Ilang araw na ang nakakalipas mula nang tawagan ako ni Sage at hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang tuwa sa puso ko. "Let's go?" Tumango naman ako kay Dark. Pupunta kami ngayon sa ospital para magpaultra sound. Sobrang excited na ako kasi malalaman na namin ang gender ni Baby. Inalalayan naman ako ni Dark papunta sa kotse. "Sobrang excited na 'kong malaman ang gender ng baby natin-I mean ng baby mo, Vera." Pumeke pa ng ngiti si Dark. Nginitan ko na lang din siya. Tuwang-tuwa naman kami ni Dark nang makita si baby sa monitor. "Are you ready to know the gender?" masayang tanong ni Doctora Sach. Excited naman akong tumango. "Your baby is a girl." Napatili naman ako. "Oh, My God!" Napayakap pa ko kay Dark dahil sa sobrang saya ko. Naisipan namin na wag munang sabi

