- Emiliana -
Ugong ng tattoo gun ang nakasanayan ko sa umaga lalo na kapag rest day ko. Kung pwede nga lang na hindi na ako pumasok araw-araw at dito na lang tumambay sa tattoo shop ni Keegan ay ginawa ko na, kaso hindi naman pwede.
Mag-isa lang ako, at ako mismo ang bumubuhay sa aking sarili. I need to work. Kung hindi ako papasok sa trabaho, baka hindi ako makabayad ng renta at walang makain.
Sabi ko nga kay Keegan, ipasok na lang niya ako rito sa tattoo shop niya, kaso ayaw naman niya. This is not for me, iyan ang lagi niyang sinasabi. Mas okay na raw na sa office ako at hindi dito. Marunong naman ako maglagay ng tattoo, siya pa nga ang nagturo sa akin!
Mataman kong pinapanood si Keegan sa paglalagay ng tattoo sa kanyang pang-limang customer ngayong tanghali. May dalawa pang babaeng nakapila, kaibigan ito nung kasalukuyan niyang customer. Napalingon ako sa kanilang dalawa at narinig ko ang hagikgikan nila nang tumikhim si Keegan.
"Ang haharot," bulong ko.
Napalingon sa akin si Keegan, nasa likuran niya lang kasi ako at nakaupo ako sa isang upuan. Tinaasan niya pa ako ng kilay kaya umiling ako. Binalik niya muli ang pansin sa braso nung babae.
Palibhasa gwapo 'tong si Keegan kaya dinadagsa itong tattoo shop niya. Clean cut ang gupit ng buhok niya. He has this tantilizing brown eyes na kaaya-ayang titigan. Maganda ang hulma ng mukha niya, akala mo artista. Ang ganda rin ng pangangatawan niya dahil puro siya work-out. May tattoo rin siya sa kanang braso.
Kahit nga ang iba kong kasamahan sa trabaho ay sa kanya na nagpatattoo. Araw-araw siyang may customer, kaya malakas ang kita niya.
"Ituloy mo na kaya 'yong paglalagay ng tattoo sa akin?" sambit ko at inilapit ang upuan ko sa pwesto ni Keegan.
Gusto ko kasi magpalagay ng tattoo kaso ayaw naman niya! Nanlaki naman ang mata ko nang ilapit niya sa akin ang tattoo gun at akmang itutusok ang karayom no'n sa kanang braso ko.
"Keegan! Kainis ka!" sigaw ko at umatras para ilagan ang pagdikit no'n sa akin.
Tumawa siya at inilayo sa akin iyon sabay bumalik sa braso nung customer at nagpatuloy. Nakarinig ako nang bulungan pero hindi ko gaanong narinig. Napansin kong nakanguso iyong dalawang babae. Sus, mukhang nagselos. Sa gwapo ba naman ni Keegan! Single naman ito, ayaw niya nga lang makipag-mingle! Ayaw naman niya magkaroon ng girlfriend, sakit daw sa ulo.
Kinalabit ko si Keegan nang may maalala ako. "Bakit nga pala hindi kita ma-contact kagabi? Nagpunta kaya akong bar! Kapag hindi talaga kita kasama minamalas ako!" usal ko.
Tinanggal niya ang pagkakatapak sa pedal dahilan para mawala ang ugong sa tattoo gun, lumingon siya sa akin sabay sawsaw ng karayom ng tattoo gun sa tubig para matanggal ang tinta.
"What happened?" maikling tanong niya.
Ngumuso ako at kitang-kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha. Hindi na muna ako nagkwento at sinabihan siya na tapusin na lang niya muna iyong mga customer. Sumunod naman siya at nakatapos pa ng limang na customer bago siya magsara.
Habang nag-re-ready ako ng susuotin ko sa pagpasok bukas ay nakarinig ako ng pagkatok sa pintuan kaya agad ko iyong tinakbo. Bumungad sa akin si Keegan na dala na ang kalder na may menudo na pinaghatian namin.
"Wow! Mukhang masarap iyan!" masaya kong sambit at pinapasok siya.
Agad ako na lumapit sa mesa at binuksan ang rice cooker, inayos na rin ang plato, kutsara at tinidor, ako na kasi ang nagsaing ng kanin. Ganito ang routine namin ni Keegan, maghahati kami sa magiging ulam namin. Dinadamihan na rin namin iyon para kinabukasan ay mauulam pa.
"Ikaw maghuhugas ha!" pahayag ko.
Nakita ko ang pag-ikot ng mata niya at nilapag sa mesa ang kaldero. Umupo naman siya agad at tiningnan ako. "May kulang kang fifty sa akin, you need to pay it until 12 noon tomorrow,” nakangisi niyang sambit.
Ngumuso ako at inabot ang pisngi niya para pisilin. "Alam mo, Keegan. Ang gwapo-gwapo mo, kaso kuripot ka! Marami ka namang pera, ilibre mo na sa akin iyong fifty pesos!"
Nailing siya at nagsandok ng kanin. "Marami ka ng utang sa akin na hindi mo binabayaran. I have a list for that and you'll pay me when your salary comes. Keep that in mind, walang kaibigan dito."
Sinipa ko ang hita niya sa ilalim ng mesa kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Huwag na kasi, marami akong babayaran. Hindi ka nag-reply sa akin kahapon, ayan tuloy nag-drive akong lasing tapos...."
Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil naalala ko na naman ang mukha ng lalaking iyon! Hindi ako makatulog kaninang madaling araw kakaisip doon. Nasa kanya pa pala ang lintik na lisensya ko!
"I'm sorry, nagkita kami ni mommy kaya buong araw akong walang paramdam sa iyo. Ano bang nangyari sa 'yo? Don't tell me napunta ka na naman sa precint dahil na-raid ang bar na pinuntahan mo?" aniya.
Huminga ako ng malalim at nagsandok ng ulam. "Nakabangga ako," mahinang sagot ko.
"What? Where is your car? Ano nabangga mo?" sunod-sunod niyang tanong.
Hindi muna ako sumagot at pinagdaop ang palad ko para tahimik na magdasal. Pagkatapos ay sinunggaban ko na ang pagkain.
"Inaantok kasi ako at saka ang sakit ng ulo ko, hindi ko namalayan red light na pala. Kaya ayon, nabangga ko iyong BMW."
Napasinghap si Keegan. "That's what I'm talking about, you shouldn't drive when you got drunk. And what? BMW? That's an expensive car! What happened to the owner?" aniya.
Pakiramdam ko ay lumaki ang butas ng ilong ko sa narinig. "BMW, ang ganda ng kotse! pero ang sama ng ugali ng may-ari! Ang gwapo sana kaso antipatiko! Laitin ba naman iyong vios ko! Inamoy pa ako kaya ayon, nalaman niya na lasing ako! Kinuha niya iyong lisensya at number ko! Paano na iyon maibabalik sa akin?" maktol ko.
Nakita ko ang pagsilay ng ngisi sa labi ni Keegan at nailing siya. Napanguso ako at natahimik dahil sa kadaldalan.
"Nakahanap ka rin ng katapat mo," he said laughing.
"You've got to be kidding me! Masama lang talaga siguro ugali no'n. Mukhang anak mayaman! Mayaman ka naman, pero bakit hindi ka antipatiko?"
Humagalpak siya ng tawa kaya naningkit ang mata ko. Totoo naman! Ang bait-bait kaya sa akin ni Keegan! We have a tight friendship for years. Walang malisya. Komportable kami sa isa't isa, at halos kuya na ang turing ko sa kanya.
"Because we have different traits, Lia," maikling sambit niya.
"Ah, basta! Ayoko sa kanya, sama ng ugali niya! Sana hindi ko na siya makita," humina ang boses ko sa huling sinabi at agad akong napanguso. Naalala ko na nasa kanya nga pala ang lisensya ko kaya imposible na hindi ko na siya makita.
Nailing si Keegan at muling sumubo ng pagkain. After chewing it, he looked at me and flashed a smile.
"We're living in a small world, Lia. Makikita at makikita mo siya, sa ayaw at sa gusto mo."