko sa bubong ng kotse. Gusto ko pang sumigaw pero natakot ako bigla sa boses niya!
"Please cooperate," he said, coldly.
Lumamig ang boses niya at sa puntong iyon ay nangilid na ang luha sa aking mga mata. Paano kung serial killer ito? Paano kung may balak siyang gawing masama? Hindi pwede.
Hindi ko namalayan ay humihikbi na ako sa takot. Naging sunod-sunod ang kanyang pagmumura.
"What the hell? Why are you crying?! I'm not gonna kill you! I mean no harm!" he exclaimed.
"Damn it, stop crying!" dagdag pa niya.
Aalisin ko na sana ang kamay niya sa bibig ko nang may mapansin kaming nagtatakbuhan sa labas. Napansin kong may dalang mga malalaking camera ang mga iyon. Halatang mga paparazzi at media.
Camera. Media. Don't tell me—
"God, they're here. Don't shout, okay. Just this time," he murmured.
Muli akong napatingin sa lalaking nakakapit sa akin at kahit madilim sa loob ng kotse ay kitang-kita ako ang pagmumukha niya. Halos panawan ako ng hininga nang mapagtanto kung sino ang nasa tabi ko.
Potangina.
I heard him sigh and let out a sexy chuckle. "I'm sorry for the mess, Miss Ma'am. I just want to ranaway to those bunch of—"
I didn't hear and understand what he was saying when I felt my head spin, and everything went black.
"What the hell!"
"H-Hey! Wake up!"