"Vera, stop texting! Ang liwanag ng phone mo." saway sa'kin ni Sazy. Nandito kami ngayon sa loob ng cinema dahil day off ni Celine at naisipan namin na magkaroon ng bonding na mga girls nagmukmok pa sina Dark at Liam dahil gusto nilang sumama kaya lang ayaw pumayag ni Celine. "Sino bang tinetext mo? Si Kuya Dark?" dagdag pa ni Sazy. Umiling naman ako nagkatinginan pa kami ni Celine pagkatapos ay ngumiti siya. From Sage: What are you watching? Hindi ako matigil-tigil sa pagtetext dahil itong si Sage ay ang sipag magreply ngayon. To Sage: 'Yong latest na Romantic film. Sinamaan naman ako ng tingin ni Sazy nang makitang nagtetext nanaman ako. Hindi na nagreply si Sage kaya natahimik na rin ang kamay ko sa pagtatype. "Nakakaiyak naman 'yong movie." Nagpupunas pa ng luha si Sazy

