Hindi rin nagtagal ay bumangon na ako. Alas syete na pala ng gabi at napasarap ang tulog ko. Paglabas ko pa lang sa kwarto ay naamoy ko na agad ang bango ng niluluto ni Sage. Nang makarating ako sa kusina ay napangiti ako tsaka niyakap si Sage mula sa likod. "How's your sleep?" tanong ni Sage. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat ni Sage. "Ang sarap ng tulog ko." Hinarap naman ako ni Sage pagkatapos ay umupo siya para halikan ang tyan ko. "Can't wait to see you, my little princess. Labas ka na jan." Natawa naman ako nang ngumuso si Sage na parang bata. Tumayo siya pagkatapos ay binigyan ako ng smack. "Maupo ka na jan, love at malapit na 'tong maluto." Inalalayan pa ako ni Sage paupo. Hindi naman mawala-wala ang ngiti sa mga labi ko habang pinapanood si Sage na nagluluto.

