"Vera, kahit na ayaw mo na akong makita ay nagpumilit pa rin ako na pumunta dito," malungkot na sabi niya. "Vera, gusto kong humingi ng tawad sa'yo. Alam ko malaki ang pagkukulang ko saiyo at gusto kong bumawi. Give me another chance, Vera." Nangilid ang mga luha ko. "Hindi madali ang pinagdaanan ko. Namatay si Mama at ikaw tuluyan mo na akong tinalikuran. Lagi kong ipinagdadasal na sana ay kunin na 'ko ni Mama kasi ang hirap....ang sakit sakit. I'm just a 13 years old girl at hindi ko alam kung paano ako magpapatuloy mag-isa." Napahikbi ako. "Veranica, patawarin mo ako. Mahal na mahal kita, anak ko. Kung sana ay maibabalik ko lang ang nakaraan, hinding hindi na ako aalis nung gabi na 'yon at titiisin ko na lang ang mga pang-iinsulto ng mama mo." Umiiyak na si Papa. Ngumiti naman ak

