Pasado alas otso na 'ko nagising. Unang araw ngayon ng Back To School event ng St. Celestine kaya okay lang kahit hindi ako masyadong maaga pumasok. Naligo na muna ako.
Naisipan kong magsuot lang ng isang fitted jeans, puting pullover at maroon na sneakers. Kinuha ko na ang sling bag ko tsaka bumaba. Si Bri na lang ang nandoon at nanunuod ng t.v.
"Finally! Makakaalis na tayo." Malaki ang pagkakangisi ni Bri.
"Dapat ay nauna ka na lang."
Pumunta ako sa kusina para uminom ng fresh milk tsaka kumuha ng isang slice ng loaf bread.
"Tanghali na rin ako nagising, e." Humalakhak pa si Bri.
"Tara?" Tumango naman siya tsaka sumunod sakin.
"Excited na ko, Vera! First time ko makakaranas ng opening event ng St. Celestine."
"Wala namang espesyal," sabi ko tsaka pumara ng tricycle.
"Nasasabi mo lang 'yan dahil second time mo na maeexperience," sabi niya sabay nguso. Umiling na lang ako.
Pagdating namin sa St. Celestine ay sobrang ingay at sobrang daming mga studyante na nagkalat sa ground. Dumerecho kami ni Bri sa gymnasium dahil doon gaganapin ang program. Pagkarating namin ay saktong magsisimula pa lang sumayaw ang dance troupe para sa cheer dance.
"Go, Kyril!" nakabibinging sigaw ni Bri. Tumingin sa amin si Kyril at nagflying kiss.
"Ang galing sumayaw ni Kyril! Ang galing nilang lahat!" sabi ni Bri at halatang namamangha siya.
Umugong ang malakas na palakpakan nang matapos sumayaw ang dance troupe. Hinintay pa namin na makapagpalit ng damit si Kyril bago kami lumabas ng gymnasium.
"Saan tayo?" tanong ko nang makalabas kami sa gymnasium.
"Sa food bazaar. Hindi pa 'ko kumakain."
Tumango naman ako kay Kyril.
Maraming mga bazaar at booth ngayon hanggang Wednesday tapos sa Thursday naman ay may mga theater play, dance contest at singing contest. Sa Friday ay ang inaabangan na taunang Masquerade Ball.
"Ang galing!" Nakipaghigh five pa si Alezander kay Kyril nang makarating kami sa food bazaar. Nakita namin dito sila Brixel, Alezander at Sage.
"Halika, Zander, ilibre mo 'ko!" Hinila pa ni Kyril si Alezander papunta sa mga nagtitinda ng pagkain. Sumunod naman si Brixel at Bri kaya naiwan kaming dalawa ni Sage dito sa table.
Walang nagsasalita sa amin, sobrang awkward. Nakayuko lang ako at pinaglalaruan ang mga daliri ko.
Biglang may babaeng kumanta sa may mini stage sa tapat ng food bazaar
I don't know what it is you've done to me
But it caused me to act in such a crazy way
Whatever it is that you do when you do what you're doing, it's a feeling that I don't understand.
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Natatamaaan ako sa bawat lyrics. Pakiramdam ko ay kinanta talaga iyan para sa'kin.
I get so weak in the knees, I can hardly speak. I lose all control and something takes over me.
Nag-angat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin ni Sage. Ayan nanaman 'yong pakiramdam na parang hinahalukay ang tiyan ko.
In a daze and it's so amazing, it's not a phase. I want you to stay with me, by my side
And yes, I want you to stay by my side Sage pero hindi pwede.
Can't explain why your loving makes me weak.
"Sage!" Biglang yumakap sa likod ni Sage ang bagong dating na si Jade. Paano kaya siya nakapasok? Ang alam ko ay bawal ang outsider dito.
I looked away. Loving you really makes me weak.
"Hi, Jade!" bati ni Kyril.
"Hello! Kakain pa lang kayo? Tara, Sage! Samahan mo ko bumili ng pagkain."
"Okay," sabi ni Sage.
"Anong gusto mo dito, Vera?" Itinuro ni Briana ang mga pagkain na nasa tray niya. Umiling lang ako.
Parehong nakangiti sina Jade at Sage habang bumibili ng pagkain.
Don't t*****e yourself, Vera! Saway ko sa sarili tsaka pumikit.
"Are you okay, Vera?" tanong ni Brixel. Tumango naman ako tsaka pilit na ngumiti.
"Are you on a diet, Vera? No wonder kaya ang ganda ng figure mo. I saw your pictorial pictures sa f*******: . Nakakatuwa na we're friends on Facebook." sabi ni Jade sabay ngisi.
"Yeah. You sent me a friend request." Humalakhak naman si Kyril. Kunot noo kong tinignan ang katabi kong si Kyril. Umiling lang siya tsaka tumigil sa pagtawa.
"Guys, itry natin sa game booth," yaya ni Alezander tsaka inakbayan si Kyril.
"Oo. Tapos kunin mo 'yong malaking teddy bear sa may dart game para sa'kin," sabi ni Kyril na akala mo ay bata.
"Sage will get that for me." Lumingon ako sa nagsalitang si Jade.
"Of course!" Ginulo pa ni Sage ang buhok ni Jade.
Tumayo na kami nang matapos sila kumain tsaka naglakad papunta sa game booths.
"Ang gwapo talaga ni Sage!"
"Girlfriend niya ba 'yan? Ang ganda!"
Ilan lang 'yan sa mga naririnig kong usapan ng mga estudyante habang naglalakad kami. Nilingon ko si Sage na nakaabay kay Jade. Ngumiti sa'kin si Jade at nag-iwas naman ako ng tingin.
Naglalaro ng dart sina Sage, Jade, Alezander, Kyril, Brixel at Briana habang ako ay parang poste dito sa likod na nanunuod sa kanila.
"Hi, Vera!" bati sakin ni Liam habang nakangiti. Nginitian ko din siya.
"Gusto mo sumama sa'kin na pumasok sa Zombie world?" Tatanggi sana ako pero ayaw ko naman na buong araw ay panoorin ang kasweetan nila Sage. Gusto ko rin naman mag-enjoy.
"Sige, paalam lang ako sa kanila." Tumango naman si Liam.
"Guys, Zombie world lang kami ni Liam." Tumango naman sila Kyril. Nahagip pa ng mata ko ang matalim na titig ni Sage sa'kin. Agad ko naman silang tinalikuran tsaka naglakad papunta kay Liam.
"Basta wag kang bibitaw sa'kin, ah." Hinawakan pa ni Liam ang kamay ko habang bumibili kami ng ticket para sa Zombie world.
Kinakabahan naman ako. Papasok kami sa loob na punong-puno ng mga Zombies at kailangan ay mahanap namin ang labasan na hindi nahuhuli ng mga Zombies dahil kung hindi ay ikukulong kami sa loob ng isang madilim na kwarto.
"Are you ready?" Mas humigpit ang hawak ni Liam sa kamay ko nang papasok na kami sa loob.
Pagpasok pa lang ay napatili na 'ko dahil sobrang dilim sa loob. Hinila naman ako ni Liam papunta sa isang poste para magtago.
"Just be quiet," bulong ni Liam.
"Paano natin mahahanap iyong labasan? Wala akong makita dahil sa sobrang dilim."
"Just trust me, come on." Hinila niya pa 'ko. Tinakpan ko naman ang bibig ko para maiwasan ko ang pagtili. Nakakagulat ang mga sound effects.
Nagtago ulit kami ni Liam dahil may naririnig kaming sumusunod sa amin.
"s**t, Liam!" Tumawa lang siya ng mahina. Nang umalis kami sa pinagtataguan namin ay biglang bumukas ang kulay pulang ilaw. Napatili ako nang makita ang itsura ng Zombie na nasa harap ko. Tumakbo kami ni Liam at nagkahiwalay kami dahil may poste sa gitna ng daanan namin. Binilisan ko naman ang takbo ko.
