Nanginginig ako habang palapit nang palapit sa kotse ni Sage.
Ilang beses pa akong huminga nang malalim tsaka nagkaroon ng lakas ng loob na pumasok sa loob.
Pagkapasok ko ay agad hinampas ni Sage ang manibela ng sasakyan niya.
"What the hell was that?" Galit na galit si Sage.
"Wala akong alam, Sage. I'm sorry!" Nakayuko lang ako.
Hinampas pa ulit ni Sage ang manibela pagkatapos ay pinaharurot ang sasakyan niya.
Nang makarating kami sa bahay ay agad na naabutan ko ang mga girls na nakaupo sa sofa habang nakayuko. Wala rito sina Celine, Alexa. Sazy at Liam.
Umupo naman ako sa tabi ni Jade.
"Sinong may pakana nito?" madiin na tanong ni Brixel.
"Ikaw ba, Kyril?"
Nagulat ako sa sigaw ni Alezander.
"B-bakit ako?" nauutal na sabi ni Kyril. "Oo, ako ang nakaisip ng bridal shower pero 'yong sa mga dancer hindi ako."
"Then sino?" matigas na tanong ni Sage tsaka hinilot ang sintido niya.
"Ako!"
Napalingon kaming lahat kay Jade.
"Ang O.A. niyo naman! Katuwaan lang iyon."
Sinamaan siya ng tingin ng mga boys.
"In my car, Jade, iuuwi na kita. Hindi pa tayo tapos, Vera!" Nang hindi tumayo si Jade ay hinila siya ni Sage.
"Sage, dahan-dahan!" saway ko. Pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Tama si Jade katuwaan lang naman iyon."
Nagkalakas ng loob si Ate Kim magsalita.
"So sa tingin niyo nakakatuwa iyon?" tanong ni Brixel.
"Oo! At bakit kayo rin naman may mga babae rin naman dapat kayo, diba? Kasali nga din si Mia diba, Stephen, iyong ex fling mo? Kaya wag kayong magmalinis jan!" sabi ni Andrea tsaka umakyat sa taas.
"Andrea!" sigaw pa ni Stephen.
"At nakuha mo ring imbitahin si Aliya. Akala niyo ba hindi namin malalaman na iyong mga ex flings niyo iyong mga ininvite niyo?" singhal naman ni Kyril kay Zander pagkatapos ay umakyat din.
"Wow! So kami pa ang may kasalanan dito," sabi pa ni Zander.
Tumayo naman si Ate Kim tsaka umiling-iling kay Brixel bago umakyat sumunod naman si Bri sa kanya.
"Kiana Michaela!" tawag pa ni Brixel kay Ate Kim.
"So sino dapat ang kay Sage?" Pinagkrus ko pa ang braso ko sa harap nilang apat.
"Si.. Gaby." Nag-iwas ng tingin si Brixel.
"Don't take it seriously, Vera. Katuwaan lang," sabi naman ni Stephen.
"So sa tingin niyo nakakatuwa rin iyon?" mataray na sabi ko tsaka umakyat sa taas.
Papasok sana ako sa kwarto ko nang sitsitan ako ni Bri na nakasilip sa pinto ng kwarto ni Andrea.
Agad akong pumasok.
"Ang intense!" Humalakhak pa si Kyril.
"Nakita niyo ba iyong mga mukha nila? Hindi maipinta!" Humalakhak din si Ate Kim.
"Ano 'to?" tanong ko.
"Alam na namin na sila iyong mga dancer kanina. Sinadya namin iyon dahil nang malaman namin na ganoon ang plano nila sa bachelors party ay pinigilan namin sila pero ayaw magpapigil," pagpapaliwanag ni Andrea.
"Kaya we teach them some lessons." Humagikhik pa si Kyril. "I texted Zander using a different number. I gave him the info about the location and of course iyong mga dancer na nakuha ni Jade and boom they fell under our trapped."
Natawa naman ako.
"Bakit hindi niyo sinabi sa'kin?"
"Mabubuking tayo hindi ka best actress."
Nagtawanan sila. Napanguso naman ako.
"Paano niyo naman nalaman ang plano nila?" Kunot noong tanong ko.
"Saan pa ba? Edi doon mismo sa mga babae. May pagpost pa sa social media. Akala mo naman nanalo sa lotto." Umirap pa si Andrea.
"Pagkatapos ay naconfirm ni Bri dahil tinignan niya iyong guest list ng club nila kung sino lang ang pwedeng pumasok at nandoon nga ang pangalan nung mga haliparot!" inis na sabi ni Kyril.
"Including Gabriela?" Tumango-tango naman si Bri.
"Mga bwiset!" inis na sabi ko.
"Pero walang kaalam alam si Sage, Vera," sabi pa ni Ate Kim.
"'Cause it's a surprise bachelors party for him," dagdag naman ni Kyril.
Tumango naman ako.
Pagkapasok ko kagabi sa kwarto ko ay nakatulog agad ako. Hindi na rin ako nakapagpalit ng damit.
Saktong paglabas ko sa kwarto ko ay paglabas din nina Kyril, Andrea, at Bri sa kwarto ni Andrea.
"Nagsiksikan talaga kayo jan?" sabi ko.
"Oo. Tinulugan mo kami dapat kasama ka, e." Ngumuso naman si Bri.
Tinawanan ko lang siya. "Si Ate Kim?"
"Nagluluto na 'yon for sure," sagot ni Kyril.
Sabay-sabay na kaming bumaba at nadatnan namin ang mga boys sa sala at ang aamo ng mukha. Maging si Sage ay mukhang anghel na nagkatawang tao.
"O? Bakit mukhang bumaliktad ang mundo? Akala ko ba boys ang galit?" sabi ni Jade sabay halakhak.
"Alam niya lahat. Nang-aasar lang 'yan," bulong ni Andrea sa'kin bago pumunta sa kusina.
Sumunod naman ako sa kanya.
"Thumbs up, girls!" Humalakhak pa ang kapapasok lang sa kusina na si Jade.
"Wag kang maingay!" saway ni Kyril sa kanya.
Napailing na lang ako.
"Vera!"
Napalingon ako kay Sage na nasa b****a ng pinto.
"I'm still mad about what happened last night, pero about doon sa issue na nainvite si Gaby sa party wala akong alam doon."
"Sige magpaliwanag ka." Dumila pa si Jade sa kuya niya bago lumabas ng kusina. Sinamaan lang siya ng tingin ni Sage.
Sumunod na din kay Jade sila Kyril. Naiwan naman kami ni Sage dito.
"Paano kung natuloy iyong party niyo at nakita mo siya doon. Anong gagawin mo?" matapang na tanong ko.
"I will definitely leave and will look for you kahit saang impyerno ka man naroroon." Matigas na sabi niya.
"Really, huh?"
Napamura naman si Sage.
"Believe me, love."
I just nodded.
Tumalim naman ang tingin niya.
"What?" tanong ko.
"Hindi ko kayang makitang ganoon ang reaction mo kapag may lalaking nagseseduce sa'yo!"
"So are you trying to seduce me last night?" tanong ko.
Nag-iwas naman siya ng tingin.
"Of course not! I'm in character last night," pagdedepensa niya.
"Sus. You're trying to seduce me, e!" panunukso ko pa sa kanya.
Tumayo ako para ilagay sa sink 'yong baso na pinag-inuman ko ng gatas.
Bumilis ang t***k ng puso ko nang isandal ako ni Sage sa may sink at ikulong sa magkabilang braso niya.
Seryoso siyang tumingin sa'kin.
"Naseduce ka ba?" Kinagat niya pa ang lower lip niya.
Nag-iwas ako ng tingin pero hinawakan niya ang baba ko para iharap uli sa kanya.
"Ano, Veranica Angeles? Were you seduced last night?"
"s**t!" Singhal ko nang haplusin niya ang braso ko. "Of course, I'm not!" Itinulak ko siya ng buong lakas ko kahit na nanghihina na ang mga tuhod ko.
"Dapat lang! Kasi hindi mo naman alam sa mga oras na iyon na ako 'yong lalaki sa harapan mo. Be ready may pupuntahan tayo."
Pagkaalis ni Sage ay agad kong ikinalma ang sarili ko. Pumikit ako pero naalala ko nanaman iyong pinahawak niya sa'kin ang abs niya kagabi.
Pakiramdam ko ay nagtaasan ang mga balahibo ko.
Napasabunot pa 'ko sa buhok ko at nang idilat ko ang mga mata ko ay halos mawalan ako ng dugo sa mukha ko.
Nakakrus ang mga braso ni Sage at derechong nakatingin sa akin.
"Easy, love!" Pagkatapos ay humalakhak pa siya.
"Shut up!" nahihiyang sabi ko tsaka nagmadaling umakyat sa kwarto ko.
Bwiset ka talaga, Sage!
Ilang beses pa 'kong kinatok ni Sage pero hindi ko siya pinansin. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako dahil sa nangyari kanina.
Ano kayang itsura ko habang naaalala iyong nangyari kagabi? Nakakahiya!
Nakahiga lang ako at nakatulala sa kisame.
Wala pa 'kong lakas ng loob bumaba.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala 'ko kaya nang magising ako at makitang alas kwatro na ng hapon ay bumangon na ako at naligo.
Isang simpleng puting hanging blouse at denim short lang ang suot ko.
Naabutan ko naman na nanunuod ng action movie ang mga boys.
"Ang tagal mo!" inis na sabi ni Sage tsaka tumayo sa inuupuan niya. "Halika na." Magkasalubong ang mga kilay niya.
Hindi ako natinag sa kinatatayuan ko kaya naman hinila niya 'ko.
"Sage, magpapalit muna ako ng damit!" pagpoprotesta ko.
"Okay na 'yan." Wala na 'kong nagawa nang buhatin niya ako at isakay sa kotse niya.
"Sabi ko naman sayo may pupuntahan tayo," sabi niya tsaka nagdrive.
"Saan tayo pupunta?"
"Basta." Ngumiti lang si Sage pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa manibela.
Dumaan muna kami sa isang convenient store para bumili ng mga snacks. Nagdrive thru din kami sa isang fast food dahil hindi pa kami pareho kumakain ng tanghalian at kumakalam na ang sikmura ko.
Saktong papalubog ang araw nang makarating kami sa Paraiso, dulo ng Montreal na kung saan ay kitang-kita ang ganda ng buong bayan ng Montreal dahil sa overlooking sight.
Naglatag si Sage ng tela na siyang uupuan namin.
Habang kumakain kami ay pinagmamasdan namin ang papalubog na araw.
"Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magkasama na tayo ulit, Vera. It's like a dream come true." Hinila niya pa 'ko papalapit sa kanya at hinalikan sa noo. "I love you and I'm willing to take any risk just to be with you." Napangiti naman ako.
"And I love you too, Sage, that I can risk again my heart just to be with you again."
Umihip ang malakas na hangin pero hindi ko naramdaman ang lamig dahil sa higpit ng yakap ni Sage.
"Pakasal na tayo," sabi ni Sage sabay ngumuso.
"Nagmamadali ka nanaman," sabi ko sabay ngumisi.
"Hindi naman sa nagmamadali, love. Gusto ko lang na gawin na iyong mga bagay na ginagawa ng mga mag-asawa." Tumingin pa siya sa'kin tsaka ngumisi.
Napalunok naman ako.
Nag-iwas ako ng tingin. "Ang manyak mo talaga!"
Umalingawngaw naman ang halakhak ni Sage.
"Anong manyak sa gusto ko nang gumising araw-araw na ikaw ang una kong nakikita pagkatapos ay ipagluluto mo ako ng umagahan, tanghalian at hapunan?"
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ewan ko sa'yo!" nahihiyang sabi ko.
"Mas manyak ka pa sa ating dalawa."
Inaasar niya ako nang biglang may dumaan na shooting star.
"Magwish tayo, Sage."
Saktong nagwiwish ako ay may dumaan ulit na isa. Napangiti naman ako.
"Anong wish mo?" tanong niya.
"Na sana ikaw na talaga ang para ang para sa'kin. E, ikaw anong wish mo?"
Umiling naman siya. "Wala. I couldn't ask for more. Wish granted na."
"Ikaw lang naman ang wish ko." He intertwined his hand on mine.
Inialis niya ang tingin niya sa'kin tsaka tumingin sa kawalan.
"Hindi mo man lang hiniling na sana tayo na talaga?" tanong ko. "Nakuntento ka na sa kung anong meron tayo ngayon?" dagdag ko pa.
"Hindi ko na kailangan hilingin na sana tayo na talaga ang para sa isa't isa. Believe me, Vera, oras na mawala ka ulit sa'kin, I will get you back again by hook or by crook."
Derecho siyang tumingin sa mga mata ko na siyang nagpabilis ng t***k ng puso ko.
"May mga bagay na hindi na natin kailagan hilingin pa, Vera. Dahil kung sakaling hindi man tayo ang itinadhana para sa isa't-isa trust me, I will make ways para maging tayo pa rin. 'Cause I don't mind taking risks and chasing chances just to be with you, just so you know." Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapangiti sa sinabi ni Sage.
"Akin ka at wala nang magagawa ang kahit sino para baguhin pa 'yon." Sa isang iglap ay nagtama ang mga labi ni Sage.
Ang sarap lang mahalin ng taong mahal na mahal mo. Iyong tipong marinig mo na handa siyang gawin ang lahat para lang hanggang sa dulo ay kayo at kayo pa rin.
Dahil sa pagkatakot kong sumugal sa pag-ibig ay binigyan ako ng Diyos ng taong magpapawala ng takot ko at siguro ay tama si Sage, na may mga bagay na hindi na hinihiling pa.
And I guess I should not asked for more too. Dapat siguro ay ako rin ang gumawa ng paraan para maging kami hanggang dulo.
I promise that no matter what happens, I will never leave this man.
I will fight for us. Because for the person you love, it always worth fighting for.