Pagkagising ko ay bumaba agad ako sa kusina para kumuha ng fresh milk. Sumasakit ang ulo ko. Mabuti na lang at alas dos pa ang pasok ko sa Swiftea. Nadatnan ko sa kusina si Ate Kim na nakayuko sa lamesa.
"Anong oras kayo natapos?" tanong ko kay Ate Kim tsaka ininom ang gatas na nasa baso ko.
"Alas tres ata."
Nanatiling nakayuko siya sa may lamesa. Kaya naman pala ganito ang itsura ni Ate Kim. Ako nga ay alas onse natulog pero sobrang sakit pa din ng ulo ko.
Nagsaing na 'ko tsaka nagluto ng ulam para may makain kami ni Ate Kim bago pumasok sa Swiftea.
"Sobrang sakit talaga ng ulo ko!" reklamo niya nang nasa loob na kami ng crew room. Nang umalis kami ay tulog pa rin yung tatlo. Tamad na tamad naman siyang lumabas sa crew room. Mabuti na lang ay hindi na gaanong masakit ang ulo ko.
"Mabuti naman at wala masyadong tao tsaka wala rin si Michelle," sabi ni Ate Kim na ngayon ay nakaupo. Hinayaan ko na lang siya magpahinga at halos wala namang customer.
"Vera, bakit nga pala magkaaway kayo ni Sage?" Nagulat ako sa bigla-biglang tanong ni Ate Kim.
"Hindi naman kami magkaaway. Siya itong bigla bigla na lang-" Naputol ang sinasabi ko nang maagaw ang atensyon ko nang dalawang taong pumasok sa shop.
Sage with Jade?
Magkahawak kamay silang pumasok sa shop. Napukol ang tingin ko sa tumatawang si Jade. Nakakainggit ang kaputian at kasexyhan niya. Mukha siyang model ng Victoria Secret.
Bumalik ako sa katinuan nang sikuhin ako ni ate Kim.
"H-Hi, ma'am, sir. Welcome to Swiftea!"
Rinig na rinig ko ang tabang sa boses ko.
"Jade this is Kim, Brixel's girl." Namula naman ang pisngi ni Ate Kim. Ngumisi lang si Sage. "And this is Vera, Kim's friend," dagdag niya pa.
So Kim's friend na lang ako ngayon, ha?
"And this is Jade, she's my-"
Pinutol ni Jade ang sinasabi ni Sage.
"Girlfriend." Malawak ang pagkakangiti niya. Sinikap kong ngitian siya. Nakita ko rin ang pagkagulat sa mukha ni Sage.
Tss. Ayaw mong mabuking na may girlfriend ka na kasi masyado kang womanizer!
"What's yours?" tanong ni Sage sabay ngisi. He really looks happy with her.
Tumigil ka nga, Vera! Ano naman kung masaya siya? It's none of your business. Saway ko pa sa sarili ko.
"Wintermelon Milk tea and blueberry cheesecake, love." May ibinulong pa si Jade kay Sage dahilan kaya sila nagtawanan.
"Okay. Two wintermelon and two slices of blueberry cheesecake, please," sabi ni Sage. Tumango naman ako tsaka ibinigay ang receipt nila.
"Tsaka gusto ko sana love 'yong ilagay mo sa cups namin. You know i********: thingy. Thanks, Vera!" Tumango lang ako. Mabuti naman at umalis na sila sa harap ko.
"O? Anong iniirap irap mo jan?" tanong ni Ate Kim sabay ngisi.
"Wala!" inis na sabi ko tsaka nagpunta sa restroom.
Instagram thingy? Tss. It is better when it is low-key.
Pagkabalik ko ay naibigay na ni Ate Kim ang order nila Sage. Masaya silang nag-uusap ni Sage.
"Wag mo kasing tignan para hindi masyadong masakit."
Tinignan ko naman nang masama si Ate Kim.
"Anong masakit? I'm not even affected. So what kung makipagdate pa siya sa kahit na sinong babaeng gusto niya?" iritado talaga ako.
"Naku, Vera! Sa'yo na talaga ang korona para sa title ng in denial Queen." Umiiling-iling pa si Ate Kim. Inirapan naman ko siya.
Hindi rin nagtagal ay umalis na sila Sage. Masayang nagpaalam sa amin si Jade. Mabait naman siya pero hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa kanya.
Nang gumabi na ay bigla namang dumami ang tao at naging mabilis ang takbo ng oras kaya ngayon ay naglilinis na kami ni Ate Kim dahil patapos na ang duty namin.
"Salamat at makakauwi na rin," sabi ko tsaka sumalampak muna sa sofa ng crew room.
"Hindi pa tayo uuwi, diba?"
Kumunot ang noo ko.
"Ay, oo nga pala! Nauna ka na umakyat kagabi kaya hindi mo alam 'yong pag-invite sa atin ni Brixel sa club nila," aniya.
"Bakit anong meron?" Nagkibit balikat lang si ate Kim. Pumunta sa restroom si Ate Kim para magpalit ng damit kaya nagpalit na rin ako. Hindi ko alam na may lakad pala kami ngayon kaya isang loose na denim short, pink na spaghetti tops at puting adidas shoes ang dala ko.
Pumasok si Ate Kim na naka floral na off shoulder dress at black na pumps.
"Hindi ako nainform kaya ganito ang damit na nadala ko," sabi ko sabay nguso.
"Ang sexy mo nga, e. Nakakainggit!" Humagikhik pa si Ate Kim.
Pagkalabas namin ay nandoon si Brixel na hinihintay kami. Sumakay ako sa backseat ng Ranger niya.
Pagdating sa Bri Club, 'yong club nila Briana ay sinalubong kami nila Kyril at Andrea na parehong nakaskater dress. Pakiramdam ko ay out of place ako dahil sa suot ko.
"Sexy a*s!" Pinalo pa ni Andrea ang pwet ko. Napailing na lang ako. Dumerecho kami sa isang VIP room nitong club. Kumalabog ang dibdib ko nang magtama ang mga mata namin ni Sage. Katabi niya si Jade na nakaitim na tube dress, nagsusumigaw naman ang kaputian niya.
Tumabi ako kay Andrea. Napag-alaman ko na welcome party pala ito para kay Jade. Nilagok ko agad ang sidecar na nasa cocktail glass na iniabot sa'kin ni Kyril.
Niyayakap ko na ang sarili ko dahil sa lamig. Ang lakas kasi ng aircon. Nakita ko naman kung paano ipatong ni Sage sa balikat ni Jade 'yong jacket niya, ngumiti naman si Jade. Nag-iwas na lang ako ng tingin.
Nagvideoke sila pero hindi ako sumali wala din naman akong maisip na kantahin, e.
"Sing for me, Sage!" Pinipilit ni Jade si Sage. Umiiling iling naman si Sage
"Sige na, Sage! Pagbigyan mo na si Jade," dagdag pa ni Kyril.
"Please?" Inilapit pa ni Jade ang mukha niya kay Sage. Nag-iwas nanaman ako ng tingin tsaka nilagok ang brandy na nasa harap ko.
"Fine," pagsuko says ni Sage. Nagtatalon naman si Jade.
You look so wonderful in your dress,
I love your hair like that
Nalaglag ang balikat ko. Sa unang sentence pa lang na binitawan ni Sage ramdam ko na kung gaano siya kainlove kay Jade.
Should be the last thing I see
I want you to know it's enough for me
Cause all that you are is all that I'll ever
need.
Maganda ang boses ni Sage, at bawat pagbikas niya sa lyrics ay punong-puno ng emosyon. Nakangiti siya ngayon kay Jade.
I'm so in love, so in love.
Biglang nanikip ang dibdib ko kaya tumayo ako.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Andrea.
"Dance," simpleng sagot ko tsaka lumabas ng VIP room.
Yes. You are in love with her, Sage. I can see that.
Sumunod naman sila sa'kin sa dance floor. Kung sinu-sino na ang nakakasayaw ko and I'm having fun, at least nadidivert ang atensyon ko. Lumakas ang sigawan ng mga tao at napansin ko na kami na lang ng kasayaw ko ang nagsasayaw at pinalilibutan na kami ng mga tao.
"You go, girl!" pagchicheer pa ni Kyril. Nginitian ko naman ang kasayaw ko at parang lalo siyang ginanahan. Narinig ko pa ang halakhak ni Zander kaya napatingin ako sa kanya at napako ang tingin ko sa katabi niya. Pinupunasan ni Sage ng pawis si Jade, yumakap naman sa kanya si Jade.
"Hey, What's the problem?" tanong ng lalaking kasayaw ko dahil tumigil na 'ko sa pagsayaw. Umiling lang ako tsaka pumunta sa restroom.
Mas minabuti ko na lang umuwi at magkulong sa loob ng kwarto.
I want Sage gone in my life, but I don't want seeing him with another girl. How ironic! And yes, lahat ng prinsipyo ko ay naging walang kwenta dahil kay Sage. Tinraydor ako ng sarili kong puso. Gusto kong sumbatan si Sage dahil kasalanan niya lahat ito. Kung hindi niya pinaramdam sakin na posible talaga 'kong magmahal ay hindi sana ganito. Kung hindi lang sana ako nadala sa mga kilos at pananalita niya.
I don't wanna get hurt and lose myself in the process of loving him at nangyari na ang kinatatakutan ko. Kung sana lang ay pinanindigan ko ang prinsipyo ko, edi hindi sana ganito.
You're right, Sage, I cannot escape in the possible ways I can and now all I need to do is to be happy for the both of you. Ayokong makisawsaw dahil alam ko kung gaano kasakit ang maagawan.
Nagsend ako ng message kay Ate Kim na umuwi na ko dahil sumama ang pakiramdam ko habang sumasayaw ako. Pinunasan ko ang lumandas na luha sa mga mata ko tsaka pumikit.
Mabuti na lang at maaga ang pasok ko ngayon sa Swiftea kaya tulog pa sila pag-alis ko. Si Ate Kim naman ay mamaya pa ang pasok. Ni hindi ko magawang ngumiti sa mga customers ngayon kaya ilang beses akong napagalitan ni Michelle.
Ganito ba talaga kapag broken hearted? Halos wala kang gana sa lahat?
Nang maabutan ako ni Ate Kim sa loob ng crew ay kinumusta niya agad ang pakiramdam ko. Sinabi ko lang na ayos na ako tsaka nagpaalam na. Dumerecho ako sa Queenz Agency dahil may nakaschedule akong photoshoot, para sa isang brand ng sapatos ang photoshoot ko. Nung una ay pinapagalitan pa 'ko ni Gael dahil ang lungkot daw ng mga mata ko at mukha akong iiyak. Humingi ako ng limang minutong break at pagkatapos ay nagawa ko na ng maayos ang mga pinapagawa niya.
"Sa susunod na buwan ay magkakaroon ng fashion show ang Queenz at kasama kayong dalawa ni Kyril sa star ng show," masayang sabi ni Celine nang matapos ang photoshoot ko. Tumango naman ako.
"Vera, may pupuntahan ka ba?" tanong ni Celine.
"Wala naman. Why?"
"Inom sana tayo kahit dito lang sa studio."
"Sure!" sabi ko sabay ngiti. Alam kong may problema si Celine dahil nag-iinom lang naman siya kapag may okasyon o 'di kaya ay may problema siya.
Bumili kami ng San Mig Light sa may convenience store sa tapat ng Queenz tsaka sumalampak sa sofa ng studio.
"Ang mga lalaki talaga, mga gago!"
Nagsimulang maglabas ng hinaing si Celine.
"At tayong namang mga babae ay marurupok!" Nangilid ang luha sa mga mata ni Celine. Noon kapag naglalabas siya ng problema tungkol sa boyfriend niya ay iniisip ko na kasalanan din niya dahil hindi niya kayang kontrolin ang sarili niya.
"Ano bang nangyari?" tanong ko.
"Nahuli ko 'yong boyfriend ko na may ka s*x na iba!" Tuluyan na siyang humagulhol.
"Tangina! Ibinasura niya ang anim na taon na pinagsamahan namin."
Niyakap ko si Celine. Nadudurog ako na nakikita ko siyang ganito. Isa sa mahalagang tao sa buhay ko si Celine, para ko na rin siyang nakatatandang kapatid dahil mas matanda sakin si Celine ng apat na taon.
At dahil sa mga lalaki ay nakikita ko kung paano nawawasak ang mga taong importante sa buhay ko.
"Ang tanga tanga ko din kasi, Vera! Kahit alam kong may iba na siya pinipilit ko pa rin irevive ang relasyon namin. Sayang kasi." Humihikbing sabi niya.
"Hindi mo naman kasalanan, Celine. Nagmahal ka lang." Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko.
"Sana ay naging kasing tapang mo 'ko, Vera, pagdating sa pag-ibig. Sana ay tulad mo kaya ko ring kontrolin ang sarili ko."
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.
Akala ko rin ay matapang ako, akala ko ay kilala ko ang sarili ko.
Pagkatapos namin maubos ang mga alak na binili namin ay natulog na si Celine sa sofa. Hindi ko siya iniwan dahil alam ko kailangan niya ng kasama ngayon.
"Vera! Vera!"
Hindi ko namalayan na nakatulog rin ako. Nagising lang ako nang tapikin ako ni Celine.
"Uwi na tayo. Alas dos na ng madaling araw."
Nanlaki naman ang mata ko. Panigurado ay nag-aalala na sa'kin sila Ate Kim. Kinuha ko ang phone ko pero lowbat.
"Celine pwedeng makitext?" tanong ko sa nagsusuklay na si Celine.
"Lowbat ako," aniya.
Nagmadali na lang ako umuwi. Nagpasalamat pa sa'kin si Celine at niyakap ko naman siya.
Pagdating ko sa bahay ay nandoon ang kotse nila Brixel siguro ay nag-iinuman nanaman sila. Ngunit pagpasok ko ay nadatnan kong umiiyak si Briana.
"My God, Vera! Saan ka ba nanggaling?" tanong ni Ate Kim, kitang-kita ang pag-aalala sa kanya. Niyakap naman ako ni Andrea.
"Nag-alala kami sayo," malungkot na sabi ni Kyril. Pansin ko rin na nandito sina Brixel, Alezander, Shin, Stephen at Sage.
Dinaluhan ko naman ang umiiyak na si Bri at niyakap siya.
"I'm sorry kung pinag-alala ko kayo."
Nagiguilty ako sa ginawa ko.
"Where have you been, Veranica?"
Halos mapatalon ako sa pagsigaw ni Sage. Nilingon ko naman siya.
"Sinamahan ko lang ang isang kaibigan."
Matalim siyang nakatingin sa'kin.
"It's already quarter to three for God sake, Vera! Ni hindi ka marunong magtext. Ganyan ka ba kawalang pakialam sa mga taong nag-aalala sayo?"
Nainis naman ako sa sinabi ni Sage.
"Hindi ko kailangan magpaliwanag sa'yo, Sage, kaya pwede ba imbis na pakialaman mo ang buhay ko ay pagtuunan mo na lang ng pansin ang girlfriend mo!" Padabog akong umakyat papunta sa kwarto ko.
Ako ang tumibag ng pader na ako rin mismo ang nagtayo.