Chapter 04

2259 Words
-Emiliana- "Lia, bilisan mo naman!" "Wait lang naman kasi!" Bigla akong nataranta nang marinig ko ang sigaw ni Keegan. Agad kong hinanap ang bag ko at susi ng apartment. Nang makuha ay agad akong tumakbo palabas at natanaw ko si Keegan sa may hagdan na nakakunot ang noo. Napangiti nang makita kung gaano siya kagwapo ngayong araw. He's wearing a simple plain maroon shirt and black jogger pants. Nakita ko pang suot niya ang suede birkenstock slippers na bigay ko sa kanya nung birthday niya. "Ang gwapo mo naman, ihahatid mo lang ako nagpagwapo ka pa? Konti na lang iisipin kong nagpapacute ka sa mga katrabaho ko!" mapang-asar ko na sambit. Agad kong isinara ang pintuan, pagkatapos ay nilagay sa bag ang susi. Mabilis akong lumapit sa kanya at kumapit sa kanyang kaliwang braso. Napanguso pa ako nang maamoy iyong mabango niyang pabango. "Baka maubos ako niyan," he whispered. I chuckled and pinched his arm. "Ang kapal mo talaga! Pasalamat ka maganda umaga ko kaya hindi kita aawayin at baka mainis lang ako!" paliwanag ko sa kanya. "You're the first one whose always starting our lame fights and arguments," aniya. Nanlaki ang mata ko at napahawak pa ang free hand ko sa aking dibdib. "Seriously? Why is it always my goddamn fault?!" Imbis na sagutin ako ng maayos ay tinawanan lang ako ni Keegan. Siraulo talaga! Ang hilig manisi! Sa ilang taon naming pagkakaibigan hindi naman kami nag-away ng malala, magtatalo pero hindi naman ganoon kalaki. Agad kaming humakbang pababa ng hagdan. Nagpresinta kasi si Keegan na ihatid ako ngayon sa office gawa nga ng wala akong lisensya dito at tinatamad din talaga ako magdrive. Napairap ako nang maalala iyong lisensya ko. Kainis! Nasa antipatikong lalaki nga pala iyon! Paano ko na iyon makukuha? Wala naman akong contact no'n! Mamaya hindi pa ibalik sa akin! Kinuha naman niya ang number ko pero wala man lang akong nakuha na text mula sa damuho na iyon! "Aba't ang aga-aga ay magkasama na kayo. Bakit kasi hindi na lang kayo tumira sa iisang kwarto?" Nang makarating sa baba ay napahinto kaming dalawa at napatigil sa pagtawa nang marinig namin ang boses ng aming landlady. May hawak itong walis at nakasuot ng daster. Nakatayo rin sa gilid niya ang lagi niyang katsismisan tuwing umaga na si Aling Amy. "Oo nga! Minsan sa iisang kwarto lang din kayo natutulog, minsan nga nadadatnan naman ni Jojo na sabay kayo kumakain at tambay itong si Emiliana sa tattoo shop ni Keegan!" medyo mataas ang tinis ng boses na sabi ni Aling Amy. Nawala ang kapit ko kay Keegan at nameywang sa harapan nila. Nag-angat ako ng tingin kay Keegan and he stare at the two old women with his emotionless face. Huminga ako ng malalim at bago pa makapagsalita ulit ay nagsalita na naman ang aming landlady na ikinainit ng ulo ko. "Ayaw niyo pa kasi aminin na mag-asawa naman talaga kayo! Ilang taon na kayong nakatira rito sa amin at pilit niyo pa ring tinatago ang kung ano ang meron sa inyong dalawa. Nako, mga kabataan talaga!" Biglang nawala sa tabi ko si Keegan at nakita ko siyang naglalakad na palayo sa amin, papunta sa katapat na open parking space. "Eh, bagay na bagay naman kayong dalawa! Mukhang maganda pa ang magiging lahi niyo aba! Kaya kunin niyo akong nina— aba't medyo bastos 'tong dalawa!" Hindi kona pinatapos ang sasabihin ni Aling Amy nang iwanan ko ang pwesto na iyon at patakbong sinundan si Keegan. Nakita ko pa ang tingin ng ibang dumaraan kay Keegan. Keegan hates being the center of the topic. Ayaw niyang pinag-uusapan siya. He hates that. Sa tagal naming magkasama kabisado ko na siya. Lahat-lahat alam ko sa kanya. Ni ultimo pagkakamot niya ng pisngi, alam kong senyales iyon na inaantok na siya. He's a mama's boy. Kahit na umalis siya sa kanila ay nakikipagkita pa rin siya sa mama niya, hindi lang sinasabi sa daddy niya dahil baka hatakin siya pauwi ng mansion nila. Oo, mansion, sa sobrang laki ng bahay nila ay kasya ang benteng pamilya. "Wait lang naman!" malakas na sambit ko na ikinatingin pa ng ibang taong dumaraan. Paano ba naman kasi ang hahaba kaya ng biyas niya! Ang bilis pa maglakad! Napangisi naman ako ng tumigil siya at binalikan ako. Nakakunot pa ang noo niya nang matanaw ko pero nang makarating sa harap ko ay nawala iyon at lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. "Eto naman ang aga-aga nagsusungit na! Gusto mo ba pumangit?!" Keegan just chuckled and pulled me closer para akbayan ako, nagsabay na kaming dalawa sa paglalakad hanggang sa marating sa malaking lote kung saan doon nakapark ang nga kotse ng street namin. "Good morning, boss!" bati nung nagbabantay sa bungad at sumaludo pa sa amin. Ngumiti ako at nakita ko ang pagtango ni Keegan. "Ang ganda naman ni Madam Emiliana!" sabat naman nung isa at sumaludo rin. Napatigil kami sa paglalakad at nilingon ko sila. "Syempre, ako pa! May regalo kayo sa akin sa pasko!" natatawang sambit ko. Nagtawanan sila at inalis ko na ang tingin sa kanila. I felt Keegan kissed my head at nagpatuloy kami sa paglalakad. "Grabe, lagi nila akong sinasabihan ng maganda, totoo naman iyon diba?" Hindi siya sumagot at agad na kinuha sa bulsa niya ang susi nang makarating kami sa ford na sasakyan niya. Agad siyang may pinindot doon at tumunog ang kotse. Dumiretso ako sa passenger seat at dali-daling pumasok sa loob. "Hoy, hindi mo ako sinagot!" sita ko sa kanya at kinabit ang seatbelt. Keegan just laughed and start the engine. Isa pa ito, ang tipid lagi magsalita. Akala mo naman robot! Pero minsan naman nakakausap ko siya ng maayos at mahaba ang sinasabi niya, hindi nga lang lagi-lagi. Nakakainis! "Do you want me to fetch you after your work?" he asked in a low voice. Seryoso ang tingin sa daan habang papalabas kami ng parking. Nailing ako at niyakap ang shoulder bag na nasa aking kandungan. This is our routine, pero minsan hindi ako pumapayag na araw-araw akong ihatid at sunduin ni Keegan dahil nahihiya ako. Kahit na bestfriend ko siya ay may hiya naman ako! Minsan nga ramdam kong gusto niya akong pilitin kaso kapag ayaw ko, ayaw ko talaga. "Did the owner texted you about your license?" tanong, ang tingin ay nasa daan pa rin. Ngumuso ako at marahang umiling. "Hindi pa nga eh. Feeling ko ko-contact-in naman ako nun, kaso baka matagalan. Kainis iyon! Huwag mo nga muna ikwento!" "Kawawang babae," he murmured that made my eyes widened. "Ang sama mo!" Keegan just laughed at my rebutt kaya napairap ako. Ayoko masira ang umaga ko! Mamaya ko na lang iisipin iyon. — "Good morning, Ta— Mr. Forester!" nakangiti kong bati nang makasalubong ko si Mr. Forester sa may lobby. Nakita ko pa ang pagbati ng iilang andoon. Agad akong napatingin sa hawak nitong bag at kinuha iyon. Kita ko pa ang malalim at maitim ba ibabang bahagi ng mata niya. Sabay na kaming naglakad at napansin ko pa ang pagtakbo ng isang building staff para pindutin ang button ng elevator. "Bakit po ang aga niyo, Tatay?" mahina kong tanong habang pumapasok kami sa exclusive elevator na nilaan para sa kanya. This is not the usual office hours of Mr. Forester, it's either 8 or 9 in the morning ang pasok niya. Ako lang lagi ang mas nauuna para pagpasok niya ay maayos na. Tatay. Okay, that was odd. Tinatawag kong tatay ang boss ko dahil siya na mismo ang nagsabi na iyon ang itawag ko sa kanya. Mr. Forester is a good man. Halos ituring ko na rin siya na totoong tatay, pero syempre may limit ang pagiging close namin dahil maraming tsismosa dito sa company. Kaunting galaw mo lang gagawan ka ng issue at pag-uusapan ka talaga. Ilang taon na rin akong secretary niya at talagang napalagay na ang loob ko kay Mr. Forester dahil sa kabaitan niya sa akin. Sa lahat ng nagiging secretary niya, ako lang ang nagtagal. Hindi naman kasi talaga secretary dapat ang work ko pero dahil saktong natanggal ang secretary ni Mr. Forester ay ako na ang inalok at pumalit ss pwesto no'n. Hindi naman na ako umangal dahil oppurtunity na ito at talagang maganda ang benefits. Pinapayagan din ako ni Mr. Forester na tumulong minsan sa IT department para kahit papaano ay magamit ko pa rin 'yong skills ko. "Did I tell you something about my son?" he asked. Tumango naman ako. "Opo, 'yong panganay mong anak. Bakit po?" Ang alam ko, iisa na lang ang anak niya. Matanda sa akin iyon ng ilang taon at isang lalaki. Never ko pang nakita ang anak ni Mr. Forester dahil wala namang pumupunta rito at nagpapakilala na anak niya. May nakikita akong mga picture frames nila sa office ni Mr. Forester pero never kong tiningnan iyon kaya wala akong ideya sa itsura ng anak niya or ng asawa niya. Sa pagkakaalam ko pa, byudo na itong si Mr. Forester. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa batang iyon. He rejected me, again, about transferring this company to his name!" Hindi ko alam ang sasabihin ko. Laging nakekwento sa akin ni Mr. Forester ang bagay na ito. He's already 55 years old at gusto na niya na ang anak niya ang humawak nitong kumpanya pero ayaw naman nito. Kung tutuusin nga, hindi naman mahirap ang ginagawa ni Mr. Forester kasi masipag ang buong company. Maayos ang naging takbo ng kumpanya. Kung tutuusin nga ito ang nangungunang kumpanya pagdating sa Multinational professional services. Ramdam ko rin na gusto na bumaba sa pwesto ni Mr. Forester dahil gusto na niya mag-relax kaya pilit niyang sinasabihan ang anak niya at hanggang ngayon wala pa rin. Grabe naman 'yong anak niya na iyon. Ayaw niya ba tulungan 'yong papa niya? Ang gandang pwesto nitong mapupunta sa kanya. Saktong bumukas ang elevator at pinauna kong lumabas si Mr. Forester. Sumunod ako sa kanya hanggang sa makapasok kami sa office niya. Nilapag ko muna ang gamit ni Mr. Forester sa upuan sa tapat ng desk niya. Ngumiti ako. "Paniguradong black coffee, fruit parfait at tapsilog na maraming kamatis ang gusto niyo pong agahan!" Malakas na