Emiliana's POV "Flowers for Emiliana!" Sumipol pa si Primrose pagkatapos niya sabihin 'yon. Kalalabas lang niya ng elevator dahil galing siya sa baba. Nasa table niya ako dahil nagsagot ako ng ilang phone call. Medyo hectic ang schedule namin ngayon dahil sa planong new waves na bubuksan. I looked at what she's holding, it's a dried lavender buoquet with tulips and hydrangea flowers. Halatang mamahalin pa dahil sa arrangement nito. Malaki ang ngiti ni Primrose at inamoy pa ang bulaklak bago ibigay sa akin. "Kanino galing?" May buong pagtataka kong tanong. Nakakunot pa ang noo ko habang nakatingin sa bulaklak. She rolled her eyes and tsked, "Syempre kanino pa ba! Edi sa iyong iniirog!" aniya at mas inilapit sa akin ang buoquet. Kinuha ko 'yon at namangha sa ganda. May nakita ako

