Sapo-sapo ko ang ulo ko at umupo ako sa kama paggising ko. Hindi ko naman maiwasan ang hindi mapangiti nang maalala ang nangyari kagabi sa kotse ni Sage pagkahatid niya sa'kin.
"Thank you for driving me home, Sage," sabi ko at ngumiti ako. Hinawakan naman niya ang pisngi ko.
"Anything for you, love," sabi niya tsaka idinampi ang labi niya sa labi ko.
Tinakpan ko naman ng unan ang mukha ko para hindi marinig sa labas ang tili ko.
Tumigil ka nga, Vera! Akala ko ba ay Dalagang Pilipina ka? Saway ko pa sa sarili ko.
Itinali ko ang buhok ko tsaka lumabas sa kwarto ko. Pasado alas dose na pala. Nadatnan ko sa kusina si Kyril na umiinom ng kape.
"Vera, buti gising ka na. Mag-asikaso ka na kasi alas dos ang laro nila Sage," sabi ni Kyril, Tumango naman ako tsaka kumuha ng fresh milk sa ref.
"Sobrang sakit ng ulo!" daing ni Kyril.
"Sila Ate Kim, pumasok?" Umiling naman si Kyril. Maya maya ay bumaba na ang nakabihis na si Briana.
"Bri, gisingin mo na sila Ate Kim. Sasama daw sila sa St. Celestine," utos ni Kyril kay Bri.
"Bawal outsider, diba?" tanong ko.
"Si Jade daw ang bahala," sagot ni Kyril. Tumango naman ako tsaka umakyat na sa kwarto ko para mag-asikaso.
Pagbaba ko ay ready na rin sila Ate Kim at Andrea.
"Tara!" yaya ni Kyril tsaka ako inabutan ng sandwich. Sumunod naman kami sa kanya at sumakay na sa Odyssey ni Andrea.
"Hinahanap na tayo ni Jade, nandoon na raw siya sa labas ng St. Celestine," sabi ni Bri.
Pagkarating namin sa St. Celestine ay pumasok na kami nina Kyril at Bri para humanap ng pwesto sa gymnasium. Habang sila Jade naman ay kinakausap pa 'yong guard.
May nakapwesto na sa likod ng bench nila Sage kaya sa pangalawang row na lang kami umupo. Puno na ang gymnasium palibhasa ay championship game na. Hindi rin nagtagal ay dumating na rin sila Jade.
"Ang bilis kausap ni manong," sabi ni Jade sabay halakhak.
"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kayo ang may-ari ng St. Celestine," sabi pa ni Ate Kim.
"Seyoso?" tanong ni Kyril na katulad ko ay halatang nagulat din.
"Oo, kaya nga kahit bawal ang outsiders ay nakakapasok ako." Humagikhik pa si Jade.
"Ang yaman sobra!" sabi pa ni Bri.
Pero bakit sa St. Scholastica nag-aral si Sage dati gayong sa kanila naman pala itong St. Celestine?
Biglang umingay sa loob ng gymnasium nang pumasok ang team nila Sage. Derecho ang tingin ko kay Sage na medyo basa pa ang buhok at may dala dalang bouquet of flowers.
Bumilis naman ang t***k ng puso ko. Ganito ang epekto ni Sage sa'kin. Sa simpleng presensya niya lang ay nagwawala na ang puso ko.
Kumunot naman ang noo niya pagdating sa bench nila at may sinabi sa mga babaeng nakapwesto sa likod ng bench. Mabilis namang umalis ang mga babae doon tsaka tumingin sa'kin si Sage at isinenyas na doon kami pumwesto. Mukhang nakita naman nila Kyril kaya tumayo na rin sila para pumunta sa likod ng bench nila Sage.
"For you!"
Naghiyawan ang mga tao sa loob ng gymnasium nang iabot sa'kin ni Sage ang dala niyang bouquet at halos mabingi din ako sa pagtili nila Bri.
"For...what?" tanong ko at pilit na itinatago ang kilig na nararamdaman ko.
"It's my first day of courting you."
Lalong lumakas ang tilian nila Jade. Kinagat ko naman ang labi ko para maiwasan ang paglawak ng ngiti ko.
"Stop biting your lips, Vera, your turning me on." Nag-init naman ang pisngi ko. Pagkuha ko sa bouquet ay may inabot pa siya sa akin na kulay maroon na varsity jacket.