"Liam, nasaan ka na?"
Bigla nanaman bumukas ang kulay pulang ilaw. May nakita akong lalaking nakatalikod sa'kin.
Si Liam.
Agad akong tumakbo sa kanya tapos namatay nanaman ang ilaw.
"s**t! Gusto ko na lumabas!" na sabi ko. Hinihingal na 'ko. Niyakap niya ako.
Parang pamilyar ang amoy ng pabango niya.
Nang bumukas uli ang ilaw ay nagtama ang mga paningin namin.
"Sage?" Halos mabingi ako dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. Hindi ako makagalaw at pakiramdam ko ay nanghihina nanaman ako.
Napatili ako nang biglang may humila sakin na isang Zombie.
"Oh, My God!"sigaw ko tsaka nagpupumiglas. Narinig ko pa ang munting halakhak ni Sage.
"Relax, I'm just here," aniya.
Ipinasok kami sa loob ng isang madilim na kwarto na may rehas. Nakakatakot ang tunog na parang kinakaladkad na kadena.
"What the hell?" Napatalon ako papunta kay Sage nang lumakas ang mga sound effects.
"Sage, I'm scared. Ilabas mo na 'ko dito." takot na sabi ko. Naramdaman ko naman ang yakap niya.
"Don't be scared, I'm here. I will protect you."
Kumalabog naman ang puso ko.
Umalis ako sa pagkakayakap niya pero hinila niya ulit ako pabalik sa kanya.
"Don't leave. Let stay like this...even just for a while." Parang may nagkakarera sa loob ng puso ko dahil sa bilis ng t***k.
I know this is wrong, but why it feels so good?
Tuluyan na 'kong umalis sa pagkakayakap ni Sage tasks umupo sa sahig.
Masamang tao na ba 'ko kung hihilingin ko na sana ay pansamantalang tumigil muna ang oras?
"Vera, where are you?" matigas na tanong ni Sage.
"I'm here."
Naramdaman ko naman ang pagtabi niya sa'kin. Halos manigas ako sa kinauupuan ko nang hawakan niya ang kamay ko. Pinaglalaruan niya pa ang mga daliri ko.
Umilaw ang phone niya at may idenial na number.
Paano niya naipasok ang phone niya? Pinapaiwan sa labas 'yon, ah?
"Hell, Zander-Yes, I'm with her. Make it fast." Binaba niya ang phone niya at tumingin sa'kin hinila ko naman ang kamay ko na hawak niya.
"As much as I want to stay here, I have a basketball game to play."
Kumalabog nanaman ang puso ko. Inalalayan niya pa 'ko sa pagtayo. May isang lalaking pumasok at iginiya kami palabas ng Zombie world.
Nandoon sina Alezander at Liam na naghihintay sa amin.
"Akala ko hindi ka makakalaro." Humalakhak pa si Alezander.
"Vera, sorry I lost you," malungkot na sabi ni Liam.
"And you lost her forever."
Napaangat ang tingin ko sa nagsalita na si Sage. Nilagpasan niya na kami at sumunod naman sa kanya ang umiiling-iling na si Alezander.
"Tara sa gymnasium, Liam?" Tumango naman siya at sumama sa'kin.
Pagpasok ko sa loob ay namataan ko agad ang kumakaway na si Briana. Nagpaalam na rin sa'kin si Liam dahil tinawag siya ng mga kaibigan niya. Naiilang naman akong tumabi kay Jade ngunit doon na lang may space. Nasa likod lang kami ng bench nila Sage.
Umingay ang buong gymnasium nang pumasok ang team nila Sage.
"Go, Wainwright!" nakabibinging sigaw ni Jade.
College of Architecture ang kalaban nila Sage. Habang sila naman ay College of Business. Magkateammate sila Brixel, Alezander at Sage na pare-parehong varsity players ng St. Celestine.
Nakatuon lang ang atensyon ko kay Sage nang magsimula ang game. Noong nasa practice nila ay nagagalingan na ako sa kanya pero malaki pa rin ang iginaling niya ngayong actual game na.
Nahihirapan ang kalaban na makapuntos dahil bukod sa tatlong varsity players ang nasa team nila Sage ay parang si Sage pa ang nasusunod sa loob ng court. Parang siya rin mismo ang kumokontrol sa game.
Nang makathree points si Sage ay tumingin pa siya sa gawi ko tsaka kumindat. Nanlaki naman ang mga mata ko tsaka napangiti. Ngunit nawala rin ang mga ngiti sa labi ko nang magtitili si Jade. Napalunok naman ako.
Wag assuming katabi mo ang girlfriend niya.
Nanalo sila Sage at natambakan ang kalaban, tumayo naman si Jade tsaka lumapit kay Sage. Naghigh five pa sila tsaka pinunasan ni Jade ng pawis si Sage. Nag-iwas na lang ako ng tingin.
Ako na lang ang naiwan dito dahil lumapit si Kyril kay Alezander at nagbigay ng Gatorade. Habang si Bri naman ay lumapit kay Brixel.
"Vera, halika picture tayo!" tinawag ako ni Kyril. Nag-aalangan naman akong lumapit.
"Dito ka!"
Ipinuwesto niya 'ko sa tabi ni Sage. Nagwawala naman ang puso ko at hindi ko alam kung anong itsura ko sa picture. Umakbay pa sa'kin si Sage kaya nanlaki ang mga mata ko at saktong pagflash ng camera.
Shit! Nakakahiya!
Dahil nanalo sila Sage ay may laban ulit sila mamaya at kapag nanalo ulit sila ay may laro din sila bukas.
Magkahawak kamay na naglalakad si Jade at Sage, nasa likod naman nila ako at palabas kami ngayon ng gymnasium.
"Tara? Kain tayo!"
Tumango naman kaming lahat kay Brixel.
"Ang galing mo, Sage. Grabe!" papuri ni Kyril.
"Magaling rin naman ako, ah!" sabi ni Alezander na ngayon ay nakangunso na, nagtawanan naman kami.
"Magaling din naman kayo ni Kuya, pero itong si Sage ay halimaw," sabi pa ni Bri.
"That's my man!" sabi ni Jade. Kitang-kita ang pagiging proud niya kay Sage. Napairap naman ako. Biglang humalakhak si Kyril.
"Irap pa more, girl," bulong niya sa'kin. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa nakita ni Kyril ang pag-irap ko.
"Doon ulit tayo umupo sa likod ng bench nila, ah," sabi ni Jade habang kumakain kami sa cafeteria.
"Siyempre naman!" masayang sabi ni Bri.
"Sage, let's watch the fireworks display after your game," sabi ni Jade sabay ngiti.
"No problem, Jade." Pinisil pa ni Sage ang ilong ni Jade. Nag-iwas na lang ako ng tingin.
"Ang sweet niyo, nakakainis na!" sabi ni Bri.
Pagkatapos kumain ay nagsitayuan na kami. Babalik sa headquarters sila Brixel, Zander at Sage habang ang mga girls ay nagpaplano na maglibot-libot muna.
"Uuwi na pala 'ko." Lumingon si Kyril sa'kin.
"Ang aga naman? Manunod pa tayo ng game nila Zander at fireworks display," ani Kyril.
"Inaantok na rin ako," pagsisinungaling ko.
"Sayang naman, Vera." sabi ni Jade.
Sayang dahil hindi ko mapapanuod ang paghaharutan niyo ni Sage? Tss.
"Ang daya mo!" sabi pa ni Bri sabay ngumuso.
Nagpaalam na 'ko sa kanila. Sinubukan pa akong pilitin nila Kyril pero tumatanggi talaga 'ko. Paalis na ako nang bigla akong tawagin ni Sage.
"Vera, are you really going home?" he asked.
Kinagat ko ang labi ko tsaka tumango.
"Okay. Then take care."
Pagkasabi niya ay tumalikod na ako.
Anong akala mo pipigilan ka niya, Vera?