It's December 23 at ngayon namin gaganapin ang Christmas Party namin kaya busy ang lahat sa paghahanda ngayon. Bukas kasi ay uuwi si Andrea at Ate Kim sa kanila para doon icelebrate ang pasko kasama ang mga pamilya nila. Uuwi naman galing U.S. ang parents nila Briana at Brixel at sa Manila nila idadaos ang pasko. Busy ako sa pagdedecorate nang punasan ni Sage ang pawis ko. Napangiti naman ako. "Napakasweet naman." "Magpahinga ka muna, Vera, mukhang pagod ka na." Patuloy pa rin siya sa pagpupunas sa pawis ko. "Okay lang ako." Tumango naman siya pagkatapos ay bumalik na siya sa ginagawa niya. "Sobrang saya ko talaga para sainyo ni Sage. Biruin mo, after all the pains heto kayong dalawa magkasama and going strong," sabi ni Ate Kim sabay ngiti. Ngumiti ako sa kanya pabalik. "G

