CHANCES 55

2443 Words

Apat na araw ang nakakalipas mula nang magpunta si Jade dito at humingi ng DNA sample ko. Kasalukuyan akong gumagawa ng sandwich para sa meryenda namin. Si Sage ay nasa sala kasama si Zerene. "Merienda is ready!" masayang sabi ko tsaka inilapag ang sandwich sa mini table. Hinila naman ako ni Sage kaya napaupo ako sa hita niya. "Napakabango naman ng misis ko." Ibinaon niya pa ang mukha niya sa leeg ko. "Nakakainis ka, Sage. Pawisan kaya ako!" pagmamaktol ko pa. "Pero mabango ka pa din naman, Vera." Napailing na lang ako. "I have a good news for you, love." Umalis ako mula sa pagkakaupo sa hita ni Sage tsaka tumabi sa kanya. "Ano 'yon?" tanong ko. "Babalik na tayo sa Pilipinas sa isang araw." Itinaas niya pa ang dalawang plane ticket. "For real?" Tumango naman si Sage

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD