Pagkababa ko ay agad akong hinila ni Sage tsaka hinalikan sa noo.
"Madalas ko man na sinasabi sayo 'to but still, I want it to repeat over and over again. You're so beautiful, Vera."
Napangiti naman ako.
"At sobrang pogi mo naman, mister!" sabi ko sabay ngiti.
"I know." Kumindat pa siya sa'kin.
Natatawa naman akong umiling-iling. Nauna na umalis si Celine. Pinigilan ko pa siya pero ayaw magpapigil.
Inalalayan ako ni Sage hanggang sa makarating kami sa kulay puting Benz na nakaparada sa tapat ng bahay.
"New car?"
Tumango lang si Sage.
Hindi ko alam kung saan eksato kami pupunta dahil tinatahak namin ngayon ang palabas ng Montreal.
"Level up na ang Queenz, ah? Hindi na sa loob ng Montreal ginaganap ang mga events nila."
Seryoso sa pagdadrive si Sage. Kaya ang ginawa ko ay nilibang na lang ang sarili sa pagtingin sa mga tanawin sa labas.
Halos puro puno na ang nakikita ko.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Curious na curious na 'ko kung saan ba talaga ginanap ang event ng Queenz.
"Can you please wait until we arrived there?"
"Ang sungit, ah!" Inirapan ko pa si Sage tsaka bumaling na lang uli sa labas.
Gwapo na e, tapos mayaman pa kaso dinaig pa 'ko sa mood swings. Ewan ko sa'yo, Wainwright!
Nang sa wakas ay makita ko na ang arko na may nakalagay na Welcome To Monte Vista ay nabuhayan ako ng loob dahil kahit papano ay maiibsan na ang pagkabagot ko dahil hindi na puro puno ang makikita ko.
Napagtanto ko na sa Monte Vista nga ginanap ang event ng Queenz nang kumanan si Sage papasok sa Sentro ng Monte Vista.
Hindi rin nagtagal ay tumigil na kami sa loob ng isang mukhang mamahaling hotel.
"May ganito pala kagandang hotel dito?" Bumaba na si Sage at pinagbuksan ako ng pinto.
Ibinigay niya sa Valet ng hotel ang susi ng kotse niya.
"Grabe! Sobrang pang-bigtime-" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang pag-angat ko ng tingin sa hotel ay nabasa ko ang pangalan nito.
The Wainwright Hotel
"Seryoso, Sage? Bakit ko nakalimutan na may branch nga pala kayo dito."
Nagkibit balikat lang si Sage.
"I know you're very tired and you still have jet lag, but I just want you to enjoy the party, okay?" Ngumiti si Sage pagkatapos ay may ikinabit na blindfold sakin.
"Anong trip 'to, Sage?"
Sinaway ako ni Sage nang ambang tatanggalin ko ang blindfold.
"Napag-utusan lang."
Narinig ko pa ang sexy na tawa niya.
At dahil sa nakablind fold ako at isama mo pa na nakaheels ako ramdam ko na todo alalay sa'kin si Sage.
Napatili naman ako nang buhatin niya ako.
"Sage, nakakahiya ibaba mo 'ko!" pagpoprotesta ko pa.
"I don't care about them, it's my hotel."
Hindi rin nagtagal ay ibinaba ako ni Sage.
"Sage, pwede na bang tangga-"
Bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay natanggal na ni Sage ang blindfold ko.
Nakatayo ako sa harap ng isang malaking pinto na bukas na bukas.
Nakahilera sa harap ko sina Ate Kim, Andrea, Kyril, Celine, Bri at Jade pagkatapos ay may binuklat na banner.
Lumipad ang kamay ko sa bibig ko.
Best Wishes, Vera and Sage!
"I thought event 'to ng Queenz?" tanong ko kay Sage.
Nagkibit-balikat lang siya kaya sinapak ko siya.
"Surprise!" sabi niya sabay ngisi.
Napailing naman ako.
It's my engagement party pero wala akong kaalam alam.
"I love you, love." Inilahad naman ni Sage ang kamay niya sa'kin.
"I didn't see it coming, Sage. Ang galing niyo talaga kapag nagfull force kayo." Natawa pa 'ko tsaka inilagay ang kamay ko sa kamay ni Sage.
May pang King and Queen na upuan sa gitna at doon kami pinaupong dalawa ni Sage.
"Your highness." Nagbow pa sa'kin si Shin. Natawa naman ako habang si Sage ay sinamaan siya ng tingin.
"Ladies and Gentlemen, welcome to the engagement party of soon to be, Mr. And Mrs. Wainwright!" masayang panimula ni Kyril.
Napangiti naman ako. Nakita ko pa sa mga guest sina Lora at iyong iba pang dati kong kasamahan sa Swiftea.
Maging ang mga nakatrabaho ko sa Queenz ay nandito rin kasama si Madam V. Kinawayan ko naman siya.
"Don't you dare mess with, Vera, guys! Magiging kanya lang naman itong hotel na tinatapakan natin."
Nanlaki ang mga mata ko "Shut up, Kyril!"
Nagtawanan naman ang mga bisita. Maging si Sage ay natawa rin.
"Tama si Kyril, Vera. Magiging sa'yo na rin ito not just this one but all the branches."
Sinamaan ko naman ng tingin si Sage.
"What?" tanong niya na may ngisi sa labi.
"Baka sabihin naman nila na ang kayamanan mo lang ang habol ko sa'yo!" singhal ko sa kanya.
"At bakit naman? Subukan lang nila na pagsalitaan ka ng hindi maganda at ako ang makakalaban nila." Kumindat pa siya sa'kin.
"Love birds, pwedeng moment ko muna? Kahit saglit lang?"
Natawa kami dahil kay Kyril.
"So everyone let's-"
Naputol ang sinasabi ni Kyril nang bumukas ang pintuan.
Napatayo naman ako nang makita ko kung sino ang pumasok. Agad ding tumayo si Sage para alalayan ako papunta kina Sazy at Liam.
"Nica!" Agad kong sinalubong ng yakap si Sazy. Pagkatapos ay yumakap din ako kay Liam.
"Sorry, we're late.Ito kasi!" sabi pa ni Sazy tsaka umirap kay Liam.
"Okay lang. Kakasimula pa lang din naman." I smiled.
Mas lalong nadagdagan ang saya ko dahil sa pagdating nilang dalawa.
"Ayoko na nga mag'host, nasisira iyong moment ko. So let's party everyone!"
Napailing na lang ako kay Kyril.
Nagsimula na ang kainan. Sobrang haba ng buffet table na nakahanda.
Naramdaman ko na may yumakap sa likod ko. "Are you happy?"
"Sobra, Sage! The important people of my life are all here and of course ikaw, the very important person for me."
"Sinusubukan mo ba 'kong pakiligin? To tell you honestly, it really works."
Natawa naman ako.
Humarap ako kay Sage. "I love you, my Sage Wainwright."
"I love you even more, my Veranica Angeles Wainwright."
Hahalikan sana ako ni Sage sa labi pero pinigilan ko siya.
"Not here, Sage. Ang dami daming tao."
Ngumisi naman nang nakakaloko si Sage.
"Maraming vacant suites dito. What do you think?"
Nag-init ang pisngi ko and thanks to my blush on dahil hindi mahahalata kung namumula ako.
"Shut up!" Humalakhak lang si Sage pagkatapos ay iniwan na 'ko at pumunta sa mga kaibigan niya.
"Hey!" Nawala ang ngiti ko nang lumingon ako sa tumawag sa'kin.
"Jade."
"Vera, alam ko malaki din ang kasalanan ko sa'yo and I'm sorry for-"
Pinutol ko ang sinasabi niya. "You don't need to say sorry, Jade. I'm not mad at you. In fact, naappreciate ko na sinubukan mong pigilan si Sage mo para sa'kin."
"Talaga? Akala ko galit ka sa'kin."
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Sino ba ang magtutulungan para galitin ang kuya mo? Siyempre tayo," sabi ko sabay halakhak.
"Exactly! My soon to be Ate." Nagtawanan pa kami ni Jade pagkatapos ay nagyakapan kami.
"Namiss kita sobra, Vera!"
"Namiss din kita, Jade."
Dinumog na rin kami nila Ate Kim. Magkahawak kamay pa si Kyril at Sazy.
I knew it. Magkakasundo talaga sila.
Sayawan, kainan at inuman.
Sobrang saya ng engagement party ko.
Tapos na ang party kaya naman nag-uwian na rin ang mga bisita.
Pagod na pagod naman akong umupo sa upuan ko.
Grabe! Sobrang namiss ko ang ganito. Simula kasi noong pumunta ako sa London ay hindi na 'ko nakapagparty ng ganito, iyon tipong nagwawala na sa dance floor.
"Vera, akala mo ba tapos na ang party niyo?" hinihingal na sabi ni Kyril. "Let's move on to my favorite part of the party. And yes, the giving of Pre-wedding gifts."
Nagsigawan naman ang mga bisita.
Kumunot ang noo ko.
At doon ko lang napansin na lahat ng mga malalapit sa akin ay naiwan pa at may hawak na mga gifts.
"Meron bang ganoon?" tanong ko kay Sage.
"It's Kyril's idea."
"Pauso talaga," sabi ko.
"Since hindi pa naman ito iyong gifts namin para sa wedding niyo. Pumili ang bawat isa sa amin kung sino ang reregaluhan sainyo, but magagamit niyo pa rin naman as a couple." Humalakhak pa si Kyril.
Kinabahan naman ako. Kilala ko si Kyril maging sila Bri.
Narinig ko pa ang mura ni Sage nang ngumisi nang nakakaloko si Stephen sa kanya.
"So pumila na po tayo according sa number na nabunot natin. Okay na? Then let's get it on." Agad tumakbo si Kyril sa pila niya.
Una sa pila si Celine.
Humalakhak pa siya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"I have something for you, Vera." Ngumiti siya tsaka iniabot sa'kin ang maliit na box.
"Open it!" sigaw nila Kyril.
Iiling-iling naman ako.
"Seductive Red Lipstick." Basa ko sa nakalagay na box.
"Grabe! Nakakatakot naman ang pagkapula nito."
Humalakhak lang si Celine.
Maging si Sage ay iiling-iling na lang din.
Sumunod naman si Brixel na hindi mawala-wala ang ngisi.
"Man, for you." Humalakhak pa si Brixel nang iabot niya ang regalo niya kay Sage.
"What the f**k?" hindi makapaniwalang sabi ni Sage tsaka niya itinaas ang posas na may bala-balahibo pang design sa gilid.
"Ang lakas makafifty shades of grey naman niyan!" sigaw ni Briana.
Nagtawanan naman pa sila.
"Alam kong gusto mo 'yan, Sage," sabi ni Brixel sabay halakhak tsaka tinapik sa balikat si Sage.
"Gago!" singhal pa ni Sage.
Natawa naman kaming lahat.
Kinabahan ako nang si Andrea na ang nasa harap namin ni Sage.
"It's all for you, Sage." Nagulat ako nang kay Sage niya iabot ang box na dala-dala niya.
Maging si Sage ay halata rin na nagulat.
Humalakhak si Sage pagkatapos ay ipinakita ang napakadaming mga condoms.
"Seriously, Andrea?" sabi ni Sage.
"Oh! My God, Andrea!" sabi ni Ate Kim sabay halakhak.
"It's better safe than regret anything. Matagal pa kayo ikakasal but in case na you want to do it na, may protection kayo." Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Andrea.
Pero mas nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Sage.
"Hindi ko na kailangan gumamit niyan. Ano naman kung mabuntis ko si Vera? Ako naman talaga ang magiging ama ng magiging anak niya. Napaaga lang." Kumindat pa sa'kin ang nakangising si Sage kaya sinapak ko siya.
"Hi, Vera! You look so beautiful!" Kumindat pa sa'kin si Bri tsaka inabot ang gift niya.
"Oh, My Goodness!" sambit ko nang makita ang dalawang red lace undies.
"Patingin naman, Vera!" sigaw pa ni Jade.
Iiling-iling naman akong itinaas ang dalawang lace undies at nakabibinging sigawan ang bumalot sa function room.
"Why are you smiling? You p*****t!" pabulong na sabi ko kay Sage pero tinawanan niya lang ako.
"Bro!" Nakangisi nang nakakaloko si Zander.
"I don't need that!"
Nagulat ako nang ibato ni Sage ang regalo ni Zander. Humalakhak naman si Zander.
Pinulot ni Shin ang ibinato ni Sage. "Titan Gel?"
Nagtawanan sila. Napailing na lang ako. Mga baliw talaga.
Kung anu-ano pang mga gifts ang natanggap namin.
Si Sazy perfume ang binigay sa'kin, si Ate Kim naman ay red robe ang binigay sa akin habang si Jade ay binigyan ako ng napakanipis na pulang nighties dress.
Si Sage naman ay nagpaulan ng mura dahil sa mga natanggap niya.
Bigyan ba naman siya ni Stephen ng capsule na pampagana daw sa s*x. Siraulo talaga! Habang si Shin naman ay binigyan siya ng brief na parang t-back ang style kaya tawa kami nang tawa.
Si Liam naman ay binigyan siya ng oil na pinapahid sa katawan para daw maglaway ako kaya binato ko siya ng stilettos ko.
"Last but not the least," sabi ni Kyril sabay halakhak.
"Umayos ka, Kyril!" saway ko sa kanya.
Ngumisi lang siya sa'kin tsaka inabot ang regalo niya.
"Hope you like it, Sage."
Lalo ko siyang sinamaan ng tingin.
"Kyril!" sigaw ko nang makita ang binigay niya.
"What?" Tumawa siya lalo.
"Ano ba 'yan? Patingin naman" sigaw naman ni Sazy.
"No way!" nahihiyang sabi ko.
"Akin na nga." Hinablot ni Kyril ang paper bag pagkatapos ay ibinandera niya ang regalo niyang itim na sexy lace lingerie b*a and lace T-back.
Pakiramdam ko ay namumula ako sa hiya.
"Oh! Nice gift, Kyril," sabi ni Sage kaya inulan kami ng panunukso mula sa mga matitino naming kaibigan.
"You look 10x hotter with that lingerie," bulong pa ni Sage sakin.
"Manyak!" Pinagsasapok ko naman siya kaya lalo kaming inulan ng mga panunukso.
"Let's get married, Vera. So excited to see you wearing that thing," seryosong sabi ni Sage.
Nag-iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay nagtaasan ang mga balahibo ko.
"Goosebumps, huh?" panunukso pa ni Sage.
"Shut up, Wainwright!" Inirapan ko siya at mahina naman siyang humalakhak.
Damn you, Wainwright!