“Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo, Jio? Sa harap talaga ng mga magulang ni Shine?” medyo galit na sabi si Tito James. Napatayo na rin ito. “Bakit ayaw mong pakasalan ang anak ko, Jio?” mahinahong tanong naman ni Papa. “Ayoko pong ikasal sa kaniya kung dahil sa kumpaniya ang gusto ninyo. Ikakasal ako sa kaniya dahil mahal ko siya at mahal niya ako,” pahayag ni Jio at nilingon ako sabay hawak sa kamay ko na nasa lamesa. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. May mga luhang nagbabadya sa mga mata ko. Napakababaw ko talaga pagdating sayo. Mabilis ko ring inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya kaya napatingin siya sa akin. Siguro ay naaalala niya ang mga sinabi ko noon tungkol sa amin ni Harry. Napangiti naman sila Mama na tila mga nabunutan ng tinik sa lalamunan. “Sana kasi si

