CHANCES 34

2056 Words
Tanghali na 'ko nagising kinabukasan dahil nagkaroon pa ng inuman dito sa bahay pagkagaling namin sa Monte Vista. Pinipilit pa nga ni Sage na doon na lang kami sa hotel nila matulog pero hindi ako pumayag dahil sobrang namimiss ko na ang kama ko. "Hey!" bati sa'kin ni Sazy pagbaba ko. Nasa sala sila ni Kyril at nagkukwentuhan. "How's your sleep in our humble home, Sazy?" tanong ko. "Very fine." Tumango naman ako tsaka pumunta sa kitchen. Nadatnan ko naman si Ate Kim na nagluluto habang nakaupo naman sila Bri at Andrea na seryosong nag-uusap. "Hi, girls!" bati ko. Agad kong binuksan ang fridge at kumuha ng fresh milk. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Vera," sabi ni ate Kim. "Hindi naman basta-basta mababago ang nakasanayan, Ate." Sumalampak ako sa tabi ni Andrea. "Mukhang seryoso kayo, ah?" Nagkatinginan pa ang dalawa tsaka bumaling sa'kin. "Hindi naman," sabi ni Andrea tsaka nag-iwas ng tingin. "Grabe! Porket ba tatlong taon akong nawala hindi na ako kasali sa mga secrets niyo?" Ngumuso ako. Nagkatinginan naman kami ni Ate Kim at napailing lang siya. "Grabe! Nagtatampo agad?" Hindi ko naman pinansin si Briana. Tumayo ako tsaka lumapit kay Ate Kim. "Namiss ko luto mo, Ate." Tinawag pa 'ko ni Andrea pero hindi ko sila pinansin. "Fine, Vera! It's about your friend." Lumingon ako kay Andrea. "Sazy?" tanong ko. "We're not cool," mahinang sabi ni Andrea. "I mean siya kasi." dagdag niya pa. "Nahihiya lang 'yan, Andrea, kasi bago niya pa lang naman kayong nakikilala. Mabait 'yan si Sazy," pagtatanggol ko pa. "Pero nakikipag-usap naman siya sa'kin," sabi pa ni Bri. "Sa'kin din," pagsingit naman ni Ate Kim. "And It's obvious okay sa kanya si Kyril." Ngumuso pa si Bri sa sala kung nasaan ang dalawa. "And I'm the only exception." Tumabi uli ako kay Andrea dahil baka mamaya marinig ni Sazy na siya ang pinag-uusapan namin at maoffend pa siya. "Try to talk to her baka naiilang lang siya sa'yo." "Ilang? Hindi ako nakakailang na tao, Vera and alam kong alam mo kung gaano ako kafriendly," sabi ni Andrea sabay nguso. Totoo, lahat sila dito ay friendly and si Andrea? Siya iyong pinakafriendly sa amin, madami kaming nakikilala dahil sa kanya. "Diba magpinsan sila ni Dark?" tanong ni Andrea. Tumango naman ako. "Pero hindi sila magpinsan ni Stephen?" tanong niya ulit. Inabutan ako ni Ate Kim ng loaf bread. "Yup. Magpinsan sila in mother side," sagotko. Pansin ko na parang nagiging uneasy si Andrea. "May problema ba?" tanong ko. "Iyon nga rin ang tanong ko kanina pa, Vera, pero ayaw naman niya magsalita," inis sabi ni Bri. "Spill the tea, Andrea," pagpipilit ko sa kanya. "Malalaman din naman nila and you don't have to feel guilty, it's not your fault anyway." Napaangat ang tingin namin kay Ate Kim na nakapamewang sa harap namin. Ibinalik ko ang tingin ko kay Andrea at halatang nagulat siya sa sinabi ni Ate Kim. "Ano ba kasi 'yon? Sobrang curios na ako!" Sinaway naman ni Andrea si Bri dahil lumalakas na ang boses nito. "Paano mo nalaman, Ate?" tanong ni Andrea. "Narinig ko silang nag-uusap." Tumalikod na si Ate Kim at pinagpatuloy ang pagluluto niya. Pareho kaming nakatunganga ni Bri kay Andrea at naghihintay sa sasabihin niya. Bumuntong hininga si Andrea. "Fine! Kagabi nagpaalam akong magrest room tapos malapit na 'ko sa restroom nang may narinig ako na nag-aaway hanggang sa nabosesan ko sila. Si Sazy and Stephen." Lumungkot ang mga mata ni Andrea. "They were fighting over their past," dagdag pa niya. "Past what?" naguguluhang tanong ni Bri. Habang sa isip ko ay unti-unti ko nang nabubuo ang ikinukwento ni Andrea. "Naging sila. It was a long distance relationship-" Pinutol ni Bri ang sinasabi ni Andrea. "What?" bulalas ni Bri. "What a small world," dagdag niya pa. "And I'm the reason behind their break up." Nakita ko na nagiguilty talaga si Andrea. "Pero hindi mo naman alam na may girlfriend si Stephen. So obviously it was Stephen's fault." Tumango-tango naman ako sa sinabi ni Bri. "Hindi mo talaga alam, Vera?" tanong sa'kin ni Andrea. Umiling naman ako. "Hindi talaga. Pero alam kong may ex siya dito sa Pilipinas na mahal na mahal daw niya pero he cheated on her. Hindi ko alam na si Stephen pala. We have our rule kasi na hindi namin sasabihin sa isa't isa 'yong pangalan ng exes namin para maiwasan iyong pagbanggit sa pangalan nila." "Don't worry, Andrea, maaayos 'din yan. Kilala ko si Sazy at mas lalong kilala kita." Nginitian ko pa si Andrea para mapagaan ang loob niya. "Napakababaero talaga ni Stephen Montreal!" Umiling-iling pa si Briana. Nagulat naman ako nang may humalik sa pisngi ko pagkatapos ay nagtilian silang tatlo. "Sage?" Kumunot naman ang noo niya. "May iba ka pa bang ineexpect?" Natawa naman ako. "Siyempre wala!" Lalo akong natawa nang umirap siya. Kasunod niyang nagsipasukan sina Brixel, Shin at Stephen. Hindi pa man nakakalapit si Stephen kay Andrea ay tumayo na siya at umalis. Nagkatinginan kami nina Briana. "Anong problema, non?" clueless na tanong ni Stephen. "Ask your self!" Padabog din na umalis si Bri. Tumingin pa sa'kin si Stephen pero nagkibit balikat lang ako at ganoon din si Ate Kim. Umupo si Sage at nagulat ako sa paghila niya sa'kin kaya napaupo ako sa hita niya. Mahigpit niya pa akong niyakap para hindi ako makaalis. "Kasalan na," pang-aasar pa ni Ate Kim. Lalo kaming inulan ng panunukso nang magsipagpuntahan rin sa kusina sina Kyril. "Kasalan muna," sabi ni Zander sabay ngisi. "Shut up! Doon na nga kayo. Mga istorbo." Hindi nagpatinag si Sage at isinubsob pa ang mukha niya sa likod ko. At ako naman ay hiyang hiya na dahil wala silang tigil sa kakaasar pero itong si Sage ay walang pakialam. Binitawan lang ako ni Sage nang kakain na kami. Huling dumating si Andrea na halatang galing sa pagkakaiyak at imbis na sa tabi ni Stephen siya umupo ay nakipagpalit siya kay Briana. Agad kong tinignan si Sazy na nakatingin rin kay Andrea. "Kainan na!" pagputol ni Ate Kim sa katahimikan. "Bro, basket ball tayo mamaya," yaya ni Zander kay Sage. Umiling si Sage. "No time for that." "Sige na, bro, minsan na lang tayo mabuo," sabi pa ni Brixel. "Kaya nga, Sage!" dagdag pa ni Liam. "Mas gusto kong magstay dito at makasama si Vera," matigas na sabi niya. "Sumama ka na, Sage. Gusto rin naman namin masolo si Vera," sabi naman ni Kyril. "Oo nga! Sobrang namiss namin siya," sabi pa ni Ate Kim. Hindi nila tinantanan si Sage hanggang sa pumayag ito. "Fine! Just one game tapos balik na tayo dito," napipilitang sabi ni Sage. Kaya ganoon nga ang nangyari, pagkatapos kumain ay umalis na ang boys habang kami namang girls ay nagtipon-tipon dito sa sala. "Malamang sa mga oras na ito pinaplano na nila ang bachelors party nila. Magpapatalo ba tayo?" panimula ni Kyril. "Anong bachelors party?" tanong ko at kumunot ang noo. "May magaganap na bachelors party mamayang gabi kasi nga diba ikakasal na kayo pero siyempre magkakaroon naman tayo ng bridal shower." Nagtititili naman sila. "Hoy, hindi pa! Matagal pa kami ikakasal!" Tumayo ako at pinagkrus ang mga braso ko. "So anong gusto mo, Vera? Dito lang tayo habang sila nagsasaya sa bachelors party nila?" Nakataas ang isang kilay ni Bri. "Kaya whether you like or not magkakaroon din tayo ng bridal shower dahil hindi tayo magpapatalo sa kanila," sabi ni Kyril sabay ngisi. "Fine! Kelan ba?" Nagtitili ulit sila. Wala naman akong choice kung hindi pumayag dahil wala naman akong laban kapag nagsama-sama na sila. "Mamaya!" masayang sabi ni Ate Kim. "What? E, akala ko ba magpaplano pa lang tayo?" tanong ko. "Handa na ang lahat, Vera. Gusto lang namin malaman mo." "Mga leche! Wala naman pala talaga akong choice kung hindi pumayag, e." Nagtawanan naman silang lahat. Hindi na nga bumalik ang mga boys dahil malamang ay naghanda na rin sila para sa bachelors party nila. Natawa pa nga ako nang tumawag sa'kin si Sage. "Love, sorry pero magkakaroon daw ng bachelors party at promise wala 'kong kaalam alam." Halata ang pagkairita sa boses niya. "It's okay. May bridal shower din daw mamaya, e." "What? Wag kang pupunta, Veranica!" Inilayo ko naman ang phone sa tenga ko dahil sa pagtaas ng boses ni Sage. "Tulad mo ay no choice din ako, Sage." "Malamang may mga lalaki doon, Vera. Kilala ko ang kaibigan mo lalo na si Kyril. Hindi 'yan papayag na hindi makakaganti!" Natawa naman ako. "So sinasabi mo na may mga babae kayo mamaya?" "f**k! What do you expect from a bachelors party?" "Then what do you expect from a bridal shower?" Bago pa agawin ni Bri ang phone ko ay narinig ko pa ang malulutong na mura ni Sage. At dahil sa club nila Bri gaganapin ang bachelors party nila ay kailangan pa naming magrent ng VIP room sa isang club dito sa Sentro ng Montreal. Pinagtulungan pa 'kong bihisan nila para maisuot sakin ang kulay puting nighties dress at nilagyan pa ako ng maikling belo sa ulo ko. "Perfect!" Pumapalakpak pa si Andrea. "Mapapatay ako ni Sage sa pinaggagagawa niyo!" "Hindi 'yan." Kumindat pa sa'kin si Kyril. "At ikaw mapapatay ka rin ni Alezander!" Humalakhak lang si Kyril. "Kung malalaman niya." Ako, Si Briana, Ate Kim, Andrea, Kyril, Sazy, Jade, Celine at Alexa, iyong handler ni Kyril sa Queenz ang nandito. At lahat sila ay nakakulay itim na nighties dress. "Kinakabahan ako kapag nalaman ito ni Kuya pero naeexcite din akong malaman niya." Humalakhak pa si Jade habang ako ay pinagpapawisan na ng malamig dito dahil talagang lagot ako kay Sage. "The party will start in three two one!" Pagkatapos magsalita ni Kyril ay umulan ng mga bula pagkatapos ay mula sa isang malaking cabinet ay lumabas ang tatlong mga lalaki na may suot na masks at nakaboxer brief lang at may ribbon sa leeg. Nagtitilian naman sila Kyril. Habang ako ay kinakabahan dahil sa alam ko na ang mangyayari. Mamaya lang ay lalapit ang mga ito sa'kin. "Stop it!" sigaw ko sabay tawa dahil nakakatawa sumayaw iyong nasa gitna. "More!" sigaw ni Kyril nang lumapit sa kanya iyong isa. Si Ate Kim naman ay parang kinikiliti nang lumapit sa kanya iyong isa. May lumabas pa na dalawang lalaki. "Oh, My God!" Napasinghap pa si Andrea nang papunta sa kanya ang isa. Lalong dumami ang mga bula pagkatapos ay sa isang iglap ay bigla na lang nilang pinaglalagyan ng blindfold ang mga mata namin. "This is something exciting!" sigaw pa ni Briana. Halos mapatalon ako nang may humawak sa braso ko pagkatapos ay idinala ang kamay ko sa abs niya. Hindi ko naiwasang hindi mapatili dahil sa gulat. Palakas na rin ng palakas ang tili nila Ate Kim. Itinayo ako nitong lalaking nasa harap ko pagkatapos ay idinikit ang katawan niya sa katawan ko. "Stop!" Tawang-tawa ako. "Don't stop, Man!" Tili naman ni Andrea. Napaangat ang ulo ko nang haplusin niya ang leeg ko. Pagkatapos ay itinulak niya ako sa sofa. "Aray!" daing ko. "Take off our blindfolds!" pagmamaktol naman ni Kyril. "May kiliti ako jan!" Rinig ko pang tili ni Celine. Nagtawanan naman kami. Pahina nang pahina ang tugtog hanggang sa mamatay na ito at naramdaman ko rin na tumigil na iyong lalaking sinasayawan ako. "Nakakabitin naman!" reklamo naman ni Jade. "Sayang naman iyong bayad namin! We want more!" sigaw pa ni Kyril. Lumakas ulit ang tugtog kaya nagtilian ulit sila pero bigla ring nawala at sa isang iglap ay tinanggal na ang blindfold ko at bumungad sa harap ko si Sage na nanlilisik ang mga mata. Halos mapatalon ako nang binato niya ako ng robe. Laglag ang panga ko at panigurado lahat kami ay laglag din ang mga panga dahil nasa harap namin ang mga boys kasama ang tatlong lalaking di ko kilala. Sila pala iyong mga lalaking nagsesexy dance sa amin. Bakit hindi ko nakilala? "Nag-enjoy ba kayo sa bridal shower niyo?" galit na tanong ni Brixel. Nag-iwas ng tingin si Ate Kim. "Paanong kayo ang naging mga dancer?" tanong ni Kyril. "Shut up, Kyril!" Hinatak ni Zander si Kyril at sa isang iglap ay kami na lang ni Sage ang naiwan dito. "Sage.." Nanunuyo ang lalamunan ko. Tiim bagang siyang nakatingin sa'kin. "Ayusin mo ang itsura mo. I'm at the parking lot!" Pagkatapos ay padabog siyang umalis. Napasabunot naman ako sa buhok ko. Good luck na lang sa'kin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD