Kinabukasan, maaga kaming nagising ni Sage. Naisipan namin na maglakad -lakad sa dalampasigan at iniwan muna namin si Zerene kay Jade. Magkahawak-kamay kaming naglalakad ngayon ni Sage. "What if ako 'yong umalis 4 years ago? Ako 'yong sumuko? Will you still accept me?" tanong niya. Tinignan ko naman siya. "I don't know, maybe yes?" Nagkibit-balikat pa ako. Tumingin siya sa may dagat. "Bakit? May plano ka bang iwan ako?" Sa tanong ko ay biglang kumirot ang puso ko. Humarap siya sa akin. "Hindi pa 'ko nawawala sa tamang pag-iisip para gawin iyon, Vera." "I love you so much, Sage." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Mahal na mahal din kita, Veranica." Pinagdikit niya pa ang noo namin. "And I will never leave you at kahit anong mangyari ipaglalaban kita, Vera. I'm not

