Pagkatapos namin magkiss ay tumingin ako sa labas dahil pakiramdam ko ay namumula na 'ko sa kahihiyan. Narinig ko naman ang munting halakhak niya.
What a sexy laugh!
"Come on, Vera! Look at me."
Dahan-dahan naman akong humarap sa kanya.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko tsaka hinalikan. Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
"So ibig bang sabihin nito ay tayo na?" sabi niya sabay ngisi habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.
"In your dreams, Sage Wainwright!" singhal ko.
"Why?" tanong niya.
"Court me first. Dalagang Pilipina ako."
Nalaglag naman ang panga niya sa sinabi ko.
"I don't do that, Vera! What's the sense of courting when we were already in love with each other?"
"Iba pa rin 'yong liligawan mo ako, Sage. For your information, I'm not that easy to get. Kung ayaw mo hindi naman kita pinipilit," sabi ko tsaka ko pinagkrus ang mga braso ko sa harap niya.
"Fine! I will court you kahit na pwede ko namang gawin iyon araw- araw kapag tayo na."
Pinipigilan ko naman na hindi mangiti.
Mahigpit niyang hinawakan 'yong kamay ko.
"Why am I so addicted to you, Vera? Did you just put me under a spell?" Sinapak ko naman siya sa braso.
"Alam mo gwapong gwapo ka sa sarili mo!"
Natawa naman siya.
"Why? Hindi ba ako gwapo?" Inilapit niya pa ang mukha niya sa'kin.
"Oo na!" sabi ko tsaka nag-iwas ng tingin.
Bakit ba kahit sa simpleng mga tanong lang niya ay ganito na ang epekto sa'kin?
"Let's go inside, Vera. As much as I want us to be alone they are probably looking for us and besides it's Stephen birthday."
Tumango naman ako kay Sage. Hindi niya binibitawan ang kamay ko habang naglalakad kami papasok sa club.
"I want them to know that you're mine. All mine!" sabi niya nang mapansin na nakatingin sa amin ang halos lahat ng nandoon.
"Hindi pa kita sinasagot kaya wag ka munang mapang-angkin, Sage."
"f**k! Doon din ang punta nito and ngayon pa lang, I'm declaring you mine."
Napakagat naman ako sa labi ko. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.
It feels so good na 'yong taong mahal mo ay pinagdadamot ka, na inaangkin ka. My God, Sage!
Pagpasok namin sa loob ng VIP room lahat sila ay nakatingin sa mga kamay naming magkahawak.
"OMG! I need an oxygen, swear!" Nagtitili si Jade.
"Worth it lahat 'yong plan!" Nakipaghigh five pa si Kyril kay Bri at Jade.
"At worth it din ang plano nating pagselosin si Sage, Ate Kim." Humahalakhak naman si Andrea. Nalaglag naman ang panga ko habang si Sage ay umiiling-iling lang.
"Alam niyo lahat na magkapatid si Jade at Sage?" Nagtaas ako ng isang kilay.
"Of course, Vera! Ayoko namang ihate nila 'ko at magmukhang kontrabida sa kanila, no! Tama na 'yong sayo lang." Humalakhak pa si Jade. "Anyway, I'm Jadiana Syra Alejo Wainwright." Lalo pa siyang tumawa sa kalokahan niya dahil inemphasize talaga niya ang apelyido niya. Natawa na lang din ako.
"And besides ano naman kung kapatid ni Sage si Jade? Ano naman sa'yo? Diba nga? Hinding hindi ko magugustuhan ang Sage Wainwright na 'yon. In denial Queen!"
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Kyril.
"Shut up, Kyril!" saway ko sa kanya nagtawanan naman sila.
"So it's a double celebration, huh!" sabi ni Stephen na ngayon ay nakangisi na.
"Congrats, bro!" Nakipaghigh five pa si Alezander kay Sage. Hinila ako ni Sage papalapit sa kanya tsaka inakbayan.
"Nakakakilig kayo! Ang arte arte mo din kasi, Vera!" sabi pa ni Bri.
"Finally! Makakabonding ko na ang sister-in-law ko," sabi ni Jade sabay palapak.
"Sister-in-law agad? Hindi pa nga kami," sabi ko.
"What? Ang hina mo naman, Sage!" sabi ni Brixel sabay halakhak.
"I'm not! I just really love Vera, so I can wait for her, kahit gaano katagal."
Halos mabingi ako dahil sa tilian ng mga girls.
"Narinig mo 'yon, Brixel?" sabi pa ni Ate Kim.
"Ikaw na talaga, Sage. Lover boy na lover boy." kantyaw naman ni Shin.
"Salamat naman at natapos na rin 'yong pagpapanggap. Nakakasuka na rin kasing maging sweet kay Kuya Sage," sabi ni Jade.
Natawa naman ako.
"Really, Jade? Pakiramdam ko nga ay nakakalimutan mo nang Kuya mo 'ko," ani Sage.
"Kadiri ka!"
Humagalpak naman sa tawa ang mga boys.
"I'm so happy for you," bulong sa'kin ng katabi kong si Ate Kim at nginitian ko naman siya.
Masarap pala talagang mainlove, kung sana ay mahal rin ni Papa si Mama ay panigurado na ganito rin kasaya ang nararamdaman ni Mama.
"Are you okay?" bulong sa'kin ni Sage. Tumango naman ako tsaka ngumiti.
Nang makadalawang bote kami ng Jack Daniels ay nagyaya si Stephen sa labas, baka naman kasi sabihin ng mga ibang kaibigan niya ay hindi siya nagpakita.
"Just stay beside me, Vera. Your dress is too short," sabi ni Sage habang magkasalubong ang mga kilay.
"I will," sabi ko tsaka hinalikan siya sa pisngi. Ngumiti naman siya.
"Naughty girl," sabi niya tsaka pinisil ang ilong ko.
Magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa VIP seats ni Sage.
"Let's stay here, Vera, and don't you dare go to the dancefloor!" madiin na sabi niya tsaka ipinulupot ang braso niya sa bewang ko. Natawa naman ako.
"Possessive much?" tanong ko sabay halakhak.
"I'm just protecting my territory," sabi niya at pumikit habang nakasandal sa may sandalan ng couch na inuupuan namin.
Napangiti naman ako tsaka pinagmasdan si Sage.
Bakit ang perfect ng isang 'to?
"Stop staring like that, Vera! Baka hindi ako makapagpigil at iuwi kita sa bahay ko."
Nanlaki naman ang mga mata ko tsaka sinapak siya sa dibdib. Humalakhak naman siya.
"Hi, Vera!" Napalingon ako sa bumati sa'kin.
Si Liam.
Naramdaman ko din ang pag-ayos ng upo ni Sage at paghigpit ng yakap niya sa bewang ko.
"Kanina pa kita hinahanap, but anyway magpapaalam na sana ako. Basta sa masquerade ball, ah?" Ngumisi siya tsaka sumulyap kay Sage.
"Ah, sige." sabi ko at 'yong puso ko ay parang lalabas na sa kaba.
Ngumiti naman siya tsaka umalis.
Inalis ni Sage ang pagkakayakap niya sa bewang ko. Huminga naman ako nang malalim tsaka humarap sa kanya. Nakaigting ang mga panga niya.
"S..Sage," kinakabahan na tawag ko.
"What's with the Masquerade Ball?" madiin na tanong niya kaya lalo naman akong kinabahan.
"Ano kasi..Ano." Hindi ko maituloy ang sinasabi ko.
"What? Don't make me mad, Vera!"
Halos mapatalon naman ako sa gulat nang tumaas ang boses ni Sage.
"Liam asked me to be his date," halos pabulong na sabi ko.
"Then?" Pinagkrus niya sa harap ko ang dalawang braso niya.
"Then I said yes, Sage. Liam is a good friend and besides hindi ko naman alam na... kapatid mo pala si Jade," sabi ko sabay yuko.
"Bullshit!"
