Aalis na ako nang bigla akong yakapin ni Sage mula sa likuran ko. "Vera, don't leave me please!" Humahagulhol si Sage. "Handa akong gawin ang lahat wag mo lang akong iwan!" Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang paghikbi ko. "Vera, you promised me that you will never leave me no matter what happens. Vera, manindigan ka naman!" Pilit kong inaalis ang yakap ni Sage pero mas lalo niyang hinihigpitan ang pagkakayakap sa akin. "Vera, manindigan ka! Wag mo kong iwan. Parang awa mo na!" Tinakpan ko ang bibig ko ng kamay ko. Kailangan ko na umalis dito. Kailangan ko na iwan si Sage. Dahil piliin ko man na manatili ay hindi ko alam kung paano magiging masaya gayong lagi kong maaalala na anak siya ng babaeng sumira sa pamilya ko. "Bitawan mo ko, Sage!" Buong lakas ko na iniaalis ang pag