"Wear it, Vera, 'cause you are now my muse." Kumindat pa siya tsaka nagpunta sa loob ng court. Pakiramdam ko ay mapupunit na ang labi ko dahil sa pagkakalaki ng ngiti ko. Binuklat ko naman 'yong jacket na ibinigay niya.
Wainwright's Muse
"Ang haba ng hair mo, Vera!" Pinaghahampas pa 'ko ni Andrea dahil sa sobrang kilig niya at maging sila Ate Kim ay hindi matapos tapos sa pagtili.
"Ikaw na talaga, Vera!" sabi pa ni Bri.
"Suotin mo na, Vera!" sabi ni Jade na mukhang mas excited pa sa'kin. Natawa naman ako tsaka sinuot 'yong varsity jacket na binigay ni Sage.
"Nakakainggit naman si Veranica."
"Bagay sila ni Sage."
Ilan lang yan sa mga naririnig ko na bulungan sa likod ko. May narinig pa ako na nagsabi na akala niya ay girlfriend talaga ni Sage si Sage. Napangiti na lang ako.
Pakiramdam ko ay mas magaling maglaro si Sage ngayon. Nakakapanibago dahil panay ang ngiti niya samantalang kapag naglalaro siya noon ay seryosong seryoso siya. Nang masiko siya ay nagthumbs up lang siya para sabihin na okay lang tsaka ngumiti pero noong mga nakaraang game niya ay konting sanggi lang sa kanya ay umiinit na ang ulo niya.
"Walang makakasira sa magandang mood ni Sage." Siniko pa 'ko ni Kyril at napailing na lang ako.
Nang makathree points si Sage ay tumuro pa siya sa'kin at kumindat na naging dahilan ng pag-ingay sa buong gymnasium. Pakiramdam ko ay pulang pula na ang mga pisngi ko.
"Damn you, Wainwright!" sigaw ni Jade sabay halakhak. Natawa na din ako.
Nang magtime out ay dali daling ibinigay sa'kin ni Jade 'yong towel ni Sage at itinulak ako papunta kay Sage. Umulan nanaman ng panunukso sa loob ng gymnasium.
"Ang sarap maglaro kapag ganyan kaganda 'yong muse mo," sabi ni Sage na ngayon ay malaki ang ngisi.
"Bolero!" singhal ko tsaka pinunasan ang pawis niya. Kinuha naman niya ang kamay ko tsaka hinalikan.
"I'm not."
Lalo kaming inulan ng mga panunukso.
"You're doing it right, Sage!" sigaw pa ni Ate Kim.
"Penge naman ng isang Sage Wainwright, please!"
Natawa naman ako sa sigaw ni Briana.
"You're blushing and I find it cute," sabi niya pa. Umiling-iling na lang ako at pagkatapos ay pinagpatuloy ang pagpupunas sa pawis niya. Nang bumalik ako sa upuan ko ay puro panunukso ang inabot ko kina Kyril.
Nang matapos ang laro ay halos lahat ng mga kababaihan ay nagtatakbo sa court para magpapicture kila Sage dahil sila ang champion.
"Vera, anong ginagawa mo jan? Nakita mong dinudumog na ang boyfriend mo!" sabi ni Kyril tsaka hinila ako papunta kay Sage.
"Hindi ko pa naman siya boyfriend," pagkontra ko pero hindi ito pinansin ni Kyril.
"Excuse me lang, O! Dadaan ang girlfriend!" sigaw ni Kyril nang hindi kami makadaan dahil sa dami ng mga babaeng nakapalibot. Sinaway ko naman siya.
"Sorry girls, but I'm off limits baka magselos ang girlfriend ko."
Rinig kong sabi ni Sage tsaka nginuso ako. Nakita ko naman ang panghihinayang sa mukha nung mga babae.
"Sana ay pinagbigyan mo na lang sila," sabi ko nang makalapit sa'kin si Sage.
"Ayokong magselos ka," sabi niya at ipinulupot ang braso niya sa bewang ko.
"Hindi ako ganon, Sage!" sabi ko. Nagkibit balikat lang siya pagkatapos ay iginiya na 'ko palabas ng gymnasium.