Napangiwi naman ako nang sinipa niya ang mini table sa harap namin.
"Sage, wag ka na magalit. I swear I have no idea na ganito pala ang mangyayari ngayong gabi," sabi ko pero hindi niya ako pinansin.
Niyakap ko naman siya tsaka inilagay ang baba ko sa balikat niya.
"Sage, please! Pumayag lang naman ako as a friend," panunuyo ko pa.
"Parang sinasabi mo, Veranica, na wag na akong umattend ng ball!" iritadong sabi niya.
"Naka-oo na 'ko, Sage, at ayoko naman maging rude kay Liam dahil mabait siya sa'kin."
"Sage, please."
Hindi niya pa rin ako pinapansin. Hinigpitan ko naman 'yong yakap sa kanya.
"I'm sorry for making you upset. Pansinin mo na 'ko, Sage," pangungulit ko pa rin pero hindi niya talaga 'ko pinapansin.
"I'm really sorry...love," mahinang sabi ko. Sumilay naman ang ngiti sa labi niya tsaka hinarap ako.
"Anong tinawag mo sa'kin?"
May mapaglarong ngiti sa labi niya kinagat ko naman ang labi ko dahil sa hiya.
"Come on, Vera! I want to hear it again," sabi niya tsaka hinawakan ang baba ko.
"L...love," nahihiyang sabi ko. Lumawak naman ang ngisi niya.
"Love, huh!" panunukso niya pa kaya sinapak ko siya sa dibdib dahil sa hiya ko.
"So hindi ka na galit sa'kin?" tanong ko. Hinawakan naman niya ang kamay ko. Tumango siya.
"But I will not let that Liam to be happy." Ngumisi siya nang nakakaloko.
"Anong binabalak mo?" tanong ko. Nagkibit-balikat lang siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Kumusta naman kayo jan, love birds?" Biglang sumulpot si Kyril kasama si Bri.
"Nakakapagod sumayaw pero ang saya," sabi ni Bri habang malaki ang ngisi tsaka umupo sa tabi ko.
"Tara, Vera! Let's dance! Alam kong hindi makukumpleto ang gabi mo kapag hindi ka sumayaw," sabi pa ni Kyril. Lumingon naman ako kay Sage. Matalim ang titig niya kay Kyril.
"Don't look at me like that, Sage! Kung gusto mo ay sumama ka sa dance floor para may body guard si Vera."
Natawa ako sa sinabi ni Kyril.
"Kayo na lang, Kyril. I'm fine here," sabi ko. Umirap naman si Kyril tsaka hinatak si Bri.
"Good girl!"
Pinisil pa ni Sage ang ilong ko.
Pumikit uli si Sage tsaka pinulupot ang braso niya sa bewang ko.
"Sleepy already?" tanong ko. Umiling naman siya.
"I'm just tired. Three consecutive games ang nilaruan ko kanina then dumerecho ako sa Montreal Mall nang sabihin ni Kim na nandoon ka only to find out that you're with that guy."
Natawa naman ako.
"Sobrang seloso mo," sabi ko sabay halakhak. Dumilat naman siya at derechong tumingin sa'kin.
"Don't blame me, Vera, 'cause it's your fault. You made me a jealous person."
Umiling iling na lang ako.
"Hoy! Wag mo naman solohin si Vera." Nagulat ako nang hilahin ako ni Jade.
"Jade, dito lang si Vera!"
Dumila lang siya kay Sage tsaka hinila ako palayo.
"Minsan masarap ding galitin ang baliw na 'yon." Natatawang sabi ni Jade, natawa na din ako.
Hinatak niya pa 'ko papunta sa dance floor kung saan nandoon ang girls.
"Buti nakuha mo si Vera," sabi ni Ate Kin sabay tawa.
"Ako pa ba!"
Nagtawanan silang lima. Napailing na lang ako.
"So now, it's showtime!" masayang sigaw ni Briana at parang naging hudyat 'yon para sumayaw kami.
"Ang saya!" sigaw pa ni Andrea.
