Tanghali na akong nagising ngayon dahil wala akong pasok. Nagulat ako nang makitang nakaupo sa sofa sina Dark at Sage.
Nakaramdam naman ako ng hiya dahil hindi pa 'ko nakakapagsuklay. Dali-dali akong pumunta sa c.r. para makapagtoothbrush at hilamos man lang.
"Kanina pang umaga 'yong dalawa dito," sabi ni Celine pagkalabas ko sa c.r.
Agad naman tumayo 'yong dalawa nang makita akong papalapit sa kanila.
"Anong ginagawa niyo dito? Diba basted na kayo?" Pinagkrus ko pa ang dalawang braso ko sa harap nila.
Napakamot sa ulo si Sage. "We're very sorry about what happened yesterday, Vera."
"Nag-usap na din kami na hindi na kami gagawa ng g**o," sabi naman ni Dark at tsaka matalim na tinignan si Sage. Sinuklian din siya ni Sage ng matalim na tingin.
"Talaga lang, ah? E, kung nakakamatay lang ang tingin malamang patay na kayong dalawa sa talim ng mga tingin niyo sa isa't isa." Tinaasan ko sila ng isang kilay.
"Vera, hanggang ganoon na lang kami pero promise hindi na kami magsusuntukan." Ngumuso naman si Sage.
Bakit ang gwapo niya kahit nakanguso?
"Just let us court you again," mahina namang sabi ni Dark.
Natawa naman ako nang ngumuso din siya.
"Fine! Pero one wrong move, Dark and Sage hinding hindi ako magdadalawang isip na patigilin kayo sa panliligaw sa akin."
"Yes, ma'am!" sabay pa nilang sabi. Napailing na lang ako.
Lumipas ang ilang araw at tinupad naman nila ang pangako nila na hindi na sila magsusuntukan. Nakakatawa pa nga dahil gumawa pa si Celine ng schedule nila sa pagpunta dito para daw talagang maiwasan na ang g**o.
Tuwing Monday, Wednesday and Friday si Dark ang pwedeng pumunta dito sa apartment at tuwing Tuesday, Thursday and Saturday naman si Sage at tuwing Sunday daw ay quality time naman namin ni Celine.
Tumutol pa ang dalawa pero wala na rin silang nagawa sa gustong mangyari ni Celine.
Pupunta ako sa school ngayon para magpasa ng portfolio. Hindi kasi magkaklase iyong prof namin ngayon. Dahil Tuesday ngayon naabutan ko si Sage na nasa labas at nakasandal sa itim na Audi niya.
"Good morning, Vera!" Malawak ang ngiti niya. Hindi ko siya pinansin at derederechong sumakay sa backseat ng sasakyan niya.
Kahit na pinayagan ko siyang manligaw ay hindi nangangahulugan iyon na nakalimutan ko na ang kasalanan niya sa akin.
"Vera, do I look like a driver? Dito ka sa front seat," angal niya.
"Just drive your damn car!" madiin na sabi ko.
Narinig ko pa na nagmura siya tsaka pinaandar ang kotse niya.
Sinabi sa'kin ni Celine na under construction na ang Wainwright Hotel na kung saan ay pinacancel ni Sage ang pagpapatayo sa France at dito na lang daw naisipan magpatayo.
"Vera, I'll wait you here then let's go to the Trafalgar Square," sabi ni Sage sabay ngiti.
"Ayoko. Madami akong gagawin," sagot ko habang nakatingin pa rin sa labas.
"Kapag kay Montreal ay hindi ka tumatanggi."
Napalingon ako sa kanya. "Dark, don't give me pain. He gives me nothing but love and importance, Sage." Rinig ko ang pagkabitter sa boses ko.
"But for me he is a pain in the a*s," inis sabi niya.
"O, akala ko ba hindi ka threatened, Sage? Anong nangyari sa confidence mo?"
Bigla niyang inihinto ang sasakyan niya at lumingon sakin.
"Just wait, Veranica, you'll end up being mine again," madiin na sabi niya.
Kumalabog naman ang dibdib ko. Kumindat pa siya sa'kin tsaka nagdrive na uli.
Pagkadating sa Imperial College ay agad na akong bumaba.
Nag-uumapaw sa kayabangan ang Sage Wainwright na iyon. Kainis!
"Sazy!"
Hindi ako pinansin ni Sazy at nilampasan lang.
Ang totoo ay simula noong nakita niya kami ni Sage sa gym ay hindi na niya 'ko kinausap maging si Liam ay hindi na rin nagpapakita sa akin.
Hinabol ko naman si Sazy.
"Sazy, wait lang naman!"
Iritado niya 'kong tinignan.
"Ano ba, Nica?" Nag-iwas siya ng tingin.
"Wag ka na kasing magalit sa'kin. Pansinin mo na kasi ako," pagmamakaawa ko.
"Ewan ko sa'yo!" Tatalikuran na niya 'ko pero pinigilan ko siya.
"Sorry na, Sazy!" malungkot na sabi ko.
Tumingin siya sa'kin.
"Please!"
"Sorry din, Nica."
Napangiti ako nang yakapin niya ko.
"Hindi dapat ako nangingialam kahit pa pinsan ko si Kuya Dark."
"I understand naman, Sazy," sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya.
"I love you, friend!" Malawak ang ngiti niya.
"I love you too, friend!"
"Halika, sabay na tayo magpasa at baka dahil sa katopakan ko mawalan ako ng model na kaibigan and I will surely regret it."
Natawa naman ako.
Sazy is very soft hearted. Naiinis siya pero hindi siya marunong magtanim ng galit and iyon ang characteristic niya na kinaiinggitan ko.
Pagkatapos namin magpasa ay dumerecho kami sa cafeteria.
Kakaorder pa lang namin ng pagkain ay biglang tumunog ang phone ko.
"Hello?" matabang na sagot ko sa tawag.
"Matagal ka pa?"
"Learn to wait, Sage," madiin na sabi ko.
"I'm just asking. Masama na ba?"
"Ewan ko sa'yo!"
Pinatay ko na ang tawag. Sage will be forever Sage. Siya na itong nagpeplease sa'kin siya pa itong matapang.
"Si Sage?"
Nag-aalangan akong tumango kay Sazy.
"Hinihintay ka niya sa labas?"
"Paano mo nalaman?" tanong ko.
"Nakita ko siya kanina. So totoo pala 'yong sinabi ni Kuya na may schedule silang dalawa." Humagalpak sa tawa si Sazy.
Kumunot ang noo ko.
"Idol ko na si Ate Celine." Tumatawa pa rin siya. Napailing na lang ako.
"Pero, Nica, in all fairness ang gwapo ni ex lover." Niyugyug pa 'ko ni Sazy.
"Akala ko ba Team Dark ka?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Hindi naman sa Team Sage ako pero friend bakit sobrang gwapo ng ex mo? I mean ang gwapo gwapo na nga ni Kuya Dark pero kitang kita na mas gwapo at mas malakas pa rin talaga ang appeal ni Sage." Nagtititili pa siya.
"Huminahon ka nga, Sazy, pinagtitinginan ka na,"saway ko sa kanya.
"Kung wala lang si Liam sa buhay ko ay ipupush na kita kay Kuya at tapos akin na si Sage."
Hindi makapaniwala ko siyang tinignan.
"Really, Sazy? Oh, My God!"
Humagikhik lang siya.
"Kung ako sayo balikan mo na 'yon doon. Sa gwapo ng manliligaw mo malamang pinagkakaguluhan na iyon. Halika na!" Hinila pa 'ko patayo ni Sazy kaya wala na akong nagawa.
At tama nga ang hinala niya. Nakasandal si Sage sa harap ng kotse niya habang nakapamulsa na ngayon ay pinalilibutan ng mga kababaihan dito sa Imperial.
Halatang iritado na siya dahil sa ingay ng mga babae.
I know Sage. He doesn't want so much attention.
Nang makita niya ako ay matalim niya 'kong tinignan.
"s**t , Nica! 'Yong mga tingin niya parang hinuhubaran ka sa isip niya."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sazy.
"Shut up, Sazy!" saway ko sa kanya.
Pinagbuksan ako ni Sage ng pinto sa front seat.
Nakita ko naman ang panghihinayang sa mukha ng mga babaeng pinapantasya si Sage.
"Hindi ko naman sinabi na maghintay ka."
"Just go inside," madiin na sabi niya. Kumaway muna ako kay Sazy bago tuluyang pumasok sa kotse niya.
"O, bakit nakabusangot ka jan?" Pinagkrus ko pa ang dalawang braso ko.
"Pinabayaan mo kong dumugin ng mga maiingay na schoolmates mo," sabi niya. Hindi niya maitago ang inis niya.
"Kasalanan ko ba na gwapo ka?"
Nakaramdam naman ako ng hiya sa nasabi ko.
Tumingin ako sa labas dahil pakiramdam ko ay namumula ako ngayon. Narinig ko ang munting halakhak ni Sage.
Nakakahiya, Veranica!
At tulad ng gustong mangyari ni Sage ay pumunta kami sa Trafalgar Square.
"Wait me here." Tumango lang ako sa kanya.
First time ko dito sa Trafalgar at maganda siya. Madami akong nakikitang mga pinoy na namamasyal.
"Here." Inabutan ako ng coffee ni Sage.
"Thanks," sabi ko.
Umupo siya sa tabi ko.
"Namiss ko 'to, Vera. 'Yong ganito, just you and me in a perfect place."
Parang may nagbara sa lalamunan ko.
"Binabalik-balikan ko iyong alaala sa Celestina. You were so happy that time and knowing you're happy, you made me the happiest man alive."
Wala kong kakayanan na lumingon sa kanya.
Umiinit ang ilalim ng mata ko at pakiramdam ko anytime ay tutulo ang mga luha ko.
I made you the happiest man alive but you left me and made me the saddest woman alive.
"I wish I can turn back time, Vera. At kapag nangyari iyon, I will never let you slip away again." Pahina nang pahina ang boses niya.
Pasimple kong pinunasan ang mga takas kong luha.
"I'm really sorry for leaving you, Vera."
Parang libo libong punyal ang tumutusok sa puso ko ngayon.
"Hindi mo lang ako basta iniwan, Sage. You left me hanging and shattered into pieces." Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para bumigkas ng mga salita.
"I know, Vera. I know."
Rinig ko ang panginginig sa boses niya.
Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa'kin.
"Gusto ko na lang magtago that time, Sage and I don't want to f*****g fight anymore. But one day, nagising na lang ako na you were not worthy enough para mas lalo kong wasakin ang sarili ko." Huminga ako nang malalim.
"And I must say that I'm better off without you."
Narinig ko ang pagsinghap niya.
"Just give me another chance. I promise not to break you anymore and this time, I will handle you with so much care like a fragile glass, Vera."
Nilingon ko siya.
Mapungay ang mga mata niya.
"But how can I accept you again, Sage, kung mismong kapatawaran ay hindi ko maibigay sa'yo?" Pinunasan ko ulit ang mga luhang lumandas sa mga mata ko.
"Do you still love me?"
Oo, Sage! Pagkatapos ng ginawa mo sa akin ay mahal na mahal pa din kita.
"I don't know, maybe not."
"And maybe yes." Malungkot siyang ngumiti. "Kahit walang assurance, Vera, ay aasa ako. I know there is still a chance, kahit katiting," dagdag niya pa.
Ito na ata ang pinakamahinahon naming pag-uusap.
Naglakad-lakad pa kami ni Sage. Hindi kami nag-uusap at malayo ang distansya namin sa isa't isa. Hindi nga kami mapagkakamalan na magkasama dahil sa nauuna pa 'ko sa kanya maglakad.
Naagaw pa ang atensyon ko ng grupo ng mga kalalakihan na kumakanta sa gilid. Para silang may mini concert dito.
Naglakad-lakad pa 'ko. Naaaliw kasi ako sa mga magagandang views.
Hindi ko na nga napansin na naiwan ko na si Sage. Siguro ay nanjan lang iyon at dahil sa nilalamig na 'ko pumasok ako sa isang coffee shop. Umorder ako ng dalawang hot chocolate pagkatapos ay lumabas na rin para hanapin si Sage.
Dumidilim na at mas lalong dumadami ang mga tao. Nahirapan pa 'kong hanapin si Sage.
"Nasaan na ba 'yon?"
Palinga-linga ako habang pabalik sa pwesto namin kanina. Pero bago ako makarating sa may lugar kung saan may parang mini concert ay napako ako sa kinatatayuan ko.
"You look so beautiful in this light
Your silhouette over me."
Nakapikit si Sage habang kumakanta. Kumalabog ang dibdib ko.
That very familiar song means a lot to me.
After three years. Ngayon ko lang ulit narinig ang kantang 'yan at sa kanya ko ulit narinig.
"The way it brings out the blue in your eyes
is the Tenerife Sea."
Nakapikit pa rin siya.
"And all of the voices surrounding us here
they just fade out when you take a breath."
Ngumiti si Sage.
"Just say the word and I will disappear
Into the wilderness."
"And should this be the last thing I see
I want you to know it's enough for me."
Dumilat si Sage kasabay ng pagtulo ng mga luha niya at derechong tumingin sa mga mata ko.
"Cause all that you are is all that I'll ever need."
Itinuro niya ko at naghiyawan ang mga tao.
Para namang nanghihina ang mga tuhod ko. I remember everything.
Noong birthday ni Stephen which he confessed that Jade is her sister.
He sang that song.
I remember the masquerade ball. He sang it also for me and then she announced that I'm her girl. I remember everything all too well.
"I'm so in love so in love so in love."
"I'm so in love with with you, Veranica Angeles."
"Accept me again.... please."
Hindi ko namalayan na tumutulo na rin pala ang mga luha ko.
The first man I loved and the first man who broke my heart since my father is now standing in front of me begging me to accept him again.
But how? kung lahat ng tiwalang ibinigay ko sa kanya ay naubos na.
It's not about the love anymore, Sage. I'm sorry.
Tinalikuran ko siya at mabilis na naghanap ng taxi.
Natatakot akong tanggapin ka ulit. Natatakot akong maiwan ulit. Nakakatakot kang mahalin ulit, Sage.
You made me this terrified, Sage Wainwright.