"Saan ka galing?" tanong ni Jade nang makapasok ako sa bahay. "Jan lang sa likod." Iniingatan ko na hindi makita ni Jade ang envelope na tinatago ko sa likod ko. Ang buong atensyon niya ay bumalik kay baby Zerene kaya nagmadali na akong pumasok sa kwarto. Hindi na rin ako nagtagal at bumalik na ako kina Jade at baka mamaya ay makahalata pa siya na may tinatago ako. "Hello, baby!" Hinalikan ko sa ulo ang anak ko. Kumunot naman ang noo ko nang makitang tumitig sa akin si Jade. "Sana maging maayos na ang lahat." Malungkot pa siyang ngumiti. "Sana." Pakiramdam ko ay maiiyak nanaman ako. Paano pa maaayos kung may patunay na ngayon na magkapatid kami ni Sage? Inalis ni Jade ang tingin niya sa akin at ibinalik kay Zerene. Tumayo naman ako tsaka pumunta sa kusina para magluto ng m