"Don't remove your jacket. Magbibihis lang ako sa headquarters, Vera." Hinalikan niya pa ako sa noo bago umalis. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapangiti.
"Penge naman ng ganda, te!" sabi ni Bri na biglang sumulpot sa likod ko kasama ang girls.
"Blooming na blooming ang lola niyo," panunukso naman ni Kyril.
"Kayo tigilan niyo nga 'ko," saway ko pa sa kanila.
"Sobrang nakakakilig kayo ni Sage, Vera," ani Andrea.
Hindi pa rin sila tumitigil sa panunukso sa'kin nang biglang may umakbay sakin. Lumingon ako sa bagong ligo na si Sage at amoy na amoy ko ang bango ng pabango niya.
"Baka tumulo laway mo, te," bulong pa ng humahagikhik na si Bri. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Let's eat, love?" tanong ni Sage. Tumango naman ako.
"Love, huh!" sabi pa ni Brixel.
Habang naglalakad kami papuntang cafeteria ay biglang hinawakan ni Sage ang kamay ko. Napasinghap ako at pakiramdam ko ay tatalon palabas ang puso ko. Bago kami tuluyang makapasok sa cafeteria ay nakasalubong namin si Liam. Kunot noo siyang tumingin sa magkahawak na kamay namin ni Sage pero hindi rin nagtagal ay tumingin siya sa'kin at ngumiti. Naiilang naman akong ngumiti sa kanya.
Alam kong may gusto sa'kin si Liam at alam kong nasasaktan siya ngayon dahil sa'kin.
"Liam, bukas ah? Sa Masquerade Ball."
Lumawak ang ngiti niya tsaka tumango.
Naging mabuti sa'kin si Liam at hindi niya deserve masaktan pero hindi maiiwasan. Gusto ko lang malaman niya na tutupad ako sa usapan namin kahit maayos na kami ni Sage.
"What the hell?" madiin na sabi ni Sage tsaka kumalas sa pagkakahawak sa akin at pumasok sa loob ng cafeteria. Sumunod sa kanya si Brixel at Alezander.
"Anong meron, Vera?" tanong ni Jade na ngayon ay kunot na kunot na ang noo.
"Veranica? Ano ba sa tingin mo ang ginawa mo?" iritadong sabi ni Kyril pagkatapos ay nagmartsa papasok sa loob ng cafeteria. Sumunod naman sa kanya ang nakangusong si Jade.
"Si Liam ang date mo bukas?" tanong ni Ate Kim
Tumango naman ako.
"What?"
Hindi makapaniwala si Andrea at Bri.
"Naka'oo na kasi ako before pa naging malinaw ang lahat sa amin ni Sage at alam ni Sage ang tungkol dito."
"E, bakit nagalit?" tanong pa ni Andrea.
"Malamang nagselos," sabi ni Bri sabay ngumuso.
"He's not jealous, it's his ego. Iopen mo ba naman, Vera, kay Liam ang tungkol doon sa harap ni Sage at sa harap namin edi malamang magagalit talaga 'yong tao." Umiling pa si Ate Kim.
"Ayoko lang naman kasing isipin ni Liam na baka hindi na ko tumupad sa usapan namin. He's a good friend," malungkot na sabi ko.
"Halika na! Kausapin mo na lang si Sage," sabi ni Andrea tsaka kami pumasok sa loob.
Nakahalukipkip si Sage at nakasandal sa upuan niya, ni walang ekspresyon ang mga mata niya. Kinabahan naman ako.
Masama ang tingin sa akin ni Kyril habang si Jade ay nakanguso naman. Hindi ko alam kung uupo ba 'ko sa tabi ni Sage. Walang nagsasalita sa aming lahat at ramdam na ramdam ang awkwardness.
"Tara, Kim? Order tayo." Tumango naman si Ate Kim. Umalis silang lahat na parang napagkasunduan talaga nilang iwan kami.
"S...Sage." Napalunok pa ako.
"Anong gusto mong kainin, Vera?" tanong niya pero hindi siya tumitingin sa'kin.
"Sage, I'm sorry."
"It's okay, Vera. I'm not mad. I'm just...hurt." Para namang kinurot ang puso ko sa sinabi niya.
"But It's fine. Hindi dapat ako nagkakaganito, Vera. I'm just your suitor, pwedeng maging akin ka at pwede ring hindi," malungkot na sabi niya tsaka umalis.
Nangilid naman ang mga luha ko. Ganito ba talaga? Kahit hindi mo gustong saktan 'yong taong mahal mo ay masasaktan mo pa rin?
"Nasaan si Sage?" tanong ni Alezander. Nagkibit balikat naman ako tsaka umalis.
Naglakad lakad ako para hanapin si Sage pero kahit anino niya ay hindi ko makita. Halos mag-iisang oras na 'kong paikot-ikot sa buong university pero hindi ko pa rin siya makita.
"Sage, nasaan ka na ba?" tanong ko pa sa sarili tsaka umupo muna sa bench sa garden.
Sana ay hindi pa umuuwi si Sage. Napatakip naman ako sa mukha ko.
"Mukhang problemado ka, ah?" Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Liam sa harap ko. Umupo siya sa tabi ko.
"Hindi ko alam kung anong meron sainyo ni Sage pero nagulat ako." Malayo ang tingin ni Liam.
"I like him, I mean I love him," pabulong na sabi ko.
Ngumiti naman si Liam.
"Sana ako na lang siya," malungkot na sabi niya.
"I'm sorry, Liam, pero pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa'yo."
"I'm fine with that, Vera. As long as I'm part of your life, I'm fine with that." Ngumiti sa'kin si Liam pero kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"About sa Masquerade Ball, naiinitidihan ko kung babawiin mo 'yong pagpayag mo na maging date ko. I know Sage won't allow that to happen." Tumawa pa siya.
"No, Liam! Tutupad ako sa usapan."
Ngumiti naman siya tsaka tumango.
"Nakita ko si Sage paakyat sa lumang building maybe papunta siya sa rooftop." Napatayo naman ako.
"Talaga? Thank you, Liam! I need to go, I badly need to talk to him," sabi ko. Ngumiti naman si Liam tsaka tumango. Paalis na ako nang tawagin ako ni Liam. Lumingon naman ako sa kanya.
"Hindi pa rin nagbabago, Vera. Just what I've said, I can wait for you even if it is until forever."
"Sorry," malungkot na sabi ko tsaka tinalikuran siya.
I'm sorry, Liam! You don't deserve this and you don't deserve a girl like me, you deserve the best.
Tinakbo ko na ang papunta sa old building at halos maubusan din ako ng hininga nang tumakbo ako paakyat sa rooftop. Nakatalikod si Sage sa'kin agad naman akong lumapit sa kanya at niyakap siya mula sa likuran.
"Sage."
Kinalas naman niya ang yakap ko tsaka bumaling sakin.
"I'm sorry for hurting you, Sage," malungkot na sabi ko. Hinawakan naman niya ang magkabilang pisngi ko.
"Sage, can we make it official? Kung ano mang meron sa atin? I want to be your girl."
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang mga salitang 'yan basta ang alam ko lang ay ayoko siyang mawala sa'kin.
"No, Vera! Hindi mo kailangan gawin 'yan dahil nagiguilty ka," malamig na sabi niya.
"Of course not, Sage! Hindi ako nagiguilty. I love you at gusto ko 'yong pakiramdam na inaangkin mo ko, gusto kong marinig araw-araw na sabihin mong sa'yo ako."
Sumilay naman ang ngiti sa labi ni Sage.
"Really, huh?"
"Hiyang hiya na nga 'ko, Sage, tapos ganyan ka pa!" saway ko sa kanya. Narinig ko naman ang munting halakhak niya. Niyakap naman niya ako.
"I love you too, Vera at sa'kin ka naman talaga dahil mapapatay ko kung sino man ang aagaw sa'yo." Napangiti naman ako.
Kumalas siya sa pagkakayakap tsaka hinawakan ang dalawang pisngi ko.
"So it's official? Wala nang bawian," aniya.
"Wala na," sabi ko.
"My, God! I'm obsessed with you." Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at lumapat ang labi niya sa labi ko.
It was one passionate kiss.
Kasabay noon ay ang pagiging makulay ng kalangitan dahil sa magarbong fireworks display ng St. Celestine.
"I love you, Veranica Angeles!" he whispered.
"I love you more, Sage Wainwright."
Niyakap naman niya 'ko nang mahigpit.
Sana ay hindi matapos kung ano mang meron sa amin ni Sage ngayon.