"Lagot kayo sa akin!" sabi ni Sage habang hinahabol niya kami ni Zerene. Tawa naman kami nang tawa ni Zerene. Kasalukuyan kaming naliligo dito sa dagat at napagtripan namin ni Zerene si Sage at pinagbabato namin siya ng buhangin. Napatili ako dahil nang maabutan kami ni Sage ay binuhat niya 'ko tsaka inikot. "Sage, si Zerene!" sabi ko sabay halakhak. Ibinaba naman ako ni Sage tapos ay si Zerene naman ang binuhat niya. "Daddy, let's swim again!" Tumango naman si Sage kay Zerene. "Tara, Mommy!" yaya ni Sage. "Kayo na lang muna." Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang pinapanood ang mag-ama ko. Four years ago ay iniwan ko si Sage dahil sa magkapatid kami. Iniwan ko siya para sa ikabubuti ni Zerene pero ngayon bakit pakiramdam ko mali ang desisyon ko noon? Why does it feels so

