Pakiramdam ko ay sobrang bigat ng mga mata ko kaya nahihirapan akong dumilat. "Vera." Malabo ang dating ng boses dahil nahihilo ako. Ano bang nangyari? Nang tuluyan kong maidilat ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang nakangiting si Sage at sa mga braso niya ay may dala-dala siyang baby. Hinawakan ko ang tyan ko. Tumulo ang luha mula sa mga mata ko dahil sa sobrang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon. Nanganak na ako. "Ang baby ko...ang baby natin." Dahan-dahan na lumapit sa akin si Sage at itinabi sa'kin ang baby namin. "Ang ganda ganda niya, Sage." Pinunasan ni Sage ang tumulong luha mula sa mga mata ko. "Saan pa ba magmamana? Kung hindi sa mommy," sabi ni Sage sabay ngiti. Hinalikan ko naman nang madahan ang ulo ng anak ko. "I love you so much, my Zerene Allona."