natawa si Mr. Forester nang makaupo sa kanyang swivel chair. Napakamot na lang ako sa batok. "Ikaw talagang bata ka. Oh siya, bilhan mo na ako at nang makakain na tayo. Bumili ka na rin ng iyo." Tumango ako, mabilis na tumalikod para pumunta sa pwesto ko na nasa loob lang din ng office ni Mr. Forester. Sobrang laki nitong office at may mesa ako malapit sa may pintuan. Nilapag ko ang gamit ko at kinuha ang wallet sabay labas ng office. Dumiretso ako sa may biometrics na nasa dingding para sa attendance. Narinig ko pa ang pagtunog ng elevator. "Good morning, Emiliana!" Nagpantig ang tenga ko nang marinig ang boses na iyon. Napailing ako at humarap dito. Her heart shaped face, small pointy nose and red luscious lips ang bumungad sa akin. Ang ganda talaga ng babaeng ito, kaso mapang-asar. "Wala bang good morning diyan?" sambit pa niya. Hinampas ko ang tagiliran niya kaya napangiwi siya. "Wala! Lalo na at tinawag mo ako sa first name ko!" Ngumuso siya at ngumuso sa pintuan ng office. "Andiyan na si sir?" she asked. I gave her a nod at nailing. "Ang aga nga niya. As usual, nag-rant na naman siya about sa anak niyang lalaki." Kumunot ang noo ni Primrose at nameywang sa harapan ko. "Grabe! Parang ilang taon nang sinasabi iyan ni Mr. Forester. Hanggang ngayon ba ayaw pa rin ng anak?" Umiling ako at natawa. Primrose is the assistant secretary. Siya ang nakabantay sa labas ng office para ilipat sa akin lahat ng transactions bago kay Mr. Forester. Ayoko nang pag-usapan ang anak ni Mr. Forester, sa ilang taon na kinukwento niya sa akin iyon ay nag-iinit na ang ulo ko. Parang wala siyang konsiderasyon, lalo na sa papa niya. "Lalim naman ng iniisip mo," natatawang sambit ni Prim. Nasa elevator kami pababa, sasama na rin siya sa akin para makabili ng agahan. "Hindi naman. Iniisip ko lang kung bakit ayaw tanggapin ng anak ni tatay 'yong posisyon. Hindi naman mahirap, diba? Kasi may mga magiging katulong naman siya. At saka hindi sa ilang taon na andito ako, hindi ko pa nakikita ang anak ni tatay." Humagikgik si Prim at siniko ako. "Weh? Totoo ba iyan?!" Tumango naman ako. "Oo nga!" Humarap siya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi niya at nailing. "Goodness! You've missed half of your life! Sigurado kang hindi mo pa nakikita?!" Sinamaan ko siya ng tingin. Anong I missed half of my life? Sino at ano ba ang anak ni tatay? Diyos ba iyon? Hanggang sa makalabas kami ng elevator ay talak nang talak si Prim about sa katotohanan na hindi ko pa nakikita ang anak ni Tatay. "Ano ba! Kanina pa!" sita ko sa kanya. Kanina pa siya natatawa at naiiling. Nakakainis na siya! Tumikhim siya at tumuwid ng tayo. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinitigan ako sa mata. "Alam mo, ikaw ang kilala kong walang kamuwang muwang pagdating sa mga lalaki! Seriously? Hindi mo talaga kilala anak ni Mr. Forester?" Umiling ako at mahina akong napamura nang pitikin niya ang noo ko. "Aray naman! Nakakainis ka na talaga! Ano bang meron sa lalaking iyon?" Ngumisi si Primrose at pinasadahan ang kabuuan ko. Nginuso niya ang gitnang bahagi ko kaya napatakip ako doon. Magsasalita na sana ako pero naunahan niya. "Siya ang magpapalaglag ng panty mo!" she said, laughing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD