Prologue
Henrietta woke up in an unfamiliar bed. Memories of what happened last night flooded her mind. Napatingin siya sa tabi niya at nakita ang matipuno na likod ng lalake na naka-one night stand niya. Ang lalake na unang pinagbigyan niya ng sarili bago siya ma-hire sa Seductress. A smile curved in her lips when she remembered what happened. It was a long and wild night.
Tinanggal niya ang kumot at napangiwi sa hapdi ng nasa gitna ng mga hita niya. Lantad na ang hubad niyang katawan.
"F-uck," she whispered then smirked. "But it's worth it."
Dinampot niya ang mga nagkalat niyang damit. Muntik pang punitin ng lalake kagabi ang underwear niya dahil sa sobrang gigil sa kaniya, mabuti na lang pinigil niya. She bit her lower lip as she got dress. Mabagal siyang pumunta sa comfort room para maghilamos at mag-ayos ng sarili.
She took her time to appreciate her beauty. She has a long wavy hair that is brownish. Pinalagyan niya 'yon ng highlights kaya mas lalong gumanda. Her nose and cheekbones were well-sculpted. Natural na mapungay ang mga mata niya na na-emphasized pa dahil sa makakapal niyang pilikmata. Her face is small and heart-shaped. Henrietta Maevelyn has a really gorgeous face that demands attention from everyone.
Maikling dress at high-heeled sandals ang suot niya kagabi kaya 'yon din ang suot niya ngayon. Paglabas niya sa cr ay dinampot niya ang itim na longsleeve polo na suot kagabi ng lalake na nakasiping niya saka 'yon sinuot. She will take it to cover herself and as a remembrance from the man who took her v-irginity.
"He really smells so good," aniya nang malanghap ang bango ng lalake mula sa polo.
Lumapit siya sa kabilang side ng kama saka yumuko para matitigan ang lalake na tulog na tulog. Henrietta giggled upon seeing his handsome face again. Hinaplos niya pa ito saka magaan na hinalikan. Inilayo niya ang mukha at kinagat niya ang sariling labi.
"Thanks for the wild s-ex. That was a good experience," she naughtily whispered.
Kung wala lang siyang pasok ngayon sa school ay baka nag-stay pa siya para pag gising ng lalake ay another round but she can't do that. Although maharot siya, mahalaga pa rin sa kaniya ang pag-aaral.
Umalis siya sa condo unit nito dala ang clutch bag niya at agad na bumaba para pumara ng taxi. She felt stressed when she realized that she will be late in class. After one and a half hours of travel, the taxi entered the subdivision where her home is situated. Huminto 'yon sa harap ng mansion at nagbayad siya bago bumaba.
Pinagbuksan siya ng guard nila ng gate. Pagpasok na pagpasok niya sa mansion ay sinugod agad siya ng kurot ng mayordoma nila.
"O-ouch, Nanny! Ano ba?" reklamo niya at napasimangot saka hinaplos ang tagiliran niya.
Pinanlakihan siya nito ng mata. "Ikaw talaga, Henrietta, saan ka galing? Mabuti napagtakpan kita sa Mommy at Daddy mo!"
Napairap siya at tumungo sa dining area. Nakasunod sa kaniya ang mayordoma.
"As if they will care if I'm gone," sagot niya. "Sh-it, I'm starving. Pwede pa rin ba ako kumain dito sa bahay o cut off din 'to?" sarkastiko niyang tanong saka umupo sa harap ng mesa.
"Kumain ka na lang. Pinagtabi naman kita ng breakfast mo," sabi ng matanda at hinandaan na siya ng mga gagamitin niya.
Henrietta sighed and watched her nanny. Ito lang ang bukod-tangi sa mansion na 'yon na may pakialam sa kaniya. She's living in a rich mansion but in reality, she's broke now. Palalayasin na rin siya dito soon.
Her parents hate her so much.
Magana siyang kumain dahil nagutom talaga siya. Grabe ba naman ang pagod niya sa nangyari kagabi. Pinagmasdan siya ng mayordoma.
"Baka kung anu-ano na ang ginagawa mo, Henrietta, ha? May pera ka pa ba?" tanong nito sa kaniya.
She smirked. "Don't worry about me, Nanny. Naka-apply na ako kahapon. I'll be hired one of these days," she confidently uttered.
Napaupo ang matanda sa harap niya at lalong nag-alala. "Anong trabaho? Eh ni wala ka ngang alam na trabaho. Ewan ko ba naman sa mga magulang mo. Halos itago ka rito sa mansion buong-buhay mo tapos spoiled na spoiled ka tapos biglang papabayaan ka na lang?" Napailing-iling ito.
Nakaramdam ng pait si Henrietta ngunit pilit niyang kinalimutan 'yon. Her parents suddenly want to push her away after sheltering and spoiling her too much, all her life. Kaya wala tuloy siyang ideya ngayon paano mabubuhay.
"I'm done. Asikaso lang ako saglit. I have class today," aniya at umalis na sa mesa.
Henrietta took a bath. Habang nasa ilalim ng shower ay 'di niya maiwasan na maalala ang nangyari sa kanila ng estranghero na 'yon. She also noticed a lot of kiss mark on her body. Mabuti na lang karamihan no'n ay sa dibdib at sa may inner thighs niya.
Matapos ay nagbihis na siya. Ang skirt nila ay dapat right above the knee lang. But she is Henrietta Maevelyn Olivarez, so it was shorter. Nasa gitna na 'yon ng hita niya. Hapit din ang blouse niya kaya kitang-kita ang napaka-sexy na kurba ng katawan niya. Ang requirement na 3-5 inches heels sa sapatos ay ginawa niyang 6 inches ang kaniya. It emphasized her long doll-like legs.
She put a lipgloss and sprayed some perfume on her wrist and neck.
Since her parents cut off her allowance, she have to commute. Mabuti na lang ay marunong na siya kahit papaano. Agaw-pansin siya sa jeep ngunit wala siya roon pakialam. She's busy on her phone.
Her eyes widened when a notification popped up. Galing 'yon sa Seductress. She pressed it and she learned that she's finally hired.
Napahalakhak siya at gumaan kahit papaano ang pakiramdam. Passengers looked at her but she didn't even glance at them.
Tumaas ang sulok ng labi niya. Akala ng parents niya, hindi siya mabubuhay ngayong pinabayaan na siya ng mga ito. She smirked triumphantly.
Binasa niya ang pangalan ng nag-hire sa kaniya.
'Maximus Logan Fuentallion'
She silently wished that he's not too old. She crossed her fingers and closed her eyes.
"Please, huwag sana expired na hotdog," bulong niya.
Pagdating sa school ay sinalubong siya ng pagbati ng mga nakakasalubong na kapwa estudyante. Lahat ng 'yon ay lalake mula sa iba't ibang year. She greeted them back with her natural seductive smile. Karamihan ng babaeng estudyante ay either nahihiya sa kaniya, naiinggit, o galit. There are just few of them who like her.
Pagpasok niya sa unang subject ay late na siya pero hindi naman siya pinagalitan ng matandang professor. She noticed that her two friends, Gale and Louise were absent. Kasama niya ang mga 'yon na uminom at sumayaw sa club kagabi.
Nang second subject na ay no'n niya lang nalaman na mapapalitan ang professor nila na babae dahil nag-maternity leave na ito, malapit na manganak. She focused on her phone while her classmates were doing their things.
"Good morning," bati ng baritonong boses.
Tumayo si Henrietta kasabay ng mga kaklase niya, ang mga mata ay nasa cellphone pa rin. Nagmamadali siyang nagtipa bago iyon pinatay at binalik sa bag.
"Good morning, Sir!" bati nila pabalik.
"I'm your new professor, substitute for Ma'am Alma," saad nito habang nakatalikod at nagsusulat sa board.
Ipinatong ni Henrietta ang hita niya sa isa pang hita niya saka nangalumbaba at pinagmasdan ang nakatalikod na professor. She unconsciously bit her lip when she noticed his broad shoulder. Matangkad din ang professor at kahit nakatalikod, mukha talagang gwapo. She sighed dreamily. Naalala niya ang stranger na pinagbigyan niya ng sarili.
Nang humarap ito ay unti-unting nanlaki ang mga mata niya. She knows that face very well!
Itinuro ng lalake ang whiteboard. "This is my name but just call me Sir Logan."
Binasa 'yon ni Henrietta at lalo siyang hindi makapaniwala.
Their professor isn't just the man she had one night stand with last night. Ito rin ang nag-hire sa kaniya sa Seductress!
Their eyes met and they both realized that they are doomed.