Kami kami lang namang anim ang nagsasayawan. Nakita ko rin kasi kanina na nakabantay si Stephen, Brixel at Alezander sa gilid kaya hindi rin nakikipagsayaw sa iba sila Kyril. Si Bri lang ang may lakas ng loob na makipagsayaw sa lalaki.
"It's getting hotter here," sabi pa ni Kyril.
"No! Hindi pa 'to mainit, Kyril. Gusto mo bang uminit talaga?" May mapaglarong ngiti si Jade. Ngumiti siya sa'kin at nagulat naman ako nang itulak niya ako papunta sa isang lalaki kaya tumama ako sa dibdib niya. Hinawakan naman niya ako sa likod.
"Are you okay, Miss?"
Pero bago pa 'ko makasagot ay may humila na sa'kin at tumumba na iyong lalaki. Hinila ko naman si Sage palayo. Narinig ko pa ang halakhak ni Jade.
Talaga bang gusto niyang mapaaway ang Kuya niya?
"Makakapatay talaga ko, Vera, I'm telling you!" galit na sabi ni Sage nang makarating kami sa labas ng club.
"Wala namang masamang ginawa yung tao, Sage. Tinulungan niya lang ako kasi naout of balance ako."
Hindi ko na lang sinabi na itinulak ako ni Jade para galitin itong si Sage.
"He touched you for God Sake, no one can touch you like I d, love!"
Pakiramdam ko ay pulang pula na ang mukha ko at hindi matigil ang paghahalukay sa tiyan ko.
"You're blushing," pang-aasar pa ni Sage. Sinamaan ko naman siya ng tingin at humalakhak lang siya.
Nang bumalik kami sa loob ay hindi na ako hinayaan ni Sage na makaalis sa tabi niya at nang mag-alisan na ang mga bisita ni Stephen ay pumasok na ulit kami sa VIP room.
Nag-iinuman uli ang boys. Hindi na nila kami pinainom dahil masyado na raw marami ang naiinom namin kaya nagkwentuhan na lang kaming girls sa kabilang table.
"Friend, tumabi ka na kaya doon kay Sage kanina pa tingin nang tingin dito," sabi ni Andrea. Lumingon naman ako kay Sage at sumenyas siya na umupo ako sa tabi niya.
Nagtilian naman ang mga girls kaya lumingon sa amin sina Alezander.
"Grabe! Kinikilig ako sainyo ni Sage!" sabi ni Bri.
"Malapit na 'kong maging president ng fans club niyo," sabi naman ni Jade sabay humalakhak.
"Hindi ko alam na ganyan pala kaposessive si Sage." Umiling-iling si Ate Kim.
"Sinabi mo pa, Ate! Kulang na lang ay iposas niya si Vera para hindi na makaalis sa tabi niya." Natawa naman kami sa sinabi ni Kyril.
"Vera, come here," sabi ni Sage.
Natawa naman sila Jade tsaka nagyaya na pumunta na kami sa table ng boys.
"Ganyan ka pala mainlove, bro," pang-aasar ni Alezander. "Mas malala ka pa kay Brixel," dagdag niya pa kaya nagtawanan kami.
"Shut up and get a life, Alezander!" singhal ni Sage.
Lalong lumakas ang tawanan nila.
"Sage, don't drink too much! Magdadrive ka pa pauwi," saway ko kay Sage.
"Yes, ma'am." He smirked.
Inulan pa kami ng panunukso.
Nakikipagkwentuhan ako kay Ate Kim na katabi ko nang biglang halikan ni Sage ang pisngi ko. Nanlaki naman ang mga mata ko.
Nakangisi ang boys habang nagtitili naman sila Briana.
"Sage, nakakahiya!" saway ko sa kanya. Kumunot lang ang noo niya.
"Why? I will kiss you if I want to."
Lalong lumakas ang tilian at inulan kami muli ng mga panunukso nila. Gusto ko namang lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan. Ngumisi lang sa'kin si Sage tsaka kumindat. Inirapan ko naman siya.
My Goodness, Sage Wainwright!