CHANCES 58

2051 Words

Nagulat ako nang basain ako ni Dark ng tubig. "Dark!" singhal ko. "Tulala ka nanaman kasi!" Inirapan ko siya. Kasalukuyan kaming nandito sa likod ng bahay kung saan naroon ang swimming pool. Hawak-hawak niya si Zerene na tuwang-tuwa sa salbabida niya. "Halika na kasi, Mommy!" Kanina pa 'ko pinipilit ni Dark kaya lang ay wala ako sa mood. "Nilalamig ako." Ang totoo ay hindi pa rin mawala-wala sa isip ko si Sage. Isang linggo na ang nakakalipas mula nang malaman kong nabaril siya pero hanggang ngayon ay wala pa ring nakukuhang balita si Sazy. Nagpunta ako sa sentro kahapon para lang matawagan si Sazy at ang sabi niya maging sila Zander ay wala pa ring balita. Hindi na ako makatulog sa gabi sa kaiisip ko kay Sage. "Dark, ikaw na muna ang bahala kay Zerene." Tumango naman si Dar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD