CHANCES 11

2294 Words
"Finally!" Parang nabunutan ng tinik si Kyril. "Magbibihis lang ako," sabi ko tsaka dumerecho na sa kwarto ko. Naligo muna ako. Hindi ako makapili kung anong susuotin ko. "Vera, konting bilis naman. Nandoon na ang mga boys!" sigaw ni Kyril. Nataranta naman ako sa pagsigaw niya kaya naisipan ko na lang isuot 'yong kulay puting skater dress na binigay ni Celine tsaka pinaresan ko ng kulay cream na flat shoes. Hinayaan ko lang na nakaladlad ang hanggang bewang kong buhok. Tumingin ako sa salamin tsaka naglagay ng liptint at powder pagkatapos ay bumaba na 'ko. Nakahalukipkip si Kyril sa tapat ng hagdanan "Napakaganda talaga ng Vera namin!" Humahagikhik pa si Briana. "Kaya naman pala ang tagal magbihis," sabi ni Andrea sabay ngisi. "Hindi naman matagal, nainip lang kayo kasi pagdating ko ready na kayo." "Nakikipagdate pa kasi kay Liam." Iiling-iling pa si Kyril. "Date ka jan!" sabi ko tsaka sumunod na kay Andrea sa labas. Sa front seat ako umupo. "Bakit ba ang aga natin pupunta sa birthday ni Stephen?" tanong ko tsaka nagspray ng pabango. "Excited na nga kasi si Andrea!" Humahagikhik pa si Briana. "Shut up, Bri! Dadaan pa kasi ako sa Watch Republic para kunin 'yong inorder kong watch for Stephen." "Hala! Nakalimutan kong bumili ng regalo!" Nawala sa isip ko na kailangan ko palang bumili ng regalo. "Sa tabi ng Watch Republic ay Clothes Republic doon ka na lang bumili, " sabi ni Kyril. "Okay lang kaya na damit?" tanong ko. "Why? Hindi mo kailangan magbigay ng meaningful gift, hindi naman si Sage ang may birthday," sabi ni Kyril. Naghalakhakan pa silang apat. "Stop it, Kyril! May girlfriend na 'yong tao inaasar mo pa 'ko sa kanya," saway ko kay Kyril. "E, paano kung walang girlfriend?" tanong ni Bri habang may nakakalokong ngiti. "E, meron na nga!" "E, paano nga kung wala?" pangngungulit pa ni Ate Kim. "Basta..Ewan ko sainyo!" nahihiyang sabi ko. Pinaulanan naman nila 'ko ng panunukso. Pagdating namin sa Watch Republic ay nagpasama ako kay Kyril sa loob ng Clothes Republic, siya kasi itong magaling sa pagpili ng pangregalo. "Pansin ko kasi mahilig si Stephen sa sweat shirt," sabi ni Kyril kaya pumunta kami sa sweat shirt section. "Oo nga. Madalas siyang nakasweat shirt. Alin kaya dito itong sky blue or gray?" tanong ko tsaka itinaas 'yong dalawang sweat shirt. "Kung si Sage ang bibigyan mo, I prefer the gray one but since para kay Stephen 'yan, mas maganda 'yong sky blue." sabi niya sabay ngisi. "Alam mo ikaw mukha kang Sage!" Inirapan ko pa siya tsaka pumunta sa counter. Tumatawa naman siya habang sinusundan ako. Pagbalik namin sa kotse ay nandoon na din sila Andrea. "Grabe ang mahal ng relo! 500,000 for a watch?" hindi makapaniwalang sabi ni Ate Kim. "It's personalized, Ate Kim. Si Andrea mismo ang gumawa ng design," sabi naman ni Bri habang tinitignan ang box ng relo. "And besides barya lang para kay Andrea ang 500,000. Perks of being a rich kid," sabi naman ni Kyril. "It's okay. Worth it naman kasi nag-iisa lang ang ganyang design na relo walang katulad kaya wala siyang mahahanap na ganyan kahit saan pa." Malaki ang ngiti ni Andrea. "In love na in love ang ate niyo!" pang-aasar ni Briana. "Tumahimik ka nga jan, Briana!" saway ni Andrea. Nagtawanan naman kami. Pagdating namin sa Montreal Heights ay malayo pa lang tanaw na tanaw na ang dami ng tao sa club nila Bri na ginawang private place muna para sa birthday ni Stephen. "Girls!" Bungad sa amin ni Alezander pagpasok namin sa loob ng club. "What can I say, Kyril? You're so gorgeous, my girl." Tinawanan lang ni Kyril si Alezander. Hinila naman siya ni Kyril papunta sa table ng mga pagkain. "Vera? You're here!" Biglang sumulpot sa harap ko si Liam. "Liam? Nandito ka din?" Hindi rin makapaniwalang sabi ko. "Yeah. Teammates kami sa basketball ni Stephen noong high school. Hindi ko alam na friends pala kayo ni Stephen?" "Dahil kay Andrea." Sabay nguso ko kay Andrea na kausap ngayon si Stephen. "Liam, bigay ko lang kay Stephen yung regalo ko." "Sige samahan na kita. Babatiin ko rin si Stephen." Tumango naman ako tsaka pumunta kay Stephen. "Happy birthday, Stephen!" Bumeso pa ako sa kanya tsaka inabot yung regalo ko. "Thank you, Vera!" aniya. "Bro, Happy birthday!" Nagfist bomb naman sila ni Liam. "Mukhang bantay sarado si Vera ngayon, ah?" Natatawa pa si Stephen. Natawa na lang din si Liam habang ako ay napailing na lang. Nagyaya si Liam sa may buffet table at tumango naman ako. Nagpaalam rin si Stephen na pupuntahan ang iba niya pang mga kaibigan at isinama niya si Andrea. "Magtatagal ka ba dito, Vera?" tanong ni Liam. "Panigurado yan Liam," sabi ko tsaka luminga-linga. Nandito na kaya si Sage? "Great! Balak ko sanang sumaglit lang dito, but since you were here I have a reason to stay." Ngumisi pa siya. Kukuha na sana ako ng pagkain nang biglang may humawak sa braso ko. "Liam sa'kin na muna si Vera, ah? Masyado mong sinosolo e hindi naman sayo!" mataray na sabi ni Kyril tsaka tuluyan na 'kong hinila. "Kyril, napakarude mo!" saway ko kay Kyril. "Kung ayaw mong masira ang birthday ni Stephen layuan mo si Liam!" inis rin na sabi niya tsaka ako hinatak papasok sa isang VIP room. Nandoon sina Brixel, Shin, Alezander, Ate Kim, Bri, Jade, and Sage. Magkasalubong ang kilay ni Sage habang nakatingin sa baso ng alak na hawak niya. "Saan ka galing, Vera?" nagtatakang tanong ni Ate Kim. "Ayun, balak nanamang solohin ni Liam," inis na sabi naman ni Kyril tsaka umupo sa tabi ni Alezander. "Kaya ka ba nagpaganda ka ng ganyan ngayon, Vera?" Humahagikhik pa si Briana. Nag-angat naman ng tingin sa'kin si Sage tsaka ngumisi, 'yong ngisi na nakakapagpatayo ng balahibo. Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi naman, Bri," sabi ko tsaka umupo sa tapat ni Sage. Kinakausap ako ni Ate Kim nang biglang tumunog ang phone ko. Unknown number: You look wonderful as always, Vera. Bumilis ang t***k ng puso ko tsaka tumingin kay Sage na ngayon ay may nakakalokong ngisi. Inirapan ko naman siya. Hindi nanaman matigil sa paghuhuramentado ang puso ko. Kita ko sa peripheral vision ko na may binulong si Jade kay Sage at natawa naman si Sage. Wag mo na lang kasing tignan Vera para hindi ka masaktan. Saway ko pa sa sarili ko. Hinawakan pa ni Jade 'yong kamay ni Sage tsaka humilig sa balikat niya. "Vera, kanta tayo!" Napalingon ako kay Kyril tsaka umiling. "Sige na, Vera! Sa ating lima ay ikaw ang may pinakamagandang boses," dagdag pa ni Bri. "Talaga?" tanong ni Shin. Bigla namang pumasok si Stephen at Andrea. "Talagang talaga!"sagot ni Briana sabay ngiti. Lumipat naman si Kyril sa tabi ko. "Ayoko! Masakit 'yong lalamunan ko," pagdadahilan ko. "Kanina lang ay kumakanta ka sa kotse, Vera. Wag ka na magpalusot jan," sabi naman ni Ate Kim. "Sige na, Vera!" si Brixel. "Birthday ko naman," sabi pa ni Stephen. "Come on, Vera. I want to hear your voice." Pinilit kong pakalmahin ang puso kong nagwawala tsaka tumingin kay Sage na nakangiti. Narinig ko pa ang impit na tili ni Kyril. Kinurot ko naman siya. Nagplay si Kyril ng isang pamilyar na kanta at kinanta niya. "Go, Kyril!" pagchicheer ni Alezander. Natawa naman si Kyril. Yumakap si Jade kay Sage tsaka ipinatong ang baba niya sa balikat ni Sage. Parang kinukurot naman ang puso ko at sinabayan pa ng lecheng kanta. Kung pwede lang maging masaya na walang masasaktan na ibang tao. Nagulat ako nang pagkatapos ng isang stanza ay iniabot sa'kin ni Kyril iyong microphone. Kitang kita ko naman sa mukha nila ang paghihintay sa pagkuha ko ng mic. Lumunok ako tsaka kinuha ang mic kay Kyril. Cause my heart starts beating triple time With thoughts of loving you in my mind And yes, Sage, ikaw lang ang may kakayahang gawing abnormal ang t***k ng puso ko. I can't figure out just what to do When the cause and cure is you Nasasaktan ako tuwing nandyan ka at nakikita kayong magkasama ni Jade pero sumasaya rin ako kapag nandyan ka sa paligid ko. You give me pain yet you were also my remedy, Wainwright. Huminga ako nang malalim dahil pakiramdam ko ay nangingilid na ang mga luha ko at minabuti ko na lang pumikit. I get so weak in the knees, I can hardly speak I lose all control and something takes over me In a daze and it's so amazing, it's not a phase. I want you to stay with me, by my side Pakiramdam ko ay nagiging katulad na ako ng kabit ni Papa sa tuwing hinihiling ko na makasama kita, dito sa tabi ko, Sage, and I hate myself for being this weak because of you. Isinuko ko ang mga prinsipyo ko and it's not worth it. Pinatunayan ko lang na napakahina ko. I swallow my pride, your love is so sweet I want to feel your love pero hindi pwede. Kailanman hindi na magiging pwede. It knocks me right off of my feet . Can't explain why your loving makes me weak. Pagdilat ng mga mata ko ay ang seryosong mukha ni Sage ang una kong nakita. Sana lang talaga ay hindi ka pa taken, Sage, sana talaga ay may chance para sa atin. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko kaya dali-dali akong tumayo at lumabas ng VIP room tsaka nagmadali na tumungo sa labas ng club. Siguro ay uuwi na lang ako. Pero bago pa 'ko tuluyang makalayo ay may bumuhat na sa'kin. "My God! Ibaba mo 'ko!" sigaw ko. Nagpupumiglas pa ko ngunit wala kong nagawa. Ipinasok niya ako sa loob ng kotse niya. My, God! I missed this smell of his Mazda's air freshener. "Buksan mo yung pinto, Sage!" sigaw ko nang ilock niya ang pinto ng Mazda niya. "Vera," mahinang sabi niya tsaka hinawakan ang kamay ko. "I told you there is no way to escape." Lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Tumulo nanaman ang mga luha ko. "s**t! Stop crying, Vera." "Masaya ka na ba, Sage? Hindi ba simula pa lang ganito na 'yong gusto mong mangyari? You want me to fall for you, asshole!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ngumisi naman siya. "So you're falling for me?" Nag-iwas naman ako ng tingin. "Come on, Vera! Don't be shy." Narinig ko pa ang munting halakhak niya. "So ano naman? It's useless, Sage. You have a girlfriend already!" Humalakhak naman si Sage. "Anong nakakatawa?" tanong ko sabay pinagkrus ko ang mga braso ko. Umiling naman siya. "I find you so cute, Vera. Hindi mo lang alam kung gaano ako nagpipigil para-" Pinutol ko ang sinasabi niya. "Dapat ka talagang magpigil, Sage! Anong maganda sa pagiging babaero? And for your information kahit hindi ka pa magpigil hinding hindi mo rin ako mauuto dahil hinding hindi ako papayag na maging kabit mo!" Lalong lumakas ang tawa niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Lalo pa siyang lumapit sakin kaya ngayon amoy na amoy ko ang bango ng hininga niya. "Hindi ko rin naman hahayaan na maging kabit ka, Vera. ..'cause I'm all yours," seryosong sabi niya bumilis naman ang t***k ng puso ko. "Pwede ba, Sage-" Pinutol niya ang sinasabi ko. "Listen first, lady! I told you there is no way to escape dahil maging ako ay sinubukan ko ring tumakas." Huminga siya nang malalim. "I want you to fall for me 'cause the day I first saw you, I already fell in love with you." Pakiramdam ko ay nanunuyo na ang lalamunan ko. "I want you to be mine, Vera...all mine." Nagkaroon ako ng lakas na itulak siya. "H...Hindi nga pwede, Sage." "Akala ko ba mahal mo rin ako?" Ang marinig na mahal niya rin ako ay sobrang nagbibigay ng kasiyahan sa'kin pero mali ang nararamdaman namin para sa isa't-isa. "How about Jade? Sige nga sabihin mo nga!" Narinig ko nanaman ang munting halakhak niya. "Jade? Don't worry about her," sabi niya sabay halakhak. Sinamaan ko siya ng tingin. "Don't worry about her 'cause she's my sister and she likes you for me." Nanlaki naman ang mata ko. "Wag mo akong pinaglololoko, Sage. Akala mo ba maniniwala ako sayo?" Pinilit kong pakalmahin ang nagwawala kong puso. "I'm not lying. Tanungin mo pa siya. Siya naman ang nagplano nitong lahat." "What the hell?" singhal ko. "At first, I just want to avoid you. I want you to realize that even if I'm not around, you will still can't escape this," Tumitig siya sa'kin. "Then Jade came. Ang sabi niya para mas lalo mong marealize na may nararamdaman ka na rin sa'kin is to make you feel jealous." Huminga uli siya nang malalim. "But damn it! Ako itong nagseselos sa inyo ni Liam!" frustrated sabi niya. Natawa naman ako. "Stop laughing, Vera!" saway niya pa. "It's torturing me seeing you happy with another man. Pakiramdam ko ay mas lalo ka lang mawawala sa'kin, so I decided to stop." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko tsaka ipinagdikit ang mga noo namin. "Vera, when I told you that I'm helpless, this is what I mean. No one can save me from drowning in loving you." Nakagat ko ang labi ko. Nag-uumapaw na kasiyahan ang nararamdaman ng puso ko. Ang marinig na mahal niya 'ko ay sobrang nagpapasaya na sa'kin at ang malaman na malaki pala ang chance na meron kami ay sobra sobra na. "I told you, it's payback time so I'm gonna get what is really mine." Napangiti ako. So ito ang payback time na sinasabi niya, ah. "Vera, I love you." Napapikit ako sinabi niya. "I love you too, Sage." Naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Everything is so perfect. Tonight is flawless and I don't want to let it go.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD