"KAKALBUHIN NA KITA!" malakas kong sinigawan si Jio dahil sa kalokohan niya. Parang timang kasi. Kakalipat pa lang niya rito, naghahanap na agad ng kaaway. Hindi si Nathaniel, ah. Ako. Ako ang makakaaway niya dahil sa mga pinagsasabi niyang hindi naman totoo. Abnormal kasi, bakit kailangan pang lumipat dito kung kailan ga-graduate na? Tripping, amp. Feeling close. Parang 'di naman siya ganito nu'ng binangga niya ako sa mall, ah. Kinalabit ako ni Akira dahil napatayo na naman pala ako at napalakas pa ang boses ko. Pinagtitinginan tuloy ng mga tao ang pwesto namin. Yumuko ako at pinipigilan ang kahihiyang gustong ilabas ng katawan ko. Dahan-dahan akong umupo. Kasabay noon ang pagsunod ng mga mata ni Jio sa ginagawa ko. "Sorry, guys," pabulong kong sabi sa mga kaklase ni Akira.

