"Mommy, ready ka na?" Kinatok ako ni Dark. Naging mabilis ang pagdaan ng mga buwan at ngayon ay isang taon na si Zerene. Kasabay ng birthday niya ay binyag niya kaya heto kami ngayon papunta sa simbahan kung saan gaganapin ang binyag ni Zerene. "Oo, palabas na 'ko." Paglabas ko ay bumungad sa akin si Dark na buhat buhat si Zerene. "Hello, baby! Come here to Mommy." Ibinaling ni Zerene ang ulo niya sa kabilang side. "Pano ba 'yan, Mommy , mas gusto niya sa akin." Ngumisi si Dark. Ngumuso naman ako. "Wag mo masyadong ispoiled 'yan." Natawa lang si Dark. Masaya sana kung nandito ang mga ninang ni Zerene kaya lang ay baka kapag sinabi ko kina Ate Kim ay makarating sa boys tapos makarating kay Sage. Nakakalungkot lang isipin na dapat kami ni Sage ang magtatago pero ngayon siya

