CHANCES 9

2179 Words
"O, bakit ang aga mo?" tanong ni Ate Kim habang nakakunot ang noo. "Tapos na mga activities sa St. Celestine?" tanong pa ni Andrea. "Hindi pa," sagot ko tsaka sumalampak sa sofa. "Bakit umuwi ka na?" tanong ulit ni Andrea. Naghihintay rin ng sagot si Ate Kim. "Nandoon naman na si Jade, ano pang gagawin ko doon?" Humalakhak naman sila. "Selosa naman pala!" nang-aasar pa na sabi ni Andrea. "Hindi kaya!" nahihiyang sabi ko tsaka itinuon ang atensyon ko sa panonood ng t.v. "Kahit kelan talaga, In denial Queen!" sabi ni Ate Kim sabay halakhak. Binato ko naman siya ng throw pillow. "Hindi nga kasi!" Tinignan ko pa siya ng masama. "O, magwowalk out na 'yan!" sabi pa ni Andrea kaya natawa na lang ako. Nagbake si Ate Kim ng cupcakes kaya iyon ang nilantakan namin habang nanunuod ng movie. "Paano nga pala nakapasok si Jade? No outsiders allowed, right?" tanong ni Andrea. "Aba malay ko!" sabi ko habang nakatuon pa rin ang mga mata ko sa pinapanood namin. "Wag naman masyadong ipahalata na medyo bitter." sabi ni Ate Kim habang tumatawa. "I'm not, Ate. Ano ba!" naiinis na sabi ko. Humalakhak naman silang dalawa. Nagtatawanan kaming tatlo nang biglang dumating sila Kyril, Bri, Alezander, Brixel, Sage at Jade. "O, akala ko kaya ka umuwi kasi inaantok ka na?" Pinagkrus pa ni Kyril ang dalawang braso niya sa harap ko. Mahina kong kinurot si Andrea nang magsasalita sana siya. "Nawala bigla, e." Sinamaan ako ng tingin ni Kyril. "Kumain na ba kayo?" tanong ni Ate Kim. "Yup!" sabi ni Brixel tsaka tumabi kay Ate Kim. "Sayang, Vera! Hindi mo napanuod 'yong fireworks. Sobrang ganda!" sabi ni Briana. "Kaya nga, Vera. Ang ganda talaga!" sumang-ayon pa si Jade tsaka humilig kay Sage. "Napanuod ko naman na 'yon last year." Pilit kong itinatago ang tabang sa boses ko. "'Yon ba 'yong kasama mo si Liam?" tanong ni Ate Kim. Tumango naman ako. "Kaya naman pala ayaw palitan 'yong memories." Humalakhak pa si Andrea at Ate Kim. Napailing na lang ako. "Anong sinasabi niyo na dalawa jan? Basted nga si Liam kay Vera!" singhal ni Kyril habang nakataas ang isang kilay. "Hoy, Kyril! Para sabihin ko sa'yo na lahat nagbabago. Sobrang effort kaya ni Liam tsaka persistent siya na makuha si Vera." Kinrus pa ni Andrea ang mga braso niya. Nalaglag naman ang panga ko sa mga pinagsasabi niya. "Wag niyo ngang pakealamanan ang lovelife ni Vera!" singhal ni Bri. "Mukha namang hindi gagawa ng mabuti 'yong Liam na 'yon." Napalingon ako sa nagsalitang si Alezander. "Alezander, Liam is a good person," sabi ko. Nagkibit balikat naman siya. "We need to go. Let's go, Jade!" Tumayo si Sage tsaka hinatak ang gulat na si Jade. Humalakhak naman si Andrea at Ate Kim. "Anong problema ni Sage?" tanong ni Briana. "Walk out King din pala!" sabi ni Andrea sabay halakhak. Naghigh five pa sila ni Ate Kim. "Anong meron, Kim?" nagtatakang tanong ni Brixel. Umiling lang si Ate Kim habang tumatawa. "Ewan ko sainyo!" inis na sabi ni Kyril. "The lover boy is jealous. Masama ito." Umiiling-iling pa si Alezander. Humalakhak naman si Andrea at Ate Kim. "Ayos ba, Vera?" bulong sa'kin ni Andrea. Natawa naman ako. "Mga baliw!" sabi ko at napailing na lang tsaka umakyat na sa kwarto ko. Kinabukasan ay maaga akong binulabog sa pagtulog ni Kyril dahil daw sa umuwi ako kahapon agad ay kailangan ko daw manuod ng first game nila Sage. "Bilisan mo na jan, Vera!" sigaw ni Kyril kaya naman padabog akong bumaba. "Ang aga pa, Kyril! 6:30am pa lang," inis na sabi ko. "7:00am ang start ng game kaya tara na!" Hinila niya pa 'ko at sumunod naman si Bri. "Hayaan mo naman akong magbreak fast muna." Halos makaladkad ako sa paghila niya. "Doon na tayo kumain, Vera." Hinila ko ang braso ko tsaka inis na naglakad. Pagpasok namin sa gymnasium ay sobrang dami na ng mga estudyante. Umupo ulit kami sa pinag-upuan namin kahapon. Halos mabingi ako sa ingay ng sigawan nang pumasok ang team nila Sage. "Go, Sage!" "Sage Wainwright, I love you!" "Go, Montegrande!" "Go, Larson!" "Sobrang hot mo, Sage, akin ka na lang!" Ilan lang 'yan sa mga maririnig mong tilian dito sa loob ng gymnasium. Kumalabog ang puso ko nang tumingin sa'kin si Sage at ngumisi. Kakaiba 'yong ngisi niya at parang kinilabutan ako. Pumasok na rin ang makakalaban nilang team. Ang team pala ng Engineering ang makakalaban nila na kung saan kasali si Liam. Sumenyas pa siya na lumapit ako. Napansin ko ang matalim na titig ni Sage na nasa harap lang namin. Nag-iwas na lang ako ng tingin at tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Kyril. "Dito ka lang. Magsisimula na ang game!" Tinignan ko ng masama si Kyril pero hindi niya ko pinansin. Sumenyas na lang ako kay Liam na mamaya na lang. Magsisimula na ang game nang makita kong tumatakbo si Jade papunta sa amin. Bigla akong nawalan ng gana manuod. "Buti nakaabot pa 'ko. Ang hirap magpalusot sa guard!" sabi ng hinihingal na si Jade. Ngumiti pa siya sa'kin tsaka umupo sa tabi ko. Hindi ko na siya pinansin at nagfocus na lang sa panunuod ng game. Umpisa pa lang ay masyado nang mainit si Sage. Grabe siya kung makapagbantay kay Liam, ni hindi makalusot si Liam dahil sa higpit ng pagbabantay niya. Nang maagawan niya si Liam ng bola ay tumingin siya sa'kin tsaka ngumisi, kumalabog naman ang puso ko. "Okay lang 'yan, Liam!" sigaw ko nang makita ang pagkabigo sa mukha ni Liam. Ngumiti naman siya sa'kin. "Aray!" daing ko nang kurutin ako ni Kyril sinamaan niya lang ako ng tingin. Lalong nag-init si Sage kaya hindi makapuntos ang kabilang team. Gusto kong manalo sila Sage pero gusto ko rin manalo sila Liam. Ano ba talaga? Tumawag ng time out ang coach nila Liam. Nakangisi naman si Sage habang papalapit sa bench nila. Inirapan ko naman siya. Masyadong mayabang! "Easy lang, Sage. Sobrang init mo sa loob." Narinig kong sabi ni Alezander. "Go, Sage!" Ngumiti naman si Sage kay Jade. Nagsimula na ulit ang laban. Nag-init din si Liam at mas naging seryoso siya sa paglalaro. Silang dalawa ni Sage ang nagbabantayan. Ang tatalim ng mga titigan nila at ramdam na ramdam ang tensyon sa pagitan nila. Bigla naman akong kinabahan. Si Sage ang may dala ng bola at parang may sinabi si Sage kay Liam. Kumunot ang noo ni Liam at naagaw niya ang bola kay Sage. Umingay ang buong gymnasium. Ngumisi si Sage tsaka naagawan din ng bola si Liam. Napatayo ako nang itulak ni Liam si Sage. Agad namang tumayo si Sage tsaka sinuntok si Liam. Sabay kaming napatakbo ni Jade. Lumapit siya kay Sage at lumapit naman ako kay Liam Pumapagitna na rin ang ibang mga player. Hinihila ko na si Liam. Ngumisi siya kay Sage. Susugod sana ulit si Sage pero napigilan siya nila Alezander. "Let's go, Liam!" Tumango naman siya tsaka kami lumabas ng gymnasium. "Ano bang nangyari? Ikaw itong nagsimula ng g**o!" inis na sabi ko habang ginagamot ng school nurse ang sugat niya sa may clinic. Ngumuso naman siya. "Kasalanan niya naman." Tinignan ko siya ng masama. Iniwan na kami ng nurse dahil tapos na rin gamutin ang sugat niya sa may gilid ng labi. "Nakakapikon siya!" dagdag niya pa. Hindi siya makatingin sakin ng maayos. "Bakit nga kasi?" Pinagkrus ko pa ang dalawang braso ko. "Habang nasa kanya 'yong bola he said 'what's mine is mine'." Kumunot naman ang noo ko at naghihintay ng kasunod na sasabihin niya. "So I try my best para agawin 'yong bola and I said 'then I'm gonna steal it from you' tss." Hindi pa rin niya 'ko matignan-tignan. "Tapos ay naagaw niya ulit sa'kin ang bola then he said 'then I'm getting her back cause she is mine'." Bigla namang kumalabog ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan. "It's not about the ball, Vera. It's about you, ikaw ang tinutukoy niya." Nanlaki naman ang mata ko. "Nagkakamali ka, Liam." Hinawakan niya ang kamay ko. "Then sino, Vera? Ikaw lang ang babaeng gusto ko at alam 'yan ng lahat kaya sigurado ako na ikaw ang tinutukoy ni Sage. I'm sorry to tell him, but I'm never gonna give you up." Bumilis ang t***k ng puso ko, derecho naman siyang nakatingin sa mga mata ko. "I'm willing to wait until forever, Vera...just so you know." Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Liam. "L..Liam!" Hindi ko alam kung paano sasabihin na walang pupuntahan ang paghihintay niya. "Vera, you don't need to force yourself to love me back. Maghihintay ako kahit walang kasiguraduhan." Malungkot siyang ngumiti tsaka iniwan ako sa loob ng clinic. Liam is such a good guy and I'm evil for hurting him. Pagkalabas ko ng clinic ay umupo na lang muna ako sa bench sa may hallway. Bakit ba ganito na kakomplikado ang buhay ko? Hindi ba pwedeng wala na lang akong pakialam kagaya ng dati? Tumawag sa'kin si Kyril at sinabing pumunta daw ako sa food bazaar. Nandoon sina Kyril, Bri, Jade, Alezander, Brixel at Sage. Pawis na pawis pa sila Alezander at Brixel, siguro ay katatapos lang ng naudlot na game. "Dahil jan sa Liam na 'yan, Vera, nadisqualified si Sage," bungad sa'kin ng iritadong si Kyril. "Maging si Liam ay nadisqualified din," sabi ko tsaka umupo sa tabi ni Briana. "Vera he pushed Sage!" inis din na sabi ni Jade. Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Then Sage punched him, so quits lang." Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Sage. "Girls, easy!" saway ni Brixel. "But your Liam started the fire." Tumayo at pinagkrus ni Jade ang mga braso niya sa harap ko. "Vera, it's obvious, it's Liam's fault," iritadong sabi ni Kyril. "Tell me? Alam mo ba ang tunay na nangyari, Jade? Did your Sage told you na kasalanan naman niya kung bakit ginawa ni Liam iyon?." inis na tanong ko, tumayo naman si Sage. "This is bullshit!" matigas na sabi ni Sage tsaka umalis. Sumunod naman sa kanya si Jade. "Kung bakit kasi ay kinakampihan mo pa si Liam!" inis na sabi ni Kyril. "Tama na, Kyril!" saway sa kanya ni Alezander. "Totoo naman, Zander! Kinakampihan ni Vera si Liam." sabi ni Briana sabay ngumuso. Sinaway naman siya ni Brixel. "Wala akong kinakampihan, pwede ba? Alamin niyo muna kasi 'yong totoong nangyari," inis na sabi ko tsaka umalis. Tinawag pa ako ni Kyril pero hindi ko na siya pinansin. Halos mapatalon ako sa gulat nang may humila sa'kin pagdaan ko sa tapat ng lumang building. "Muntik na 'kong atakihin sa puso." Isinandal niya 'ko sa pader at derecho siyang nakatitig sa mga mata ko. Ikinulong niya pa ako sa pagitan ng mga braso niya. "S...Sage!" napapaos na sabi ko. "Vera, stop defending other man in front of me....please." Kumalabog ang dibdib ko. Kita ko ang lungkot sa mga mata ni Sage. "I'm damn...jealous!" mahinang sabi niya tsaka umalis. Napahawak naman ako sa dibdib ko. Wala ako sa sariling naglakad papunta sa garden ng university. Bakit ba kailangan pang gawin ni Sage 'yon? May girlfriend na siya and I can see that he really loves Jade. Pinaglalaruan niya ba 'ko? Ano bang ginawa ko sa kanya? "Vera!" Napalingon ako kay Liam na may dala-dalang sandwich at juice. "Here!" Inilahad niya sa'kin ang mga pagkain na dala niya. Ngumiti naman ako tsaka kinuha sa kanya. "Nakita ko kasi sila Kyril na kumakain sa food bazaar at hindi ka nila kasama, so naisip ko baka hindi ka pa kumakain." Ngumiti siya. "Thank you, Liam!" Nginitian ko din siya. "Tara sa movie booth? Maganda raw 'yong showing." Tumango naman ako kay Liam. Medyo naiilang ako sa kanya dahil sa nangyari kanina. Bumili muna siya ng popcorn sa gilid ng mini cinema room ng St. Celestine. Isang love story ang showing ngayon. Halos puno na ang loob ng mini cinema room kaya nahirapan kami maghanap ng vacant seats ni Liam. Nakakita kami sa bandang hulihan kahilera ng seats namin ang seats nila Sage. Ngumuso sa'kin si Bri habang umirap naman sa akin si Kyril. Nagkatinginan pa si Liam at Sage na parehong may matatalim na titig. "Liam, stop it!" bulong ko kay Liam. Tumango naman siya tsaka inalis ang tingin kay Sage. Sa'kin naman dumapo ang matatalim na tingin ni Sage, hindi ko na lang siya pinansin. Nagsimula na ang movie at halos wala akong naintindiham sa pinapanood namin. Hindi ko maiwasan na hindi mapalingon kay Sage. Nakahilig sa balikat niya si Jade habang nilalaro niya ang mga daliri ni Jade. Lumingon sa pwesto ko si Sage at nagtama ang mga mata namin. Napalingon naman ako kay Liam nang hawakan niya ang kamay ko. "Ramdam ko na medyo naiilang ka sakin, Vera. Sorry," aniya. "It's okay, Liam." Nginitian ko siya. Pansin ko na nakatingin siya sa direksyon nila Sage. "Why?" tanong ko. Umiling naman siya tsaka ngumisi. Nanlaki ang mga mata ko nang halikan niya ako sa pisngi kasabay noon ay ang pagtawag ni Jade kay Sage kaya napalingon ako at nakita ko ang papalabas na si Sage. Nagseselos ba talaga siya? Bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD