Pagkatapos namin manuod ni Liam ng movie ay sinubukan namin ang iba't-ibang mga booth at nang mapagod kami ay napagdesisyunan namin na kumain sa may food bazaar.
"Vera, can I take you home?" tanong ni Liam habang kumakain kami, tumango naman ako.
Pagkatapos kumain ay dumerecho na kami sa parking lot ng St. Celestine. Sumakay ako sa front seat ng kotse niya.
"Thank you for today, Vera." Malaki ang ngiti niya.
"Welcome, Liam."
Mabilis lang kaming nakarating sa bahay dahil wala namang traffic papuntang Hyacinth.
"Thank you for the ride, Liam!" sabi ko sabay ngiti.
"Your welcome." Pinisil niya pa ang ilong ko. Sinamaan ko siya ng tingin at humalakhak naman siya. Kumaway pa 'ko sa kanya pagkababa ko ng kotse niya. Ngumiti naman siya tsaka mabilis na pinaandar ang sasakyan niya.
"Enjoying each others company, huh."
Napalingon ako sa gilid. Nandoon si Sage na nakakrus ang mga braso. Mapupungay na ang mga mata niya.
He's drunk.
"It's none of your business, Sage."
Papasok na 'ko sa loob ng bigla niya kong yakapin galing sa likod.
"I miss you and I'm jealous."
Bumilis ang t***k ng puso ko.
"S... Sage please...let me go."
"I can't," bulong niya tsaka lalong hinigpitan ang yakap sa'akin.
"May girlfriend ka na, Sage, for God sake! Bitawan mo 'ko." Pinipilit kong alisin ang braso niya na nakayakap sa'kin.
"What if I don't have, Vera? Will you let me hug you tight?"
Napapikit ako sa sinabi niya.
"Can I make you mine?" dagdag niya pa. Lumunok ako.
"No, Sage!" matigas na sabi ko. Unti-unti naman niya akong binitawan. Tumakbo agad ako papunta sa kwarto ko.
"Vera!" tawag sa'kin ni Ate Kim.
Pagkapasok ko sa kwarto ay agad kong pinakawalan ang mga luha na kanina pa gustong kumawala.
It's only what if's, Sage. Pero the truth is may nagmamay-ari na sa'yo at ayokong makasira sa relasyon niyo. I will never be like my father's mistress. I will rather hurt myself than hurt anyone. The best thing to do now is to move on. There is no chance for us Sage, it will never have.
Pasado ala una na ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog.
Ganito ba talaga kakomplikado mag-mahal? Hindi ba pwedeng mahal mo siya then mahal ka rin niya at tapos ang usapan?
Ilang buntong hininga pa ang pinakawalan ko bago tuluyang pumikit.
Alas diyes na 'ko nagising kinabukasan. Mas minabuti ko na lang na maglaba kaysa pumunta sa St. Celestine dahil ayoko munang makita si Sage. Naglalaba ako nang tumunog ang cellphone ko.
Unknown number:
My game will start in five minutes, where are you, Vera?
Kumalabog ang dibdib ko.
Si Sage
Kailangan ako ang lumayo dahil ang mga lalaki wala silang pakialam kung may masaktan man sila. They are very selfish, just like my father. I hate Sage for being that kind of man and I hate myself for loving him.
Pagkatapos kong maglaba ay kumain muna ako tsaka sumalampak sa sofa. Panay ang tawag sa'kin nila Kyril pero hindi ko na lang sinasagot.
Maya-maya ay nagpasya na akong maligo. Makikipagkita kasi ako ngayon kay Celine sa Montreal Mall para kunin 'yong hiniram kong gown para sa Masquerade ball. Kung sana ay hindi lang required ay hindi na ako pupunta.
"O! Eto na, girl! Hinanapan pa kita ng pinakamaganda."
Inilapag ni Celine ang kulay puting box sa lamesa. Nasa loob kami ng isang coffee shop.
"Hindi ko naman kailangan ng maganda. 'Yong maayos na gown ay sapat na," sabi ko tsaka humigop sa kape ko.
"Pwes sa'kin ay hindi pwede! Alagang Celine ka kaya dapat hindi ka pakakabog."
Napailing na lang ako.
"Ang mahal nito, diba?" Kumunot ang noo ko nang mapansin ang sikat na brand na nakalagay sa box ng gown.
Sophisticated
"Ang totoo galing iyan kay Madam V."
"Seryoso? Nakakahiya!"
Hindi ko mapigilan na hindi mabigla. Si Madam V ay ang pinakaboss namin sa Queenz Modeling Agency.
"Sabi ko naman sayo ay favorite ka ni Madam V pati si Kyril. Pinadala na niya kay Alexa 'yong kay Kyril." Si Alexa naman ay 'yong humahawak kay Kyril.
"Kahit na! Nakakahiya pa rin. Paano naman niya nalaman na kailangan namin ng gown?"
"St. Celestine Masquerade Ball is the famous ball in town, hello! Ang inaabangan nga ngayong taon ay ang transferee na si Sage Wainwright." Halos masamid naman ako sa sinabi niya.
"Kilala mo siya?" tanong ko.
"Of Course! Sage Wainwright, the heirs of the famous Wainwright Hotels and Group of Companies." Sabay pakita niya sa'kin ng phone niya na nakasuit si Sage at nakahawak sa braso niya si Jade sa loob ng isang hotel.
Bagay na bagay talaga sila.
"Last month lang 'yan. Anniversary ng hotel nila sa New York. Ganda nung girl, diba?" Tumango lang ako.
Alam kong mayaman si Sage pero hindi ko inakala na ganito kayaman. Pakiramdam ko ay lalo lang isinisigaw na wala talagang chance para sa aming dalawa.
"Vera, hindi na ako magtatagal kasi nagpatawag ng meeting si Madam V." Tumango naman ako kay Celine. Bumeso pa siya tsaka umalis.
Ibinalik ko na sa malaking paper bag 'yong box ng gown tsaka naisipang lumabas na rin ng coffee shop.
Pumasok na lang ako sa isang girl boutique. Napukaw ang atensyon ko ng isang pastel pink na open waist dress. Ibinaba ko muna ang paper bag na dala-dala ko para tignan yung dress.
"You look perfect with that dress." Nagulat ako nang makita si Liam na nasa gilid ko.
"Liam, anong ginagawa mo dito?"
"Ang boring sa St. Celestine so I decided na pumunta na lang dito then nakita kita. Destiny, huh!"
Natawa naman ako.
"Uuwi ka na ba?" tanong niya. Umiling naman ako.
"So nuod tayong movie? My treat," sabi niya habang nakangiti.
"Sure." Ngumiti din ako tsaka kinuha ang paper bag.
"Ako na!" Inagaw naman niya 'yong paper bag.
Pagkalabas namin sa boutique ay dumerecho kami sa cinema. Isang horror movie ang pinanuod namin. Hindi ako makapagfocus sa pinapanood namin dahil naaalala ko 'yong panahon na si Sage iyong katabi ko manuod ng horror movie.
Stop it, Vera. Taken na nga 'yong tao!
Ipinilig ko ang ulo ko.
"Are you okay?" tanong ni Liam. Tumango naman ako tsaka ngumiti.
Hindi ko naenjoy iyong movie dahil hindi talaga mawala sa isip ko si Sage.
I'm so damn helpless!
Habang papalabas kami ng movie room ay biglang hinawakan ni Liam ang kamay ko. Nagulat naman ako pero hinayaan ko na lang.
After namin manuod ng movie ay nagyaya si Liam mag-arcade.
"Come on, Vera! Kampi tayo."
Tumango ako tsaka tumabi sa kanya. Hindi rin ako makapagfocus sa paglalaro dahil isang Zombie Apocalypse game ang nilalaro namin at naalala ko naman 'yong eksena namin ni Sage sa loob ng Zombie World.
"Vera, lagi ka namang namamatay!" sabi ni Liam sabay nguso. Natawa naman ako.
"Sorry, sorry. Aayusin ko na."
Pinilit kong magfocus sa game at nagtagumpay naman ako.
"Yehey!"
Napayakap pa ako kay Liam nang manalo kami dahil napatay namin lahat ng Zombies. Niyakap naman niya ako pabalik.
Nanlaki ang mata ko nang makita si Sage na nakasandal sa pader at nakakrus ang dalawang braso.
Bumitaw naman ako sa pagkakayakap kay Liam. Inirapan ako ni Sage tsaka umalis. Kumalabog naman ang dibdib ko.
"So saan mo gustong kumain?" masayang tanong ni Liam.
"Kahit saan na lang."
"Vera, wala naman kahit saan dito," sabi ni Liam sabay tawa.
"Bahala ka na." Tumango naman siya tsaka hinawakan ulit ang kamay ko. Pasimple ko namang tinanggal 'yong kamay ko. Kumunot naman ang noo ni Liam pero hindi ko na siya pinansin.
Nandito si Sage. s**t!
Pumasok kami sa isang seafood restaurant, malayo pa lang ay kitang kita ko na ang kumakaway na si Jade. Napalunok naman ako.
Bakit ko naisip na mag-isa lang pumunta si Sage dito sa mall? Tipid na nginitian ko si Jade at kung pinaglalaruan ka naman talaga ng tadhana sa katabing table na lang nila Sage ang may vacant table.
"Hi, Vera! Kaya pala wala ka sa St. Celestine kasi may date ka." Humagikhik pa si Jade.
"Hindi-"
Pinutol ni Liam ang sinasabi ko.
"Quality time together." Hinawakan pa ni Liam ang kamay ko at nakita ko naman ang pag-igting ng panga ni Sage. Inagaw ko naman ang kamay ko tsaka tinignan ang menu.
Nakakailang dahil kami ni Sage ang magkatapat kaya hindi maiwasang hindi magtama ang mga mata namin. Yumuko na lang ako.
"May dumi ka, wait."
Pinunasan ni Liam 'yong gilid ng labi ko. Tumingin ako kay Sage. Matalim ang mga titig niya. Lumingon pa sa kanya si Liam tsaka ngumisi. Lalo namang tumalim ang mga titig ni Sage.
"Liam, stop it!" saway ko kay Liam. Humalakhak naman siya tsaka pinisil ang ilong ko. Nakita ko naman na tumayo si Sage tsaka padabog na umalis.
"Sage, wait!" sigaw pa ni Jade.
"Jealous boy." Umiiling-iling si Liam. Nainis naman ako sa kanya.
"Hindi mo dapat ginawa 'yon!" inis na sabi ko kay Liam.
"What?" sabi niya habang nakangisi. Hindi ko na siya pinansin at kumain na lang.
"Vera, is that your gown for the Masquerade Ball?" Ininguso niya ang paper bag sa gilid ko. Tumango naman ako.
"Can you be my date?" tanong niya sabay ngiti.
Noong isang taon ay niyaya niya rin ako pero tumanggi ako dahil hindi naman kami ganito kaclose at alam kong may gusto sa'kin si Liam at ayoko siyang paasahin.
"Sige na, Vera! We're friends right?" dagdag niya pa.
Yeah. Isa na si Liam sa mga kaibigan ko. Magiging rude naman ako kung tatanggihan ko siya.
"Okay."
Lumawak naman ang ngiti niya kaya pilit ko siyang nginitian.
"So I'm gonna pick you up on Friday night?"
"Wag na. Sabay kaming pupunta nila Kyril," sabi ko.
"Then hintayin na lang kita sa entrance."
Tumango naman ako sa kanya.
Napagdesisyunan na namin na umuwi, alas sais na rin kasi at mamayang alas otso ay pupunta kami sa club nila Bri dahil doon gaganapin ang birthday ni Stephen.
"I'll bring you home, Vera."
Pagpepresenta ni Liam.
"Sige, Liam. Punta lang akong restroom." Tumango naman siya at mabilis kong tinungo ang restroom. Bago pa ako makapasok sa loob ay may humatak sa'kin papasok sa Staff Room at tinakpan niya pa ang bibig ko.
Derechong nakatitig sa'kin si Sage.
"I'm gonna make you mine...tonight," madiin na sabi niya. Halos mabingi naman ako sa lakas ng t***k ng puso ko.
Nagulat kami nang may magbukas ng pinto. Kitang kita ang gulat sa mukha nung pumasok na staff kaya itinulak ko si Sage tsaka nagmadaling lumabas, narinig ko pa ang halakhak niya.
Nakakahiya! s**t!
Hindi na tuloy ako nakapunta sa restroom dahil sa bwiset na Sage Wainwright na 'yon.
"Sorry, medyo natagalan," sabi ko kay Liam. Ngumiti lang siya.
"For you!"
Inilahad niya ang kulay pink na paper bag sa'kin. Kumunot naman ang noo ko tsaka tinignan ang laman. Ito iyong pastel pink na dress kanina.
"Hindi ka na dapat nag-abala!" sabi ko tsaka pilit na ibinabalik yung paper bag.
"Gusto ko, Vera. Friends naman tayo and friends give gifts to each other."
"Pero nakakahiya kasi."
"Ano ka ba, Vera! Binigay ko 'yan at hindi mo naman hiningi. My birthday is on Monday and I want you to wear that."
Kahit anong gawin ko hindi ako mananalo kay Liam dahil sa kakulitan niya.
"Ikaw ang may birthday tapos ako itong niregaluhan mo?" Sabi ko habang naglalakad kami papunta sa parking lot.
"I don't need gift, your presence is enough." Kumindat pa siya sa'kin. Natawa naman ako.
Papasok na 'ko sa kotse niya nang matanaw ko si Sage na nakasandal sa kotse niya habang nakakrus pa ang mga kamay niya.
Kumalabog ang dibdib ko nang mabasa ang salitang nanggaling sa pagbuka ng bibig niya.
You're mine
Inirapan ko siya tsaka sumakay na sa sasakyan ni Liam.
My God, Sage Wainwright! I swear I'm gonna kill you for making me feel this way.
"Why are you smiling?"
Napalingon naman ako kay Liam tsaka umiling.
Sage Wainwright, how can you do this to me? s**t!
"Vera, thank you for this day! I'll consider this as our first date." Hinawakan pa ni Liam ang kamay ko habang ang isang kamay niya ay nandoon sa manibela.
Hinila ko ang kamay ko dahil pakiramdam ko ay nagchicheat ako kay Sage kahit wala namang kami pero nakakaramdam talaga ako ng guilt.
Ngumiti na lang ako kay Liam tsaka tumingin sa labas. Paano ako makakaiwas kay Sage kung siya itong lapit nang lapit and worst is gusto ko na nilalapitan niya 'ko?
Damn you, Vera! You can't be like your father's mistress.
Biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Ate Kim.
"Hello?-Yes Ate Kim, I'm on my way home... Within five minutes nandyan na ko-sige." Hinahanap na ako nila Ate Kim dahil pupunta pa nga kami sa birthday ni Stephen.
"Hinahanap ka na nila?" tanong ni Liam tumango naman ako.
Pagkarating namin sa tapat ng bahay ay hinawakan pa ni Liam ang kamay ko tsaka humarap sa'kin.
"I...want to...kiss you," sabi niya. Bumilis naman ang t***k ng puso ko. Tsaka dahan-dahan niyang inilalapit ang mukha niya sakin.
"s**t!" Halos mapatalon kami sa gulat nang may bumusina, tinignan ko sa side mirror.
Itim na Mazda. Napangiti naman ako.
Si Sage.
"I need to go. Thank you, Liam " Tumango naman ang iritadong si Liam.
"And Liam, don't be mad. Friends don't kiss each other," dagdag ko tsaka bumaba ng sasakyan niya. Pagkababa ko ay pinaharurot niya agad ang kotse niya.
Matalim ang titig ni Sage sa'kin habang nakasandal sa kotse niya.
"What?" inis na tanong ko. Ngumisi naman siya.
"Ang dami mo nang kasalanan sa'kin, Veranica and tonight, it's payback time." Napalunok naman ako tsaka pumasok sa loob ng bahay.
Payback time my a*s!