Nakapikit pa 'ko habang nilalasap ko ang malamig na simoy ng hangin nang biglang may yumakap sa'kin sa likod.
"I love you!"malambing na bulong ni Sage. Napangiti naman ako.
It's been a month simula nang maging kami ulit ni Sage and I must say that he really makes me happy.
"Let's go?" Hinarap ko siya tsaka tumango.
Nandito kami ngayon sa Westminster Bridge.
Pinagsaklop niya ang mga kamay namin habang naglalakad kami papunta sa kinaroroonan ng London Eye.
It is the Europe's largest observation wheel. Katulad siya ng ferries wheel na kung saan its individual glass capsules offers the most spectacular view of the city.
Hindi na hinayaan ni Sage na pumila kami dahil nag-avail siya ng London Eye: Skip-the-line-ticket.
Nang makasakay kami sa loob ng glass capsule ay agad niya akong hinila palapit sa kanya.
"I still can't believe that you are mine again, love." Hinalikan niya pa ang ulo ko.
"Wala e,,you put me under a spell kaya kahit sinaktan mo ko ikaw pa rin ang mahal ko," sabi ko sabay halakhak.
"I didn't put you under any spell, Vera. You just got captivated by my charm," mayabang na sabi niya.
Natawa naman ako lalo.
"Ang hangin pala dito," sabi ko pa. Natawa na lang din siya.
Nang magsimula nang umikot ang London Eye ay namangha ako sa ganda ng view.
"Wow!" Hindi ko maitago ang pagkamangha ko.
"You like it?" tanong ni Sage.
"Ang ganda, Sage!" Nagulat ako nang pagdating namin sa tuktok ay bigla akong hinila ni Sage paharap sa kanya at hinalikan.
Halik na punong puno ng pagmamahal at pangungulila.
God! I love this man so much. Nasa punto na ako ng pagmamahal ko sa kanya na hindi ako mapapagod tumaya para sa aming dalawa.
After all the heartaches and all the tears I cried, here we are now cherishing our endless love towards each other.
Nang bumitaw si Sage sa paghahalikan namin ay bigla siyang lumuhod sa harap ko.
"Vera, I can't wait for this moment to come. Please be my..... wife!"
Lumipad ang kamay ko sa bibig ko.
"Hindi kita minamadali. Kahit after 5 years pa ang kasal, Vera. Ayoko lang na mawala ka sa'kin ulit. Please be my lifetime partner."
Sobrang bilis nang t***k ng puso ko. Unti-unti kong naramdaman ang pamamasa ng pisngi ko.
"Totoo ba 'to?"
Hindi ako makapaniwala.
Tumango si Sage. "Vera, will you marry me?" Kasabay ng pagtatanong niya ay ang pagkakaroon ng fireworks sa langit.
"Oh, My God! Of course, Sage! Ikaw lang ang lalaking gusto kong pakasalan." Napahagulhol na 'ko sa sobrang kasiyahan na nararamdaman ko.
Isinuot niya sa'kin ang kumikinang na diamond ring. Hinalikan niya pa ang kamay ko tsaka tuluyang umupo sa tabi ko at niyakap ako.
"You made me the happiest and luckiest man alive, Vera." Nanginig ang boses ni Sage.
"No matter what happens, I will never get tired chasing chances with you." Binigyan niya ulit ako ng isang halik.
Pinagdikit niya ang mga noo namin. "Mahal na mahal kita, Veranica Angeles-Wainwright."
Ang sarap pakinggan na kakabit na ng pangalan mo ang apelyido ng taong pinakamamahal mo.
I couldn't ask for more, Lord. Sage is more than enough. Sage is all that I ever need!
"Mahal na mahal din kita, Sage."
Pagkababa namin sa London Eye ay pinaulanan kami ng palakpakan. Napangiti naman ako.
Sage never fails to make me feel special.
Nagring ang phone ko. Tumatawag si Celine.
"Hello? Vera? OMG! Congratulations!" bungad niya. Napangiti naman ako.
"Thank you, Celine!" Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko.
"I'm so happy for the both of you. Deserve na deserve niyo 'yan ni Sage."
Yes! After three years na pagkakalayo namin sa isa't isa ay masasabi kong deserve namin parehong maging masaya.
Pagdating namin sa apartment ay nagulat pa ako na may konting salu-salo at nandoon sina Sazy at Liam.
"Congratulations, Nica!" Sinalubong agad ako ng yakap ni Sazy na naiiyak iyak pa.
"Thank you, Sazy!"
"Congrats, bro!" Tinapik pa ni Liam ang balikat ni Sage. "Wag na wag mo nang sasaktan si Vera kung hindi ako ang makakaharap mo," pagbabanta niya pa.
"I will never hurt her again, don't worry."
Bumaling sa'kin si Liam.
"Come here, Vera." Hinila niya ako at niyakap. Napangiti naman ako.
"All I want is your happiness at ngayon nakikita ko kung gaano ka kasaya."
Tumango-tango ako kay Liam.
"Kelan ba ang kasalanan?" Humagikhik pa si Sazy.
"Matagal pa naman." Tumingin ako kay Sage na ngayon ay derechong nakatingin sa'kin.
"Pwede kitang pakasalan bukas na bukas din pero siyempre ikaw pa rin ang masusunod."
Uminit ang pisngi ko at inasar naman kami nila Celine.
"Gagraduate pa ako, Sage!"
"Makakagraduate ka pa rin naman kahit kasal na tayo."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Nagmamadali ka ba?"
Agad naman siyang umiling.
"I can always wait for you, Vera. Kahit gaano katagal."
"Kahit gaano katagal?" tanong ko sabay ngisi.
Tumango naman siya.
"Even for 10 years?" pang-aasar ko.
"10 years? f**k! Wag naman ganoon katagal." Kumunot pa ang noo niya.
Natawa naman ako. "Ang sabi mo ay kaya mong maghintay kahit gaano katagal."
"Fine!" aniya
Humagalpak ako sa tawa nang magpaulan siya ng mahihinang mura.
Nag-inuman kaming lima. At hindi ko na alam kung anong oras kami natapos basta bago pumikit ang mga mata ko ay ang mukha ng lalaking pinakakamamahal ko ang nakita ko.
Lord, kung nananaginip man ako please wag niyo na akong gisingin.
"Vera, hurry up mahuhuli na tayo sa flight natin!" sigaw ni Sage ang kanina ko pang naririnig kaya lalo akong naging aligaga sa pag-aayos.
Ngayon kasi ang flight namin pauwi sa Pilipinas. 5 days before Christmas. Masyado akong excited kaya natataranta ako.
"Vera, ano ba!"
Paniguradong magkasalubong na ang mga kilay ng lalaking iyon.
"Ito na, o!" Nagmadali na 'kong hilahin ang maleta ko.
"What took you so long?" Nakaangat ang isang kilay niya.
"Inayos ko pa kasi iyong mga pasalubong." Kinuha niya ang maleta ko tsaka mabilis na tumungo sa kotse niya.
"Sabi ko naman kasi sa'yo na wag ka na umattend sa Christmas party ng agency niyo," pagsesermon niya pa.
"Sorry na nga po!"
Tama siya. Dapat ay hindi na ako umattend. Kahapon lang ang perfect time para makapag-ayos ako dahil nitong mga nakaraang linggo ay sunod-sunod ang mga photoshoot ko.
"I'm so excited!" masayang sabi ko nang nakasakay na kami sa eroplano. Nginitian naman ako ni Sage tsaka hinawakan ang kamay ko.
"Take a sleep. Alam kong inaantok ka dahil puyat ka kagabi."
Tumango naman ako tsaka ako humilig sa balikat ni Sage.
"Oh, My God! Namiss ko ang hangin ng Pilipinas!" Para akong batang nagtatatalon pa nang makababa na kami ng eroplano.
"Let's go!" Inilahad ni Sage ang kamay niya sa'kin na agad ko namang kinuha.
Hindi mawala wala ang ngiti ko habang palabas kami ng airport. Bago pa man kami makalabas ay nagulat ako nang mabasa ang malaking banner na may nakalagay na.
Welcome back home, Ms. Nica Angeles!
Sa isang iglap ay dinumog na ako ng mga taong may mga dalang magazine na ako ang cover.
Oh, My God! This is so overwhelming, I didn't expect it! Last month lang narelease ang magazine ko dito.
"Ms. Nica, pa-autograph po. Mas maganda po kayo sa personal!"
"Ms. Nica, nakakatomboy po kayo!"
Seriously? Marami talaga akong fans dito?
"Ms. Nica, selfie po tayo!"
"Ms. Nica, ako din po!"
Hindi na ako magkaintindihan kung sinong uunahin ko. Maging si Sage ay nawala na rin sa tabi ko dahil sa pagdumog sa'kin ng mga tao na sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad sa akin.
Luminga linga pa 'ko para hanapin si Sage kaya lang ay hindi ko na siya makita dahil sa mga taong pumapalibot sa akin.
Wala ding mga security na umaawat. Naagaw ang atensyon ko nang may pamilyar na boses akong narinig mula sa kanang direksyon ko.
"Excuse me lang, o! Padaaning Ang mga best friend!" sigaw ni Kyril na may suot na pagkalaki laking eyeglasses habang pinagtutulak ang mga nakaharang sa dinadaanan niya.
"Attitude, te!"
Rinig ko pang daing ng isa sa mga nagpapaautograph sakin.
Natawa naman ako.
Hindi pa rin talaga siya nagbabago.
Unti-unti ko na ring nakita sa likod niya sina Ate Kim, Briana at Andrea.
"Girls!" Agad akong nagtitili at niyakap sila. "Sobrang namiss ko kayo!" dagdag ko pa.
"Kaimbyerna ang mga fans mo, ha!" Tinawanan ko naman si Kyril.
"Grabe! Sikat na sikat ka na!" masayang sabi ni Bri.
"Sobrang ganda mo, Vera!" papuri pa ni Andrea.
"Sobrang namiss ka namin!" ani Ate Kim.
"Vera!"
Napalingon ako kay Shin na ngayon ay aambahan ako ng yakap pero hinila agad siya ni Zander.
"Don't start a fire, Shin." Ngumuso naman si Shin kaya natawa ko.
"Hey!" bati sa akin ni Brixel. Bebeso sana ako pero hinarang niya ang palad niya para makipaghigh five.
Nangunot ang noo ko.
"The monster is watching." sabi ni Stephen sabay halakhak, pagkatapos ay nagtawanan sila. Maging sila Ate Kim ay nagtawanan din.
"Ako na lang ibeso mo, Vera," masayang sabi ni Shin tsaka lumapit sa akin.
"I'm watching you, Shin."
Napalingon ako nang marinig ang boses ni Sage. Nahawan na pala ang mga tao na kanina ay pumalibot sa'kin.
Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Sage na may hawak na megaphone.
Kumunot ang noo ko.
"Lakas talaga ng trip," sabi pa ni Zander na halatang natatawa.
"Korny mo!" sigaw pa ni Shin kaya nagtawanan sila habang ako ay kunot na kunot ang noo.
Sinamaan ng tingin ni Sage si Shin pagkatapos ay bumaling sa'kin.
"Veranica Angeles," panimula niya.
Narinig ko pa ang impit na tili ni Kyril.
"In front of our friends, in front of your fans and in front of all the people here in the airport."
Tumigil siya sa pagsasalita. Para namang hinahalukay ang sikmura ko.
"I want to ask you one more time." Tumigil ulit siya.
Bumilis ang t***k ng puso ko.
"Veranica Angeles, will you be wife?"
Nakabibinging hiyawan ang bumalot sa loob ng airport.
At tulad ng una kong naging reaksyon, naluha pa rin ako sa sobrang saya.
Three years without him is so damn worth it now!
The man standing in front of me will become my husband and the father of our children.
And who am I to say no?
Mabilis akong tumango. At sa isang iglap ay nawala ang espasyo sa pagitan namin ni Sage.
"I really love you, Vera."
Dumampi ang labi ni Sage sa mga labi ko na siyang naging dahilan kaya binalot uli ng malakas na hiyawan at palakpakan ang buong airport.
Pagkabitaw sa'kin ni Sage ay nilingon ko agad sina Ate Kim na ngayon ay pare-parehong nagpupunas ng mga luha.
"We're so happy for the both of you," sabi ni Kyril sabay ngiti.
"Let's go?" Tumango ako kay Sage pagkatapos ay nagtungo na kami sa kotse na naghihintay samin.
May driver na sumundo samin kaya naman sa backseat kami umupo ni Sage.
Pinagsaklop niya pa ang dalawang kamay namin pagkatapos ay hinalikan niya ang kamay ko kung saan naroon ang engagement ring na binigay niya sakin noong una siyang nagpropose sa London.
Pinagmasdan ko pa ang nakapikit na si Sage.
Bakit ang perfect ng isang 'to?
Ilang oras din bago kami nakarating sa Montreal. Nang nasa tapat na kami ng bahay ay agad akong bumaba at tumakbo papasok sa loob.
Mama, I'm back!
Natigil lang ako sa pagtakbo nang makita ko sa sala ang ngiting ngiti na si Celine.
"Celine!" Agad niya kong sinalubong ng yakap.
3 days ago nauna siyang umuwi dito sa Pilipinas. Sabay sana kami kaya lang ay may ipinakausap pa sa'kin ang boss namin kaya naiwan ako.
"Halika na!" Hinatak niya ako papunta sa kwarto ko.
"Teka lang naman. Nagmamadali?"
"Oo!" Pagkapasok namin ay agad niya akong pinaupo sa kama.
Hinaplos ko ang kama ko. Sobrang namiss ko dito sa bahay.
Nag-eemote pa ko nang ibato sakin ni Celine ang kulay pink na robe.
"Anong meron?" tanong ko.
"Just wear it. Malelate na tayo sa event ng Queenz." Hinatak niya pa ako patayo.
"Hindi muna ako pupunta sa event. Kakauwi ko lang. May jet lag pa 'ko, hindi ba pwedeng pahinga muna?" pagpoprotesta ko.
"Hindi! Kasi ikaw ang main guest. Hala, sige bihis na!" Pinagtutulak niya pa 'ko papasok sa c.r. ng kwarto ko kaya wala na akong nagawa.
Halos 30 minutes akong inayusan ni Celine pagkatapos ay pinasuot niya ako ng puting off shoulder dress.
"Sa tuwing inaayusan kita, Vera, napaproud talaga ako sa sarili ko. Ang galing ko talaga!" Pumapalakpak pa siya.
"Sadyang maganda lang ako, Celine," sabi ko sabay halakhak.
"Kelan ka pa natutong magbuhat ng sariling bangko, Vera? Malamang namana mo 'yan kay Sage." Nagtawanan naman kami dahil sa sinabi niya.
Sa baba ng hagdan ay nag-aabang si Sage na nakasuot din ng kulay puting tux.
Sobrang gwapo talaga ng mapapang-asawa ko.
He's smiling at me.
Pakiramdam ko ay isa akong Disney Princess na hinihintay ng Prince Charming ko.