Alas singko palang ng umaga ay nagising na 'ko. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kaiisip ko kay Sage. Umasa rin ako na sa paggising ko ay nandito na siya pero hanggang ngayon wala pa rin. Lumabas ako at nanatiling nakaupo sa malaking bato sa may shore hanggang sa sumikat ang araw. Sa hindi kalayuan ay nakita ko si mamang bangkero na inaayos ang bangka niya. Agad ko naman siyang nilapitan. "Good morning po." "Magandang umaga rin ho, ma'am. May kailangan ho kayo?" tanong ni Manong sabay ngiti. Umiling ako. "Wala naman po. Itatanong ko lang po sana kung may sinabi pa po sainyo si Sage? Sinabi niya po ba na hindi siya makakauwi?" "Naku ho, ma'am! Wala ho. Ang sabi lang ni Sir Sage ay may kikitain pa siyang kliyente na saktong narito rin sa Palawan tapos ay itetext na lang ho

