Emiliana's POV Ang tawa ay nauwi sa pagsimangot dahil naalala ko bigla ang kalagayan niya. Hinawakan ko ang magkabila niyang braso para matingnan siya. "Paano ka nga nakapunta rito?" tanong ko. He smiled. "I booked a grab pagkatapos ng schedule namin. I contacted Primrose dahil hindi ko alam kung saan ang mismong apartment mo. Siya na lang ang tinawagan ko. Address lang naman kasi ang ibinigay mo." "Akala ko ba sa mismong hospital pa tayo magkikita sa sabado?" Nailing naman siya. Hinatak ko siya sa pwesto ko kanina para makaupo kami. Inilapag niya sa gitnang mesa ang sumbrero niya. "Nanghingi ako ng rest day kay Ninang and gladly, she give it to me kaya we have more time until sunday, Ma'am," sagot niya at bakas na bakas sa kanya ang saya. Tumaas ang kilay ko at hindi ko rin map

