CHANCES 31

2104 Words
"Vera, bakit ang tamlay mo may sakit ka ba?" Hinipo pa ni Dark ang noo ko. Umiling lang ako. Ang totoo ay wala akong halos na tulog dahil sa kakaisip ko kay Sage. Sinundan niya pa 'ko kagabi dito sa apartment pero hindi ko na siya nilabasan. "Are you sure?" tanong niya. Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata niya. "I'm okay, Dark." Nginitian ko siya para mapanatag ang loob niya. Ngumiti naman siya. "So saan mo gusto pumunta?" "Nothing. I just want to stay here." Wala akong ganang lumabas ngayon. Mabigat ang loob ko and I feel so guilty for Dark dahil naaapektuhan siya. "Okay, so I will cook for us. Bibili lang ako ng mga kakailanganin." Tumango naman ako kay Dark. Habang wala siya ay naisipan ko munang pumasok sa kwarto para humiga. Pakiramdam ko kasi ay pagod na pagod ako. Mentally and emotionally. Tumunog ang phone ko. Sage: You still mad? Napabuntong hininga ako. Ibinaba ko ang phone ko at tsaka ibinagsak ang sarili ko sa kama. Leave me alone, Sage. I want to have a peace of mind. Sa tuwing pumipikit kasi ako ay gumugulo sa isipan ko si Sage. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Dali-dali naman akong bumangon nang maisip ko na malamang ay nakabalik na si Dark. Pagbukas ko sa pinto ng kwarto ko ay may nagkalat na rose petals papunta sa kusina. Napakunot ang noo ko. Dimmed ang light sa may kusina. Nadatnan ko si Dark na pormal na pormal ang suot at malawak ang ngiti na ngayon ay nakatayo sa sulok. Sinundo ako ni Dark at inilahad ang kamay niya sakin. "Ano 'to?" tanong ko. It's a candle light dinner. "It's all for you, your highness." Nagbow pa si Dark. Natawa naman ako. "Nababaliw ka na," sabi ko sabay umiling-iling. "Alam mo 'yan. I'm really crazy, crazy over you." Kumindat pa siya sa akin. Tahimik lang kami habang kumakain. Naiilang naman ako dahil panay ang titig sa'kin ni Dark. Naconscious tuloy ako dahil baka may muta ako. "Napakaganda mo." Ngumisi siya. Nag-init naman ang pisngi ko. "I make you blush, Vera, so I assumed na you like me too." Natigilan ako sa sinabi niya at nag-iwas ng tingin. Narinig ko pa ang munting halakhak niya. Pagkatapos namin kumain ay nagsalin naman siya ng wine. "For you." Ngumiti lang ako. Natigilan ako ng magplay siya ng music. Oh, God! It is the same song that Sage dedicates for me. "Dark, can you please change the song?" nag-aalangang tanong ko. "Why? Don't like it?" Kanta ko pa naman yan para sa'yo." Nakita kong lumungkot ang mga mata niya. "I'm sorry, Dark. I don't like it," pagsisinungaling ko. Bakit kasi sa dinami dami ng kanta iyan pa talaga, Dark? "Okay." Agad naman niyang pinalitan ang tugtog. "Much better," I smiled. "Vera, I like you so much. Hindi pa 'ko nagkakaganito sa kahit na kaninong babae. You're so special to me." Inabot niya ang mga kamay ko. Kinakabahan ako dahil parang alam ko na kung saan papunta ito. "I want you to be mine. High school pa lang tayo ay nararamdaman kong iba ka sa ibang babae. There is something about you that makes men fall hard for you." Ngumiti siya sa'kin. "Noong high school tayo ay napakahirap mong abutin, Vera. Napakailap mo. Ang makipag-usap lang sa lalaki ay hindi mo ginagawa. And now na kayang kaya na kitang abutin ayoko nang lumayo pa ulit ang agwat natin." Pumungay ang mga mata ni Dark. I know Dark is better than Sage. Subok ko na si Sage at natatakot akong bumalik pa sa kanya. Hinalikan ni Dark ang dalawang kamay ko at lumuhod sa harap ko. "Vera, be my girlfriend!" Kasabay nang pagkasabi niya ay may nahagip ako sa peripheral vision ko. Nakatayo sa gilid si Sage at may dala-dalang bouquet of roses. "Dark, I know you can love me. I know you can make me happy." Napalingon ulit ako sa kinatatayuan ni Sage. Malungkot siyang ngumit sa'kin. "Be happy." 'Yan ang nabasa ko sa pagbuka ng bibig niya. Pagkatapos ay tinalikuran na niya kami. "Pero, Dark. Ito kasi e." Tinuro ko ang puso ko. "Tinatraydor ako, Dark. Wala siyang ibang gusto kung hindi si...Sage." Napahagulhol na 'ko. Napahilamos naman si Dark sa mukha niya. "Pero sinaktan ka niya, Vera. Iniwan ka niya baka nakalimutan mo na." "'Yon na nga, Dark, kahit na sinaktan niya ko, siya pa rin ang sinisigaw ng puso ko and I'm sorry, Dark. Sinubukan kong mahalin ka pero nabigo ako." "Hindi mo sinubukan, Vera!" Nakita ko ang galit sa mga mata niya. "Sinubukan ko maniwala ka. Ginawa ko ang best ko." Lumalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha ko. "I can't believe you." Tumulo na rin ang mga luha niya. "I'm sorry!" Dali-dali akong tumayo para habulin si Sage. Natatakot akong tanggapin siya pero sa huli heto ako at buo ang desisyon na piliin siya. Kung hindi rin lang si Sage ay parang ayaw nang magmahal ulit ng puso ko. Paalis na ang kotse ni Sage kaya dali-dali akong dumampot ng bato at binato ang bintana ng backseat ng kotse niya. Napangiti naman ako nang biglang tumigil ang kotse niya. "What the hell-" singhal niya pero nang makitang ako ang bumato ay nagbago ang ekspresyon niya. "Ano, Sage? Ipapaubaya mo na lang ba 'ko? Gago ka talaga!" sabi ko sabay hagulhol. Ngumiti si Sage. "I want you to be happy, Vera, even if it's not with me." Lalo akong napahagulhol. "E sa'yo nga ako sasaya!" Sumilay ang nakakalokong ngisi sa mga labi niya. "I know," mayabang na sabi niya. Pagkatapos ay mabilis siyang lumapit sa akin at hinalikan ako. Nag-uumapaw na kaligayahan ang nararamdaman ng puso ko. Totoo pala na kung sino 'yong taong nagbibigay ng sakit sa atih ay sila rin ang may kakayahan na pumawi nito. He caused me so much pain and yet, he is also my remedy. "I love you so much, Veranica Angeles." May tumulong luha sa mga mata niya. "I love you more, Sage Wainwright. After everything, I still love you." Hinalikan niya ulit ako. Under the bright moon and thousands twinkling stars, we decided to continue our love story. Niyaya kong umalis si Sage. Nasaktan ko na nga si Dark ay pagkatapos hahayaan ko pang makita niya kaming reunited ni Sage. "Bakit ang lungkot mo?" tanong ni Sage. Nasa lugar kami kung saan walang katao-tao at maging ako ay hindi ko alam kung nasaan kami. "Naisip ko lang si Dark." Kumunot ang noo ni Sage. "Don't you dare think about another man when you're with me, woman!" Sinamaan ko ng tingin si Sage. "I feel so guilty, Sage. Ano ka ba! Sinaktan ko iyong tao." "Edi dapat siya na lang ang pinili mo," sabi pa ni Sage sabay ngumuso. "Kung pwede nga lang." "Love naman." Niyakap ako mula sa likod ni Sage. Natawa naman ako. "Hayaan mo, Vera. Magiging maayos din iyon si Montreal. Tsaka iginanti mo lang naman ako." Humalakhak pa si Sage. "Sage!" saway ko. "Just kidding." Napairap naman ako. "I promise, I'll be a better man this time." Hinalikan pa ako sa ulo ni Sage. Pagkahatid ni Sage sa'kin ay umalis na rin siya. Sinalubong naman agad ako ni Celine. "What happened here?" Itinuro niya ang magulong kusina. "Si Sage ang naghatid sa'yo, diba?" Tumango naman ako. Pinagkrus ni Celine ang dalawang braso niya. "So parang may nagwala dito sa kusina tapos si Sage ang naghatid sa'yo. Nireject mo si Dark?" Nag-aalangan akong tumango ako. Ngumiti si Celine. "Are you happy?" "Very happy!" sagot ko. "Then, I'm so happy for you, Vera." Niyakap pa 'ko ni Celine. Ang sarap maramdaman na may taong handang intindihin at suportahan ang mga desisyon mo. Tatlong araw ang nakakalipas mula nang nireject ko si Dark. Lagi ko naman siyang kinukumusta kay Sazy. Akala ko ay magagalit sa akin si Sazy, but she just said that she really wants my happiness. "Hello, Nica? Wala pa rin akong balita kay Kuya simula nang pumunta siyang Paris." Nagpunta daw si Dark sa Paris kinabukasan noong nireject ko siya. Lalo pa ngang nagalit si Liam sa ginawa ko. Pinipilit naman siya ni Sazy na wag na magalit sa'kin. "Anyway, Nica, ngayon inilabas ang magazine ng Vogue na ikaw ang cover diba?" masayang tanong ni Sazy. "Congratulations! Paalis na nga ako para bumili ng magazine mo." Tumawa pa siya kaya natawa naman ako. Pagkatapos namin mag-usap ni Sazy ay naisipan ko namang makapagvideo call kina Ate Kim. "Vera, sobrang saya namin para sa inyo ni Sage!" bungad sa'kin ni Kyril sabay nagtitili. Napailing na lang ako. Kahit wala pa akong sinasabi sa kanila ay alam na agad nila dahil malamang ibinalita agad ni Sage. Dahil iyon naman talaga ang gusto nilang mangyari. "Sabi na nga ba magkakaayos kayo," masayang sabi ni Ate Kim. "Uwi na kayo, Vera. Bonding na ulit." Biglang singit naman ni Zander. "Malapit na, Zander," I smiled. "Anyway, Vera, magkakaroon ba dito ng magazine mo?" tanong naman ni Andrea. "I'm not sure pero I will send you a copy." "Make sure na apat ang ipapadala mo, ha?" paninigurado ni Briana. "Paano naman kami?" sabi ni Shin. "Shut up, Shin! Hindi iyon pwede sainyo!" singhal sa kanya ni Bri. Natawa naman ako. "Hayaan niyo't apat lang ang ipapadala ko," sabi ko sabay tawa. "Balita ko ay sexy daw masyado iyon, tama lang na apat ang ipadala mo dahil kapag pinadalhan mo rin kami malamang mas mauuna pa si Sage kesa sa magazines dito para lang mapigilan na matanggap namin." Nagtawanan sila sa sinabi ni Zander. Maging ako ay natawa na din. "Anyway, nasan nga pala si kumag?" tanong ni Brixel. "Hindi ko nga alam. May lakad pa naman kami ngayon pero hanggang ngayon ay wala pa din." "Veranica!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa galit na galit na si Sage. "Anong problema mo? Kakadating mo pa lang ay galit na galit ka na. Tsaka ano 'yan?" Turo ko sa mga box na dala niya. Ibinagsak naman niya ito. "Ano 'to?" Sabay angat niya ng magazine na ako ang cover. "What the hell, Veranica! Look at you, nakapanty ka lang dito pagkatapos ay wala ka pang b*a! Sana ay hindi ka na lang nagdamit. Nahiya ka pa!" madiin na sabi niya. Hindi ko pala napatay ang video call kaya ngayon ay hindi magkamayaw sa pagtawa sina Ate Kim. Natawa din tuloy ako. "Sa tingin mo may nakakatawa, Vera?" Namumula na sa galit si Sage. "Kasi naman, Sage, wala ka pa dito ay nashoot na 'yan," pagpapaliwanag ko. "And that f*****g Dark let you to have a photoshoot like that? Oh, come on! Kung ako ang kasama mo ay kinaladkad na kita palayo sa studio!" Lalo naman akong natawa. Sobrang gwapo ni Sage kahit pulang pula na siya sa sobrang galit. "Stop laughing, Veranica!" saway niya pa sa'kin. "E, kasi naman ikaw! Huminahon ka nga." "Paano ako hihinahon, Vera? How can I f*****g calm down, woman! Tell me how?" Napasabunot pa siya sa buhok niya. Nagtawanan sina sa kabilang linya kaya naagaw nila ang atensyon ni Sage. Sinamaan niya lang sila ng tingin. "My girl was in that f*****g magazine wearing only an underwear under that wet oversized shirt then you were telling me to calm down!" Agad naman akong yumakap kay Sage. "It's part of my job, Sage," malambing na sabi ko. "Then leave that job, Vera." Napanguso ako. "You know it's my dream." Nafufrustrate naman niyang sinabunutan ang sarili niya. Nang medyo kumalma na si Sage ay tinanong ko kung para saan ang box na dala niya. "Binili ko lahat ng magazine na ikaw ang cover sa lahat ng stall na nakita ko. At muntik na 'kong makipagpatayan sa mga lalaking bumibili ng magazine mo!" Umigting ang mga panga niya. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. "Seriously?" "Mukha ba kong nagbibiro, Vera?" tanong niya. "Iba ka talaga, Wainwright!" panunukso ni Shin. "f**k you!" Padabog na sinara ni Sage ang laptop ko. Agad ko namang binuksan ang dala niyang box and he's not kidding. Sandamakmak na cover mag ko ang laman. Humagalpak ako sa tawa. Sinamaan niya ko ng tingin. "Baka naman mabash ako nito, Sage, at sabihin na bumenta ang magazine ko dahil pinakyaw ng bilyonaryong boyfriend ko." Lalo niya kong sinamaan ng tingin. "I don't care!" Hinila niya ako kaya napaupo ako sa hita niya. "I'm not ready for that kind of photoshoot, Vera, at ngayon palang sinasabi ko na sa'yo na kailanman ay hindi ako magiging ready." Niyakap niya ako. "Ayaw ko man ay gusto kong malaman mo na susuportahan pa din kita." Napangiti ako. Sa pangalawang pagkakataon para sa atin, Sage, ay mas lalo kitang minamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD